Share

Chapter 3

“Excuse me?” Kaagad na hinuli ni Luke ang kamay ni Danica nang malapit na ito kay Dean. He couldn’t believe that a random girl who randomly appeared into the scene mocked and insulted him. “How dare you for mocking me? Alam mo bang pwede kitang kasuhan dahil sa mga sinabi mo sa akin?” he furiously said between his gritted teeth. 

“Get your hands off me!” Iwinakli ni Danica ang kamay ni Luke na nakahawak sa kanya. “Wala akong pakialam kung kakasuhan mo ‘ko. What I said was true. Pangit ka naman talaga!” This time, tumayo na si Dean at pumagitna sa kanilang dalawa. Si Niah naman ay lumapit kay Luke at hinawakan ang braso nito.

People around them keep on murmuring about their situation. Marami ang nagtatanong kung sino sila at marami ang nagkakaroon na ng mga haka-haka. 

“Don’t you dare touch my sister again. Magkakamatayan tayo rito,” inis at tiim-bagang na anas ni Dean. Tinalikuran niya si Luke at hinarap ang kapatid. “Dan, go home now. You should not be here.” 

“I can manage, kuya. Besides, hindi pwedeng inaapi ka lang ng kahit sino.” Matalim niyang tiningnan sina Luke at Niah na nakatingin din sa kanila nang masama. “I wouldn’t let anyone belittle you just because of this. And most of all, I wouldn’t let any girl especially that bitch…” mariin niyang itinuro si Niah, “betrayed and hurt you. Hindi tayo pinalaki nang ganito!” 

Galit na naglakad si Danica sa harapan nina Luke at binangga ang balikat ni Niah. But Luke was momentarily in awe of how fierce and beautiful Danica is. Lalo na noong nagtataas-baba ang dibdib nito patungo sa kanyang sasakyan. Hindi niya mapigilan na hindi ngumiti dahil sa kakaibang babae na nasa kanyang harapan. 

“Luke, binangga niya ‘ko! He hurt me, babe.” Umarte siyang nasasaktan habang hawak-hawak ang balikat. Doon lang nabali ang kanyang tingin kay Danica nang marinig ang nag-iinarteng boses ni Niah. 

Umigting ang panga ni Dean dahil sa muling narinig galing sa kanyang asawa. Napapikit siya’t muling napakuyom. “Niah,” punong-puno nang pasensya at pagpipigil ang kanyang boses. 

But Niah disgustingly looked at him only. Wala siyang pakialam sa lalaki, at tanging kay Luke lang nakakapit. 

Ilang sandali pa ay bumalik si Danica na may dala-dalang Chanel mini-bags and jewelry box. Huminto siya sa harapan ni Niah at ngumisi. Nakataas pa ang kilay na tila ba nang-iinis. 

“See these, bitch snake? These are all for you, but you chose that monkey-face man over my brother. Kaya wala nang silbi ang lahat ng ‘to. Heck! Why did I even bought all of these in the first place.” Ibinagsak niya ang lahat ng mga iyon sa harapan ni Niah at naglabas ng lighter. And the next thing she does, people around them gasp because of shock, including Niah and Luke. 

Nasapo na lamang ni Dean ang kanyang noo dahil sa ginawang pagsunog ni Danica ng mga gamit na iyon. He knows that her sister would never be tamed especially if she’s this angry. Marahil ay nasaksihan niya kung paano siya tratuhin kanina nina Luke at Niah. 

Nakangisi pa rin si Danica habang nakatingin sa gulat na gulat na mukha ni Niah. She then devilishly walked towards the flabbergasted woman. “I fucking swear to you, Niah. You’ll regret the betrayal you made to my brother.” Saka niya muling binangga ang balikat ni Niah dahilan para matumba ang babae. 

Mabilis niyang hinigit ang kamay ni Dean at sapilitang isinakay sa kanyang sasakyan. Pagkaayos na pagkaayos pa lang ni Dean ng kanyang seat belt ay kaagad niyang pinaharurot ang kanyang SUV. 

“Niah, babe? Are you okay?” Inalalayan ni Luke na makatayo si Niah. Nakatingin lang ito sa ere at para bang hindi pa makapaniwala sa mga nangyari. 

“T-That girl, s-sino ba siya? At ‘yong mga g-gamit… hindi ba’t mamahalin ang mga ‘yon?” naguguluhang tanong ni Niah kay Luke. 

Wala na ang mga taong nanonood sa kanila kanina. Nagsi-alisan na sila noong umalis na rin sina Dean at Danica. 

“Don’t worry, babe. I am sure that those stuff were fake. Besides, paanong magiging kapatid ni Dean ang babaeng iyon? Dean is a meager, kaya imposibleng may kapatid siyang mayaman.” He kissed Niah’s temple and wrapped the woman inside his big and calloused arms. 

Suminghot si Niah. “Tama, babe. Peke ang lahat ng mga gamit niyang sinunog. Tsaka hindi mayaman si Dean. Baka babae niya lang iyon at gumawa lang ng palabas para may dahilan siyang sumama roon.” 

Tumango-tango lang si Luke habang yakap pa rin si Niah. But he couldn’t get Danica off from his mind. Danica’s smirk, voice, aura, and her blazing fierce. Lahat ng iyon ang siyang umuukupa sa utak ni Luke kahit na si Niah ang kanyang kasama. 

---- 

“Hindi ba delivery man natin ‘yan? Utusan mo ngang itapon na rin ang basura natin.” 

“Sayang may itsura pa naman sana kaso delivery man. Balita ko rin may asawa siyang nagtatrabaho rito.” 

“Mukhang mabaho, sis! Naliligo ba ‘yan?”

“Hindi siguro nakapagtapos ng pag-aaral kaya delivery man lang ang bagsak, tsk.” 

Hindi na pinansin ni Dean ang lahat ng panlalait na kanyang narinig habang papasok siya ng kompanya. Alam niyang ganoon ang tingin sa kanya ng lahat. Mababa, bobo, at utusan lang. Pero wala siyang pakialam dahil alam niyang balang araw ay mapapatuyan niya ring mali sila nang sinasabi sa kanya. 

Bitbit ang resignation letter, buo ang kanyang loob na umalis na lang sa kompanyang pinagtatrabahuhan matapos ang nangyari kahapon. Kailangan niyang lumayo at bumuo ng isang desisyon para sa kanyang sarili. 

Habang patungo sa elevator ay biglang tumahimik ang paligid. Ang kaninang mga empleyadong pinag-uusapan siya ay parang binusalan ang kanilang mga bibig. Nakayuko ang lahat kaya naman napalingon siya para tingnan kung anong mayroon. 

Doon niya nakita ang kararating at kapapasok pa lang na isang mataas at magandang babae. She’s wearing a Prada’s black single breasted wool jacket and trouser that perfectly hugged her hourglass like body. Her black stilletoes’ sound is the only thing that can be heard while she’s looking intently at those employees who bad mouthed him. She then stopped in front of them. After that, she removed her rectangular black shades, showing her full charismatic yet authoritative face. 

Nanginig ang mga tuhod ng mga empleyadong kanyang kaharap. Nagsisiksikan sila habang nakatayo. Diretso ang tingin sa sahig dahil ayaw nilang kitain ang tingin ng babaeng nasa kanilang harapan. 

“I never know that I have disrespectful employees.” Pagsisimula niya. “ I believed that I built a non-toxic, friendly working environment, so these kinds of attitude aren’t welcome in my company,” kalmado ngunit makapangyarihan niyang wika. 

Nangunot ang noo ni Dean at humakbang ng ilang hakbang bago muling tumigil nang magsalita ulit ang babaeng alam niyang may-ari ng kompanyang kaniyang pinatatrabahuhan. Kilala niya ito pero hindi niya aakalaing magpapakita ang babae sa ganitong sitwasyon. 

“Yna?” malambing niyang tawag. Maya-maya pa’y may lumapit sa kanyang babae na may hawak na bag at mga papel. 

“Yes, Miss Montanez?” magalang nitong tanong habang bahagyang nakayuko. Nasa gilid lang siya ng kanilang boss at naghihintay ng utos. 

“Please process the payments of these people. Call or set a meeting with Mr. Dominican, and say that we need to hire four new front desk employees as soon as possible,” maliwanag nitong utos. She then looked at the four employees who are now starting to cry. She just smiled at them, and wear her shades back. 

Muling nabalot ng tunog ng kanyang stilletoes ang buong ground floor. Walang ni isang nagtangkang magsalita dahil lahat sila ay takot sa kanilang maganda ngunit makapangyarihang boss. But everyone dramatically gasp when the beautiful boss stopped walking in front of Dean. She playfully smiled at him before talking. 

“It’s been a long time since the last time that we saw each other. Nice to see you again, Dean Martin.” 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status