LOGIN"Ginang," sambit ni Reyna Milcah, "paano mo ba mapatutunayan ang iyong sinabi? Isa iyang mabigat na paratang.""Mabigat na paratang? Hindi isang paratang ang aking sinabi kundi pagkasira ng aking dangal, Mahal na Reyna." Lumuluhang sagot sa kaniya ni Linosa."Maaari mo bang isiwalat ang lahat ng iyan sa paglilitis sa mga high priest? ""Ngunit, Mama," pigil naman ni Hannah."Wala kang dapat na ipag-alala, anak ko." Saad naman ni Linosa.Agad na iminungkahi ni Reyna Milcah kay Haring Chezedek na payagang magpatotoo si Linosa laban kay Eldest High Priest Ellai sa kalagitnaan ng paglilitis.Pinahintulutan naman ng hari ang kaniyang iminungkahi bagamat nakatutok ang paglilitis sa mga high priest.Maraming miyembro ng elders council ang umalma na pakinggan si Linosa. May mga tutol sapagkat ilang taon na ang nakalilipas mula nang maging usap-usapan ang nangyari rito at high priest pa lamang noon si Eldest High Priest Ellai. Ang ilan naman ay iginigiit na walang katotohanan ang sinabi nito.
Hindi mapakali si Arahab. Siya ay labis na nababahala sapagkat maaaring sa pakikipag-usap ni Reyna Milcah kina Hadassa at Hannah ay mapag-usapan ng mga ito ang tunay na Anarah."Prinsesa Anarah!" narinig niyang tawag sa kaniya ni Lexie nang makasalubong siya nito."Lexie!" nanlalaki ang mga mata niyang singhal. Nagulat siya nang bigla na lamang itong sumulpot sa kaniyang harapan."Kanina ko pa kayo hinahanap ng Mahal na Reyna. Saan ba kayo nagtungo?" "Kami ay nagawi lamang banda roon," turo niya sa direksyong pinag-iwanan niya sa bagong reyna."Nasaan na nga ba si Reyna Milcah? Hindi ba at kayong dalawa lamang ang magkasama?""Natitiyak kong siya ay naroroon pa kasama ang mga Mortanang naghahanap sa Inang Reyna Liana." Sagot niya na nakaturo pa rin sa nasabing direksyon."Maaari mo ba akong samahan, Prinsesa?""Huh!""Kung iyong mamarapatin, Prinsesa.""Ang Mahal na Reyna ang naroon sa bandang iyon!" turo niya na hinanap naman ng first-ranked attendant."Nasaan ba, Prinsesa?" tanong
Nang dahil sa mga reklamo laban kay High Priest Peniha ay ipinatawag ito ni Haring Yusef at ng mga hari sa iba't ibang kaharian sa Guzen.Ipinatawag din si Eldest High Priest Ellai at iba pang high priest na pinaghihinalaang gumagawa ng paglabag.Ipinatawag ang mga ito dahil sa pagsumite ni Haring Chezedek ng reklamo mula sa mga mamamayang nagbibigay ng alay sa mga templo. Napuna kasi ng mga ito na binabawasan na agad ng karamihan sa mga high priest ang laman ng mga alay bago tuluyang matupok ng apoy. Iyon ay kalapastanganan ayon sa kanilang paniniwala.Kasama na rin sa pagsasakdal ang mga ginawang mahal*y na pagtrato ng mga high priest sa mga Mortana na nag-aalay sa templo.Ang lahat ng ito ay mula sa nakalap na impormasyon nina Reyna Milcah at Arahab na idinulog kay Haring Chezedek. Iyon naman ay ipinagbigay alam sa iba pang hari at opisyal. Ang mga hari, reyna, at mga opisyal mula iba't ibang kaharian ng Guzen ay nagkaisang litisin ang mga high priest. Naroroon din ang mga goberna
Agad na nagpunta sina Deborah at Ram Luiz sa Wuluf Cave. Nais nilang ipagbigay-alam sa datu ang kanilang natunghayan tungkol sa pakikipagsabwatan nina Deryk at Benedict kay Victoria."Adult Ram Luiz," tawag ng tagapagbantay sa kaniyang magiging kabiyak. "Pumasok na raw kayo saad ng mahal na Datu."Tumango rito si Ram Luiz. "Salamat!"Bumaling naman ito sa kaniya, "Tayo na, aking binibini."Biglang tila mapalundag ang puso niya nang dahil sa pagtawag nito. Habang tumatagal ay nagkakaroon na ng kahulugan sa kaniya ang pagtawag nito ng "aking binibini.""Su-susunod ako, Ram Luiz." Muntik pang mautal niyang sagot.Pakiramdam niya ay may ibang sensasyon ang dumaloy sa kaniyang mga kalamnan nang dumampi sa kanang braso niya ang isang palad nito. Pinigilan niya ang sarili na huwag ilayo rito ang kanan niyang braso. Napalunok na lamang siya habang humahakbang papasok sa himpilan ng datu."Aking grandfather na Datu!" pagbibigay-galang ni Ram Luiz kay Datu Nebunizar."Saan kayo nanggaling, Ram
