Home / Fantasy / The Chosen Wife / Chapter Thirty-five: Kabiguan

Share

Chapter Thirty-five: Kabiguan

last update publish date: 2024-01-17 23:54:40
. Hinihingal na tumatakbong palayo si Purisima habang hinahabol ng isang Adonang werewolf. Wala siyang makitang mahihingan ng tulong kaya kahit pagod na pagod na at masasakit na rin ang kaniyang mga paa, pilit pa rin siya sa pagtakas.

"Saklolo, Lord Father Adonai!" Sigaw niya.

"Akala mo ba ay maililigtas ka ng kinikilala mong diyos? Katapusan mo na, Mortana!" Sigaw ng Adona.

Napapahagulgol na lamang siya habang tumatakbo. Nababalot siya ng takot at kawalang pag-asa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred Twenty-one: Panibagong Pangitain

    Kasalukuyang kumakain ang buong mag-anak ni Nahor isang noon-hour sa kanilang fortune teller cabin."Ako ay nalulugod para sa tuluyan mong paggaling," saad ni Nahor habang hinihimay ang pagkain nito. Kausap nito ang asawang si Linosa.Gumanti ng ngiti si Linosa at sumang-ayon, "Alay ko sa inyong lahat ang paggaling ko. Mahabang panahon din akong naging pasanin sa inyong lahat."Inabot ni Nahor ang kamay ng asawa at umiling. "Hindi ka pasanin sa amin ng mga anak natin. Ikaw ang pinakamahalaga sa amin. Masaya kaming inaalagaan ka."Nagkatinginan sina Hulda at Hannah.Napayuko naman si Hadassa at nagsubo ng pagkain. Marahan siyang ngumunguya nang maramdamang sinipa ni Hannah ang kanan niyang paa.Muntikan pa siyang masamid at pasimpleng tinitigan ang bunsong kapatid.Napuna niya ang pagbikas nito na walang lumalabas na tinig. Ngunit nabasa niya ang sinasabi ng bibig nito."Tanungin mo na si Mama tungkol sa panaginip mo," nakakunot ang noong pag-unawa niya sa nais nitong ipahiwatig.Agad

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-twenty: Ang Kapatid ng Maysakit na Hari

    "Older Brother!" tawag ng sixteen Melyntor years old na si Prinsesa Samerah sa kapatid.Kalalabas lamang niya ng silid at ang mga tagapaglingkod na naman ang una niyang nasilayan."Isang masayang morning hour sa iyo, Prinsesa Samerah! Ang mahal na Prinsipe Jehu ay nasa kaniyang pagsasanay." Magiliw na bungad sa kaniya ni Chai, isa sa pinakabatang tagapaglingkod ng palasyo.Inirapan niya ito. "Paano mo naman nalaman na nasa kaniyang pagsasanay ang aking kapatid? Sinusubaybayan mo ba siya?"Batid niyang namula ang mga pisngi ng tagapaglingkod dahil sa tanong niya.Nataranta ito at nagwika, "Hindi po, Prinsesa Samerah! Nagpunta kasi rito sina Prinsipe Nimrod at Prinsipe Chezedek. Hinanap nila ang inyong kapatid sapagkat sila ay nakatakda raw na magsanay ngayon."Nagsalubong ang kaniyang mga kilay at tinitigan ito mula ulo hanggang paa. Bumuntong-hininga siya bago nag-usisa. "Kanina pa ba sila umalis?""Hindi pa po nagtatagal, Prinsesa."Mang-uusisa pa sana siya nang mapuna ang isa pang

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-nineteen: Sapilitang Pakikipag-iisang-dibdib

    Kinailangan ni Reyna Milcah na magpunta ng Way Kingdom upang damayan si Inang Reyna Liana. Malubha na ang karamdaman ng anak nito na si Haring Jehu.Mula nang maging reyna siya ay naging adbokasiya na niya ang damayan ang mga kapwa reyna maging mga inang reyna sa ano mang pasanin ng mga ito. Prinsesa pa lamang siya ay natunghayan na niya ang mga paghihirap na kinaharap ng kaniyang ina na si Reyna Qinlan.Tumatak sa kaniyang isipan na kaakibat ng pagiging reyna ang pagiging ina ng buong kaharian. Kailangang manatiling matatag upang tulungan ang hari.Ngunit ang mga reyna at inang reyna ay mga Mortan lamang. Para sa kaniya, ang mga tulad ni Inang Reyna Liana at Reyna Qinlan ay nararapat ding makaranas ng suporta mula sa iba pang reyna at inang reyna."Handa na po ang karwahe ninyo, Reyna Milcah." Pagbibigay-alam ni Lexie.Itinigil ni Reyna Milcah ang pagsusuklay na buhok. Nilingon niya ang first-ranked attendant."Salamat, Lexie. Sabihan mo si Harvan na mauna na sa karwahe. Hinihintay k

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-eighteen: Ang Nababagabag Na Ina

