Share

Chapter 2

Auteur: Queen Amore
last update Dernière mise à jour: 2025-03-07 09:56:23

"SO, you're really getting married, ha?"

Sa halip na sagutin ni Laura ang tanong ng kaibigang si Margarette ay tinungga niya ang bote ng alak na hawak niya. Nasa condo siya ni Margarette ng sandaling iyon. Pagkatapos niyang magpunta sa condo ni Peter ay dumiretso siya sa condo nito. Gusto kasi niya ng kausap, gusto niyang mailabas ang nararamdaman niya. At wala na siyang ibang maisip kundi ito lang. Margarette and I have been friends since college. Kaklase niya ito sa ibang subject. At pareho sila ng personality kaya nag-click silang dalawa.

At pagkarating niya sa condo nito ay agad niyang ikwenento ang gustong mangyari ng ama, ang pagloloko ni Peter sa kanya at ang impulse decision niya dahil sa ginawa ni Peter.

"At nasaan ang manlolokong boyfriend--"

"Ex," she cut her off. Kahit na wala silang naging usapan ni Peter ay tinatapos na niya ang relasyon nila.

"Okay. Where's that fucking asshole of your ex-boyfriend. Makita ko lang siya, bibigyan ko talaga siya ng uppercut," wika nito, bakas sa inis sa boses nito.

"Don't waste your time on him. He's not worth your time," she replied.

Humugot naman si Margarette ng malalim na buntong-hininga. Nakita nga din niya ang pagsandal nito sa headrest ng sofa at saka nito pinag-krus ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib nito.

"Are you really sure about your decision, Laura? Are you sure about marrying a man you don't even know?" tanong nito sa kanya. Nag-angat siya ng tingin dito at nakita niyang titig na titig ito sa kanya.

She couldn't answer her. But honestly, she didn't want to marry him.

At mukhang nabasa nito ang nasa isip niya dahil nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Kapag hindi ka sigurado dito. Pwede ka pa namang umurong, Laura. Marriage is lifetime commitment. Hindi iyon isang pagkain na kapag mainit ay iluluwa mo," wika nito sa kanya. "For God's sake, that Draco Atlas whom you're going to marry? Sinabi mong ka-edad siya ng Papa mo. Kapag kasal na kayo, hindi ko ma-i-imagine na maghahalikan kayo at..." Hindi na nito natapos ang iba pa nitong sasabihin nang mapangiwi ito.

Sa totoo lang ay hindi naman siya sigurado sa edad ni Draco, kung matanda na ba ito o hindi. Sinusubukan nga niyang i-search ito sa social media pero walang mukha ang lumabas. Tanging pangalan lang nito at ang mga achievement nito sa business world. In-assume lang niya na matanda na ito dahil ang sabi ng ama ay isang business tycoon ito at kakilala.

Laura took a deep breath. Hindi pumasok sa isip niya ang bagay na iyon noong pumayag siyang magpakasal. Gaya ng sinabi niya, it was an impulsive decision on her part because of what Peter did to her. Just to save her bruised ego, she accepted what her father wanted. Eh, hindi nga din malinaw kung bakit gusto ng ama na ipakasal siya sa business tycoon na kilala nito. She never asked him.

"But seriously, Laura. Pag-isipan mong mabuti itong desisyon mo habang hindi pa huli ang lahat." Mukhang tutol si Margarette sa naging desisyon niya. "At anong gusto mo? Gusto mo bang pagtawanan ka ng gago mong ex-boyfriend? Na ipagpapalit mo siya sa triple na edad niya? Eh, 'di mas lalong lalaki ang ulo niyon. If you want to get back at your asshole ex-boyfriend, find a guy who's better than him. Someone who's more handsome, taller, hotter, around your age, and richer," pagpapatuloy pa na wila nito sa kanya.

At nang banggitin ni Margarette ang mga katangian na dapat niyang hanapin sa isang lalaki para makabawi sa panloloko niya sa kanya ni Peter ay biglang pumasok sa isip niya ang estrangherong lalaking nakasalabong niya sa building ng condo nito. The description that Margarette mentioned was suited to him.

Huwag lang isali ang malamig na expresyon ng mga mata nito. His piercing stare sent shivers down her spine. Idagdag pa na nakakatakot itong tumingin. Para bang may kasalanan siya kahit na iyon ang unang beses niya itong nakita.

And up until now, she can still vividly remember those devilish eyes that are scary.

Ipinilig na lang naman ni Laura ang isip para maalis ang lalaki sa isip niya. Bakit niya ito iisipin, eh, hindi naman niya ito kilala. At sigurado din siyang hindi na din magku-krus ang landas nilang dalawa dahil hinding-hindi na siya babalik sa lugar kung saan sila nagkita na dalawa.

