"Bilis Eldest Sister! Bilis pa!" masayang sigaw ni Hananiah. Mabibilis na tumakbo ang mga zombies para habulin sina Deborah, Anarah at Hananiah.
Tatlong Melyntor years din niyang inasam na muli silang isasakay ng kanilang Eldest Sister sa broomstick nito.Kaya naman ay naisipan niyang bigyan ito ng positibong puna, "Hindi pa rin talaga kumukupas ang galing mo sa pagsakay sa broomstick Eldest Sister!"
"Huwag kang mag-alala, Anarah, kapag nakapasok ka sa Gypto Academy ay mas mabilis ka pang magmaneho ng broomstick..."
"Sana nga makapasok ako sa eskwelahang iyon..."
"Ako din, sana makapasok din ako sa Gypto Academy Eldest Sister!" sabi naman ni Hananiah.
"Oo naman! Ngunit bago iyan ay kailangan muna nating makalabas sa lugar na ito...." nakangiting sabi ni Deborah na mas lalo pang pinabilis ang pagmamaneho.
Bagamat nakakakaba ang paghabol sa kanila ng mga zombies ay masaya pa din sina Anarah at Hananiah. Matagal na panahon na din ang lumipas mula nang huling isinakay sila ni Deborah sa broomstick. Inakala ni Hananiah na iyon na ang huling beses kaya sa muling pagsakay nila ay mas nangibabaw ang saya at pananabik niya dahil batid niyang unti-unti nang bumabalik sa dating sigla nito ang kanilang Eldest Sister.
Ang mga mamamayan ng Gypto ay nagtipon-tipon upang salubungin ang pagdating ni Amram Balaam. Isa si Amram Balaam sa mga prinsipe ng Gypto at siya ang may pinakamataas na ranggo sa kanilang Sorcerer's clan. Dahil siya ang nagpasimuno na ipagdiwang ang unang bahagi ng pagbilog ng mga happy moon sa kalangitan ay naatasan si Amram Balaam na ianunsyo ang paghahanda para sa gaganaping Happy Moon Festival.
Tinipon nila ang mga mamamayan upang opisyal na ianunsyo ang magaganap na pagdiriwang nito.
"Mga mamamayan ng Gypto, magbigay-galang sa pagdating ng Prinsipe Amram Balaam!" At ang lahat ng mga mamamayan ay nagsiyuko tanda ng kanilang pagbibigay-galang.
"Para sa mga wizards, sorcerers, magicians, witches at iba pang mga nilalang na naninirahan dito sa Gypto, ay ikinagagalak ko na kayo'y muling masilayan...."
Habang nagbibigay ng talumpati si Amram Balaam ay hindi naman mapakali si Gamarah sapagkat wala pa sina Deborah, Anarah at Hananiah.
"Anong nangyayari sa iyo, aking anak at tila ba ay nababalisa ka?" puna kay Gamarah ng kanyang biyanan at tiyahin na si Gayumarah.
"Ipagpaumanhin niyo po Mama, ako lamang ay nababagabag sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi ang aking mga anak na sina Deborah, Hananiah at Anarah...."
Hinagod muna ni Gayumarah ang kanyang balikat bago siya pakalmahin, "Ikaw ay huminahon, aking anak.... pasasaan ba at uuwi rin sila..."
"Ilang Melyntor days na lamang at magsisimula na ang Happy Moon Festival kaya inaasahan ko ang lahat na makilahok sa pagdiriwang...."
Pagkasabi noon ni Amram Balaam ay nagbigay-pugay sa kanya ang mga mamamayan, "Mabuhay si Prinsipe Amram Balaam!!!"
Bago bumaba sa pulpito si Amram Balaam ay nagulat siya sa pagdating ng kanyang mga apo na sina Deborah, Anarah at Hananiah.
"Totoo ba itong nakikita ko, Anak?" namamanghang sabi ni Gayumarah.
