Share

Chapter 2

Pumara ng taxi si Dean at pinaunang makapasok si Niah. Hindi siya nagtanong kung bakit at saan sila pupunta. Ayaw niyang pangunahan ang asawa at hindi niya gustong tutulan ang kagustuhan nito. Kahit na sa totoo lang ay may kutob na siya kung saan sila patungo. Pero ang hindi alam ni Niah, palaging nauna ng isang hakbang si Dean kaysa sa kanya. 

“Manong, sa munisipyo po tayo,” wika ni Niah sa driver kaya tumango ang matanda. 

Tahimik lang silang pareho sa loob kaya kinuha ni Niah ang bagong cellphone sa kanyang bagong bag na bili. She opened her Instragram account then posted a picture of her new things. 

Hindi iyon nakawala sa mapanuring mga mata ni Dean. Kaya tumikhim siya para kunin ang atensyon ng asawa ngunit ni hindi man lang narinig iyon ni Niah. Napailing siya nang mahina at napansin na nakatingin ang driver sa kanila sa pamamagitan ng front mirror. Mapakla siyang ngumiti sa matanda bago tiningnan ang asawa niya at mga bagong gamit nito. 

“Mukhang bago yata ang mga gamit mo ngayon. Pati ‘yang bag mo, hindi ba’t Celine ‘yan?” kyuryusong tanong nito habang diretso lang ang tingin sa mga mata ng asawa. 

Biglang tumigil si Niah sa ginagawang pagkalikot ng cellphone. Tinanggal niya ang suot na shades at mabigat na nagbuga ng hangin mula sa ilong. Tumingin pa siya sa driver bago binalingan si Dean. 

“Anong pakialam mo?” inis niyang tanong sa pagitan ng kanyang mga ngipin. “Deserved ko ‘tong mga bago at mamahaling gamit. Hindi mo ‘ko binibigyan ng ganito kaya ako na lang ang magbibigay sa sarili ko. Tsaka, hindi ka ba nahihiya sa’kin? Talagang hanggang taxi na lang talaga ang kaya mo kasi kahit kailan ay hindi mo afford na makabili ng sariling sasakyan!” 

Inis na inis niyang isinuot ulit ang shades at ibinalik sa bag ang cellphone. Umusog siya na para bang mayroon pang espasyo sa gilid niya. Habang si Dean naman ay ikinuyom ang kamay at pilit na iniintindi ang asawa. 

He loves Niah. Iyon ang mas importante sa kanya. Kaya kahit waldasin ng asawa niya ang sariling pera pati ang sa kanya ay ayos lang. Kahit insultuhin siya nang paulit-ulit ay ayos lang din. Basta kasama niya si Niah. Lahat ng hirap ay kayang-kaya niyang tiisin. 

“Yes, Attorney. Desidido na po akong makipaghiwalay sa kanya. Hindi ko na mahal ang lalaking ‘to. Wala na akong nararamdaman pa sa kanya,” pursegidong sagot ni Niah sa abogadong kausap sa loob ng opisina nito sa munisipyo. 

Si Dean naman ay walang kibo o sinabi kahit isang salita. Nakikinig lang siya sa usapan ni Niah at ng abogado. Panay din ang titig niya sa asawa kaya napansin din niyang pati ang suot na damit at mga alahas nito ay bago at mamahalin. 

Kumunot ang noo ni Dean at inihilig nang bahagya ang kanyang ulo. Pinagmasdan niyang mabuti ang asawa at muling kumuyom ang kamao nito. Pero sa pagkakataong ito, mas mahigpit at mas nakakasakal sa hangin. Unti-unting nagpapakita ang ugat sa kamay patungong braso. 

May pula sa leeg ni Niah. Alam niyang hindi lang basta kagat ng lamok o insekto iyon. Kilalang-kilala niya kung ano iyon kaya mas lalong nag-iinit ang kanyang dugot. 

“Mr. Zantaniel, please sign the papers now. Mr. Zantaniel?” 