Besides, Laura doesn't focus on a man's physical appearance; she looks at his character instead. Whether he's handsome or not. Kung maganda ba ang ugali o hindi. Parang si Peter, hindi naman ito masyado gwapo, inakala lang niyang mabait ito, iyon pala ay puro pagkukunwari lang ang lahat.

"Pag-isipan mo itong mabuti, Serena. Baka magsisisi ka din bandang huli."

"YOUR wedding to Mr. Acuzar is already settled, Laura."

Nanlaki ang mga mata ni Laura matapos niyang marinig ang sinabi nito sa kanya ng kausapin niya ito tungkol sa gusto nitong mangyari. Binawi kasi ni Laura ang naging sagot niya tungkol sa pagpapakasal niya kay Draco Atlas Acuzar.

Masyado lang kasi siyang nadala sa bugso ng damdamin sa panloloko sa kanya ni Peter kung kaya't nakapag-desisyon siyang hindi niya pinag-iisipan. At ngayon medyo malinaw na ang isip niya ay doon naman siya nagsisisi.

Tama kasi si Margarette sa sinabi nito, lifetime commitment ang pagpapakasal. Hindi nga iyon isang kanin na kung napaso siya ay iluluwa niya. At nang makapag-isip ng maayos ay agad niyang pinuntahan ang ama para sabihin na binabawi na niya ang desisyon. Pero iyon ang naging sagot nito sa kanya.

"Hindi naman huli ang lahat. Pwede pa naman akong umurong kasi hindi pa naman--

"It's settled already, Laura," he cut her off. "Noong tinawagan mo ako para sabihin na pumapayag ka ng magpakasal kay Draco ay tinawagan ko agad ang lalaki. At sinabi ko sa kanya na pumapayag ka na."

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. "Pwede ko bang kunin ang numero ni Draco? I will call him at sasabihin ko na binabawi ko ang desisyon ko."

"Hindi mo iyan gagawin," wika naman ng ama sa malamig na boses.

"Bakit hindi ko pwedeng gawin?"

"Because I said so, Laura. At sinabi ko na sa 'yo, ako ang masusunod sa ating dalawa. Pakakasalan mo si Draco sa ayaw at sa gusto mo."

"But this is my life. At ayokong magpakasal sa kanya."

"Magpapakasal ka, Laura," mariin na wika nito.

"Bakit gustong-gusto niyo akong magpakasal sa lalaking iyon." Hindi niya napigilan na itanong. Alam niyang walang pagmamahal na nararamdaman ito sa kanya, pero gusto pa din niyang malaman ang dahilan nito kung bakit pinipilit nito na magpakasal siya kay Draco.

"Dahil si Draco lang ang makakatulong sa akin para maisalba ang ari-arian ko, Laura," sagot ng ama sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang mapaawang ang labi sa narinig na sinabi nito. "Naba-bankrupt na lahat ng negosyo at kapag nangyari iyon ay mawawala lahat ng pinaghirapan ko. At sa lahat ng taong hiningan ko ng tulong? Si Draco lang ang handang tumulong sa akin para muli akong makabangon," pagpapatuloy pa na wika nito. So, iyon ang dahilan kung bakit mukhang stress ang ama, kung bakit ito pumayag dahil nagkaroon ng problema ang negosyo nito.

"At ang kapalit ng pagtulong niya ay ang pakasalan ako?"

"Yes," mabilis na sagot ng ama.

Kumuyom muli ang mga kamao niya. Dapat immune na siya sa sakit dahil bata pa siya ay hindi na niya nararamdaman ang pagmamahal nito pero hindi pa din niya maiwasan. Bakit kailangan siya nitong i-sakripisyo para isalba ang mga ari-arian nito? She felt a pang inside her heart.

"And you have no choice but to marry him, Laura. Otherwise, you'll lose Hacienda Abriogo."

"What!?"

"Don't raise your voice at me, Laura," mariing wika ng ama niya.

Kinalma niya ang sarili. "Anong kinalaman ng Hacienda Abriogo? Kay Mommy iyon, pamana iyon sa akin," wika niya, hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo.

"And your mother is my wife, Laura. Sa akin pa din nakapangalan ang Hacienda Abriogo," sagot nito sa kanya. "At kung hindi ka magpapakasal kay Draco, isa ang Hacienda Abriogo sa mawawala sa atin. At sigurado ako na ayaw mo iyong mangyari, you love Hacienda Abriogo so much," dagdag pa nito.

Hindi naman niya magawang makapagsalita ng sandaling iyon. Totoo kasi ang sinabi nito, mahal na mahal niya ang Hacienda Abriogo dahil iyon lang ang tanging ipinamana ng ina sa kanya. Napamahal na din sa kanya ang Hacienda dahil doon siya lumaki, kasama ang totoong nagmamahal sa kanya.

