Share

Chapter 5

Author: Rhod Selda
last update Last Updated: 2023-03-22 17:05:36

PARANG walang nangyari at ganoon pa rin ang pakikitungo ni Midnight kay Liza. Ni minsan ay hindi nito nabanggit ang tungkol sa namagitang sekswal sa kanila. Hindi na iyon naulit pa. May pagkakataon na gusto na niyang sumuko at iwan si Midnight. Kaso natatakot siya baka babalik siya sa dating buhay.

Paubos na ang pera niya sa pagtulong sa kinalakihang pamilya. Kung babalik siya roon, maaring siya ang papasan sa lahat ng responsibilidad dahil parehong may sakit ang mga magulang, at hindi rin siya makapag-aral nang maayos. Hindi na niya malaman ang gagawin. Ayaw niyang galawin ang natitirang dalawang milyon sa bangko. Ilalaan niya iyon sa kaniyang pag-aaral at negosyo balang araw.

Ang halagang sampung milyon na bayad sa lupa at mga hayop, nabawasan din pambayad ng mga utang ng lolo niya at ibang gastusin sa ospital. Kaya ang natira sa kaniya ay limang milyon. Mahigit dalawang milyon na ang naibigay niya sa kinalakihang pamilya. Mahigit isang milyon kasi ang nagastos sa ospital at ilang buwang gamutan ng tatay niya.

Umaga ng Biyernes, nagdadamo sa harap ng bahay si Liza. Hindi siya makapag-isip nang maayos. Mamaya ay may bumusinang sasakyan sa labas. Tumayo siya at kaagad binuksan ang gate nang malamang si Lola Lucy ang dumating. Pumasok kaagad ito.

Si Lola Lucy rin ang nagmamaneho ng kotse nito. Sixty-two anyos na ito pero parang kuwarenta lang tingnan. Maganda pa rin ito kahit may edad na. Sa tuwing bibisita roon ang ginang ay hindi siya makakilos nang maayos. Lahat kasi ng ginagawa niya ay sinisita nito.

Masungit ang ginang, kahit sa hilatsa pa lamang ng mukha ay makikitang m*****a ito. At pagbaba pa lamang nito ng kotse ay sinuyod na siya ng tingin. Nakasuot lang siya ng pulang pajama at itim na kamesita. Tumayo siya nang tuwid sa harapan ng ginang.

“Magandang umaga po, Lola!” bati niya rito.

“Nandito ka pa rin pala?” nakataas ang isang kilay na sabi nito.

“Ho? Eh, dito na po ako nakatira,” aniya.

“I mean, hindi ka pa pala pinaalis ni Midnight.”

Mariing kumunot ang noo niya. “Bakit naman po niya ako paaalisin? Asawa niya po ako.”

Umalon ang dibdib ng ginang, taas-noo siyang tinitigan sa mukha. “Pansamantalang asawa,” pagtatama nito.

Nanikip ang kaniyang dibdib dahil sa sinabi nito. Ang ibig ba nitong sabihin ay hindi na epektibo ang kasal nila ni Midnight?

“A-Ano po ang ibig n’yong sabihin?” nababahalang tanong niya.

“Kailanman ay hindi makikisama nang matagal sa babae ang apo ko. Pinakasalan ka lang niya dahil sa lupa ng lolo mo. At huwag kang umasa na magugustuhan ka ni Midnight. Sinasabi ko sa ‘yo, matigas pa sa bato ang puso niya. Hindi mo siya mapapalambot.”

Sumigid ang kirot sa kaniyang puso. “Ang ibig n’yo po bang sabihin ay ibabalik ako ni Midnight sa dati kong buhay?” mangiyak-ngiyak niyang tanong.

“Siguro, pero asahan mo na ‘yon. Kahit ako’y ayaw makasama ni Midnight sa bahay. Ikaw pa kaya? Hindi siya sanay na may kasamang ibang tao sa bahay. Kahit sa negosyo, bihira siya humaharap sa mga tao, unless neccesary.”

“Pero may kasunduan po sila ni Lolo.” Tuluyang nanubig ang kaniyang mga mata.

“Liza, wala na ang lolo. Wala ring silbi ang kasunduan. At hindi natin mapipilit si Midnight kung ano ang ayaw niyang gawin. Kaya kung ayaw mong makisama sa katulad niya, ikaw na ang lumayo. Gamitin mo ang pera ng lolo mo para makapagsimula.”

Lalo lamang nanikip ang kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung paano magsimula. Nasanay na siya sa puder ni Midnight. Umaasa pa rin siya na magiging mabait din ito sa kaniya at matatanggap siya bilang babae.

Hindi na siya nakakibo hanggang sa iwan siya ng ginang. Pumasok ito sa bahay at malamang ay titingnan ang sitwasyon sa loob. Noong wala pa siya, madalas pumupunta roon ang ginang at may kasamang tagalinis. Pero umaalis din kaagad ang mga ito bago darating si Midnight. Ayaw kasi ni Midnight na may nadadatnang ibang tao sa bahay.

Umalis din kaagad si Lola Lucy at inutusan pa siyang palitan lahat ng kurtina at mga sapin sa upuan. Nilabhan niya lahat ng inalis niyang kurtina at sapin ng mga upuan at lamesa. Maghapon siyang naglinis, halos walang pahinga. Nakalilimot siya sa mga problema sa tuwing abala ang kaniyang katawan.

Dalawang linggo pa ang lumipas. Sa loob ng mga araw na iyon ay isang beses lamang umuwi si Midnight at lasing pa. Pero kinagabihan ng Sabado ay umuwi ito, lasing na naman pero hindi naman sobra. Hindi ito kumain at diretso sa kuwarto.

Naglalampaso siya ng sahig sa kuwarto nito nang pumasok si Midnight. Kaagad itong dumapa sa kama. Hindi pa ito naghuhubad ng sapatos.

“Liza….” tawag nito sa malamyos na tinig.

Binitawan niya ang mop at nilapitan ang asawa. “May kailangan ka ba?” tanong niya ito.

“Alisin mo ang sapatos ko,” utos nito.

Sinunod naman niya ito. Tumihaya ito at gusto ring ipahubad sa kaniya ang pantalon nito at damit. Ginagawa lamang niya ang utos nito na walang imik. Ngunit nang tuluyang maalis lahat ng saplot nito sa katawan, natukso siyang titigan ang halimaw nitong alaga sa ibaba.

Kaya siya nasaktan nang sobra noong inangkin siya nito dahil sa laki ng k*****a. Nakapikit na si Midnight kaya maingat siya sa pagsuot ng brief nito. At habang binibihisan niya ito, naisip niya ang sinabi ni Lola Lucy. Inalipin siya ng lungkot. Hindi pa niya kayang malayo kay Midnight. Kahit ganoon ang ugali nito, napagtitiyagaan niya itong pakisamahan.

“Ayaw mo ba talaga akong makasama?” tanong niya.

Alam niyang tulog na si Midnight kaya malakas ang loob niyang kausapin ito. Umupo pa siya sa paanan nito at nilinis ng bimpo na mayroong alcohol ang mga paa nito. Napansin niya na walang ni isang larawan ng mga magulang nito si Midnight sa kuwarto.

Ang sabi ng lolo niya, bata pa lamang si Midnight ay naghiwalay na ang mga magulang nito at nagkaroong ng kaniya-kaniyang pamilya. Namatay ang nanay nito dahil sa malubhang sakit sa puso. Ang tatay naman nito ay nasa Australia at masaya na sa bagong pamilya. Pinalaki lang ng lola nito si Midnight, sinanay na maagang namulat sa negosyo.

Si Lola Lucy pala ay kauna-unahang babaeng minahal ng lolo niya. Subali’t hindi gusto ng parents ni Lola Lucy ang lolo niya. Ang lolo na niya ang lumayo at nagpakasal sa kaniyang lola kahit nasaktan si Lola Lucy. Kaya ganoon na lang ang galit nito sa lolo niya.

“Alam mo ba na masaya kapag may kasama ka sa buhay? Kahit hindi mo kadugo basta nagmamahalan. Ganoon ang totoong pamilya. Alam ko magkaiba tayo ng sitwasyon. Pero sana ay buksan mo ang puso mo para sa ibang tao. Masarap sa pakiramdam na may nagmamahal sa ‘yo,” kausap niya sa natutulog na asawa.

