"Hindi naman kami si Yaya mo, Manong guard, Hardinero pa, at ang Mommy mo, Yana.'Di ka na nila masasaktan diba guys?" pagpapanatag na loob ni Sean sa dalaga na sinabayan ng apat.
"Oo nga!"
"Panigurado!"
"Of course!"
"Exactly..."
"Oh, diba? Kaya, 'wag ka na umiyak, sayang luha mo, sige ka! Baka 'di na tubig lumabas d'yan sa mata mo! Baka... dugo na! Hala 'wag na iiyak!" pananakot ni Sean kay Alyana na ito namang mabilis na pagpunas ng dalaga sa kanyang mata at ngumiti nang napakatamis.
At muli, sina Sean, Red, Grey na sinabayan ni Dominic ay napatulala sa nasilayan nilang ngiti ng dalaga. Isang napaka-inosenteng ngiti na ubod ng tamis. Si Zylan naman ay nanatiling umiwas ng tingin.
Paano ba hindi lalambot ang pusong bato nila kapag ang katulad ng isang napakagandang babae na walang muwang at sobrang inosente ay nasa puder nila? Makakaya pa kaya nilang pabayaan ang katulad ni Alyana na walang alam
sa paligid at puro hirap ang dinanas sa isang mayaman naman na pamilya? Hindi. Dahil babaguhin nila ang takbo ng buhay nito, ang matuto at umaktong dalaga.
NAKAPAHALUMBABA ang dalaga habang nakakunot-noong pinagmamasdan ang mabilis na pagtipa ni Grey sa laptop nito. Tila kumikislap naman ang mata ni Alyana sa ginagawa ni Grey.
"Daizer, ano tawag dito?"
"Ah 'yan? Haha tawag diyan ay laptop, communication device 'yan, diyan din kami kumukuha ng mga infos kapag may pinapahanap na... ano ba tawag do'n 'tol?—
"Research paper!"
"Ah! 'yon nga! Haha mga research! At iba pa na pwede mong tingnan all over the world"
" Waaaah talaga!? ibig bang sabihin...talagang kahit ano? Yieeee pwede ba ako mag— ano ba 'yon? Re—
"Research"
"Hehe, Oo tama! Ng mga Barbies?"
"Oo naman! Kahit ano pa!"
"Yehey! ang galing naman niyan. Wala kasi ako niyan sa bahay namin eh pero nakikita ko na mayroon 'yan si mommy, pero kahit tignan ko pinapa—
"Reign what's our rule number 5?" napahinto si Alyana sa pagkalikot ng laptop ni Grey nang magsalita si Zylan na prenteng nakaupo sa single sofa habang nagbabasa ng libro. "Ha? E-eh... hmm Ano ba 'yon?— Aha! Rule number five! Don't mention my past life, including my mom, dad, maids, bodyguards, my pain memories, and the galaxy— waaah! oo nga pala so-sorry, nakalimutan ko." Napakamot na lang sa ulo si Alyana nang makalimutan ang napag-usapan nilang rules sa bahay na tinitirhan niya simula ngayon.
"Tell me the 5 rules," pag-uutos naman ni Zylan. Para kay Zylan, kailangan ni Alyana ang mga rules upang mas madali nila itong matulungan at mas magawa nilang protektahan ang dalaga na hindi maabuso ang kainosentihan nito.
"Leader! Hayaan mo na... nakalimutan niya lang eh'"
" O'nga Damon! Hayaan mo na"
"Ako na lang mag-rerecite leader, hehe?"
Napasama naman ng tingin si Zylan sa tatlo na sina Grey, Red at Sean.
"Tell me the five rules or itatapon ko 'yang laptop ni Grey?"
" Wengya! Nasama laptop ko? Leader naman!"
"Shut up!"
"Sabi ko nga! Shut up na lang, e"
"Hala! A-ah! E-eh... sige na nga... Ru-rule n-number o-one... Keep your mouth zip when someone is talking by Grey Daizer Collins," sambit ni Alyana na medyo nag-aalangan sa mga sasabihin. Iniisip nito na baka mali ang mga rules na masabi niya.
"Yow! Galing ni Yana"
"Hehe, Th- thank you.. hmmm… Ru-rule number two... Don't talk when your mouth is full by Red Gaizer Collins"
"Wow naman! Excellent!" pagpupuri ni Red na may halong palakpak pa. Napangiti naman ang dalaga.
"Sa-salamat... Ru-rule nu-number three... Don't shout when someone is sleeping by Sean Dwaythe Schawzrr"
"Nice one!"
