Share

Chapter 3

Author: Queen Amore
last update Last Updated: 2025-03-07 09:56:57

SABI nila, marriage is supposedly the happiest day for a woman. Pero para kay Laura ay hindi iyon totoo. Dahil sa halip na maging masaya ay kabaliktaran iyon ng nararamdaman niya. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

Bakit? Dahil ngayon araw ang kasal nilang dalawa ni Draco. Isang simpleng civil wedding lang ang mangyayari. Si Margarette, ang ama at ang judge ang tanging magiging witness sa kasal nilang dalawa ni Draco.

Wala na ding nagawa si Laura kundi tanggapin ang kapalaran niya, hindi kasi niya nagawang kausapin si Draco noong minsan na bumisita ito sa mansion. Hinihintay nga niyang ipatawag siya ng ama para ipakilala siya nito sa lalaki gaya ng sinabi nito sa kanya pero hindi iyon nangyari. Handa pa naman na siyang kausapin ito, hilingin na tulungan sila na wala nang hihilingin na kapalit. Siguro naman ay mapapakiusapan niya ang lalaki.

At sinabi lang ng ama sa kanya na tuloy na tuloy na ang kasal. Sa katunayan ay naayos na daw ni Draco ang lahat at may petsa na ang kasal nilang dalawa.

At hindi inaasahan ni Laura na kinabukasan na agad ang kasal nila. Mukhang ayaw na ng lalaki na patagalin pa ang pag-iisang dibdib nila. Sa totoo lang ay gusto niyang tumakas, gusto niyang umalis. Wala siyang pakialam sa aria-arian ng ama niya. Pero ang pumipigil sa kanya ay ang Hacienda Abriogo. Paano ang Hacienda Abriogo? Paano ang pinaghirapan ng ina. Paano ang mga trabahador ng Hacienda na nagta-trabaho doon? Paano sina Manang Andi? Kapag nawala ang Hacienda Abriogo sa kanya ay paniguradong mawawalan ng trababo ang mga ito. At maliban sa ayaw niyang mawala ang Hacienda Abriogo ay ayaw din niyang mawalan ng trabaho ang mga trabahador na simula noong bata pa siya ay doon na naninirahan sa Hacienda.

So, Laura has no choice but to accept her fate. Mukhang nasalo niya lahat ng kamalasan. Una, hindi niya naramdaman ang pagmamahal sa ama, pangalawa ay niloko siya ng boyfriend. At ngayon, magpapakasal siya sa lalaking hindi niya mahal at triple ang edad sa kanya.

Mayamaya ay nakarinig si Laura ng mahinang katok sa labas ng kwarto niya. Humakbang siya palapit sa pinto para pagbuksan ang kumakatok. At pagkabukas niya sa pinto ay sumalubong sa kanya ang mukha ni Margarette, tulad niya ay napapansin din dito ang lungkot. Mukhang nararamdaman ng kaibigan ang nararamdaman din niya ng sandaling iyon.

Niluwagan ni Laura ang pagkakabukas ng pinto para papasukin ang kaibigan.

"Hindi ka pa nakabihis?" tanong nito sa kanya ng tuluyan itong nakapasok sa loob, ito nga din ang nagsara ng pinto.

Isang malalim na buntong-hininga lang naman ang isinagot ni Laura dito. "Kung nagdadalawang isip ka, may oras pa naman Laura. Pwede ka pang magback-out," mayamaya ay wika ni Margarette sa kanya.

Umiling-iling siya. "Paano naman ang Hacienda Abriogo, Margarette?" tanong niya ng balingan niya ito. "Paano ang mga trabahador sa Hacienda? Mawawalan sila ng trabaho? Paano ang pamilya nila?"

"So, itutuloy mo talaga ang pagpapakasal mo kay Draco? Kahit na hindi mo siya mahal at kahit na alam mong triple ang agwat ng edad niyong dalawa?" tanong nito sa kanya.

"Mukhang ito talaga ang kapalaran ko, Marg," wika niya sa mahinang boses.

She has no choice, may choice siya pero hindi na siya hinayaan. Kung binigyan lang siguro siya ng ilang buwan ay makakahanap siguro siya ng solusyon para sa problema niya. Pero mukhang nagmamadali si Draco at gusto na siya nitong matali dito dahil mabilis nitong naayos ang lahat.

