Share

Chapter 2

Mag iisang taon matapos pumanaw ang mga magulang niya kahit papaano ay namuhay naman sya ng maayos. Kahit papaanoy malaki naman ang savings na naiwan ng mga magulang nya para sa kanya. Yun nga lng hindi na katulad ng dati ang buhay niya. Natuto syang magtipid at hindi na nya pinag tutuonan ng pansin ang mga luho nya. 

Bumili sya ng maliit na condo unit sa maynila habang nag aaral sya ng kolehiyo. Hindi narin sya nakakauwi sa San Eldefonso, ngunit biglaang nakatanggap sya ng tawag mula kay manang Maming. Ang katiwala nila sa hacienda na syang naiwang nagbabantay doon. 

Biglang namanhid ang katawan nya ng marinig ang sinabi nito. May isang buwan na lng raw ang palugit nag bangko at iilitin na ang hacienda. Kung may isang bagay na pinahahalagaan sya. Yun ay ang mansion at ang hacienda, doon sya lumaki at bumuo ng maraming ala ala.  Nandoon rin ang mga ala alang kasama nya ang mga magulang noong kahit papaano ay nag lalaan ang mga ito ng oras sa kanya.  

Mabilis syang bumyahe pabalik sa hacienda. At agad hinarap ang representative ng bangko at nakiusap na bigyan pa sya ng mas matagal na palugit. Maghahanap sya ng pera, pero tila papanawan sya ng ulirat ng malamang dalawampung milyon ang kailangan nyang bayaran. 

Saang kamay ng diyos sya hahanap ng ganoong kalaking pera. Mayroon na lamang syang humugit kumulang dalawang milyon sa savings nya. Unti unting naubos ang pera nya dahil pinambili nya ng condo upang may matirhan sya sa maynila. 

Masakit na ang ulo nya sa kakaisip kung papaano sya makakahanap ng ganoong kalaking halaga. Maya maya ay narinig nyang may kumakatok sa pintuan ng silid nya. Agad iniluwa soon si Manang Mameng may dalang isang basong gatas para sa kanya. 

"Hindi kaba makatulog hija?" nag aalala nitong tanong. Marahan syang tumango at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Mabilis naman nitong iniabot sa kanya ang hawak na baso at dagli rin naman nyang ininom iyon. 

"Matulog na kayo ng makapag pahinga manang, wag kang mag alala makahahanap din ako ng paraan upang masalba ang mansion at ang hacienda."

"Ok ka lng ba hija?" nag aalalang tanong ng matanda. Matipid nya itong nginitian at agad syang tumango dito. 

"Ok lng ako manang, wag ka ng mag alala, maayos din ang lahat".

Hindi ako nakatulog ng gabi iyon. Hindi ko parin alam kung saan ako makakahanap ng ganoong kalaking halaga. Nahihiya rin akong lapitan ang mga kaibigan ko. Marami na silang naitulong sa akin. Malalim akong napa buntong hininga bago mabilis na tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. 

Dahan dahan akong lumapit sa may tokador at binuksan ang drawer. Mula roon ay inilabas ko ang isang maliit na tarheta.


"Simon Montefalcon chairman of Montelfalcon's group of companies".  Ang nakasulat sa maliit na papel na iyon. 

Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang akong cellphone at dinial ang numerong nakaimprinta sa maliit na papel. Sanay hindi ako mabigo, hito na lng ang huling pag asa ko. Hindi ko mahahayaang mawala ang hacienda at ang mansion. Kahit puno ng kaba ay itinuloy ko parin ang pag tawag. 

Ilang sandali lamang ay tumunog na ang kabilang linya. 

"Hello, who's this" anang baritonong boses ng lalaki sa kabilang linya. Matagal bago ko nakuhang sumagot, kung hindi ko lng sya narinig na tila nayayamot na ay hindi kopa makukuhang mag salita. 

"This is Maddisone Buenaventura, is this Mr. Simon Montefalcon?" kinakabahan kong tanong. Narinig ko ang tila paghugot nya ng hininga at saka mabilis na nag iba ang boses nito. Tila masaya ito sa pagtawag ko. 

"Hi Maddy, ikaw pala, kumusta kana? 

"Maayos lng po ako" mahina kong tugon, tila naman nahimigan nya ang lungkot sa boses ko at agad nagtanung. 

"May problema ka ba? May maitutulong ba ako?" sunod sunod na tanong nito. 

"P-payag na po ako sa alok niyo. Basta tulungan nyo ho akong wag mawala ang hacienda, kailangan ko po ng 20 milyong peso." kagat ang labing turan ko sa kanya. 

"Pls po sir Simon tuluyan nyo ho ako, sanay hindi paho huli ang lahat" naiiyak na akong nakikiusap sa kanya ng wala akong makuhang sagot. Ilang segundo itong tahimik sa kabilang linya bago muling nagsalita.

"Shhh don't cry,. Bukas na bukas din magiging Mrs. MONTEFALCON kana, ako ng bahalang umayos ng lahat. Wag kanang mag alala hija, from now on call me papa, matulog kana at wag ng mag isip pa". 

Bago paman sya makapag pasalamat ay nawala na ito sa kabilang linya. Marahas syang bumuntong hininga, bukas mawawala na ang kalayaan nya. Pero mas mahalaga paba iyon kaysa sa mailigtas nya ang hacienda at ang mga iilang nag tatrabaho pa roon. 

Bago pa man sya muling makabalik sa pag kakahiga ay tumunog ang cellphone niya. Agad nyang tiningnan ito, subalit napatda lamang sya ng makita kung sino ang nag text sa kanya. Nanghihinang binasa nya ang mensahe.


" I love you Maddy, mag iingat ka dyan. Miss na kita ❤️".


Tila roon lng nagliwanag sa kanya ang lahat. Kung mayroon mang pagsisisi sa kanya ay iyon ang ideyang malalayo sya sa lalaking pinakamamahal nya. 


Hindi na nila matutupad ng magkasama ang mga pangarap nila. May kung anong tila dumagan sa dibdib niya, hindi sya halos makahinga sa ideyang ikakasal na sya sa iba at hindi na nya makakasama ang mahal nya. Tumulo na ang masasaganang luha niya, impit syang napahagulhol. Ang sakit sakit ng puso nya, bakit kaya ang lupit ng mundo sa kanya. Unay ginawa syang ulila at hinarap nyang mag isa ang napakaraming problemang iniwan ng mga magulang nya.


Ngayon namang nahanap na nya ang lalaking mamahalin nya ay magkakahiwalay naman sila dahil sa wala syang ibang maisip na ibang paraan para mailigtas ang hacienda at ang mansion. 

Kung pwede nga lng sanang bitawan na lamang nya iyon. Kung maari lamang sana nyang pakawalan ang mahalagang bagay na iyon. Ngunit hindi, hindi sya maaring maging makasarili. Hindi na sya ang dating Maddy na sarili lng nya ang iniisip nya, palaban sya subalit natuto na syang magpahalaga sa iba. Yun ang natutunan nya sa lalaking mahal nya. Kailangan ng mga tao ang hacienda, wala silang mapupuntahan na iba. 

Bukod pa dooy napamahal narin sa mga ito ang hacienda. At naging malapit na rin sya sa ilang trabahador na naninilbihan sa kanila. Hinayaan na lamang nya ang sariling umiyak ng umiyak, pagbalik nya sa maynila, iiwan na nya ang lalaking pinakamamahal nya. Ang lalaking nagpangiti muli sa kanya at habang naiisip nya iyon ay tila pinipiga ang puso nya sa sobrang sakit. 

"Baste I'm sorry" tanging naiusal na lamang nya. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Reggie Cosep
nice story...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status