"Hehe, Ru-rule number fo-four... Don't go anywhere without any permission by Dominic Hyusiof"
"Very Good, Aly"
NASA SALA SILANG LAHAT at may kanya-kanyang ginagawa. Pagkatapos kasing kilalanin ang dalaga, may pinag-usapan silang rules na dapat gawin ng bawat isa na kasama ang dalaga. Kasalukuyang nagbabasa si Zylan ng kanyang libro at nagrereview siya para sa finals nila sa darating na lunes, kahit pa na siya ang running for valedictorian,nagrereview pa din siya. Si Dominic naman ay nagrereview gamit ang mga notes na pinasulat niya sa mga kaklase niya sa bawat subject. Si Sean naman ay nanunuod ng basketball game sa kanilang flatscreen tv at 'di nagrereview, daing niya ay may stock knowledge daw siya. Ang kambal naman na sina Red at Grey ay naglalaban ng clash of clans at paimpit na sumisigaw para kantiyawan ang isa't-isa. Kung tinatanong niyo na magrereview sila? Magkakaroon muna ng pakpak ang baboy bago mangyari 'yon, umaasa kasi sila sa kakayahan nila, kambal daw kaya dapat tulungan.
Si Alyana naman ay kaninang nangangalikot at titig na titig sa isang laptop ni Grey na ngayon ay nakatayo sa gitna, nagrerecitation, sa harapan ni Zylan.
"Hehe Th-thanks, And Ru-rule nu-number fi-five... don't mention my past life, including my mom, dad, maids, bodyguards, my pain memories, and the galaxy... by Zylan Damon Villareal"
"Exactly... so is that clear now, Reign?"
"Yes, Zylan"
Napangiti naman si Zylan dahil sa nagawa ni Alyana na makabisado ang ginawang mga rules. Pagkatapos ay nagpatuloy ang dalaga sa pagkalikot ng laptop na hindi niya naman alam gamitin. Paano naman kasi, hindi siya ganoong mahasa sa pagbabasa ng mga letra, kaya hindi niya alam gagawin niya, gusto man niya magpatulong kay Grey na may-ari nito, nahihiya din naman siya dahil busy ito sa paglalaro?
"Woah! Tang*na ! Look at this guys!"
Nawala ang atensyon ng bawat isa sa kanya-kanyang ginagawa at natuon ang atensyon sa sumigaw na si Sean, habang hawak ang Ipod niya. Maging si Alyana ay papalapit na kay Sean na sumigaw, pero hinatak siya ni Dominic, nagtataka man ay nagpatianod na lang siya sa binata.
Ani niya, baka lalabas sila ni Nick.
"Anyare sa'yo, dude?"
"What now, Schawzrr?"
"Leader... tingnan mo 'to, " binigay ni Sean kay Zylan ang kanyang Ipod na naka-open sa isang News. At laking gulat niya nang makita ang nasa balita. Ang kambal ay sumilip sa hawak na hawak na Ipod ni Zylan at maging sila ay hindi makapaniwala sa nakita na nakasulat sa balita. Si Dominic, alam niya na ang nasa balita na iyon, siya kasi ang unang nakakita non sa kanila, hindi niya sinabi kasi malalaman din naman daw nila, ngayon ay lumabas sila ng bahay at kung saan man mapadpad.
"The Heir of Demitri Administration, Alyana Reign Demitri is DEAD! Because of suicide, and her brain disorder. They immediately cremated the body of their daughter " ito ang headline na nakasulat sa isang news article. Napasinghap naman ang apat sa galit. Naawa sila sa dalaga na pinagkaitan na nga ng kala, pinagkaitan pa na mabuhay ng malaya.
"Tss. 'Wag niyo sasabihin 'to sa kanya. Am I clear?"
" Areglado!"
"Hindi talaga!"
"Alam na ba 'to ni Dominic?"
"Yeah"
"Patay! Iba pa naman ang isang 'yon, susugurin niya kaya ang mga Demitri?"
"Nah. 'Di niya gagawin 'yon, dahil mas mapapahamak si Reign. Susunod na lang tayo sa kanila"
"Ayos! Ipasyal natin si Yana. Bilhan natin ng damit, leader. Gamit niya kasi 'yong damit mo eh "
" I know. Magpapalamig muna ako," sambit ni Zylan saka nagsindi ng sigarilyo at nagtungo sa kanilang veranda. Napasunod naman ng tingin si Sean sa kaniya saka napailing.
"Nakakabad vibes 'yang balita na 'yan," aniya saka muling tiningnan ang headline ng article.
" Pagsisisihan nila iyan..."
Pagkatapos sambitin ni Zylan ang salitang 'yon. Tila naging nakakatakot ang atmospera ng paligid, sa galit ng kambal, sinabayan ng pagkainis at pagkairita ni Sean dahil sa balita, at sa malalamig na mata at nanlilisik na tingin ni Zylan.
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad