Share

Chapter 15

Hindi alam ni Vlad kung darating si Ethan agad, pero nasisisguro niyang darating ito. Kilala niya ang ugali ni Ethan. Pagdating sa mga importanteng bagay, hindi ito nagdadalawang isip kumilos sa abot mg kaniyang makakaya.

Sinipat ni Vladimyr ang isa pang baril na hawak niya. May ilan pa itong natitirang bala. Sapat pa para protektahan ang sarili at kasama niya, ng sandaling panahon.

Muling ibinalik ni Vladimyr ang magazine ng baril at ikinasa habang alerto na nakamasid ang kaniyang mga mata sa paligid.

Ayaw niyang maupo nalang doon at maghintay sa wala. 

Habang tumatakbo ang bawat minuto, lalong nanganganib ang buhay ni Lisa kaya kailangan niyang maka alis sa lugar na ito agad.

Hinubad ni Vladimyr ang kanyang suit saka pinasuot kay Lisa, dinampot niya ang isa sa mga baril at walang pag aalinlangan lumabas mula sa pinagtataguan nilang tatlo. 

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status