"Siya nga Mama! Ang mga anak ko nga!" naluluhang bulalas ni Gamarah habang nakangiti. Hindi makapaniwala ang lahat sa kanilang nasaksihan.
Si Deborah na mahabang panahon nang hindi gumagamit ng witchcraft at darkmagic ay muling sumakay ng broomstick kasama ang kanyang mga younger siblings.
Upang magbigay-galing sa kanilang grandfather ay bumaba ng broomstick ang mga magkakapatid
"Pagbati aming Grandfather na prinsipe...." nakayukong bungad ni Deborah kay Amram Balaam.
Yumuko din sina Anarah at Hananiah sa harap ni Amram Balaam bilang paggalang.
Biglang nagngitngit sa galit si Jethro Aron, "Mukhang nakuha na naman ng ating pamangkin ang atensyon ng ating amang prinsipe...."
Batid ni Reuel Iriam ang pagkainis sa pagsasalita ni Jethro Aron. Bumuntong-hininga na lamang siya. Mula kasi pagkabata ay malaki na talaga ang kinikimkim na hinanakit ni Jethro Aron sa kanilang Youngest Brother na si Hoziah Mosen.
Pakiramdam kasi ni Jethro Aron ay kay Hoziah Mosen lamang nakatuon ang atensyon ng kanilang mga magulang. Kahit sa kanilang pagtanda ay dala pa rin nito ang galit kay Hoziah Mosen.
"Nakatutuwang isipin na nagpupursige ang ating pamangkin..." sabi na lamang ni Reuel Eriam.
"Pagsisikap na pala ang tawag mo sa ganyang asal, Eldest Brother?" puna naman ni Jethro Aron, "Kung sa bagay ay mas kapansin-pansin din naman ang mga maliliit na nagagawa ng mga panganay, hindi ba?" Hindi na lamang umimik pa si Reuel Eriam sapagkat talastas niyang mauungkat na naman ang usapan nila ni Jethro Aron sa pamilya ni Hoziah Mosen.
Magmula nang mawala si Hoziah Mosen ay kay Gamarah na at sa mga anak nito nakatuon ang paghihinanakit ni Jethro Aron. Kilala niya ang nakababatang kapatid, hindi ito basta-basta magpapatalo.
"Mahusay apo ko! Tunay ngang hindi mo binigo ang iyong witch clan, sa kabila ng iyong pagdadalamhati ay nagpursigi ka pa ding maging isang magaling na Eldest Witc!" pagpuri ni Amram Balaam sa kanyang grand daughter na si Deborah.
Ngumiti lamang si Deborah at yumuko sa harap nito. Matapos purihin ni Amram Balaam si Deborah ay si Gamarah naman ang pinuri nito.
"Mahusay, aking anak! Hindi mo sinukuang hikayatin ang iyong eldest daughter na muling mag-aral ng witchcraft at dark magic. Ngayon ay inaani mo na ang iyong pinaghirapan" pamumuri ni Amram Balaam kay Gamarah.
"Salamat, ama naming prinsipe!" malugod na tugon ni Gamarah sa kanyang biyanan. "Kung nandirito lamang si Hoziah ay makikita niya kung gaano mo pinagbuti ang iyong tungkulin sa mga anak mo at sa buong witch clan! Hindi ako nagkamaling ipamana sa iyo ang Eldest Witch Position noong ikaw ay bata pa!" halos maluha sa tuwang sabi naman ni Gayumarah habang hinahagod ang magandang buhok ni G
Kinagabihan ay ikinuwento nina Anarah at Hananiah sa mga nakababatang kapatid na sina Mishael at Azariah ang kabayanihang ginawa ni Deborah.
"Akala talaga namin ni Hananiah ay hindi na kami makakalabas ng Zombies' Border pero mabuti na lang at dumating ang Eldest Sister!" pagbibida ni Anarah.
"Talaga, Big Sister?! Tapos noon, ano pa ang nangyari?" sabik namang tanong ni Mishael.
