Chapter One: Eldest Witch
Hapon matapos ang klase nina Deborah ay dali-dali niyang nilikas ang kanilang silid-aralan. Ilang Gypto mountain pa ang tatakbuhin niya para makauwi sa kanilang witch cabin.
"Ano Eldest Witch! Ba't parang nagmamadali ka 'ata?" tanong ng isa sa kanyang mga mag-aaral na si Sherif.
Ang tatlo namang mga kasama nito ay nagtawanan sa sinabi nito. Inirapan lamang ni Deborah ang mga ito at umalis.
"Hoy! Kinakausap ka pa namin!" muli ay sabi ni Sherif.
Si Varga naman na isa sa tatlong kasama nito ay hinarang siya, "Ang bastos mo, ah! Baka inaakala mo ns dahil nasa sayo ang Eldest Witch Position ng inyong witch clan ay pwede mo na kaming bastosin ng ganyan..."
Nagulat ang lahat nang itulak ito ni Deborah, "Tumabi ka nga diyan!" naiirita niyang sabi kay Varga na hindi pa makatayo mula sa pagkakatulak niya.
"Ang yabang nito, ah!" sabi naman Juvy matapos tulungan si Varga na makatayo at itinulak din si Deborah.
Nang makatayo ay sinugod ni Deborah si Juvy, "Ang lakas ng loob mong itulak ako, ah!"
Nang susuntukin sana niya si Juvy ay dumating sina Jonaner at Elj upang awatin siya.
Si Juvy naman ay inawat na din nila Sherif, Varga at Loth. Ang iba namang mga mag-aaral ay naglapitan sa kanila.
"Pigilin mo ang galit mo Deborah, kapag naparusahan ka dito sa Academy ay tiyak na magagalit sayo ang mama mo..." pigil sa kanya ni Elj.
Kumawala si Deborah sa pagkakaawat ni Elj at lumisan na ng kanilang silid-aralan.
Si Juvy naman ay inayos ang sarili.
"May araw din satin ang Deborah na yan!" nanlilisik ang mata na sabi ni Lot.
"Deborah, sandali!" sigaw naman ni Elj habang sinusundan si Deborah.
"Bakit ba ang bilis mong maglakad? Tinalo mo pa ako na isang makisig na Mortano..." pagod na sa paglalakad na sabi ni Jonaner.
"Sino ba kasing nagsabing sundan niyo 'ko..." "Hatid kana namin..." pagyayaya ni Elj
"Ayoko! Gusto ko umuwing mag-isa..."
"Half blood moon ngayon, sige ka baka may masalubong kang vampire sa daan..." pananakot naman ni Jonaner.
"Akala mo naman matatakot ako..." pagmamatigas ni Deborah.
"Kung ayaw mong ihatid, sasabayan kana lang namin sa paglalakad!" pursigidong sabi ni Jonaner.
"Ah, sasabayan niyo ako sa paglalakad....paano kung tumakbo ako?" paghahamon niya.
"Takbo lang pala eh, alam mo namang hindi lang ako makisig, maliksi din ako pagdating sa takbuhan!" puno ng pagmamalaking sabi ni Jonaner.
"Anong makisig at maliksi ka diyan? Makulit kamo!" kontra naman ni Elj.
Natawa na lamang si Deborah sa pang-aasar ni Elj kay Jonaner at nagsimula nang tumakbo.
"Hoy sandali! Ang daya ah!" tumatakbong sigaw naman ni Jonaner.
Si Elj naman ay nagbalat-kayo bilang isang Gypto rabbit at sumunod sa pagtakbo.
Bagamat napagod ang tatlo sa paghahabulan ay masaya naman silang narating ang witch cabin nina Deborah.
"Salamat sa pagsabay sa pagtakbo sakin..." nahihiya niyang sabi sa dalawa.
"Wala 'yon! Basta huwag mo na kaming iiwan ulit sa paglalakad..." pangangantyaw ni Jonaner.
Si Elj naman ay naluluhang yumakap kay Deborah, "Pwede bang palagi na ulit tayong sabay-sabay na umuwi tulad ng dati?"
Gumanti na din siya ng yakap dito habang pinipigilan ang pagluha, "Oo na sige na...ayoko namang makasalubong ang vampires..." At nagtawanan silang tatlo.
Masaya si Deborah na muli ay nakasama niya ang kanyang mga kaibigan. Matagal na din nang huling niyang makausap ang mga ito.
Ngunit nawala ang saya niya nang bumungad sa kanya si Mishael.