Tinapik ng abogado ang balikat ni Dean kaya naputol ang titig niya kay Niah. Pati si Niah ay nakataas ang kilay habang tinitingnan ang lalaki. Tumango lang ito sa sinabi ng abogado at pagkatapos ay naunang tumayo. Lalabas na sana ito pero biglang tumigil at tiningnan si Niah ulit. 

“I signed the divorce papers, but that doesn’t mean I already accepted what was written there,” matigas niyang wika sa isang diretso at matatas na Ingles. 

Bahagyang nagulat pa roon si Niah pati ang abogado. Pareho silang nakanganga nang tuluyang lumabas si Dean. 

Ilang segundo pa bago makabawi si Niah at bumalik sa kanyang ulirat. Tinakbo niya ang pagitan nila ni Dean habang ang takong ng sapatos na agnas na ang kulay ay tumutunog sa bawat tapak nito sa semento. 

“Anong palabas ‘yun, Dean?” hingal niyang tanong habang nagmamadaling maglakad para lang makapantay sa paglalakad ni Dean. Papalabas na sila ngayon ng munisipyo. 

Hindi sumagot si Dean. Bagkus ay pasimple lang nitong isiniksik ang kamay sa bulsa at palihim na ngumisi. 

Pumayag man siya sa kagustuhan ng asawa ay alam niyang mas mananaig pa rin ang kaniyang ginawa. He already did what he needed to do last night. Sapat na iyon para maging kampante siya ngayong araw. 

“Dean!” Hinila ni Niah ang braso ni Dean para patigilin ito sa mabilis na paglalakad. Nang magawa ang kagustuhan ay hihingal-hingal itong humarap sa lalaki. “Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina? At tsaka, kailan ka pa natutong mag-Ingles?” May bahid nang panunuya ang boses ni Niah na siyang nagpalapad lalo ng ngisi ni Dean. 

“Babe?” 

Sabay silang natigilan nang marinig ang baritonong boses. Tiningnan din nila nang sabay ang kararating lang na lalaki. Mataas ang lalaki pero mas mataas pa rin si Dean. Maputi ang balat nito at makinis. Magara rin ang kanyang suot na itim na long sleeve button down shirt. Pinaresan iyon ng kanyang Rolex na kumikinang at nagsusumigaw sa kamahalan. 

“Oh, babe! Anong ginagawa mo rito?” Kaagad na niyakap ni Niah ang lalaking lumapit sa kanya. The man instantly snaked his arm around her waist kaya nagdilim ang paningin ni Dean. 

Muling kumuyom ang kanyang mga kamao habang nagtatangis ang kanyang bagang. Ang ugat sa kanyang noo ay nagpapakita na rin, gayundin ang mga ugat sa kanyang kamay patungong braso. 

“I’m fetching you, babe. I brought my Audi kaya halika na?” Hinalikan pa nito ang buhok ni Niah, dahilan para mapatawa ang babae. 

Nag-usap sila’t umakto na parang wala lang si Dean sa kanilang harapan. Si Niah naman ay inilingkis pa ang kamay sa braso ng lalaki habang tinatalikuran nila si Dean. 

“Luke, nagugutom na ‘ko. Pwede bang pumunta tayo sa restaurant?” malambing niyang wika sa lalaki at pagkatapos ay isinandal pa ang ulo sa braso nito. 

Doon na hindi nakapigil si Dean. Malalaki ang kanyang mga hakbang patungo sa dalawa. Nang malapit na siya ay mabilis niyang pinihit paharap sa kanya si Luke at pinaliparan ng kanyang nagbabagang kamao. 

Kaagad na bumagsak si Luke habang si Niah ay napatakip lamang ng kanyang bibig. Nakatayo lang din siya sa gilid dahil sa biglaang nangyari. Pero si Dean ay hindi pa kuntento. Pinilit niyang itinayo si Luke at muling sinuntok sa mukha. Dumudugo na ang kanang bahagi ng bibig ni Luke, habang ang kilay nito ay punit na rin. 

