Share

Chapter 5- The Happiest Day

AMARA

My God! Ano bang pinag gagawa ko kanina. Ano na lang ang iisipin sa'kin ni Andrew. Haixt! Amara, ano ba kasing pumasok sa isipan mo?" usal ko..

Ngayong nakaharap ako sa salamin at paulit-ulit na sinasampal sampal ang mukha ko, dahil 'di pa rin ako makapaniwala na ako ang gumawa ng first move kanina. Samantalang noon ay halos allergy ako sa'kaniya. Kulang na nga lang isumpa ko pa ito.

Naalala ko pa nga noon kung saan kami unang nagkita at paano kami nagkakilala ng hindi sinasadya.

Freshmen pa lang ako noon, noong nagkakilala kaming dalawa Ayaw na ayaw ko sa kaniya, dahil puro kahambuhagan lang naman ang pinapakita nito sa'kin. Dahil bago pa lamang ako sa paaralan at probinsyana pa, kaya wala akong pakialam dito, kahit sikat at tinitilian pa ito ng lahat ng kababaihan sa campus...

Pag-aaral ang ipinunta ko sa Manila, kaya wala akong time para sa mga ganyang bagay..

Nar'yan 'yong lalapitan niya ako at aasarin para mapansin niya lamang at makuha ang aking atensyon na labis ko lang ikina kainis.

Gumawa pa 'to ng effort hanggang sa pumayag lang akong maging promdate nito sa ball..

Ganon ka effort ito pag dating sa akin. Tinamaan nga daw ang loko ni kupido sabi ng mga schoolmate namin na nakaka kilala kay Andrew.

Sa lahat ng ipinakita ni Andrew, bato na lamang siguro ako, kong hindi pa ako kikiligin rito..

Speaking of Andrew, kanina pa ito tumatawag sa cellphone ko at wala akong plano na sagutin ang mga tawag nito, dahil nahihiya pa din ako kapag naaalala ang ginawa kong kagag*han kahapon..

Kinuha ko na lang ang aking diary at nag sulat dito. Ang diary ko ang siyang naging kakaampi ko at kaibigan noong wala pa si Andrew sa buhay ko, dito ko lang naman isinusulat ang mga pangyayari sa buhay ko masaya man ito o malungkot.

Ngayon andito na si Andrew, siya na ang naging human diary ko. Lahat ng mga masayang pangyayari sa buhay ko, sa'kaniya ko na sinasabi kaya naging mas close pa kami lalo.

Ina amin ko din na sobrang na namis-judge ko ang kaibigan ko.

Malayo sa Andrew na nakilala ko noon na magulo, bully at mayabang. Ibang iba na ito ngayon. Napakabait, gentleman at higit sa lahat napaka maalaga. Kulang na lang talaga ang sagot ko para maging officially on na rin kami..

Muling nag ring ang cellphone ko. Ngunit 'di ko muna ito pinansin, sa kaba na baka si Akiro lang 'yon. Wala pa siyang mukhang ihaharap rito.

Gayon na lamang ang gulat ko sa mga sunod sunod na messages na aking nabasa, mula ito sa aking mahal na tiyahin na nasa La Union. Bigla akong kinabahan na hindi ko mawari. Hindi naman tatawag ito ng walang dahilan.

Binuksan ko ang messages nito. Nabasa ko na

binawian na pala ng buhay ang aking mahal na lola, sa pagkabigla ay bigla ko na lang nabitawan ang hawak na cellphone, kasabay ng pag bagsak nito ay ang rumaragasang luha sa aking mga mata..

Habang si Andrew, naman ay kanina pa 'di mapakali at lubos ang pag-aalala sa kaibigan at nagtataka kung bakit hindi man lang nito sinasagot ang lahat ng tawag niya, at mas kinabahan pa siya lalo ng sa sunod na pag dial niya ay out of reach na ito.

Halos palipadin niya na ang sasakyan makarating lang sa apartment nito. Naka ilang doorbell siya ngunit walang Amara ang nalabas kaya mas lalo pa siyang kinabahan, na baka napano na ito..

No choice siya kundi umakyat ng bakod, dahil hindi niya alam ang gagawin kong may nangyari sa babaeng pinakamamahal niya. Wala na siyang pakialam kong pag tinginan pa siya ng ibang tao at kahit nagmukhang akyat bahay pa siya, tinuloy pa rin niya ang pag- akyat bakod. Ang tanging mahalaga para sakaniya ngayon ay malaman kong ano bang nangyari at kung maayos ba ang kalagayan nito..

Nagmamadali siyang pumasok ng pintuan dahil naka bukas naman ito.

Pag pasok niya sa loob naabutan niyang tulala ang kaibigan at walang tigil sa pag-iyak. Nakita rin niya ang basag nitong cellphone na nasa sahig

Napatakbo siya palapit rito at bigla na lang niyang niyakap ng mahigpit ito.

