Share

Chapter 4

Umigting ang panga ni Dean habang nakatingin lang sa kanyang boss. Gusto niyang magsalita ngunit hindi niya mahanap ang tamang salita na sasabihin. Sa huli ay tanging iling lang na para bang nagbabawal ang kanyang ginawa na kaagad sinagot ng kanilang boss ng isang ngisi. 

Pero mabilis naputol ang kanilang titigan nang may mangahas na magsalita. 

“Nang dahil sa basurang delivery man na ‘yan aalisin mo kami sa trabaho? Wala kang kwentang boss!” sigaw noong isa sa apat na babaeng natanggal sa trabaho. 

“Kasalanan mo ‘to mabaho at bobong delivery man! Nang dahil sa’yo nawalan kami ng trabaho!” dagdag naman ng isa. 

“Dapat ‘yang bobong delivery man ang alisin niyo sa trabaho dahil wala naman siyang kwenta. Marami ang mas nakapagtapos ng pag-aaral at mas matalino kaysa sa kanya na deserving! Sabagay, siguro lalaki mo ‘yang dugyot na delivery man kaya pinagtatanggol mo siya!” gatong naman ng isa pa. 

Naiyukom nang mahigpit ni Dean ang kanyang kaliwang kamay. Parang gusto na nitong manuntok dahil sa mga narinig pero pinigilan siya ng babae na sa kanyang harapan. 

“Lila…” namamaos na pagtawag ni Dean sa babaeng sa kanyang harapan habang hawak nito ang kanyang braso. Umiling ulit si Dean sa kanya kaya napatango ang babae. 

Kinalma ni Lila ang kanyang sarili bago muling ngumiti sa lalaki. She distance herself from him and raised her right hand. After awhile, the employees who bad mouth them were screaming and cussing while the guards are forcing them to leave the company. 

“Dean, follow me at my office,” maikli na utos ni Lila, sapat na para magpatuloy siya sa paglalakad at mapasunod ang lalaki. 

Pagkarating sa kanyang opisina ay kaagad na pinaalis ni Lila ang kanyang secretary. Pinapasok muna nito si Dean bago rin pina-lock ang pinto. Her office is sound proof kaya nakakasigurado siyang ligtas ang kung ano man ang kanilang pag-uusapan. 

“Dean, what’s with the sudden resignation? May trabaho ka na bang iba? O nakapagdesisyon ka na bang bumalik sa pa---” 

“Delilah…” pagpigil ni Dean sa kaniyang boss. Tumikhim siya at yumuko nang bahagya. “I’m sorry, Ma’am Delilah.” 

Umani ng isang halakhak mula kay Lila ang kanyang sinabi. Sandali na naupo sa kanyang swivel chair ang babae at hindi makapaniwalang tiningnan si Dean. 

“You’re unbelievable, Dean Martin Zantaniel. Hindi ako sanay na tinatawag na Ma’am lalong-lalo na kung manggagaling ‘yon sa’yo. My office is sound proof kaya pwede kang maging casual sa akin.” Tumayo siya at pumunta sa harapan ni Dean. 

“I just want to resign, ma’am. Wala pa po akong nakitang bagong trabaho pero maghahanap na lang po ako.” Nakayuko pa rin si Dean habang sinasabi ang kanyang paliwanag. Ang kanyang dalawang kamay ay magkahugpong na nakalagay sa kanyang likuran. 

Muling tumawa si Delilah dahil sa kanyang mga narinig. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang baywang at tinitigan si Dean. “Are you really serious, Dean Martin? P’wede naman kitang i-promote o ilipat ng trabaho basta huwag ka lang mag-resign. P’wede ko rin na tawagan na lang sina Tita---” 

“Lila...” pagsaway nito sa babae na para bang tinitipon ang lahat ng pasensya na mayroon na lang siya. Dahil doon ay napatawa ulit si Delilah habang si Dean ay bumuga na lamang ng malalim na hininga. 

“Fine, Dean! Whatever your plan is.” Pumalibot ang mga mata ni Delilah habang natatawa. Ibinuka nito ang bibig para sana kausapin pa si Dean ngunit napigilan iyon nang pagtunog ng telepono. 

Kaagad na kinuha’t sinagot iyon ni Delilah. Biglang nagbago ang timpla ng kanyang mukha’t mood lalo na noong tumaas na ang kilay at boses. 

“What? Fuck it! I already set a meeting with your boss next week. Kaya bakit hindi niya itutuloy ang pag-invest sa kompanya ko?…. Whatever! Talk to your boss and say that I’ll be meeting him this afternoon. He already signed an agreement, so I must talk and confirm this personally.” Pabalang niyang ibinagsak ang telepono. She let out a deafening scream which made Dean closed his eyes. 

Walang ano-ano pa’y umalis ito ng kanyang office na galit. Pati ang kanyang secretary na nanoood pala sa kanila sa may glass window ay nataranta noong makita ang kaniyang Miss Delilah. Ang ibang empleyado ay nagsiyuko’t nagkunwari na naka-focus lang sa kanilang trabaho noong makita si Delilah na para bang gusto nang pumatay ng tao. 

Noong tuluyan nang makaalis si Delilah ay napakamot na lamang sa kaniyang noo si Dean. Umiling na naman ito na para bang sanay na sa kaniyang nakita kanina. 

“Tsk. She never changed. She’s still Delilah, the lioness,” he murmured while walking towards the office’s door. 

Pagkabukas niya palang ng pinto ay kaagad siyang sinalubong ng mapanghusgang mga tingin. May mga nagbubulungan na naman na siyang nagpainit kaagad ng kanyang dugo. 

“Siya siguro ang dahilan kung bakit galit si Miss Delilah.” 

“For sure, bebs, ‘yang delivery man ang root ng evil this day sa ating workplace.” 

“Ano kayang ginawa niya? Siguro pumalpak ‘to sa trabaho niya kaya ganoon ang galit ni Miss Delilah. Eh, ang bait-bait pa naman ng boss natin tapos siya lang ang kinausap nagalit na kaagad nang ganoon.” 

Habang naglalakad sa hallway ay tanging pagtiim-bagang at pagkuyom na lamang ng kanyang kamao ang nagawa ni Dean. 

Everyone is blaming him. Ang masasakit na salita’t mapanghusgang mga tingin ng ibang empleyado sa kanya ay pilit niyang nilulunok at iwinawaglit sa isipan. Hindi naman nila alam ang totoong nangyari kaya wala dapat siyang ikabahala sa mga sinasabi nila. 

“Siguro, hindi siya pumayag na makipag-sex kay ma’am kaya nagalit si Miss Delilah,” husga ng isang lalaking empleyado na naging dahilan upang mapatigil si Dean sa paglalakad. 

Tumatawa ang lalaki habang nagtatype sa kaniyang computer, gayundin ang kanyang katabing lalaki. Hindi na napigilan ni Dean ang sarili at mabilis siyang lumapit sa mga ito at kaagad na kwinelyuhan ang nagsalita. 

“You didn’t know what happened, so you better shut up. At kung wala kang magandang sasabihin, magtrabaho ka na lang nang mabuti. Huwag kang maging gago!” galit na galit niyang wika habang nanlilisik ang mga mata. 

Kaagad silang inawat ng ibang mga empleyado kaya natanggal ang pagkakahawak ni Dean sa kwelyo ng lalaki. Ngunit imbes na humingi ng tawad ay napatawa lang ang lalaki at nagsalita. 

“Bakit ka galit? Siguro totoo nga. Lalaki ka ni Miss Delilah! Kawawa naman si ma’am, ampangit ng taste. Isang hamak na delivery man lang!” Tumawa ulit ang lalaki kaya galit na lumapit si Dean at sinuntok ang kanyang bibig. 

Tumilapon sa sahig ang lalaki habang nagdurugo ang gilid ng kanyang mga labi. Tinitigan ni Dean iyon habang may pilit na pumapagitna sa kanilang dalawa. Sandali pa siyang nakatitig sa lalaki na halos hindi maimulat ang kanyang mga mata dahil sa lakas ng impact ng suntok ni Dean sa kanya. Sandali pa siya roon bago napagdesiyunang umalis na lamang. 

Nagpupuyos pa rin siya sa galit kaya minabuti niyang kunin ang cellphone at tinawagan ang taong mapagkakatiwalan sa desisyong kanyang nagawa. 

“Mr. Pelaez, please prepare my money and all the documents needed. I’ll be going to buy this company,” turan niya sa kausap sa kabilang linya habang nakatingin sa pangalan ng kompanyang pinagtatrabahuhan, ang Lila’s Parfum Company. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status