"Eldest Sister! Eldest Sister! Sumakay ka ba ng broomstick?" tuwang hula nito.
Biglang ibinaling niya ang kanyang tingin kay Anarah.
Pansin niyang nakaramdam ito ng kaba dahil sa nang-uusisa niyang tingin.
"Hindi Mishael, tumakbo lamang kami pauwi nina Elj at Jonaner" malamig ang tinig niyang tugon sa kanyang kapatid.
"Bakit kayo tumakbo lang Eldest Sister? Nakalimutan mo na bang sumakay ng broomstick?" tanong naman ni Mishael.
Sa tanong nito ay mas naunawaan na niyang tama ang kanyang hinala na maaaring naikuwento na dito nina Anarah at Hananiah na dati siyang sumasakay ng broomstick noon.
"Marunong ngunit ayoko nang sumakay doon ulit..."
"Ganun? Pero Eldest Sister, gusto ko ring sumakay ng broomstick..." paglalambing ni Mishael.
"Pero ayoko na ulit sumakay doon..." medyo naiirita na niyang sabi at umiwas na dito.
Ngunit kinulit pa din siya ni Mishael, "Sige na Eldest Sister, isakay mo rin ako sa broomstick..."
"Ayoko nga e!" sigaw niya.
Nagulat siya sa ginawa niya. Hindi niya ugaling sumigaw lalo na't sa harap ng kanyang mga nakababatang kapatid.
Nairita na lamang siya dahil muli na naman siyang pinipilit sa isang bagay na may kinalaman sa witchcraft.
Hindi alam ni Deborah na narinig ng mama niya ang ginawa niyang pagsigaw sa kanyang younger brother.
Kararating lamang ng mama niya galing sa pangongolekta ng Gypto wildflowers sa mga wild mountains.
"Deborah! Huwag mong masigawsigawan ang younger brother mo!"
Doon lamang napansin ni Deborah ang pagdating ng mama niya.
Hindi niya alam ang mararamdaman. Alam niyang nagagalit ito dahil sa ginawa niya.
Sanay na siya sa pamamalo nito at pagpapaluhod sa kanya tuwing hindi siya dumadalo ng pag-eensayo ng witchcraft.
Sanay na siya sa pananakit ng mama niya ngunit ayaw niyang maririnig na tinatalakan siya nito.
Imbes na humingi ng tawad ay tinungo na lamang niya ang kanyang silid.
"Kung matapang kayo sa harap ng mga kapatid ninyo ay kailangang mas matapang kayo sa iba! Maliwanag?" narinig niyang sabi ng mama niya.
Sabay namang sumagot sina Anarah at Hananiah, "Opo..."
"Tama nang iyak, Mishael... ang matikas na Mortano ay hindi umiiyak..." malumanay na turan ng mama niya kay Mishael.
Akma namang bubuksan ni Deborah ang pinto ng kanyang silid nang bumaling na sa kanya ang mama niya, "Narinig mo ba ang sinabi ko Deborah?"
"Opo..." mahina niyang sagot habang binuksan ang pinto ng kanyang silid.
Isang hapon, dahil sa paglalaro ay hindi na napansin nina Anarah at Hananiah na napasok na pala nila ang Zombies' Border dahilan upang magambala ang mga nahihimlay na zombies doon.
"Big Sister... Big Sister... mga zombies, oh..." mahina ang boses na sabi ni Hananiah.
Si Anarah naman ay dahan-dahang nilingon ang direksyong itinuro ng kanyang younger brother, "Naku po... nasa Zombies' Border na pala tayo..."
"Huminahon ka lamang Big Sister... hindi magtatagal ay magigising na ang lahat ng mga zombies dito..."
Kaya nang sumenyas sa kanya si Hananiah na maglakad sila ng dahan-dahan ay sumakay na siya dito sa paglalakad.
"Younger Brother... gaano kaya katagal bago tayo makalabas dito?" kinakabahang tanong ni Anarah.
"Mabilis lang..."
"Mabilis?" pagtataka ni Anarah, "Gaano kabilis?"
"Huwag ka nang magtanong... pagsabi kong takbo, takbo na tayo..."
''Ano?" tanong ni Anarah habang nararamdamang naapakan na pala niya ang kamay ng isa sa mga natutulog pang zombies sa paligid nila, "Patay!"
Nang makita ni Hananiah na nagising ang zombie na naapakan ni Anarah ang kamay ay sumigaw ito, "Big Sister, takbo!!!"
Ang mga zombies naman ay hinabol na sila nang mapansin ang kanilang pagtakbo.
Batid nilang mahihirapan silang mahanap ang daan palabas.
Ang tanging naiisip nilang gawin ay tumakbo palayo sa mga zombies.
"Kung nandirito lang sana ang Eldest Sister..." humihingal na sambit ni Anarah.
"Kung nandirito siya ay baka kanina pa tayo kinain ng mga zombies na 'yan!" tumatakbong kontra naman ni Hananiah.
Hindi na pinansin ni Anarah ang sinabing iyon ni Hananiah.
Alam niya sa kanyang puso na matalino at matapang ang Eldest Sister niya.
"Basta, alam ko... kung nandirito siya, maliligtas niya tayo..."
"Totoo ba itong nakikita ko?" narinig ni Anarah na sabi ni Hananiah...
"Ang alin?" nagtataka niyang tanong.
"Ang Eldest Sister!!!"
"Saan?" paghahanap ni Anarah.
"Ayun oh!" pagturo naman ni Hananiah.
"Eldest Sister?!" gulat niyang bulalas.
Hindi makapaniwala si Anarah sa kanyang nakita. Ang Eldest Sister nilang si Deborah ay nakasakay muli sa broomstick nito.
"Sakay!" seryoso ang mukha na pagyayaya ni Deborah.
Matapos makipag-usap ni Deborah kay Arahab sa hardin ay pumasok na sila sa pasilyo ng palasyo.Laking gulat niya nang maratnan nila ni Arahab si Prinsesa Nini at si Haring Yusef.Napatitig siya sa hari. Nang magkasalubong ang kanilang mga mata'y agad niyang binawi ang tingin dito."Naririyan po pala kayo, Prinsesa Nini at mahal na hari," pasimulang bati ni Arahab sa dalawa."Oo, Prinsesa Anarah. Sa katunayan ay naririto kasama namin si Prinsipe Lamech kanina lamang." Nakangiting pag-sang-ayon ng prinsesa."Ganoon ba, mahal na prinsesa?""Siyang tunay, Prinsesa Anarah. Ngunit hinihintay ka na niya ngayon sa inyong karwahe." Sagot nito.Nagtinginan sila ng kaibigan bago ito muling bumaling sa prinsesa. "Kung gayon, ako'y magpapaalam na, mahal na Prinsesa Nini at mahal na Haring Yusef.""Samahan na kita palabas ng palasyo, Prinsesa Anarah. Hindi pa tayo nakakapagkuwentuhan mula kanina." Wika ni Prinsesa Nini."S-samahan ko na po kayo sa paghahatid sa aking kapatid, P-prinsesa Nini," nat
Kahit nakatabi ni Prinsesa Nini si Haring Yusef sa pagkain, hindi sila masyadong nakapag-usap nito. Pareho silang naabala ng mga tanong nina Haring Chezedek, Reyna Qinlan, at Inang Reyna Purisima sa kanila. Tila ba ang mga ito ang mag-iisang-dibdib at hindi sila ng hari.Kaya nang matapos ang kanilang sabay-sabay na pagkain ay hinanap niya agad si Haring Yusef. Nais niya itong makausap nang masinsinan tungkol dito at kay Deborah.May nakapagsabi sa kaniya na nakita raw itong kausap si Prinsipe Lamech sa pasilyo malapit sa hardin. Doon niya nga namataan ang mga ito."Mahal na Haring Yusef." pukaw niya sa pansin nito.Lumingon naman ito at ang kapatid nitong prinsipe sa kaniya."Maaari po ba tayong mag-usap?" tanong niya.Nagkatinginan ang dalawa."Mauna na muna ako, Younger Brother. Sa labas ko na lamang hihintayin ang aking asawa." Paalam naman dito ni Prinsipe Lamech."Maraming salamat sa inyong pagpunta ni Prinsesa Anarah, Older Brother." Pagpapasalamat dito ng hari."Paalam, Prins
Naganap ang salo-salo ng dalawang pamilya sa palasyo ng prinsesa.Gayak na gayak ang mga asawa ng mga kapatid na prinsipe ng hari. Hindi nagpatalo si Arahab sa mga prinsesa pagdating sa kasuotan.Naglagay siya ng mga palamuti na bumagay sa kaniyang wangis. Tiniyak niyang aangat ang kaniyang postura sa lahat."Napakaganda mo, Prinsesa Anarah," puri sa kaniya ng asawang si Prinsipe Lamech.Itinaas niya ang mukha at ngumiti rito. "Salamat, Prinsipe Lamech. Sinisikap ko talaga na maging maganda sa iyong paningin."Napangiti ito sa sinabi niya. Inilahad nito ang kamay upang siya ay alalayan.Habang naglalakad papasok sa palasyo ni Prinsesa Nini ay nakasalubong nila sina Harvan at Lexie."Pagbati, mahal na Prinsipe Lamech at Prinsesa Anarah!" bati sa kanila ng dalawa.Lumapit siya nang bahagya kay Harvan at bumulong, "Harvan, hindi ba't napakaganda ko sa kasuotang ito?"Bumulong din sa kaniya ang dating kasamahan. "Kahit ano pa ang iyong kasuotan ay tunay na ikaw ay maganda, Prinsesa Anarah