"Ayun! Isinakay kami ng Eldest Sister sa broomstick at hindi na kami mahabol na mga zombies na humahabol samin ni Big Sister...." swabeng pagkukwento naman ni Hananiah.
Masayang nagkukwentuhan ang mga nakababatang kapatid ni Deborah nang dumating ang kanilang mama at nagkumento, "Hindi sapat ang pagsakay lamang sa broomstick para makapagligtas ng buhay."
Biglang napalitan ng kaseryosohan ang masaya sanang kuwentuhan nina Anarah.
"Bilang tagapagmana ng Eldest Witch Position ay kailangan pang pag-igihan ng Eldest Sister ninyo ang pag-aaral ng witchcraft para maprotektahan niya kayo at ang buong witch clan." dagdag pa ng mama nila.
Sa sinabi ng kanyang mama ay natigil ang kasayahan ng mga nakababatang kapatid ni Deborah.
Tumango na lamang ang mga ito sa sinasabi ng mama nila at nagpasya nang magpunta sa kanikanilang silid.
Upang makaiwas sa mga sasabihin pa ng kanyang mama ay lumabas na lamang si Deborah sa kanilang witch cabin upang mapag-isa.
"Palagi na lamang hindi sapat para sa kanya ang ginagawa ko...hindi ba niya alam na nangungulila pa rin ako sa pagkawala mo Papa?" puno ng hinagpis na sigaw ni Deborah.
Sa tuwing sumasama ang loob niya ay nagpupunta siya sa isang lugar na malayo sa karamihan upang kausapin ang kanyang papa.
Sa ganoong paraan ay nararamdaman niyang kahit na hindi niya nakikita ang kanyang papa ay nakakausap niya pa rin ito. Natigil ang paghihinanakit ni Deborah nang mabatid ang isang nilalang na tila nagmamasid sa kanya.
"Sandali! Ano iyon?" Hinabol ni Deborah ang nilalang na tila nagmamasid sa kanya ngunit mabilis ang pagkilos nito.
"Hoy! Tigil! Ano'ng pakay mo?" sigaw niya habang hinahabol ang nilalang. Nakawala sa kanyang paningin ang nilalang kaya labis ang panghihinayang niya na hindi ito naabutan. "Sigurado ako. Isa siyang Ninja! Ngunit ano kaya ang ginagawa niya sa aming lugar? Balak ba niyang mag-espiya sa amin?"
"Eldest Sister...." narinig na lamang ni Deborah na tawag ng kanyang younger sister na si Anarah.
Huminga muna siya nang malalim bago humarap dito, "Ikaw pala Younger Sister! Kanina ka pa ba diyan?"
Ngumiti ito, "Ba't ka nandito ka Eldest Sister? May pupuntahan ka ba?".
"Nagbabakasakali lamang na makakita ng red firefly, maganda kasing ang kanilang pakpak bilang wild ointment." palusot niya.
Matalinong paslit si Anarah, alam niyang batid nito na nagpapalusot lamang siya ngunit ugali nito na magkunwaring walang alam sa totoong pinagdaraanan ng isang nilalang.
Kaya naman hindi na siya nagsabi pa ng kung ano dahil kahit magpalusot siya ay alam niyang ramdam nito ang totoong dahilan ng kanyang pag-iisa, iyon ay ang hinanakit niya sa mama niya.
Muli itong ngumiti na hindi maaaninagan ng pag-uusisa, "Ganun ba Eldest Sister? Kung ganun ay mauuna na akong bumalik sa witch cabin!"
"Sige, sunod na lamang ako, Younger Sister!" sabi niya. Nang makaalis si Anarah ay nakahinga ng maluwag si Deborah.
Tama ang mama niya, hindi niya mapoprotektahan ang kanyang mga kapatid sa pamamagitan lamang ng pagsakay ng broomstick.
"Kung ano man ang pakay ng ninja na iyon ay kailangan ko itong paghandaan..."