    "Harvan," tawag ni Zillah sa second-ranked attendant. "Pinatatawag ka ng mahal na reyna."Itinigil nito ang ginagawang palamuti sa gawaan ng dekorasyon. Tumayo ito at lumapit sa pintuan kung saan siya sumilip."Bakit, Zillah? May ipag-uutos ba si Reyna Milcah?"Humugot siya ng malalim na hininga bago tumugon. "Tayo ay magpupunta ng Way Kingdom at may ipagbibilin siya sa iyo.""Ganoon ba? Susunod na lamang ako sa iyo, Zillah. Itatago ko lang muna ang mga ito.""Magkita na lamang tayo mamaya."Nakangiting tumango si Harvan. "Sige, Zillah!"Isinara na niya ang pinto sa gawaan ng dekorasyon at bumuntong-hininga. "Sunod-sunod na dagok ang kinakaharap ng mga maharlika ng Guzen. Huwag naman sana madamay ang mga tulad ni Harvan sa kalungkutan ng mga reyna at prinsesa sa Way Kingdom at Light Kingdom."*****Matapos ang ginagawa ay agad na tinungo ni Harvan ang himpilan ng bagong reyna.Kumatok siya sa pinto."Harvan? Ikaw na ba iyan?" narinig niyang tanong ng reyna na nasa loob ng himpilan nit

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-seventeen: Ang Seremonya Ng Pamamaalam

    Pinangunahan ni Armida ang seremonya ng pamamaalam para sa yumaong Datu Nebunizar.Ang lahat ng mga Adono at Adona sa kanilang werewolf clan ay tumatangis.Limang henerasyon ang pinamunuan ng yumaong datu. Sa loob ng mahabang panahong iyon ay inilaan nito ang buhay para sa kanilang kampo."Ikinalulungkot ko, Siviro." Naluluhang pagpapaabot ng dalamhati ni Sharina sa kababata.Tumango lamang si Siviro ngunit hindi lumingon sa kaniya.Pinili niyang ngumiti at tinapik ito sa balikat. "Ihahanda ko lamang ang aking grupo para sa seremonya. Sasabihan ko na rin si Carlos para maging alerto ang grupo ninyo."Nakita niya ang paghugot ng malalim na hininga nito. "Salamat, Sharina."Iniwan na niya ito at nagtungo sa mga kagrupo niya.Lumapit sa kaniya si Joross at bumulong, "Kumusta ang magiging bagong datu, Leader?"Lumingon muna siya sa direksyon ni Siviro bago bumulong sa kausap. "Mailap pa rin siya sa pakikipag-usap, Joross. Ang mabuti pa ay maghanda na kayo para sa pagtapos ng seremonya."T

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-sixteen: Ang Pagkakaisa ng Dalawang Werewolf Clan

    "Aking Binibini!" halos mawala sa sariling sigaw ni Ram Luiz nang maabutang nakahandusay si Deborah.Duguan ito at puno ng sugat sa buong katawan. May pulso pa ito nang pakiramdaman niya ngunit mabagal."Sino? Sino ang gumawa nito sa kaniya?" palatak niya na napayakap na lamang sa kabiyak.Lumapit sa kaniya si Sharina na marami ring kalmot at pasa sa katawan.Nanghihina pa ito nang sagutin ang tanong niya. "N-nagkasagupa s-sila ni Dayang Victoria... Ibinuhos niya ang galit sa pakikipagtunggali."Matalim na tingin ang iniukol niya rito. "Magbabayad siya. Pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito sa binibini ko.""Ilang ulit niyang binabanggit ang pangalan mo, Adult Ram Luiz. Parang nakikita ka niya at nakakausap kanina." Mahina ang tinig na pagbabahagi nito."Gayon din ako, Sharina. Habang nakikipaglaban ako ay naririnig ko ang tinig niya. Inakala ko nga na magkalapit lang kami." Tugon niya."Kailangang dalhin natin siya sa babaylan. Masidhi ang tinamong mga sugat sa buo niyang katawan.

  • The Chosen Wife   Chapter Ninety: Nagbabadyang Pagpanaw

    Ilang sandali ring naghintay si Prinsipe Jeto sa palasyo ni Haring Yusef. Mahalaga ang usaping ibabahagi niya sa mga hari kaya minabuti niyang manatili kahit hindi niya tiyak ang panahon ng pagdating nina Haring Yusef."Prinsipe Jeto, ang mahal na Haring Yusef at si Haring Chezedek ay dumating na."

  • The Chosen Wife   Chapter Eighty-nine: Ang Tagapaglingkod Na Si Harvan

    Nalaman ni Reyna Milcah na nagtungo ang kaniyang amang hari sa palasyo ni Haring Yusef kaya siya ay nagpahatid doon upang makita ito. Ang second ranked attendant niyang si Harvan ang tanging isinama niya."Mabuti at naririto ang amang hari sa Light Kingdom, Harvan. Nais ko sanang dalawin sila ni ma

  • The Chosen Wife   Chapter Eighty-eight: Si Prinsipe Jeto

    Nabagabag si Datu Nebunizar dahil sa werewolf na napuna ni Deborah na nagmamanman sa Edoma Forest. Inaalala niya na marahil ay marami nang nakalap na impormasyon ang espiya tungkol sa mga miyembro ng kanilang werewolf clan."Armida!" tawag niya sa babaylan nang dumating ito."Ano po iyon, mahal na

  • The Chosen Wife   Chapter Eighty-seven: Espiya sa Edoma

    Dahil gumaling na si Ram Luiz ay nakapagdesisyon na si Deborah. Magtutungo na siya sa Gypto upang tumulong sa kaniyang witch clan at sorcerer clan."Maraming salamat sa pag-aalaga mo, aking binibini. Ikaw ang dahilan ng mabilis na paggaling ko." Pasasalamat sa kaniya ni Ram Luiz habang inihahatid s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status