Nagulat naman si Amara sa pag dating nito at napayakap na rin siya dito. Halos 'di rin siya makapag salita sa masamang balita na natanggap kani-kanina lamang.

Hinayaan lamang siya ni Andrew na umiyak sa mga bisig nito, upang kahit paapano ay gumaan ang pakiramdam nito.

Hindi man niya alam ang totoong nangyayari, dahil ang kanyang huling natatandaan ay masaya pa ito nang ihatid niya..

"A-Andrew, salamat." sambit nito, habang patuloy pa din sa pag iyak.

Nang mahimasmasan si Amars. Binuhat siya nito at inalalayan na maka upo sa sofa.

Pinulot rin nito ang nabasag na cellphone at kinuha lang ang simcard sabay tapon na sa basurahan. Hindi na rin kasi gagana pa ito, dahil basag na ang LCD at ayaw na ring mag bukas pa.

Nang masigurong maayos na si Amara, iniwan niya muna ito sandali at kumuha ng tubig sa refrigerator at inabot niya rito ang baso na may lamang tubig.

Linagok naman kaagad nito ang tubig nang sunod sunod hanggang sa maubos niya ito.

Maya-maya nakapag salita na rin ito.

"Andrew, ang lola ko, hindi pa din niya mapigilang umiyak kapag naalala ang lola.

Ang lola ko wala na siya, hagulgol nito.

Hindi naman makapaniwala si Andrew, sa kanyang narinig, sobrang nabigla ito sa narinig at muli niyang niyakap at ipinaramdam rito na nandyan lamang siya bilang kaibigan.

Alam niyang mas kailangan nito ng masasandalan ngayon. Bagamat 'di naman kaila kay Andrew, na ang lola na lang nito ang kasama. Kaya nga siya nagsisikap makapag tapos ng pag-aaral para matulungan ito, kaso huli na ang lahat.

Napagpasiyahan din ni Andrew, na huwag muna pumasok sakanyang trabaho. Ang mahalaga ay madamayan niya ang kaibigan at sasamahan niya rin ito pag uwe ng La Union.

The next day nagpaalam muna ito sa work at batid niyang pwedeng masira ang good record niya dito, ngunit mas mahalaga pa rin sakaniya ang kaibigan.

Sinamahan niyang mag byahe pa La Union si Amara at doon niya na rin nakilala ang ilang kamag-anak nito.

Tatlong araw lang tinagal ang burol ng lola nito at nailibing din kaagad.

Ilang araw pa ring tulala si Amara at hindi makausap ng maayo. Dala ng biglaang nangyari, malungkot man na makitang nagkaka ganyan ang kanyang kaibigan, pero lubos niyang naiitindihan ang lahat.

Naaawa man sa kaibigan pero wala naman siyang magawa dahil ang tanging magagawa niya lamang ay damayan ito, hanggang sa maging maayos muli ito..

Samantalang sa di-kalayuan nakamasid naman ang isang lalaki, na may lihim na pag tangi kay Amara. Elementarya pa lamang sila ng humanga ito sa ganda, talino at lubos na kabaitan ng dalaga, dahil likas sakaniya ang pagiging torpe kaya hindi man lang siya nagka lakas ng loob na umamim dito hanggang sa nagpa Manila na si Amara. Naging lihim na lang ang kaniyang nadarama para sa babaeng iniibig.

Halos masaktan siya sa nakikitang eksena, nakayakap ang isang estrangherong lalaki dito nasa tantya niya ay Manilenyo.

Nang matapos ang siyam na araw minabuti ni Andrew na iuwe na si Amara sa kaniyang condo pansamantala, natatakot siya sa pwedeng mangyari kong mag-isa lamang ito sa apartment.

Balik trabaho na din si Andrew at pumasok na din sa school si Amara, na ngayon ay graduating students na.

Halos mabilis ang bawat mga araw at hindi na nila namamalayan na ngayon ang araw ng pagtatapos ni Amaras sa College at ito ay paparangalan bilang suma- cumlaude. Hindi man niya nakuha ang pagiging Magna-cumlaude masaya na rin siya sa tagumpay na kaniyang nakuha..

Nang matapos ceremony. Pinakita ni Amara kay Andrew ang mga medalyang kanyang nakuha. Sayang lang 'di nakita ni Andrew ang pag-akyat niya sa stage, dahil may byahe pa ito.

"Andrew, look I have so many medals." pagyayabang ko sa kaibigan.

"You really deserved it, Congratulations Amara" sabay kiss sakanya sa lips.

Ngumiti na lamang ako rito.

Napatingala ako sa kalangitan.

Lola, alay ko po sainyo ang karangalang ito, usal ko..

FAST FORWARD

Lumipas ang ilang taon, sinagot na rin ni Amara si Andrew. Walang sisidlan ang kagalakan ng puso nilang dalawa, because finally officially on na rin sila, worth the wait ika nga ng lahat.

