"HE is Draco Atlas Acuzar, Laura. The man you're going to marry."
Saglit na hindi nakapag-react si Laura sa sinabing iyon ng amang si Leo pero nang mag-sink in sa isip niya ang sinabi nito at kung sino ang totoong lalaking pakakasalan niya ay hindi niya napigilan ang mapaawang ang mga labi. Draco Atlas Acuzar was not old. He was still young, and if Laura wasn't mistaken, he was in his thirties or even older. He wasn't old as she had imagined, but rather young, tall, fair-skinned, handsome, well-built, and exuding sex appeal. At hindi napigilan ni Laura ang mag-angat ng tingin patungo sa mga mata nito. At pigil-pigil niyang huwag mapasinghap nang magtama ang mga mata nilamg dalawa. Laura couldn't take her eyes off her. And those devilish eyes seemed familiar, but she couldn't recall where or when she had seen them. At bakit ito ganoon makatingin sa kanya? His piercing and cold gaze focused on her, and it was scary. Sa sandaling iyon ay gusto niyang umatras--hindi, gusto niyang tumakbo paalis ng library. Hindi niya maipaliwanag pero nakakaramdam ang puso niya ng kaba habang sinasalubong niya ang malamig na titig na pinagkakaloob nito sa kanya. Parang may mali, pakiramdam niya may mangyayaring masama kapag ipinagpatuloy niya ang kasal. Mas gusto yata niyang mag-back out sa kasal kahit na ubod ng gwapo ng lalaking pakakasalanan niya! Parang gusto pa niyang pakasalan ang inaakala niyang Draco kaysa lalaki na ito na hindi man lang yata marunong ngumiti. She couldn't stand the way he looked at her. Mayamaya ay napansin niya ang pagsulyap nito sa suot nitong relong pambisig. "Will you just stand there and stare at me all day, or will you approach me to finish this ceremony?" He said in a cold, baritone voice. "My time is precious," he added. Pinagdikit ni Laura ang ibabang labi. Naramdaman nga din niya ang pagtulak sa kanya ng ama para humakbang palapiy kay Draco. Wala naman na siyang nagawa kundi humakbang palapit dito. Inalis naman na ni Draco ang tingin sa kanya at inilipat nito iyon sa harap ng judge. At mula sa side profile ng lalaki ay kapansin-pansin pa din ang pagsasalubong ng mga kilay nito. At habang palapit ay naamoy na niya ang mamahaling pabango nito na nanunuot sa kanyang ilong. Laura stood beside him. Pero bago mag-umpisa ang seremonya ng kasal ay may narinig siyang nagsalita mula sa likod niya. "Bago mag-umpisa ang kasal, kailangan mo muna pirmahan ito, Miss Laura." Lumingon siya sa kanyang likod. At nakita niya ang matandang lalaki na pinagkamalan niyang si Draco na naglalakad palapit sa kanya. Ito ang nagsalita. "Ano po iyang pipirmahan ko?" tanong naman niya sa matanda nang tuluyan itong nakalapit sa kanya. "It's prenuptial agreement," sagot nito sa kanya. Hindi naman niya napigilan mapatingin sa ama nang mahagip ng tingin niya ang pagtalim ng mga mata nito na para bang hindi nito nagustuhan ang narinig. At mukhang naramdaman nito ang pagtingin niya dahil nagtama ang mga mata nila. Mas tumalim ang mga mata nito. May nababasa siya sa ekspresyon doon at mukhang gusto nitong tumutol siya sa prenuptial agreement na iyon. Well, para sa kanya ay wala namang problema iyon. Walang problema kung pumirma man siya ng prenuptial agreement. It was contract marriage after all. Naisip niyang inaalagaan ni Draco ang ari-arian nito kapag naikasal na sila. Sa tulong na ibinibigay nito sa ama ay paniguradong hindi basta-basta ang ari-arian nito. "You don't want to sign the prenuptial agreement?" He again heard that cold voice of Draco's. Inalis niya ang tingin sa ama niya at inilipat niya iyon kay Draco. His brows still furrowed and his lips pursed. Ganito ba talaga ang ekpresyon ng mukha nito? Parang laging galit sa mundo? "What did you say?" tanong niya dito sa sinabi nito sa kanya. "You don't want to sign the prenuptial agreement," he answered her, this time it's not a question, it's a statement. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang napakunot ng noo. Nakipagsukatan nga din siya ng tingin sa lalaki. Hindi nga din niya napigilan ang mapakuyom ng kamay. Anong akala nito sa kanya? Na hinahabol niya ang pera nito? She took a deep breath. At sa halip na sagutin ito ay inalis niya ang tingin at inilipat iyon sa may edad na lalaki na may hawak na folder. "Nasaan po ang pipirmahan ko?" tanong niya dito. "Here," sagot naman nito sabay abot sa hawak na folder, tinanggap naman iyon pati na din ang ballpen na inaabot din nito sa kanya. Binuklat niya ang folder, may nabasa siyang prenuptial agreement doon. Sa bugso ng damdamin ay hindi na niya binasa ang kabuuan ng agreement. Basta na lang niya pinirmahan iyon. At nang matapos niyang pirmahan ang prenuptial agreement ay sumulyap siya kay Draco na hanggang ngayon ay hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha ng sandaling iyon. "There your answer, happy?" Hindi niya napigilan na sabihin dito habang sinasalubong niya ang matiim na titig nito. His brows furrowed even more at what she said. It seemed the man didn't like what she had said. "Laura." Narinig naman niyang tawag ng ama sa pangalan niya, may mababas sa pagsaway sa boses nito. She wanted to rolled her eyes at the moment but she stop herself. Instead, she took a deep breath. "Let's start the ceremony." Draco said in a deep, and baritone voice. Umayos naman siya mula sa pagkakatayo niya at saka na siya humarap sa judge na nasa harap nila. "Welcome friends, family, and loved ones. Today is a celebration and we are here to celebrate with Draco Atlas Acuzar and Laura Abriogo Gomez in their lifelong commitment to each other." Tahimik lang silang dalawa ni Draco habang nagsasalita ang judge. Para nga siyang robot dahil naging sunod-sunuran siya sa mga sumunod na sandali. Nagpatuloy ang seremonya. Hindi naman agad nakasagot si Laura sa tanong ng judge kung pumapayag ba siya sa pagpapakasal kay Draco Atlas Acuzar. She was hesitant to say the word "yes." Because if she said yes, her life's course would surely change from then on. Pakikisamahan niya ang lalaking hindi niya mahal at lalaking pinaglihi yata ng sama ng loob. Kasi sa loob ng ilang sandali na kasama niya ito ay hindi pa niya ito nakikita na ngumiti. Against din ba ito sa kasal? Bakit gusto nitong ituloy? To be honest, she wanted to back out; she wanted to run away. Pero ang pumipigil sa kanyang gawin iyon ay ang Hacienda Abriogo at ang mga trabahador na napamahal na din sa kanya. Hindi niya kayang pabayaan ang mga ito, lalo pa at sa Hacienda ang kinabubuhay ng mga nito. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niya ang pagsulyap ni Draco at kahit na hindi siya tumingin dito ay alam niyang kunot pa din ang noo nito. She could also feel the tension in the room. Saglit niyang ipinikit ang mga mata. Narinig nga niya ang pagtikhim ni Margarette na para bang ipinapahiwatig ng tikhim nito na naroon lang ito. Na kung gusto niyang tumakbo ay sasamahan siya nito sa pagtakbo. Nagmulat siya ng mga mata at kasabay niyon ay ang pagbuka din niya ng bibig para sumagot. "Y-yes," sagot niya, hindi nga din niya napigilan ang pagpiyok ng boses, ikinurap-kurap nga din niya ang mga mata ng maramdaman niya ang pamamasa ng magkabilang mata niya. Don't cry, Laura. Don't cry infront of them. Sumunod naman tinanong si Draco. Hindi pa nga tapos ang judge nang sumagot na agad ito. Ano? Hindi makapaghintay? Nagpatuloy ang seremonya ng kasal. At hindi nagtagal ay natapos na din ang kasal. "After this heartfelt ceremony, I am delighted to announce that this couple has been joined in marriage. They now stand stronger and more united than ever. Congratulations, Draco and Laura Acuzar." Acuzar. She was now Laura Acuzar. "Draco, you may kiss your wife." Upon hearing the judge's words, she couldn't help but glance at Draco. And just like before, she couldn't read any emotions in his eyes. And Laura, unconsciously, licked her lower lip, napansin naman niya ang pagbaba ng tingin nito sa labi niya. Hindi ba pwedeng skip na lang ang kissing scene? Ang importante kasal na sila. Pero mukhang walang balak si Draco na i-skip ang kissing scene dahil wala pa ding emosyon na bumaba ang mukha nito sa mukha niya. At hindi maipaliwanag ni Laura kung bakit halos pigil ang hininga niya. And the moment their lips touch, she can feel the shiver down to her spine. Mulat na mulat nga ang mata niya habang magkalapat ang mga labi nila. At gayon din si Draco, mukhang walang balak na ipikit ang mga mata dahil pansin niya ang bigat ng titig nito, tinitingnan yata ang reaksiyon niya. At nang medyo nahismasam ay akmang ilalayo niya ang labi dito. Pero nanlaki na lang ang mga mata niya ng biglang pumulupot ang kamay nito sa likod ng baywang niya at hinila siya nito palapit sa katawan nito. At ang isang kamay ay pumulupot din sa batok niya. And without warning, Draco kissed her lips again. Her eyes widened because that time, their lips didn't just touch - Draco was kissing her with fervor, his eyes still open. His piercing gaze stared at her as he continued kissing her.Thank you for reading! Please support this story of mine po. Huwag niyo din po kalimutang magbigay ng gems. 😘
HINIHIMAS ni Laura ang malaking tiyan habang naglalakad siya patungo sa kusina para kumuha ng mami-meryenda. At habang hinihimas ang malaking tiyan ay hindi niya napigilan ang mapangiti ng maramdaman niya ang pagsipa ng kanyang baby. Mukhang excited nang lumabas ang baby niya sa mundo, mukhang excited na itong makita sila ng Papa nito. Sila din naman, excited na din silang makita ito, excited na nila itong mahawakan, mayakap at mahalikan. Kabuwanan na ni Laura. At ilang araw na lang ang hinihintay nila bago siya manganak. At sigurado siyang sobrang lapit na dahil kaninang umaga ay medyo kumikirot ang tiyan, akala nga niya ay manganganak na siya pero bigla din naman nawala ang kirot. Nandito din sila ni Laura sa Hacienda Abriogo, napag-desisyonan kasi nila ng kanyang asawa na doon siya manganganak dahil maraming mag-aalaga sa kanya, marami siyang makakasama. Pumayag naman si Draco kaya noong kabuwanan na niya ay umuwi sila sa Hacienda. Sa Manila kasi sila namalagi ng ilang buwan
"MANANG Andi, nasaan po si Draco?" tanong ni Laura kay Manang Andi nang makita niya ito sa sala ng mansion."Oh, Laura, nasa labas na ang asawa mo. Iniistima ang mga bisita," sagot nito sa kanya. Ngumuso naman si Laura nang marinig iyon. Sinabi niyang sabay sila na lalabas ng mansion pero hindi siya nito hinintay. Nagpasalamat naman siya kay Manang Andi at saka siya humakbang siya palabas ng mansion para puntahan ito. Paglabas ni Laura sa mansion ay agad na sumalubong sa kanya ang malakas na tugtugin at ang mga masasayang kwentuhan ng mga bisita--na pawang mga trabahador ng Hacienda Abriogo. Walang okasyon ng gabing iyon pero si Draco, nag-utos na magkaroon ng okasyon sa Hacienda. Naghanda nga ito, nagpakatay ito ng baka at baboy. At lahat ng trabahor ng Hacienda ay inimbita nito. Matanda o bata pa iyan. Hindi naman napigilan ni Laura na ilibot ang tingin sa paligid para hanapin si Draco. At hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita niya ito. At para
"I'M going with you, Draco." Napatigil si Draco sa pag-aayos ng sarili ng marinig niya ang sinabing iyon ni Laura. Kunot ang noong nilingon niya ito sa kanyang likod. At nakita niyang titig na titig ito sa kanya. Pansin nga din niya ang pinaghalong lungkot at sakit sa mga mata nito ng sandaling iyon. "No," sagot naman niya dito. "But...I want to talk to him," wika nito. "A-alam kung hindi niya ako tunay na anak. Alam kung wala siyang pagmamahal na nararamdaman sa akin. G-gusto ko lang malaman kung bakit? Kung bakit gusto niya akong p-patayin," garalgal ang boses na wika nito. Napansin nga din niya ang panunubig ng mga mata nito ng sandaling iyon hanggang sa pumatak ang luha sa mga mata nito. Kumuyom naman ang kamao ni Draco nang makita iyon. Humakbang siya palapit dito at saka siya lumuhod sa harap nito. Mas lalong bumuhos nga ang luha sa mga mata nito ng tumaas ang isang kamay niya para punasan ang luhang namalibis sa mga mata nito. "Shh..." malambing ang boses na wika niya
NAPAKURAP-kurap si Laura habang nakatitig siya kay Draco ng ilahad nito ang isang kamay sa harap niya nang pagbuksan siya nito ng pinto sa backseat pagkatapos nitong bumaba ng kotse. "Ako dapat ang umaalay sa 'yo dahil kakalabas mo lang sa ospital," wika niya dito mayamaya sa halip na tanggapin niya ang kamay nitong nakalahad. Tatlong araw din silang nanatili sa ospital pagkatapos ng aksidenteng nangyari. At nang sabihin ng doctor na pwede na silang lumabas ay agad niyang inayos ang discharge paper nito para makauwi na sila. At sa tatlong araw na iyon ay halos hindi siya umalis ng hospital para bantayan ito kahit na pinipilit ni Draco na umuwi na siya dahil kaya naman nito ang sarili, para din daw makapagpahinga siya ng maayos. Pero nanaig ang kagustuhan niyang manatili ito sa ospital. Gusto kasi niyang nakasiguro na okay lang talaga ito. At sinabi niya dito na hindi din siya makakapagpahinga ng maayos sa kakaisip dito kung uuwi siya ng mansion. Wala na din namang nagawa si Drac
"SENYORITA!" Napatingin si Laura sa gilid niya nang makita niya ang paghangos nina Manang Andi at Aine palapit sa kanya. At nang tuluyan ang mga itong nakalapit ay hindi niya napigilan na yakapin si Manang Andi at hindi din niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "Manang...." "Anong nangyari Laura?" tanong sa kanya ni Manang Andi habang yakap-yakap siya nito. At mas lalong bumuhos ang luha sa mga mata niya nang maalala ang nangyari kanina. Muntik na siyang masagasaan kung hindi lang siya iniligtas ni Draco. Kung hindi lang naging mabilis ang pagkilos nito para hilahin siya kung saan siya nakatayo. Pero sa pagliligtas sa kanya ni Draco ay ito naman ang napahamak. At hanggang ngayon ay wala pa din siyang balita kung kamusta ito dahil pagkatapos dalhin si Draco sa OR ng dalhin sila ng ambulansiya sa ospital ay hindi pa lumalabas ang doctor. At hindi maiwasan ni Laura ang makaramdam ng pag-alala para dito. Lalo na ang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang dug
NAGHAHANDA si Laura para umalis ng sandaling iyon. Pupunta kasi siya sa OB Gyne para magpa-check up. Huling check-up kasi niya ay noong nasa Manila pa siya. Wala naman siyang nararamdaman sa katawan. Gusto lang niyang malaman kung okay lang ba ang baby na nasa sinapupunan niya. At habang lumilipas ang araw ay napapansin na niya ang umbok sa kanyang tiyan. Patunay na lumalaking healthy ang baby niya. Hindi na nga din siya nagsusuot ng pantalon dahil sumisikip na iyon. Balak nga niyang magpunta sa Mall pagkatapos ng check-up niya para bumili ng ilang maluluwag na pantalon o hindi kaya maternity dress para may maisuot siya. Ayaw kasi niyang maipit ang baby niya. At nang matapos makapagbihis ni Laura ay kinuha na niya ang bag at cellphone at saka na siya lumabas ng kwarto. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan, kumapit pa nga siya. Nag-iingat siya baka kasi bigla na lang siyang madulas. Siyempre, kailangan niyang mag-ingat para sa baby niya. At nang tuluyang makababa ay agad na tumuon