Kumilos si Midnight at patagilid na humiga. Humiga rin siya katabi nito at kaharap ang nahimbing nitong mukha. Marahan niyang hinaplos ang makinis nitong pisngi. Natutukso siyang hagkan ito sa mga labi, at ginawa nga niya.

“Balang araw, maiisip mo rin ako,” aniya.

Nang muli itong gumalaw ay bumangon na siya at lumisan dala ang gamit panlinis.

Kinabukasan ay inagahan ni Liza ang gising at nagluto ng almusal. Ngunit maaga ring nagising si Midnight at nakabihis na. Uminom lang ito ng tubig.

“Aalis ka na?” tanong niya rito.

Hindi siya nito pinansin, sa halip ay nagmamadali itong umalis. Sinilip lang niya sa bintana ang paalis na kotse ni Midnight. Inaliw na lamang niya ang kaniyang sarili sa paglilinis ng bakuran.

Kung kailan hindi nagluto ng hapunan si Liza ay saka naman umuwi nang maaga si Midnight. May tira pa kasi siyang ulam mula tanghali at okay na iyon sa kaniya. Kaagad siyang naglinis ng katawan at pinuntahan sa study room ang asawa. Pinapunta siya nito roon.

“Sign this,” sabi nito. Inabot nito sa kaniya ang naka-folder na papeles.

Nang kunin niya’y una niyang nabasa ang titulo ng papeles. Isa itong divorce paper. Nawindang siya nang matanto kung ano ang ibig niyong sabihin.

“B-Bakit?” tanging nanulas sa kaniyang bibig.

“Hindi ko na kayang magtagal ang kasal na ‘to. It’s useless. Ayaw ko ring makulong ka sa puder ko. You will be free once you sign the papers,” anito.

“P-Pero nangako ka kay Lolo na paninindigan mo ang kasal.”

“Kailangan mong maintindihan na hindi normal ang kasal natin, Liza. You don’t even love me, and me either. It’s nonsense. Kung financial ang problema mo, I’ll give you ten million para makapagsimula ka ng negosyo. You can buy properties, continue your studies.”

Wari may mabigat na bagay na nakadagan sa kaniyang dibdib. Umalab ang bawat sulok ng kaniyang mga mata at tuluyang lumaya ang maninipis na luha. Hindi siya handang lumisan.

“P-pero….”

“Please accept this, Liza. I can’t love you or give you what you want. Hindi ka magiging masaya sa akin,” sabad nito. Binigyan na siya nito ng ballpen.

Nanginginig ang kaniyang mga kamay na kinuha ang panulat. Wala siyang choice kundi pumirma sa papeles. Pagkatapos ay patakbo siyang lumabas at nagtungo sa kaniyang silid. Doon ay ibinuhos niya ang kaniyang luha.

TINUPAD ni Midnight ang pangakong sampung milyon. Awtomatiko itong naideposito sa bank account ni Liza. Isang linggo ang palugit nito at kailangan na niyang makaalis sa bahay nito. Nag-impake na siya at sa Linggong iyon ng umaga ang kaniyang alis.

Hinintay niyang makauwi si Midnight upang promal na magpaalam dito. Dalawang maleta ang dala niya at may nakausap na siyang nagpapaupa ng sasakyan. Naisip niyang tumuloy sa bahay ng lolo niya sa Batanggas.

Pagdating nga ni Midnight ay kaagad siyang nagpaalam. Dumating na rin ang inupahan niyang kotse at driver. Nagpaparaya ang kaniyang isip ngunit ang puso niya’y nagpuprotesta. Wala man lang sinabi si Midnight, ni hindi siya nilingon nang palabas na siya ng gate.

At habang lumilisan, tila pinipilas ang kaniyang puso sa labis na lungkot at sakit. Hindi niya maikakailang napamahal na siya kay Midnight. Ngunit nanaig ang galit niya dahil sa pagsuway nito sa pangako sa kaniyang lolo.

Unang araw ni Liza sa bahay ng lolo niya ay problema ang bumungad sa kaniya. Ilang taon na palang hindi nababayaran ang amilyar ng lupang kinatatayuan ng bahay. Nagkakagulo rin dahil wala palang rights of way ang lupain at ayaw na silang padaanin ng kapitbahay. Binakuran din ni Midnight ang lupaing nabili nito sa kanila.

Nahilo siya sa stress. Gustong bilhin ng kapitbahay ang natitirang lupain nila at iyon na lang ang choice niya. Naisip niyang bibili ng mas maayos na property sa bayan. Halos araw-araw na siyang nahihilo lalo na sa umaga paggising niya.

“Magpa-check up ka na kaya, Liza. Baka kung ano na ‘yan,” sabi sa kaniya ni Aleng Cora. Pinsan ito ng lolo niya.

Kinabahan siya sa kaniyang naalala. Mahigit isang buwan nang hindi siya dinadatnan ng dalaw. Nang makapunta siya ng palengke ay bumili siya ng pregnacy test kit. Nag-research siya sa internet kung paano iyon gamitin at sinunod ang proseso.

At kinabukasan nga ay nagulat siya sa resulta ng test. May dalawang pulang linya na lumitaw! Buntis siya!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
kawawa talaga Ang bida babae,,NAKU author nakakalungkot naman Ang kwento
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 68

    HINDI inaasahan ni Liza ang ibinungad sa kaniya ni Lola Lucy. Nang malapitan siya ay bigla itong humagulgol at napayakap sa kaniya. Ang kaba niya’y nalusaw ng emosyong nagpaparaya.“Patawarin mo’ko, Liza,” humihikbing wika ng ginang.Nadala siya ng emosyon nito at uminit ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Mamaya’y tuluyan na rin siyang napaluha. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa ginang, sa halip ay pilit niya itong inuunawa.“Hindi po ako galit sa inyo, Lola. Naintindihan ko po kayo,” aniya.Inalalayan ni Midnight ang ginang paupo sa couch. Tinabihan naman ito ni Liza at ginagap ang mga kamay.“Tama ka, iha, walang maidudulot na maganda sa buhay ko ang pagkimkim ng poot sa puso. Hindi ko iyon naisip dahil nabulag ako ng galit at sakit. Noong nakausap kita, naisip ko na napakasama kong tao kaya nagawa kong galitin ang katulad mo na mapagkumbaba. Patawarin nawa ako ng Diyos sa mga kasalanan ko,” kumpisal nito. Humagulgol na naman ito.“Magdasal po kayo sa Kaniya, at ikumpis

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 67

    NASORPRESA si Midnight nang madatnan sa ward ng lola niya ang hindi inaasahang tao. Kausap nito ang lola niya. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili kung may namamahay pa rin bang galit sa kaniyang puso para sa taong ito. But he could not find any signs of anger. Yet he can’t feel the excitement. Napatawad na niya ang kaniyang ama. Nang humarap sa kaniya ang ginoo ay sinuyod siya nito ng tingin. Mamaya’y mamasa-masa na ang mga mata nito. “Midnight, anak. Kilala mo pa ba ako?” tanong nito sa garalgal na tinig. “Yes. I saw your picture on your son’s social media account,” he said. “Inipon ko rin ang picture mo na nakuha ng anak ko sa social media ng lola mo,” gumaralgal nitong wika. Bigla siya nitong sinugod at mahigpit na niyakap. Mas matangkad na siya rito, mas malaki. At habang yakap siya nito, unti-unti’y nagre-react ang kaniyang puso. He has still longed for his father’s appearance. He ended up hugging his father back. “I-I’m sorry. Sorry, anak,” humihikbing wika nito. “I

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 66

    PINAGHANDAAN ni Liza ang bithday ni Midnight. Nasabi na niya kay Aniza ang tungkol sa pagbubuntis niya, at inabisohan niya ito tungkol sa sorpresa niya kay Midnight. Mukhang hindi na maalala ni Midnight ang birthday nito o kaya wala itong pake. Pinapunta niya roon si Aniza at pinabili ng birthday cake. Habang abala si Midnight at Samara sa ilog, nagluto siya ng pancit at lumpia. Namimingwit sa ilog ang mag-ama niya kasama ang anak ng kapitbahay na lalaki. Alas nuwebe pa lang naman ng umaga. Nag-utos siya ng mga binatilyo na kuhaan siya ng buko sa mismong puno na naroon sa bakuran. Binayaran lang niya ang mga ito. At dahil wala siyang ref, bumili siya ng maraming yelo at inilagay sa timba na malaki. Saktong dumating na si Aniza dala ang cake at bumili rin ng isang malaking bilao ng spaghetti at puto. “Ang bongga naman ng preparation mo, Insan!” kumento ni Aniza. Inayusan niya ang mahabang lamesa at sinapinan ng bughaw na kumot na hindi pa nagagamit. Sa dingding ay pinuno niya ng sa

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 65

    NAGLALABA si Liza sa poso nang biglang bumulahaw ng iyak si Samara. Iniwan niya itong tulog at marahil ay naalimpungatan nang magising na walang kasama. Kahit may bula pa ang mga kamay ay napatakbo siya papasok ng bahay.Sinalubong na siya ni Samara na umiiyak. Hawak nito ang kaniyang cellphone na basag ang screen. Naka-off na ito. Hindi niya inintindi ang cellphone at kaagad niyakap ang kaniyang anak.“Tahan na, narito si Mommy,” alo niya rito.“Akala ko iniwan mo ‘ko, Mommy,” humihikbing wika nito.“Hindi ka iniwan ni Mommy. Naglalaba lang ako sa labas,” aniya.“S-Si Daddy, narinig ko si Daddy,” sumbong nito.“Ha? Saan mo narinig ang daddy mo?”“Dito.” Itinuro nito ang kaniyang cellphone.Binuksan niya ang kaniyang cellphone bago maglaba para may music si Samara. Tumawag pala si Midnight. Nabubuksan pa rin naman ang cellphone niya at temper glass lang ang nabasag.“Bakit nabasag ito, anak?” tanong niya sa anak nang tahimik na ito.Pinagtimpa niya ito ng orange juice at binigyan ng c

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 64

    NAKATULOG si Liza sa papag sa hardin. Nang magising siya’y saka lamang siya nahimasmasan at naalala ang mga nagawa. Nagulat na lang siya nang mamalayan na naroon sila ni Samara sa lupaing nabili niya sa Laguna. Nakatulog din ang anak niya sa papag. Saka lang nag-sink in sa utak niya ang mga nangyari at kung paano sila napunta roon.Mabuti hindi umulan dahil tiyak na mababasa silang mag-ina. May bubong naman sa cottage na yare sa kawayan pero may butas na. Malamok pa roon. Binuhat na niya si Samara pero nagising nang makapasok sila ng bahay.“Mommy, nagugutom ako,” angal nito.Mabuti may kuryente na roon dahil nakiusap siya sa kapitbahay na maki-connect muna ng kuryente. Tinulungan naman sila ng dating may-ari ng lupa na maayos ang bahay at mga gamit.Mamaya ay dumating si Dado, ang anak ng dating may-ari ng lupa. May dala itong bowl na may takip.“Ate Liza, pinadala po ni Nanay, tinolang manok,” sabi nito.“Salamat, ha,” aniya. Kinuha naman niya ang ulam at inilapag sa lamesa.Umalis

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 63

    BUO na ang desisyon ni Liza na lalayo muna kay Midnight. Alam niyang magulo na ang isip nito at mapapabayaan nito ang lola dahil sa kaniya. Nag-impake siya ng gamit, pati mahahalagang gamit ni Samara.Nanginginig siya dahil sa emosyong hindi kontrolado. Magulo ang isip niya pero sa mga sandaling iyon ay wala siyang ibang gusto kundi ang makalayo. Kailangan niya ng katahimikan dahil nabuburyong na siya.“Mommy, saan po tayo pupunta?” tanong ni Samara.Lulan na sila ng taxi pauwi sa kaniyang bahay. Pero hindi sila roon mag-stay ni Samara. Naisip niya na doon muna sila sa bagong bili niyang lupa sa Laguna. Naabisohan na niya si Aniza at inutusang maghanap ng sasakyang marerentahan upang maghakot ng gamit nila.“Magbabakasyon tayo, anak,” sabi niya lang sa anak.“Po?”“Pupunta tayo sa magandang lugar.”“Sa dati po nating bahay, ‘yong marami akong kalaro?”“Ah, hindi, pero magkakaroon ka ng bagong kalaro.”“Yehey! Kasama po si Daddy?”Hindi na siya sumagot.Pagdating sa kaniyang bahay ay n

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 62

    “I told you to stop entertaining Richard!” gigil na asik ni Midnight. Lulan na sila ng kotse pauwi. Panay ang pahid ni Liza ng panyo sa mamasa-masa niyang pisngi dahil sa luha. “Kailangan ni Richard ng kausap. Nadi-depress siya,” aniya. “He was just making an excuse para maawa ka sa kaniya, Liza! Bakit ba napakarupok mo, ha?” “Hindi mo kasi naintindihan, Midnight! Wala kang pakialam sa taong nakaranas ng mental damage, kasi hindi sila kasing tapang mo!” Tumalim ang titig sa kaniya ni Midnight. “Iniisip mo ang feelings ng ibang tao, why not asking yourself if you’re okay? Wala kang ideya kung paano sinira ni Richard ang relasyon namin ni Lola, Liza. Sinira niya tayo kay Lola, and now, you still care for that bastard?” May gusto siyang ipaintindi kay Midnight na malamang ay ayaw nitong tanggapin. Alam niya kung bakit nagkakaganoon si Richard, kaya ayaw niyang isipin na wala itong ibang dahilan bakit sila ginugulo. “Mentally unstable si Richard, katulad mo, lumaki siyang wasak ang

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 61

    KUMALMA naman si Midnight nang magsalita si Mica. “Don’t worry, I’m fine now,” ani Mica. Tumayo na ito. Pinaupo ni Liza si Midnight sa swivel chair. “Nag-usap lang kami ni Mica,” sabi niya sa asawa. Umupo namang muli si Mica. “I’m here to talk about my investment. I decided to move to the US and start a new business and stay there for life,” anito. “Pina-process ko na ang reimbursement mo. I’ll send you the details and the money straight to your account,” sabi naman ni Midnight. Habang nag-uusap ang dalawa ay nagpaalam si Liza at pumasok sa banyo. Nakaramdam kasi siya ng panaka-nakang pagkahilo. Tumambay siya sa banyo habang ka-chat si Aleng Patty. Kinumusta niya si Samara. Paglabas niya ay wala na si Mica. May kausap na sa cellphone si Midnight, secretary ata nito. “I need the update today. And kindly contact my lawyer and ask for an appointment. I need to talk to him tomorrow if he’s available,” sabi nito sa kausap. Umupo siya sa couch at hinintay matapos sa kausap nito si M

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 60

    NANG sabihin ni Liza kay Midnight ang tungkol sa lola nito ay biglang umalis. Bumiyahe ito pabalik ng Maynila pagkatapos nilang naghapunan. Inatake na naman ng nerbisyos si Liza. Hindi na siya nakatulog kakaisip sa sitwasyon nila. Natitiyak niya na nahihirapan na rin si Midnight. Kinabukasan na bumalik si Midnight at nagpasya si Liza na uuwi na sila ng Maynila. Wala rin namang nagbago sa nararamdaman niya. Lalo lang siyang na-stress. “Babalik na lang ako sa trabaho,” sabi niya nang lulan na sila ng kotse pabalik ng Maynila. “You need more rest, Liza,” ani Midnight; nagmamaneho ito. “Mas lalo akong stress na walang ginaggawa. At saka sabi mo maraming trabaho sa hotel.” “Are you sure? Kaya mo nang magtrabaho?” “Oo naman.” Malapad siyang ngumiti upang maitago ang pagkabalisa. “Okay, but you will stay in my office and don’t work much.” Tumango lang siya. Pagdating sa condo ay umalis din kaagad si Midnight. May meeting pa umano ito at gabi na makauuwi. Ang sabi nito, okay naman da

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status