Napansin ni Laura ang pagtaas ng sulok ng labi ng ama nang makita nito ang pananahimik niya, mukhang alam nito ang kahihitnan ng pag-uusap nila. "Kung gusto mong mawala sa 'yo ang pinakamamahal mong Hacienda, ipagpatuloy mo iyang pagmamatigas mo. At kapag ayaw mo namang mawala sa 'yo ang Hacienda ay pumayag ka," pagpapatuloy na wika nito. Pagkatapos niyon ay tiningnan nito ang suot na relong pambisig. "Draco will visit me here. Make yourself presentable, Laura. I want to introduce you to your future husband," wika nito bago inalis ang tingin sa kanya.

Kinagat naman ni Laura ang ibabang labi nang marandaman niya ang pamamasa ng magkabilang mata dahil sa nagbabadyang luha. At mukhang wala na itong balak na kausapin siya dahil itinutok na nito ang atensiyon sa harap ng papeles na binabasa nito.

For the nth time, Laura took a deep breath to calm herself. Humakbang naman na siya palabas ng library at sa halip na tuluyang umalis sa mansion ng ama ay dumiretso siya sa dating kwarto hindi para mag-mukhang presentable sa harap mismo ni Draco.

Dumiretso si Laura sa kwarto para ihanda ang sarili para sa unang beses nilang pagkikita ni Draco. Gusto niya itong makita hindi para ipakilala ang sarili. Gusto niya itong makita para kausapin na iba na lang ang hingin nitong kapalit sa pagtulong sa ama para maisalba ang ari-arian nito, kasama ang Hacienda Abriogo.

Nanatili naman si Laura sa loob ng kwarto, hinihintay ang pagdating ni Draco. At makalipas ng isang oras ay nakarinig siya ng ugong ng sasakyan.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama at humakbang siya palapit sa bintana para sumilip doon. Dumungaw naman siya sa ibaba at nakita niya ang isang itim na kotse na pumarada doon.

Nakita nga din ni Laura ang ama, mukhang sasalubungin ang bisita nito. Mayamaya ay ibinalik muli niya ang tingin sa kotse ng bumukas ang pinto sa may backseat.

At hindi napigilan ni Laura ang mapaawang ang labi nang makita niya ang lalaking bumaba ng kotse at sinalubong ng ama niya.

It seemed that Draco Atlas Acuzar was the man.

At tama silang dalawa ni Margarette. Draco Atlas Acuzar was an old man; he looked even older than her father.

Ang matanda bang iyon ang gustong pakasalan ng ama niya?

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • The Cold Billionaire's Revenge   Epilogue

    HINIHIMAS ni Laura ang malaking tiyan habang naglalakad siya patungo sa kusina para kumuha ng mami-meryenda. At habang hinihimas ang malaking tiyan ay hindi niya napigilan ang mapangiti ng maramdaman niya ang pagsipa ng kanyang baby. Mukhang excited nang lumabas ang baby niya sa mundo, mukhang excited na itong makita sila ng Papa nito. Sila din naman, excited na din silang makita ito, excited na nila itong mahawakan, mayakap at mahalikan. Kabuwanan na ni Laura. At ilang araw na lang ang hinihintay nila bago siya manganak. At sigurado siyang sobrang lapit na dahil kaninang umaga ay medyo kumikirot ang tiyan, akala nga niya ay manganganak na siya pero bigla din naman nawala ang kirot. Nandito din sila ni Laura sa Hacienda Abriogo, napag-desisyonan kasi nila ng kanyang asawa na doon siya manganganak dahil maraming mag-aalaga sa kanya, marami siyang makakasama. Pumayag naman si Draco kaya noong kabuwanan na niya ay umuwi sila sa Hacienda. Sa Manila kasi sila namalagi ng ilang buwan

  • The Cold Billionaire's Revenge   Final chapter

    "MANANG Andi, nasaan po si Draco?" tanong ni Laura kay Manang Andi nang makita niya ito sa sala ng mansion."Oh, Laura, nasa labas na ang asawa mo. Iniistima ang mga bisita," sagot nito sa kanya. Ngumuso naman si Laura nang marinig iyon. Sinabi niyang sabay sila na lalabas ng mansion pero hindi siya nito hinintay. Nagpasalamat naman siya kay Manang Andi at saka siya humakbang siya palabas ng mansion para puntahan ito. Paglabas ni Laura sa mansion ay agad na sumalubong sa kanya ang malakas na tugtugin at ang mga masasayang kwentuhan ng mga bisita--na pawang mga trabahador ng Hacienda Abriogo. Walang okasyon ng gabing iyon pero si Draco, nag-utos na magkaroon ng okasyon sa Hacienda. Naghanda nga ito, nagpakatay ito ng baka at baboy. At lahat ng trabahor ng Hacienda ay inimbita nito. Matanda o bata pa iyan. Hindi naman napigilan ni Laura na ilibot ang tingin sa paligid para hanapin si Draco. At hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita niya ito. At para