Matapos makipag-usap ni Deborah kay Arahab sa hardin ay pumasok na sila sa pasilyo ng palasyo.Laking gulat niya nang maratnan nila ni Arahab si Prinsesa Nini at si Haring Yusef.Napatitig siya sa hari. Nang magkasalubong ang kanilang mga mata'y agad niyang binawi ang tingin dito."Naririyan po pala kayo, Prinsesa Nini at mahal na hari," pasimulang bati ni Arahab sa dalawa."Oo, Prinsesa Anarah. Sa katunayan ay naririto kasama namin si Prinsipe Lamech kanina lamang." Nakangiting pag-sang-ayon ng prinsesa."Ganoon ba, mahal na prinsesa?""Siyang tunay, Prinsesa Anarah. Ngunit hinihintay ka na niya ngayon sa inyong karwahe." Sagot nito.Nagtinginan sila ng kaibigan bago ito muling bumaling sa prinsesa. "Kung gayon, ako'y magpapaalam na, mahal na Prinsesa Nini at mahal na Haring Yusef.""Samahan na kita palabas ng palasyo, Prinsesa Anarah. Hindi pa tayo nakakapagkuwentuhan mula kanina." Wika ni Prinsesa Nini."S-samahan ko na po kayo sa paghahatid sa aking kapatid, P-prinsesa Nini," nat
Kahit nakatabi ni Prinsesa Nini si Haring Yusef sa pagkain, hindi sila masyadong nakapag-usap nito. Pareho silang naabala ng mga tanong nina Haring Chezedek, Reyna Qinlan, at Inang Reyna Purisima sa kanila. Tila ba ang mga ito ang mag-iisang-dibdib at hindi sila ng hari.Kaya nang matapos ang kanilang sabay-sabay na pagkain ay hinanap niya agad si Haring Yusef. Nais niya itong makausap nang masinsinan tungkol dito at kay Deborah.May nakapagsabi sa kaniya na nakita raw itong kausap si Prinsipe Lamech sa pasilyo malapit sa hardin. Doon niya nga namataan ang mga ito."Mahal na Haring Yusef." pukaw niya sa pansin nito.Lumingon naman ito at ang kapatid nitong prinsipe sa kaniya."Maaari po ba tayong mag-usap?" tanong niya.Nagkatinginan ang dalawa."Mauna na muna ako, Younger Brother. Sa labas ko na lamang hihintayin ang aking asawa." Paalam naman dito ni Prinsipe Lamech."Maraming salamat sa inyong pagpunta ni Prinsesa Anarah, Older Brother." Pagpapasalamat dito ng hari."Paalam, Prins
Naganap ang salo-salo ng dalawang pamilya sa palasyo ng prinsesa.Gayak na gayak ang mga asawa ng mga kapatid na prinsipe ng hari. Hindi nagpatalo si Arahab sa mga prinsesa pagdating sa kasuotan.Naglagay siya ng mga palamuti na bumagay sa kaniyang wangis. Tiniyak niyang aangat ang kaniyang postura sa lahat."Napakaganda mo, Prinsesa Anarah," puri sa kaniya ng asawang si Prinsipe Lamech.Itinaas niya ang mukha at ngumiti rito. "Salamat, Prinsipe Lamech. Sinisikap ko talaga na maging maganda sa iyong paningin."Napangiti ito sa sinabi niya. Inilahad nito ang kamay upang siya ay alalayan.Habang naglalakad papasok sa palasyo ni Prinsesa Nini ay nakasalubong nila sina Harvan at Lexie."Pagbati, mahal na Prinsipe Lamech at Prinsesa Anarah!" bati sa kanila ng dalawa.Lumapit siya nang bahagya kay Harvan at bumulong, "Harvan, hindi ba't napakaganda ko sa kasuotang ito?"Bumulong din sa kaniya ang dating kasamahan. "Kahit ano pa ang iyong kasuotan ay tunay na ikaw ay maganda, Prinsesa Anarah
Dahil inihalal na ni Haring Yusef si Prinsesa Nini bilang kabiyak nito, maraming pagbabago ang magaganap sa kaniyang palasyo.Hindi na niya kailangang dumalo sa pagdiriwang ng ikaapatnapung kaarawan ni Prinsipe Jeto. Kaya naman ang paghahanda ng mga tagapaglingkod sa pagpunta niya ng Way Kingdom ay naudlot. Mas naging abala na ang lahat sa pagbisita ng pamilya ni Haring Yusef sa palasyo niya."Dalian mo riyan, Harvan, kailangang maikabit na ang mga palace curtain bago ang pagsapit ng evening hour." Paalala rito ni Lexie na abala sa pamumuno ng pag-aayos ng mga palamuti."Hindi ba't si Deborah ang nagpapalit ng mga ito? Bakit ako ang iyong nautusan sa ganitong gawain?" pagtataka naman ni Harvan."May ibang gawaing ibinigay si Zillah sa kaniya." Wika ni Lexie.Si Deborah ay kasalukuyang nagsasalita sa pagpupulong ng mga palace guard at royal guards. Kahit isa siyang tagapaglingkod, may posisyon rin siya sa pangangalaga ng kaayusan sa palasyo. Kaagapay iyon ng pagtataas ng kaniyang antas
Nang marating ni Ram Luiz kasama nina Loisa, Hanri at Severus ang kaniyang tanggapan, naratnan nila si Ziporrah at ang inang si Josebeth."Mama!" tuwang bulalas niya."Ram Luiz, anak ko!" naluluhang salubong nito. Napakahigpit ng pagkakayakap nito sa kaniya.Niyakap niya ang ina at ipinikit ang mga mata upang damhin ang pagkakayapos nito.Hinagod niya ito sa buhok."Natutuwa akong makita kang muli, Mama." Nakangiti niyang sambit nang bumitiw na sila sa pagyakap sa isa't isa."Ibang-iba na ang iyong wangis, anak. Kamukhang-kamukha ka na ng papa mo." Namamanghang reaksyon nito na hawak ang mukha niya."Hindi na ako nakakapag-ahit ng balahibo rito, Mama. Kumakain na rin ako ng mga hilaw na nilalang." Kuwento niya.Lumapit sa kanila si Ziporrah. "Labis ang hinagpis ni Tiya sa iyong pag-alis, Ram Luiz."Nilingon niya ito upang pasalamatan, "Salamat sa pagsama sa kaniya rito, Ziporrah."Nagtinginan sina Loisa, Hanri at Severus. Pakiwari nila ay may kung anong damdamin ang mayroon sa pagitan
Nakasakay sa kaniyang karwahe si Ziporrah habang masayang pinagmamasdan ang kalangitang natatanaw sa bintana."Napakaganda!" turo niya sa isang bulto ng mga Qanna flower na nakita niya sa daan."Ano iyon, Prinsesa Ziporrah?" tanong ni Josebeth na nakaupo sa kaniyang harapan."Napakagaganda po ng mga Qanna flower na iyon. Tingnan niyo!" malugod niyang paanyaya.Bahagyang sumilip si Josebeth sa bintana ng karwahe. Napangiti ito at yumuko."Bakit po?" pagtataka niya sapagkat kaniyang napunang natatawa ito."Wala naman, mahal na prinsesa," pagtutuwid nito na muling tumingin sa kaniya. "Labis ang aking katuwaan na hindi ka pa rin nagbabago kahit ikaw ay nasa wastong gulang na.""Paano pong hindi nagbabago? Makulit pa rin po ba ako tulad nang ako'y musmos pa?"Napahagikgik si Josebeth sa tanong niya. "Hindi ganoon, Prinsesa. Nais ko lamang ipabatid na mahilig ka pa rin sa magagandang bagay na nakikita mo sa paligid."Napatango siya na kahit paano ay nauunawaan na ang iwinika nito.Nang magb