“Fuck! She’s my wife!” sigaw ni Dean at muli na naman niyang sinuntok si Luke. Doon lang nakakilos si Niah kaya mabilis siyang tumungo at lumuhod sa harapan ni Luke. 

“Luke… I’m sorry. I’m really really sorry,” nang-aalo niyang sambit kay Luke sabay pahid ng dugo sa gilid ng bibig ng lalaki. Galit niyang binalingan si Dean at tumayo. 

Nakakuyom pa rin ang mga kamao ni Dean habang hinihingal sa galit na nakatingin sa dalawang tao na nagkasala sa kanya. He couldn’t believe na kaya siyang lokohin ng kanyang asawa nang harap-harapan. 

“Dean! Tumigil ka nga! Wala ka nang karapatan sa akin! Kaya wala ka ring karapatan na suntukin si Luke! Hiwalay na tayo! Hiwalay na, putangina ka!” She pushed Dean until he fell to the cold floor of the street. 

Nasuntok naman ni Dean ang konkretong daan habang hindi makapaniwala dahil sa ginagawa ng kanyang asawa. Pinagtitinginan na rin sila ng mga tao. Ang iba ay kumukuha pa ng video at pictures sa kanilang tatlo. 

Inalalayan ni Niah na makatayo si Luke. Inakay nitong umalis na lang sila pero lumapit ang lalaki sa nakaupong si Dean sa kanilang harapan. 

“Hindi ko kasalanan kung mahirap ka lang, Dean. At hindi ko rin kasalanan kung kaya kung ibigay ang lahat ng bagay na hinihiling ni Niah sa akin. Hindi ko kasalanan na paulit-ulit mong binabali ang lahat ng mga pangako mo sa kanya!” 

Iniangat ni Dean ang kanyang mga titig kay Luke, at pagkatapos ay mapait na tumingin kay Niah. Umiwas naman ang babae na para bang hindi malaking kasalanan ang kanyang ginawa. 

Pero imbes na sumagot ay mapakla siyang napangisi, kasabay nang pag-alingawngaw ng isang sasakyan. Ang lahat ng mga tao pati na rin silang dalawa ay mabilis na napatingin sa nayupi at hindi na masakyang Audi ni Luke. 

Nakanganga at halos matulos sa kanyang kinatatayuan si Niah, habang si Luke naman ay nanlalaki ang mga mata. 

His Audi R8 Coupe V10 GT RWD was totally crushed and hit by a big luxurious Mercedes GLS 580 SUV. Nilamon ng usok at alikabok ang kanyang sasakyan pati na rin ang buong paligid. 

Napuno na ng mga tao ang buong daan. Mas dumami ang bulungan at pasahan ng mga kung ano-anong balita. Pero ang lahat ay natahimik nang lumabas ang may-ari ng SUV mula sa umuusok-usok pang paligid. 

Flaunting her porcelain skin matched with her blonde balayage hair, Celine creamed color kitten heels, a Prada cream double satin mini dress, and a Christian Dior’s rectangular sunglasses, she walks gracefully yet fiercely towards Luke, making the street as her fashion runway. 

Tumigil siya nang makarating sa harap ni Luke. Pinasadahan niya nang tingin ang lalaki bago sandaling tumingin kay Dean na naka-upo pa rin sa kalsada. Pinasadahan niya rin ng tingin si Niah na biglang lumapit sa kanila at mapanuyang ngumiti sa babae. 

She smirked at the guy in front of her. And the moment she opened her mouth, Luke experienced the most embarrassing and shameful scene of his life.  

“A monkey should be placed inside the zoo, not in the street belittling my ever handsome brother. You should have called a zoo keeper, they must know where your perfect place inside the wild park is.” Nilagpasan niya si Luke ngunit tumigil noong nagpantay na ang kanilang mga balikat. “And oh, before I forgot you looked ten times uglier than you were before, Luke the monkey face son of the vice manager of the Lila’s Parfum Company,” she added before she continued walking as she let out a wicked and stentorian laugh. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status