Sa pagkakataong iyon ay si Margarette naman ang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. "Kung ano ang magiging desisyon mo ay susuportahan kita, basta ang isipin mo ay nandito lang ako," wika naman ni Margarette.

"S-salamat," wika niya dito. Ilang minuto pa silang nag-usap na dalawa hanggang sa makarinig muli sila ng katok na nanggaling sa labas ng pinto. Si Margarette naman ang lumapit para buksan ang pinto.

"Ma'am Laura," tawag naman ng kasambahay sa pangalan niya nang silipin siya nito sa loob ng kwarto.

"Bakit?" tanong niya nang magtama ang mga mata nila.

"Pinapahanda na kayo ng Daddy niyo. Pumunta na daw kayo sa library dahil anumang sandali ay darating na ang mapapangasawa niyo," imporma nito sa kanya.

Hindi naman maiwasan ni Laura ang makaramdam ng kaba ng sandaling iyon. Naramdaman nga niya ang pamamawis ng kamay.

"S-sige," sagot naman niya dito.

"Magbihis ka na, Laura," wika naman sa kanya ni Margarette. Para siyang robot nang kunin niya ang puting bestida na nakalapag sa ibabaw ng table niya, bigay iyon ng ama at isuot daw niya. Kung pwede nga lang ay hindi iyon ang isuot ni Laura, kung pwede nga lang ay magsuot siya ng itim. Dahil mas nababagay ang kulay itim sa nararamdaman niya ng sandaling iyon.

"Gusto mo na ayusan kita?" tanong nito ng lumabas siya ng banyo at nang matapos siyang magbihis.

Umiling si Laura. "Hindi na, Marg. Wala namang dahilan para mag-ayos ako," sagot niya, gusto kasi niyang ipakita sa ama at kay Draco na tutol siya sa kasal na mangyayari.

Hindi naman nagtagal ay bumalik ang kasambahay doon at pinapatawag na siya. Sabay nga silang lumabas ni Margarette sa kwarto at naglakad patungo sa library kung saan magaganap ang civil wedding.

Pagpasok nila sa loob ay agad niyang nakita ang ama. At mukhang ang saya-saya nito dahil may ngiting nakapaskil sa labi nito, mukhang ito lang ang masaya sa kasal na mangyayari. Paanong hindi ito magiging masaya? Eh, maso-solusyonan na ang problema nito.

Maliban din sa ama ay naroon na din ang judge na magkakasal sa kanila sa loob ng library. Ipinakilala nga siya ng ama dito pero isang tango lang ang isinagot niya.

Ilang minuto din silang naghintay sa pagdating ni Draco. At habang lumilipas ang ilang minuto ay dinadasal niyang sana ay hindi na lang sumipot ang lalaki, na sana ay nagbago ang isip nito. Na maisip nito na para na siya nitong anak, hindi pala, na para na siya nitong apo. Sigurado naman siya na alam nito ang edad niya.

Pero hindi pinakinggan ang dasal niya dahil mayamaya ay nakarinig sila ng katok sa labas. Bumukas ang pinto at pumasok do'n si Draco, naramdaman nga niya ang paghigpit ng pagkakawak ni Margarette sa braso niya habang nakatingin din ito sa mapapangasawa niya. May ideya na ito kung ilan ang edad ni Draco pero nang makita nito sa personal ang lalaki ay hindi pa din nito napigilan ang magulat.

Pareho sila ng reaksiyon ni Margarette. Ganoon din ang reaksiyon niya nang unang beses niya itong makita.

Para na nga niya itong Lolo.

Dahil ang atensiyon ay nasa lalaking pakakasalan ay hindi niya napansin ang matangkad na lalaki na sumunod na pumasok sa loob ng library. Napansin niyang lumapit si Draco sa ama niya, samantalang ang matangkad na lalaki ay lumapit naman sa harap ng judge na magkakasal sa kanila.

"Let's start the ceremony." Mayamaya ay narinig niya ang malamig pero baritonong boses na iyon. Tumingin naman siya sa gawi ng matangkad na lalaki na nagsalita. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya nakita ang hitsura nito.

Pero matangkad ang lalaki at he is well-built. Kitang-kita niya iyon sa malapad na likod nito. Nakausot ito ng puting long-sleeved at nakalihis ang manggas niyon hanggang sa siko. Kita nga niya ang mamahaling relo na suot nito at ang mga ugat sa braso nito.

