Share

Chapter 4- Their bonding

Maagang nagising si Amara at nakita naman niyang nahihimbing na natutulog ang gwapo niyang kaibigan sa sofa. Matagal niya rin itong tinitigan nang bigla na lamang itong dumilat.

"Huli ka, pinagpapantasyahan mo din pala ako." pang iinis ni Andrew, sabay hila ng comforter at takip sa katawan nito..

"Hoy! damuho ka, a-anong pinagpapantasyahan?" nauutal na sambit nito sabay bato ng hawak niyang thru pillow.

"Come on baby, don't be shy. Alam ko naman matagal mo na akong pinagnanasaan." pang aasar muli nito.

"Letse ka hindi na ako natutuwa sayo, lumayas ka na nga ng apartment ko bago ko pa ihagis sayo lahat ng gamit ko dito." pasigaw na galit na boses ni Amara.

"Hindi ka talaga mabiro. Ang ganda mo talaga pag nagiging dragona ka." pang aasar pa lalo nito sabay lapit sa kaniya at niyakap siya patalikod.

Hindi naman na tumutol ito dahil nagugustuhan naman niya rin naman ang yakap nito. She's feeling safe and secured when Andrew was there. Si Andrew ang bumubuo ng mga araw niya, at alam niyang sa mga araw na kasama niya ito, lalo nadadagdagan ang pagmamahal niya para dito. Hindi nga lang niya pa ito, masagot dahil ayaw niyang masira ang pangako niya saka'nyang lola.

Mahal na mahal niya ito at ayaw niyang sasama ang loob nito saka'nya. Kumalas na rin siya sa yakap nito bago pa mapunta kong saan at baka madarang na naman siya at magkasala sa kaniyang lola.

"Hindi ka pa ba uuwe?" tanong ni Amara na atat ng mapalayas ito.

"Hindi pa namiss kasi kita kaya, pwede bang mag stay muna ako dito? Please." pagsusumamo nito with matching pa cute pa.

Paano ba niya matatanggihan ang gwapong kaibigan. Ngunit mas nanaig pa rin saka'nya na pauwiin na ito. Baka hindi ma rin siya makapag pigil masunggaban pa niya ito.

"Hindi talaga pwede bawal ang lalaki dito, mapapagalitan ako. Sige na umuwe ka na." pagtataboy niya dito.

Kitang kita naman niya ang malungkot na mukha nito. Naaawa man siya pero kailangan niyang maging matibay. Delikado kong mag tagal pa ang kaibigan dito.

"Ok! fine if this is what you want, but please don't mad at me." pag papacute nito.

I simply nod my head, para tumigil na ito sa pagpapacute at baka hindi ako makapag pigil mahalikan ko na rin siya.

Nagpaalam na nga ito saka'nya at naiwan si Amara na nag iisip.

Bakit ba hindi ko maintindihan ang sarili ko kapag siya na ang kasama o kaharap, nawawala ang pagiging conservative ko kainis! Makapag shower na nga lang muna. Naalibadbaran na rin ako, dahil ramdan ko na ang init ngayon.

Sa bahay naman ni Andrew masayang masaya siya kasi finally n*******n na din niya ang kaibigan. Mahal na mahal niya kasi ito at hindi niya iyon itatanggi.

Kong pwede lang hilahin ang araw na makatapos na siya ng pag-aaral.

Nakakainip pero worth it naman mag-antay kong siya ang aantayin ko.

Hanggang sa nakatulugan na rin niya ang pag-iisip.

Kinabukasan maagang nagising ang dalawa. Excited si Andrew, dahil tinawagan siya sa company ng kaniyang Daddy at my interview siya mamaya. Hindi kasi porke't sila ang may-ari ng kumpanya ay hindi na siya dadaan sa proseso. Kong siya lang naman mas gusto niyang ma hired agad-agad, kaso hindi naman niya pwedeng suwayin ang utos ng kaniyang Daddy at baka masabon siya ng walang banlaw. Kapag ipinilit niya pa ang kaniyang gusto.

Samantalang si Amara naman ay papasok na sa school, at nagmamadali na rin siya at baka ma late na siya sa first class subject niya.

Sakto naman na pag dating niya at wala pa naman ang kan'yang professor. Mga ilang minuto rin ang nakakalipas ng dumating ito at biglang nagpa recitation agad agad. Shems! Hindi man lang ako nakapag review sa kaka-isip kay Andrew.