Dahil magkasintahan na nga ang dalawa napagpasiyahan na din nilang tumira sa iisang bahay. Nag apply rin si Amara sa company kong saan nagwowork ang boyfriend nito, mas gusto din naman ito ni Andrew, para makikita at mababantayang niya ang kaniyang mahal na kasintahan. Medyo naging possessive si Andrew, dahil madaming nagpapalipad hangin pa rin sa kasintahan..

Bukod sa maganda at matalino si Amara,

naging magaling siyang designer at hinangaan ng maraming kabinataan, ngunit nanatiling faithful si Amara rito.

Masaya naman ang buhay nila bilang magkasintahan, hanggang sa umabot sila ng seven years. The most challenging years to all couples out there. May kasabihan kasi na usually, nagkakahiwalay ang couples kapag umabot sa year na 'yon.

Ngunit ibahin mo ang dalawa. Sa seven years na pagsasama nila. Doon na rin napagpasiyahan ni Andrew, na magpropose sa kaniyang long time bestfriend at girlfriend. Dahil matagal na rin naman ng mahal ni Amara ito at kilala na rin naman niya ang kasintahan pumayag na rin siyang mag-pakasal at maging soon to be Mrs. Andrew Dawson.

Mabilis na lumipas ang mga araw, buwan at taon dumating na ang pinakahihintay nilang pag-iisang dibdib.

Masayang masaya ang dalawa at mga taong nakasaksi sa kasalan. Makikita mo sa mga mata ng bawat isa ang wagas na pagmamahal na meron sila.

Pagmamahalang akala mo ay hindi na magwawakas pa at walang makakatibag na kahit sino. Madami mang humaharot sa asawa niya nanatiling faithful si Andrew, sakaniyang may-bahay, para sa kaniya wala ng mas hihigit pa sa asawa.

Ang pagmamahalang meron sila ay susubukin sa pagdating ni Madison. Dahil gusto ng magka anak ni Andrew, napagpasiyahan niyang patigilin muna ang asawa sa pagta trabaho dahil ayon din naman ang naging advise ng doctor ng nagpa check-up sila at nalaman nila na mahihirapan magka anak si Amara kong lagi siyang pagod at stress sa kaniyang trabaho. Hindi madaling maging fashion designer.

Naging mabuting may bahay naman si Amara, siya iyong typical na asawa na inaasikaso at inaalagaan ang kabiyak. Wala naman naging problema ang mga ilang buwan na set up nila. Masaya at payapa silang nag-sasama. Ngunit sakabila ng masayang pagsasama hindi maiwasang malungkot ang mag-asawa dahil hindi parin sila biniyayaan ng anak. Nakapag patingin na sila sa magagaling at iba't-ibang espesyalista at sinasabi naman na walang may problema sakanila. Tanging pahinga lamang ang kailangan nila para makapag produce sila ng baby. Kaya si Amara, na lamang ang nag sakripisyo na mag resign sa pagiging fashion designer.

Lumipas ang mga taon ngunit bigo pa rin ang dalawa sa pag conceived. Nawawalan na ng pag-asa si Amara.

New Year na naman panibagong palit ng taon, pero ang kaisa isang wish ko ay bakit ang hirap matupad.

"Mahal, mahal nariyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap." wika ni Andrew.

"Pasensya na mahal nagmumuni muni muna ako rito. Maiba tayo kamusta naman ang company? tanong ko sakanya.

"Maayos naman mahal, in fact may mga business partner akong kilalang artista sa hollywood." Pagyayabang nito sa akin.

"T-talaga ba mahal? Nakakatuwa naman, sayang lang hindi ko sila nakita. Malungkot kong sambit.

"It's ok mahal, darating ka rin dyan. Kamusta pala check-up mo?" tanong nito na excited sa sagot ko.

Maayos naman mahal kaso nga lang false alarm raw sabi ng ob-gyne. Nalulungkot ako mahal kailan niya ba tayo pagkakalooban ng supling. Naiiyak kong sambit rito.

"Time will tell mahal, all we have to do is, to pray and pray. Ibibigay din saatin 'to." anya.

I never question him mahal, but it's already three years. Wala pa rin tayong anak.." malungkot kong sabi.

Hinalikan naman niya ako sa labi sabay yakap, para pagaanin ang loob ko. Napangiti naman ako sa ginawa ng aking

asawa.

Alam na alam talaga nito paano ako pangitiin at pasiyahin ng sobra.

"Mahal, kong sakaling 'di na tayo pagkalooban ng anak mamahalin mo pa rin kaya ako? madamdaming tanong ko rito.

"Oo, naman mahal hindi naman porke't wala tayong anak kakalimutan ko na ang pinagsamahan natin." wika nito, at sapat na sa akin ang mga narinig ko. Mahal akong tunay ng asawa ko. Napabuntong hininga ako at sumagap ng sariwang hangin, medyo maayos na pakiramdam ko at wala ng agam-agam pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status