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 106

    "I'M going with you, Draco." Napatigil si Draco sa pag-aayos ng sarili ng marinig niya ang sinabing iyon ni Laura. Kunot ang noong nilingon niya ito sa kanyang likod. At nakita niyang titig na titig ito sa kanya. Pansin nga din niya ang pinaghalong lungkot at sakit sa mga mata nito ng sandaling iyon. "No," sagot naman niya dito. "But...I want to talk to him," wika nito. "A-alam kung hindi niya ako tunay na anak. Alam kung wala siyang pagmamahal na nararamdaman sa akin. G-gusto ko lang malaman kung bakit? Kung bakit gusto niya akong p-patayin," garalgal ang boses na wika nito. Napansin nga din niya ang panunubig ng mga mata nito ng sandaling iyon hanggang sa pumatak ang luha sa mga mata nito. Kumuyom naman ang kamao ni Draco nang makita iyon. Humakbang siya palapit dito at saka siya lumuhod sa harap nito. Mas lalong bumuhos nga ang luha sa mga mata nito ng tumaas ang isang kamay niya para punasan ang luhang namalibis sa mga mata nito. "Shh..." malambing ang boses na wika niya

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 105

    NAPAKURAP-kurap si Laura habang nakatitig siya kay Draco ng ilahad nito ang isang kamay sa harap niya nang pagbuksan siya nito ng pinto sa backseat pagkatapos nitong bumaba ng kotse. "Ako dapat ang umaalay sa 'yo dahil kakalabas mo lang sa ospital," wika niya dito mayamaya sa halip na tanggapin niya ang kamay nitong nakalahad. Tatlong araw din silang nanatili sa ospital pagkatapos ng aksidenteng nangyari. At nang sabihin ng doctor na pwede na silang lumabas ay agad niyang inayos ang discharge paper nito para makauwi na sila. At sa tatlong araw na iyon ay halos hindi siya umalis ng hospital para bantayan ito kahit na pinipilit ni Draco na umuwi na siya dahil kaya naman nito ang sarili, para din daw makapagpahinga siya ng maayos. Pero nanaig ang kagustuhan niyang manatili ito sa ospital. Gusto kasi niyang nakasiguro na okay lang talaga ito. At sinabi niya dito na hindi din siya makakapagpahinga ng maayos sa kakaisip dito kung uuwi siya ng mansion. Wala na din namang nagawa si Drac

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 104

    "SENYORITA!" Napatingin si Laura sa gilid niya nang makita niya ang paghangos nina Manang Andi at Aine palapit sa kanya. At nang tuluyan ang mga itong nakalapit ay hindi niya napigilan na yakapin si Manang Andi at hindi din niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "Manang...." "Anong nangyari Laura?" tanong sa kanya ni Manang Andi habang yakap-yakap siya nito. At mas lalong bumuhos ang luha sa mga mata niya nang maalala ang nangyari kanina. Muntik na siyang masagasaan kung hindi lang siya iniligtas ni Draco. Kung hindi lang naging mabilis ang pagkilos nito para hilahin siya kung saan siya nakatayo. Pero sa pagliligtas sa kanya ni Draco ay ito naman ang napahamak. At hanggang ngayon ay wala pa din siyang balita kung kamusta ito dahil pagkatapos dalhin si Draco sa OR ng dalhin sila ng ambulansiya sa ospital ay hindi pa lumalabas ang doctor. At hindi maiwasan ni Laura ang makaramdam ng pag-alala para dito. Lalo na ang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang dug

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 103

    NAGHAHANDA si Laura para umalis ng sandaling iyon. Pupunta kasi siya sa OB Gyne para magpa-check up. Huling check-up kasi niya ay noong nasa Manila pa siya. Wala naman siyang nararamdaman sa katawan. Gusto lang niyang malaman kung okay lang ba ang baby na nasa sinapupunan niya. At habang lumilipas ang araw ay napapansin na niya ang umbok sa kanyang tiyan. Patunay na lumalaking healthy ang baby niya. Hindi na nga din siya nagsusuot ng pantalon dahil sumisikip na iyon. Balak nga niyang magpunta sa Mall pagkatapos ng check-up niya para bumili ng ilang maluluwag na pantalon o hindi kaya maternity dress para may maisuot siya. Ayaw kasi niyang maipit ang baby niya. At nang matapos makapagbihis ni Laura ay kinuha na niya ang bag at cellphone at saka na siya lumabas ng kwarto. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan, kumapit pa nga siya. Nag-iingat siya baka kasi bigla na lang siyang madulas. Siyempre, kailangan niyang mag-ingat para sa baby niya. At nang tuluyang makababa ay agad na tumuon

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status