Tahimik ang lahat at ni isa ay walang gustong sumagot sa tanong ni Bb. Reyes, napansin naman ni Amara na walang nagtataas ng kamay kaya sinubukan niyang maunang mag taas ng kamay, kasabay rin niyang nag taas ng kamay si Madison.

Si Madison, ay transferee sa kanilang school at since bago lamang ito kaya hindi sila magkasundo..

Tinawag si Madison ni Bb. Reyes and since Madison got the correct answer. Amara starting to lower her hand.

Tuwang tuwa naman si Madison na nag nafake smile pa saka'nya.

While Andrew's at the building. Katatapos lang rin ng interview nito and he made it. Next week na ang start nito at excited siyang ibalita ito sa kaibigan.

Nagmamadali siyang umalis sa lugar na iyon. Hinanap niya ang kotse niya kong saan siya nag park, mabilis naman niya itong nahanap at sumakay. Pinasibat niya ito ng mabilis, at kulang na lamang 'e paliparin niya ito..

Medyo traffic talaga sa EDSA what did he expect. Mula ata sinilang siya hindi nawalan ng traffic dito. He tries to call Amara's phone pero hindi nasagot ito. Napamura na lang ng malakas si Andrew

Nakarating siya past 12 noon. Pauwe na ang kaibigan at nag aantay na ng taxi na masasakyan. Nagmamadali siyang bumaba ng kotse pagkakita kay Amara.

"Amara wait for me." sigaw niya habang hinihingal sa pagtakbo makalapit lang sa kaibigan.

"Oh Andrew, why are you here,?" tanong nito na nagtataka dahil alam niya my interview pa ito.

"To fetch and invite you for a lunch." he said while holding her hand.

"Hey for what. Don't tell me Andrew you pass the interview." natutuwang sabi nito.

"Yessss that's why I'm here to tell you the good news." he said happily.

Bigla na lang niyakap ni Andrew si Amara ng mahigpit. Walang sisidlan ang kasiyahang nadarama ng dalawa.

Kong ang dalawa ay masaya kabaliktaran naman ito ni Madison. Pauwe na sana ito ng makita kong sino ang nagyayakapan sa labas ng gate.

"Ang sakit sa mata. Ang landi mong babae ka." inis na sabi niya sa sarili.

Nang mag hiwalay mula sa yakapan. Inalalayan naman ni Andrew ang kaibigan papasok ng kotse nito.

Pupunta sila sa ngayon sa Mall. Naisipan ni Andrew na doon na lang sila mag lunch at balak niyang haranahin si Amara.

Sa byahe bigla naman pinisil ni Andrew ang kamay ng kaibigan. Nagulat naman ito at tinabig ang kamay niya.

"Ano ka ba Andrew. Mag focus ka nga diyan mamaya mabangga pa tayo." naiinis na sabi nito.

"Don't you worry, you'll be safe with me." he said with assurance.

"How can I be sure that I'am safe with you. Bigla ka na nga lang ng hahalik. " natatawang biro nito.

"Ah ganon do you want me to kiss you again and again." he said while laughing.

"W-what baka gusto mag asawang sampal na may kasamang anak na kambal." nagulat na sabi nito.

"Really do you want to slap me. Ouch my handsome face." nag iinarteng sabi nito sabay hawak sa pisngi niya.

"Exaggerated wala pa nga. Baka gusto mo gawin ko na." umacting itong tinaas ang kamay at umaktong mananampal.

"That's bad." sabi nito sabay kabig sakaniya palapit dito.

Ito na naman ang traydor na katawan ni Amara. Nalanghap na naman niya kasi ang manly scent ng kaibigan. Lagi na lang siya naakit dito. Gusto man nya mag protesta ngunit huli na sakop na nito ang labi niya at inaantay na lang ang tugon niya para mas pailalimin pa nito ang halik. Wala ng nagawa si Amara kundi hayaan ang kaibigan sa ginagawa nito. Pasalamat na lang talaga tinted ang sasakyan nito at wala nakakakita sakanila. Traffic din sa EDSA kaya naka nakaw na naman ng halik ang kaibigan.