Labis ang kabog ng dibdib ni Samuel habang humahakbang palabas ng kaniyang silid.Wala siyang maalala na kakilalang Mortana sa Guzen. Hindi niya mahulaan kung sinong Mortana ang sinasabi ni Emmanuel na nais makipagkita sa kaniya.Narating nila ang kinaroroonan ng kaniyang bisita. Hindi siya makapaniwalang si Hulda at Hannah ang makikita niya."Hulda!" tawag niya sa kababata. "Hannah? Bakit kayo naririto?" baling naman niya sa kaibigan.Mas lumapit pa siya sa mga ito. Kinusot niya ang mga mata upang makasigurong tama ang kaniyang nakikita."Naisip ko lang subukan kong mahahanap ka ng mahiwagang bato, Samuel." Sagot ni Hannah."Mahiwagang bato?" pagtataka niya. "Nahanap ako ng isang mahiwagang bato? Paano naman ako mahahanap sa pamamagitan niyon?"Nagkatitigan sina Hannah at Hulda."Mahirap ipaliwanag ngunit batong Crisante ang tawag ko rito." Pagtukoy ni Hannah sa batong hawak nito."Hindi ko pa naririnig ang tungkol sa batong iyan. Tila isa nga iyang mahiwagang bato." Komento niya."M
Agad na naglakbay si Deborah kasama si Ram Luiz pabalik ng Edoma Forest. Sinikap nilang makabalik agad sapagkat ayaw nilang mahalata nina Deryk at Benedict ang pagmamanman nila sa mga ito.Pareho silang walang imik ng magiging kabiyak dahil sa nalaman nila. Sapat na ang kanilang mga narinig mula sa mga kasamahan at sa espeyang si Wano upang ipagbigay-alam iyon kay Datu Nebunizar.Hindi niya mabasa ang iniisip ni Ram Luiz ngunit mas pinili niyang huwag na muna itong usisain. Ayaw niya munang magtanong ng kung ano rito dahil alam niyang masama ang loob nito kina Deryk at Benedict.Wala rin siyang ganang magkuwento tungkol kay Victoria. Bumalik lang ang lahat ng takot at pangamba niya nang makita itong muli. Matagal na panahon na mula nang atakihin siya nito dahilan kaya naging infected werewolf siya. Marami na rin siyang nakaharap na mga werewolf. Ngunit nang makita niya itong muli, nakaramdam na naman siya ng takot. Nangamba siya na baka sa muli nilang pagkikita ay matuluyan na siya ni
Nakaupo ang datu na si Xandro sa trono nito nang lumapit dito ang isa sa mga Adono ng kanilang werewolf clan."Mahal na datu," bumulong ito sa datu. "Ang espiyang si Wano ay may iuulat sa inyo."Tumango ang datu at nag-utos, "Palapitin siya sa akin."Nang tumayo si Wano sa harapan nito ay ipinag-ut
Kararating lamang ni Datu Nebunizar sa Wuluf cave. Marami ang gumugulo sa kaniyang isipan. Hindi niya mawari kung ano ang nararapat na gawin upang hindi na tuluyan pang magambala ang kanilang werewolf clan."Habang tumatagal ay dumarami na ang mga nilalang na nakaaalam ng pagkupkop namin sa mga tul
Tulad ng dati ay isa si Hannah sa pinagbilinan ng kaniyang papa na mamili ng mga kakailanganin ng kaniyang pamilya. Si Hadassa ang ipinasama sa kaniya habang si Hulda ang nagbabantay sa kanilang ina.Habang nasa pamilihan ay napapaisip siya kung bakit si Anarah ang nilalang na bumungad sa kaniya na
"Hannah!" pagtawag ni Hulda sa bunsong kapatid. Nakapagluto na siya ng makakain nila kaya hinahanap niya ito."Saan kaya siya ngayon?" tanong niya na iniisip kung saan ito nagpunta.Sinubukan niyang hanapin ito sa silid nito ngunit wala siyang nakita. "Baka nagpapastol pa rin siya hanggang ngayon."