"Laura, lumapit ka na kay Draco para makapag-simula na ang seremonya," wika ng ama sa kanya, walang kalamigan na mababakas sa boses nito, kung sa ibang nakakarinig ay parang uliran itong ama.

Mapagpanggap talaga ito.

Saglit namang pumikit si Laura. Ilang beses siyang humugot ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay dahan-dahan siyang humakbang palapit kay Draco.

"Bakit sa amin ka lumalapit?" takang tanong ng ama, sa pagkakataong iyon nagsalubong ang mga kilay nito.

"Sinabi niyo pong lumapit ako kay Draco," sagot niya sa ama. Napatingin nga din siya matanda na nasa tabi nito, ngumiti ito sa kanya nang magtama ang mga mata nila.

"Draco is there, Laura," sagot ng ama sabay turo sa kinaroroonan ni Draco.

Sinundan naman ni Laura ang tinuturo ng ama. At hindi niya napigilan ang manlaki ang mga mata nang sumubong sa kanya ang itim na mga mata ng matangkad na lalaki.

His piercing and cold eyes were staring at her, sending chills down her spine again. She could even see his eyebrows arching in greeting as he gazed at her.

"He is Draco Atlas Acuzar, Laura. The man you're going to marry."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adah Dino
akla nya tlga si draco ay mtnda pa sa papa nya hehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Cold Billionaire's Revenge   Epilogue

    HINIHIMAS ni Laura ang malaking tiyan habang naglalakad siya patungo sa kusina para kumuha ng mami-meryenda. At habang hinihimas ang malaking tiyan ay hindi niya napigilan ang mapangiti ng maramdaman niya ang pagsipa ng kanyang baby. Mukhang excited nang lumabas ang baby niya sa mundo, mukhang excited na itong makita sila ng Papa nito. Sila din naman, excited na din silang makita ito, excited na nila itong mahawakan, mayakap at mahalikan. Kabuwanan na ni Laura. At ilang araw na lang ang hinihintay nila bago siya manganak. At sigurado siyang sobrang lapit na dahil kaninang umaga ay medyo kumikirot ang tiyan, akala nga niya ay manganganak na siya pero bigla din naman nawala ang kirot. Nandito din sila ni Laura sa Hacienda Abriogo, napag-desisyonan kasi nila ng kanyang asawa na doon siya manganganak dahil maraming mag-aalaga sa kanya, marami siyang makakasama. Pumayag naman si Draco kaya noong kabuwanan na niya ay umuwi sila sa Hacienda. Sa Manila kasi sila namalagi ng ilang buwan

  • The Cold Billionaire's Revenge   Final chapter

    "MANANG Andi, nasaan po si Draco?" tanong ni Laura kay Manang Andi nang makita niya ito sa sala ng mansion."Oh, Laura, nasa labas na ang asawa mo. Iniistima ang mga bisita," sagot nito sa kanya. Ngumuso naman si Laura nang marinig iyon. Sinabi niyang sabay sila na lalabas ng mansion pero hindi siya nito hinintay. Nagpasalamat naman siya kay Manang Andi at saka siya humakbang siya palabas ng mansion para puntahan ito. Paglabas ni Laura sa mansion ay agad na sumalubong sa kanya ang malakas na tugtugin at ang mga masasayang kwentuhan ng mga bisita--na pawang mga trabahador ng Hacienda Abriogo. Walang okasyon ng gabing iyon pero si Draco, nag-utos na magkaroon ng okasyon sa Hacienda. Naghanda nga ito, nagpakatay ito ng baka at baboy. At lahat ng trabahor ng Hacienda ay inimbita nito. Matanda o bata pa iyan. Hindi naman napigilan ni Laura na ilibot ang tingin sa paligid para hanapin si Draco. At hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita niya ito. At para