Na eenjoy ni Amara ang halik ng kaibigan halatang bihasa na ito at napapatanong na lang siya kong ilan na ba ang n*******n nito. He is definetely a good kisser. Tumagal ang halikan nila ng bigla na lang naglilikot na ang kamay nito. Bigla na lang siyang parang nabuhusan ng malamig na tubig at tinulak niya ito, dahil natatakot siya sa pwede pang mangyari kong hindi niya ito pipigilan. Humingi naman ng sorry ito at nag patuloy ng mag drive.

Wala silang imikan sa mahabang byahe . Sa loob loob ni Andrew, nagsisi siya bakit nadarang siya, hindi niya tuloy alam paano niya kakausapin ang kaibigan.

Nakarating sila ng Mall ng wala pa din imikan hanggang sa binasag na ni Andrew, ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Humingi siya ng sorry ng paulit ulit para mapatawad siya ng kaibigan at nangako naman siya dito na hindi na muling magnanakaw ng halik sa kaniya.

At the mall masayang kumakain sa chinese restaurant ang magkaibigan. Nang biglang nagtanong si Andrew.

"Amara, hindi naman sa nagmamadali ako. Can I ask you something, if you don't mind." sabi ni Andrew na nagsisimula ng pagpawisan. Para siyang teenager na nagpapaalam sa crush niya. All though he is 27 years old now. Natotorpe pa din siya sa kaibigan.

"What is it Andrew, may problema ka ba,?" nagtatakang tanong nito sa kaniya.

"C-can I court you Amara,?" nauutal na sabi nito.

Bigla silang natahimik dalawa at hindi pa din nakakapag salita si Amara. Hanggang binawi na lang ni Andrew ang sinabi niya para hindi na siya mapahiya pa.

"I'm just kidding. Let's eat nalamig na rin ang pagkain natin." wika ni Andrew na halatang dismayado sa sarili.

Alam naman niyang study first ang kaibigan kaya maling mali ang sinabi niya. Napadako ang tingin niya dito. Tahimik ito at mukhang nag iisip.

"Hey, don't mind it. I'm seriously and patiently waiting when you are ready." sabi ni Andrew para hindi na mag isip pa ito.

Nakita naman niyang ngumiti na ulit ang kaibigan, ngayon alam na ni Andrew na hindi pa pala talaga ready ito sa mga relasyon.

Nang matapos silang kumain. Napagpasiyahan nilang maglakad lakad biglang hinawakan ni Andrew ang kamay ni Amara. Tila may kuryenteng dumaloy sa kaibuturan ng katawan niya at bigla na lang namula ang pisngi niya. Batid naman niya sa sarili na mahal na niya talaga ito. Kaso nga lang palagi pa din niyang iniisip ang mararamdaman ng mahal niyang lola pag sinuway niya ang bilin nito.

Ayaw na ayaw ni Amara na sasama ang loob nito sa kaniya.

Nakakita sila ng crane machine. Niyaya ni Amara si Andrew dito. Pumila sila sa cashier para bumili ng token. Naglakad sila pabalik ng crane at nag hulog ng token si Andrew at nag simula niya ng paandarin ang crane. Nakailang ulit siya pero wala pa din makuha na stuff toys. Habang si Amara naman ay ganado mag cheer sa kaniya. Then he closed his eyes, nanalangin siyang maka kuha na at ayaw niyang mapahiya sa kaibigan. Then after that he started to move the crane again and he did it.

Nakita niyang sumilay ang ngiti sa mga labi ng kaibigan. Inabot niya ang human size teddy bear dito. Masaya naman tinanggap nito iyon at ang hindi inasahan ni Andrew ng biglang yakapin siya nito. Nagulat man gumanti na din siya ng yakap.

Nang kumalas sa pagkayapos sa kaniya, bigla itong yumuko at nag sorry.

"Sorry, Andrew, na carried away ata ako. I'm just excited sorry again." nakayukong sabi nito at ayaw man lang siyang tapunan ng tingin.

Hinawakan ni Andrew ang baba nito para iangat siya para magtama ang kanilang mga mata. Naiilang man si Amara sa ginagawa ng kaibigan, pero para siyang naka gapos na hindi makagalaw sa dala na presensiya ng kaibigan. Nakatingin ito sakaniyang mga labi at nagbabadyang halikan siya. Pumikit si Amara ngunit walang dampi ng labi ang naramdaman niya. Pag dilat ng kaniyang mga mata isang nakakunot na noo ang nasilayan niya na nagtataka bakit siya nagkakaganyan.

Para hindi mapahiya niyaya niya na ito lumabas ng toy land. Naglakad silang dalawa hanggang sa naisipan nilang bumili ng ice cream. Masaya silang kumain ng ice cream sa food court habang nagkwekwentuhan. Napag usapan din nila about sa work ni Andrew.

"So paano yan, busy ka na starting next week." pagpapaalala ni Amara.

"Slight but I'll just make sure that I have an extra time for you." assurance na wika nito.

"Hmmm ayokong mag expect baka hindi naman mangyari." wika nito na medyo garalgal ang boses dahil alam niya naman na hindi biro maging isang tagapagmana ng company at maging isang C.E.O.

"For you I will." sabay hawak sa dalawa niyang kamay at h******n ito.

"A-ano ka ba, ang daming tao dito." sabay alis ng mga kamay niya.

"Sorry, nabigla lang naman ako. Mahal na kasi kita Amara at alam mo naman 'yon." seryosong sabi nito na nakikipag eye to eye contact pa sa kaniya para malaman na seryoso siya dito.

"M-mahal? paano? At bakit?" sunod sunod na tanong niya dito dahil hindi siya makapaniwala.

"Remember the first time that we've met. Sinungitan mo pa ako. Aaminin ko badtrip ako sayo that time, pero dumating sa point na gusto na lang kita laging inisin baka sakaling mapansin mo ako. When you love the person, no but and if Amara." seryosong sabi nito at muling hinawakan ang dalawa niyang kamay habang pinipisil ito.

Shocks pa din si Amara sa mga naririnig niya. Hindi niya alam ang isasagot dito.

"Hmmmm! sorry, Andrew, pero alam mo naman di ba na bawal pa ako magka boyfriend kaya hanggang kaibigan lang ang ma-i-o- offer ko sayo for the mean time." diretsahang sagot nito dahil ayaw niyang umasa ang kaibigan sa wala.

"I said, and I mean it. I'm willing to wait for you, Amara." pangakong sabi nito.

"Thank you Andrew for understanding." nakangiting sabi niya sabay pisil ng tungki ng ilong nito. Paborito ni Amara ang pisilin ang ilong nito dahil sa ganda ng hugis.

Nang matapos na silang kumain. Napagpasiyahan na nilang umalis ng Mall. Naglakad at pumunta sa parking lot para hanapin ang sasakyan ni Andrew

While Andrew driving a car. Tahimik naman si Amara habang nakikinig ng music. Medyo nakakarelate siya sa kanta na 'Di totohanin', ano nga bang meron sakanilang dalawa yan ang mga tanong na bumabagabag sakaniyang isipan. Alam naman niyang may puwang sa puso niya ang kaibigan.

"Anara, are you ok? about a while ago, sorry kong na shocks ka." wika nito na nakangiti sabay hawak ng kaniyang mga kamay na nakatingin sakaniya at nag aantay ng sagot niya.

Paano nga ba niya matatanggihan ang charm ng kaibigan. Kahit na sinong dalagang ngitian nito nababaliw sakaniya.

"Yah, I'm really ok. I know naman nabigla ka, so don't you worry. Hindi naman ako galit." saad niya na nakangiting pang palubag ng loob para sa kaibigan.

"Thank you Amara, hindi ko alam ang gagawin ko if magagalit ka ng tuluyan. I'm feeling better now." he said.

Amara's nod her head patunay na ok lang talaga. In fact hindi naman niya talaga madadaya ng puso niya alam naman nito kong sino ang laman. Naniniwala naman siya na there's a perfect time for them. She believe that everything is possible when you patiently waiting for the right time.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Andrew ng sasakyan kaya hindi namalayan ni Amara na nasa harap na sila ng gate ng apartment nito. Mabilis niyang dinampian ng halik sa pisngi ang kaibigan saka biglang lumabas. Nagulat din siya sa nagawa kaya imbes na antayin ang kaibigan bumaba ng sasakyan sinenyasan niya na lang ito ng good bye.

Nakangiti namang nagwave si Andrew. Nagulat man siya sa ginawa ng kaibigan, pero hindi maalis sa kanyang mga labi ang ngiti. Inayos niya na ang kaniyang sarili at muling nag drive pauwe ng kaniyang condo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status