Sinabi ko na sayo na iwasan mo ang Roberto Fontanilla na yun," sabi ni Calvin kay Chantal, "hindi siya mabuting tao.""Pero nagpapagawa siya ng bahay sa firm namin ni Skye," sagot ni Chantal, "hindi ko siya maaaring balewalain dahil isa siyang kliyente.""Sinabi ko na sayo.. gumagawa ng ilegal ang taong iyon. Kapag hindi mo yan iniwasan, baka madamay ka pa.""Calvin, sa pagkakaalam ko, ang dahilan lang kaya tayo nag uusap ay dahil ama ka ng anak ko, at hindi na bilang asawa ko," matiim ang tingin ni Chantal sa dating asawa.Nagtagis ang bagang ng lalaki, bago siya sagutin, " kung madadamay ka sa ginagawa niya, hindi kita dadamayan. Siguraduhin mo lang, na hindi mapapahamak ang aking anak.." iyon lang, at lumabas na si Calvin at nagtungo na sa kanyang sariling unit.Pagkasara ng pinto ay nanatiling tahimik si Chantal, pinipilit pigilan ang pagbagsak ng luha. Ang tono ng boses ni Calvin, ang malamig at mabigat na tingin nito, tila baga hindi na siya ang babaeng minsang minahal niya. Mul
“Si Robert Fontanilla?” tanong ni Calvin, mariin ang tono.Tumango si Chantal habang sinisimot ang sabaw ng kare-kare. “Oo. Bakit?”Hindi agad sumagot si Calvin. Nangingitim ang ulap sa kanyang noo, halatang may bumabagabag. Napayuko siya, saka dahan-dahang umiling. “Alam mo bang may history kayo ni Robert? Na minsan kayong naging malapit?”Natigilan si Chantal. “Alam ko kung saan ‘to papunta, Calvin. Hindi mo kailangang—”“Hindi ito tungkol sa selos,” giit ni Calvin. “Ito’y tungkol sa totoo. Sa mga bagay na hindi ko alam noon pero ngayon, pilit kong hinaharap.”“Walang nangyari sa amin ni Robert. Oo, nagkaroon kami ng ugnayang malapit noong college. Pero tapos na ‘yon. Matagal na. Hindi siya naging ako, at hinding-hindi rin ako naging kanya.”Nagtagal ang katahimikan. Si Calvin ay nakatingin lamang sa kanya, tila sinusukat kung hanggang saan ang totoo.“Pero bakit hindi mo sinabi noon?” tanong nito sa wakas.“Dahil wala naman akong dapat itago,” sagot ni Chantal, tuwid ang likod, mal
Nanlaki ang mata ni Chantal. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon—direkta, puno ng pananabik, ngunit may halong pait. Alam niyang hindi ito simpleng selos. Ito'y pagkasukat, pag-uusig, at marahil… pag-amin ng hindi pa kayang sambitin.Hindi siya agad sumagot. Umiling siya nang marahan. “Hindi tungkol sa ibang lalaki, Calvin. Tungkol ito sa akin. Sa kung anong kaya ko… at sa kung anong hindi ko na kayang balikan. Kung maaari lang sana, ang usapan na lang natin ay tungkol sa ating anak.”Nanatiling nakatitig si Calvin. “Kaya mong i-welcome ako sa bahay mo para sa anak natin, pero hindi mo kayang harapin ang sarili mong damdamin. Hindi mo ba nararamdaman, Chantal? Sa bawat hapunan, sa bawat tingin natin sa mga lumang litrato, sa bawat gabing nagkakasalubong tayo sa hallway—nandoon pa rin tayo. Pero ikaw lang ang ayaw tumingin. Hindi mo ba nais subukang muli?”“Ikaw ang nagkulang, Calvin,” mahina ngunit mariing sagot niya. “Hindi ko ‘yan kinalimutan. Kung mayroon mang nagdulot ng prob
Napabuntong-hininga si Chantal habang pinagmamasdan ang anak na tuwang-tuwa sa pagdating ng ama. Sa likod ng masayang ngiti ni Gab ay ang katotohanang pinakailag siya—ang unti-unting pagbabalik ni Calvin sa kanilang buhay, sa paraang hindi niya inaasahan, hindi niya hiniling, at higit sa lahat… hindi pa niya handang harapin. Ang nais lang niya ay ang pag aaruga nito sa kanilang anak."Ano, Mommy? Okay lang ba talaga sayong kumain si Daddy dito?" tanong muli ni Gab, habang halos talunan ang excitement. Para bang ito na ang pinakamasayang araw ng batang paslit.Tiningnan niya si Calvin na hindi rin maikakaila ang inaasam na sagot mula sa kanya. Nakatayo ito sa may pintuan, tangan ang basong iniabot niya, habang nagpapakumbaba sa kanyang tindig.Hindi siya sumagot agad. Dumiretso siya sa kusina, kung saan abala si Lucinda sa paglalagay ng sinigang sa malaking mangkok.Naramdaman nito ang presensya niya, maingat na bumulong, "Ma'am, para sa bata, hayaan niyo na muna."Napapikit siya ng ma
"Mommy, sabi ni Daddy, kailangan niya daw maging malapit sa akin sa lahat ng pagkakataon, kaya binili niya ang unit na yan, yung katapat natin," nakangiting pagbabalita ng bata sa kanya.Parang naguluhan siya sa sinabi ng kanyang anak. Anong sinasabi nito?"Ang daddy mo ang naglilipat diyan?" nanlalaki ang kanyang mga mata."Opo, kasi, sabi niya, maganda daw na lumalaki ako na may mga magulang na kasama sa paligid, tutal naman daw, hindi kayo magkasama sa bahay, kaya humanap na lang siya ng bahay na malapit para mas makita niya daw ang aking paglaki.." kwento pa ni Gab sa kanya.Tumindig ang balahibo ni Chantal habang pinagmamasdan ang anak. Ano naman kayang naisipan ng dati niyang asawa at nagdisisyon naman natumira malapit sa kanila.“H‑hindi mo nabanggit ’yan noong huli tayong nagkita ng daddy mo,” maingat niyang tugon, pilit inaalis ang panginginig sa boses. Ayaw niyang isipin ng anak niya na tumututol siya sa paglapit ng daddy nito sa kanila.“Surprise daw po, Mommy! Para raw m
KINABUKASAN...Maagang nagising si Chantal, kahit kapos sa tulog. Tahimik siyang bumangon, agad tinungo ang kusina para maghanda ng almusal ni Gab. Naroon na rin si Lucinda at nag uumpisa ng magluto.Naroon pa rin ang kaba—ang pag-aalinlangan sa presensya ni Calvin sa loob ng bahay niya. Pero binalot niya ang sarili sa katatagan. Gaya ng sinabi niya kagabi: hindi ito tungkol sa kanila. Tungkol ito kay Gab.Habang naghihiwa ng prutas, narinig niya ang kaluskos ng paa sa likod niya. Paglingon niya, nandoon na si Calvin, bihis na sa simpleng polo at jeans, mukhang handang-handa na para sa isang normal na araw. Tahimik lang ito, at hindi na nagtangkang magsalita agad."Good morning," mahinang bati ni Chantal, habang inaabot ang isang tasa ng kape."Good morning," sagot ni Calvin, tinitingnan siya sa paraang tila sinusubukang basahin ang mood niya.Tahimik ang paligid habang sabay silang naghain ng pagkain. Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas si Gab mula sa kanyang kwarto, bitbit ang backp