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 106

    "I'M going with you, Draco." Napatigil si Draco sa pag-aayos ng sarili ng marinig niya ang sinabing iyon ni Laura. Kunot ang noong nilingon niya ito sa kanyang likod. At nakita niyang titig na titig ito sa kanya. Pansin nga din niya ang pinaghalong lungkot at sakit sa mga mata nito ng sandaling iyon. "No," sagot naman niya dito. "But...I want to talk to him," wika nito. "A-alam kung hindi niya ako tunay na anak. Alam kung wala siyang pagmamahal na nararamdaman sa akin. G-gusto ko lang malaman kung bakit? Kung bakit gusto niya akong p-patayin," garalgal ang boses na wika nito. Napansin nga din niya ang panunubig ng mga mata nito ng sandaling iyon hanggang sa pumatak ang luha sa mga mata nito. Kumuyom naman ang kamao ni Draco nang makita iyon. Humakbang siya palapit dito at saka siya lumuhod sa harap nito. Mas lalong bumuhos nga ang luha sa mga mata nito ng tumaas ang isang kamay niya para punasan ang luhang namalibis sa mga mata nito. "Shh..." malambing ang boses na wika niya

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 105

    NAPAKURAP-kurap si Laura habang nakatitig siya kay Draco ng ilahad nito ang isang kamay sa harap niya nang pagbuksan siya nito ng pinto sa backseat pagkatapos nitong bumaba ng kotse. "Ako dapat ang umaalay sa 'yo dahil kakalabas mo lang sa ospital," wika niya dito mayamaya sa halip na tanggapin niya ang kamay nitong nakalahad. Tatlong araw din silang nanatili sa ospital pagkatapos ng aksidenteng nangyari. At nang sabihin ng doctor na pwede na silang lumabas ay agad niyang inayos ang discharge paper nito para makauwi na sila. At sa tatlong araw na iyon ay halos hindi siya umalis ng hospital para bantayan ito kahit na pinipilit ni Draco na umuwi na siya dahil kaya naman nito ang sarili, para din daw makapagpahinga siya ng maayos. Pero nanaig ang kagustuhan niyang manatili ito sa ospital. Gusto kasi niyang nakasiguro na okay lang talaga ito. At sinabi niya dito na hindi din siya makakapagpahinga ng maayos sa kakaisip dito kung uuwi siya ng mansion. Wala na din namang nagawa si Drac

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 104

    "SENYORITA!" Napatingin si Laura sa gilid niya nang makita niya ang paghangos nina Manang Andi at Aine palapit sa kanya. At nang tuluyan ang mga itong nakalapit ay hindi niya napigilan na yakapin si Manang Andi at hindi din niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "Manang...." "Anong nangyari Laura?" tanong sa kanya ni Manang Andi habang yakap-yakap siya nito. At mas lalong bumuhos ang luha sa mga mata niya nang maalala ang nangyari kanina. Muntik na siyang masagasaan kung hindi lang siya iniligtas ni Draco. Kung hindi lang naging mabilis ang pagkilos nito para hilahin siya kung saan siya nakatayo. Pero sa pagliligtas sa kanya ni Draco ay ito naman ang napahamak. At hanggang ngayon ay wala pa din siyang balita kung kamusta ito dahil pagkatapos dalhin si Draco sa OR ng dalhin sila ng ambulansiya sa ospital ay hindi pa lumalabas ang doctor. At hindi maiwasan ni Laura ang makaramdam ng pag-alala para dito. Lalo na ang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang dug

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 103

    NAGHAHANDA si Laura para umalis ng sandaling iyon. Pupunta kasi siya sa OB Gyne para magpa-check up. Huling check-up kasi niya ay noong nasa Manila pa siya. Wala naman siyang nararamdaman sa katawan. Gusto lang niyang malaman kung okay lang ba ang baby na nasa sinapupunan niya. At habang lumilipas ang araw ay napapansin na niya ang umbok sa kanyang tiyan. Patunay na lumalaking healthy ang baby niya. Hindi na nga din siya nagsusuot ng pantalon dahil sumisikip na iyon. Balak nga niyang magpunta sa Mall pagkatapos ng check-up niya para bumili ng ilang maluluwag na pantalon o hindi kaya maternity dress para may maisuot siya. Ayaw kasi niyang maipit ang baby niya. At nang matapos makapagbihis ni Laura ay kinuha na niya ang bag at cellphone at saka na siya lumabas ng kwarto. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan, kumapit pa nga siya. Nag-iingat siya baka kasi bigla na lang siyang madulas. Siyempre, kailangan niyang mag-ingat para sa baby niya. At nang tuluyang makababa ay agad na tumuon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status