Dahil inihalal na ni Haring Yusef si Prinsesa Nini bilang kabiyak nito, maraming pagbabago ang magaganap sa kaniyang palasyo.Hindi na niya kailangang dumalo sa pagdiriwang ng ikaapatnapung kaarawan ni Prinsipe Jeto. Kaya naman ang paghahanda ng mga tagapaglingkod sa pagpunta niya ng Way Kingdom ay naudlot. Mas naging abala na ang lahat sa pagbisita ng pamilya ni Haring Yusef sa palasyo niya."Dalian mo riyan, Harvan, kailangang maikabit na ang mga palace curtain bago ang pagsapit ng evening hour." Paalala rito ni Lexie na abala sa pamumuno ng pag-aayos ng mga palamuti."Hindi ba't si Deborah ang nagpapalit ng mga ito? Bakit ako ang iyong nautusan sa ganitong gawain?" pagtataka naman ni Harvan."May ibang gawaing ibinigay si Zillah sa kaniya." Wika ni Lexie.Si Deborah ay kasalukuyang nagsasalita sa pagpupulong ng mga palace guard at royal guards. Kahit isa siyang tagapaglingkod, may posisyon rin siya sa pangangalaga ng kaayusan sa palasyo. Kaagapay iyon ng pagtataas ng kaniyang antas
Nang marating ni Ram Luiz kasama nina Loisa, Hanri at Severus ang kaniyang tanggapan, naratnan nila si Ziporrah at ang inang si Josebeth."Mama!" tuwang bulalas niya."Ram Luiz, anak ko!" naluluhang salubong nito. Napakahigpit ng pagkakayakap nito sa kaniya.Niyakap niya ang ina at ipinikit ang mga mata upang damhin ang pagkakayapos nito.Hinagod niya ito sa buhok."Natutuwa akong makita kang muli, Mama." Nakangiti niyang sambit nang bumitiw na sila sa pagyakap sa isa't isa."Ibang-iba na ang iyong wangis, anak. Kamukhang-kamukha ka na ng papa mo." Namamanghang reaksyon nito na hawak ang mukha niya."Hindi na ako nakakapag-ahit ng balahibo rito, Mama. Kumakain na rin ako ng mga hilaw na nilalang." Kuwento niya.Lumapit sa kanila si Ziporrah. "Labis ang hinagpis ni Tiya sa iyong pag-alis, Ram Luiz."Nilingon niya ito upang pasalamatan, "Salamat sa pagsama sa kaniya rito, Ziporrah."Nagtinginan sina Loisa, Hanri at Severus. Pakiwari nila ay may kung anong damdamin ang mayroon sa pagitan
Nakasakay sa kaniyang karwahe si Ziporrah habang masayang pinagmamasdan ang kalangitang natatanaw sa bintana."Napakaganda!" turo niya sa isang bulto ng mga Qanna flower na nakita niya sa daan."Ano iyon, Prinsesa Ziporrah?" tanong ni Josebeth na nakaupo sa kaniyang harapan."Napakagaganda po ng mga Qanna flower na iyon. Tingnan niyo!" malugod niyang paanyaya.Bahagyang sumilip si Josebeth sa bintana ng karwahe. Napangiti ito at yumuko."Bakit po?" pagtataka niya sapagkat kaniyang napunang natatawa ito."Wala naman, mahal na prinsesa," pagtutuwid nito na muling tumingin sa kaniya. "Labis ang aking katuwaan na hindi ka pa rin nagbabago kahit ikaw ay nasa wastong gulang na.""Paano pong hindi nagbabago? Makulit pa rin po ba ako tulad nang ako'y musmos pa?"Napahagikgik si Josebeth sa tanong niya. "Hindi ganoon, Prinsesa. Nais ko lamang ipabatid na mahilig ka pa rin sa magagandang bagay na nakikita mo sa paligid."Napatango siya na kahit paano ay nauunawaan na ang iwinika nito.Nang magb