Share

Chapter 8

Elona's POV 

Tinuro ni Marvin kung saan 'yong magiging locker room ko. Na mangha nga ako kasi may kanya-kanya kaming mga lagayan ng aming mga gamit.

 Pumunta na rin kami sa gymnasium nila rito, hindi na ako na gulat ng napakali nito. Cafeteria nga nila sobrang magarbo eh, ano pang aasahan ko sa gymn nila?

Kahit papaano kasi, nakapag-aral naman ako ng elementarya sa sarili kung sikap. 'Yun nga lang, hanggang grade 6 lang. Pero kahit gano'n nakatulong pa rin ito sa akin para matuto ako ng kahit kaunting Ingles man lang.

Naalala ko pa noon kung pa'no tumutol roon si tita no'ng nalaman niyang nag-aaral ako ng palihim.

Dahil wala naman daw akong ma papala sa ka-ka-aral ko. Kaya ginawa niya ang lahat upang ma patigil ako. Ayaw na ayaw niyang nakikita akong uma-asenso o, sumasaya. 

Ano ba EL? Nandito kana oh? May tumulong na nga sa iyo, kaya't h'wag mo'ng sasayangin 'yung pagkakataon. Sabay tingala ko sa maaliwalas na kalitangan upang mapigilan ang pag-patak ng aking mga luha.

"Dito naman ang dorm ng mga lalaki." taas noong sabi ni Marvin sa akin habang ako'y naka tingala parin sa langit. 

"Hoy, EL...okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Marvin sabay hawak sa aking noo at sa kanya na para bang tinatantiya niya kung mainit ba ako o, hindi. 

"Wala ka namang lagnat," mahinang bulong niya sa kanyang sarili.

"P-Pasensya na Marvin...may naalala lang," sabay ngisi ko sa kanya. Parang hindi naman siya na kuntento sa aking sagot kaya huminto muna kami sa paglalakad.

"Ipagpapatuloy na lang kaya natin ang paglilibot sa susunod na sabado?" mahinahon niyang suhestiyon sa akin sabay ngiti kaya napangiti na rin ako.

Napaka bait talaga ni Marvin, hindi ko ma i-i-magine 'yung pa nanatili ko dito kung wala siya.

"Sige, salamat ah? Parang hindi kasi maganda pakiramdam ko ngayon eh," totoo 'yon, hindi talaga maganda 'yung pakiramdam ko, siguro dahil ito sa kakaisip ko.

"Okay I understand, magpahinga ka na lang. Alam kong napagod ka. Pa'no bayan, mauna na ako ha? Kaya mo na bang bumalik mag-isa sa dorm mo?" mahinahon at nakangiti niyang saad sa akin at tumango na lang ako bilang tugon sa kaniyang katanungan.

"Mag-iingat ka okay? Marami pa namang bully diyan sa paligid." mababatid mo talaga sa kaniyang boses ang pag-aalala. Kaya napangiti ulit ako.

"Kaya ko na Marvin, h'wag kang mag-alala, salamat," tumango na ito at nagpatiuna na sa paglalakad.

'Sana no'ng dati nagkaroon ako ng kaibigan na katulad niya, o kahit kuya man lang. Siguro...hindi ganoon ka lungkot 'yung naging buhay ko sa kamay nila tita.'

****

"Pa order po ako ng isang spaghetti, coke din po, isang putahe ng adobong manok at saka kanin. " nasa cafeteria ako ngayon. Nagutom kasi ako kaya heto, lamunan na na man.

'Hindi naman siguro malulugi ang cafeteria 'di ba?'

"Ang ganado mo naman kumain iha. Oh sha, hayan na 'yung order mo at kung may o-ordirin ka pa, h'wag kang mahihiyang sabihin sa akin." malumanay niyang sabi dahilan upang ikangiti ko ito.

"Opo, maraming salamat po, ano po ba'ng pangalan niyo?" tanong ko kay manang na nakangiti rin. Gusto ko kasi 'yung mga taong pala ngiti.

"Ako si Merlinda iha, ikaw? Anong pangalan mo?" grabe kahit matanda na siya hindi pa rin maikakaila na napakaganda niya.

"Ako po si EL...Elona Del Santiago," masiglang banggit ko kay manang at napansin kong nawala agad ang mga ngiti niya sa kanyang mga labi at napalitan ito ng seryosong mukha.

'Anong nangyayari?'

"Manang? Okay ka lang ho kayo?" nag-aalala kong tanong sa kanya habang siya naman ay naka tingin parin sa akin na para bang nakakita ito ng isang multo.

"Tama nga ako, n-nagsisimula na ang sumpa..." mahinang turan ni manang Merlinda. Dahilan upang kumunot kaagad ang aking noo.

"A-Ano po ang ibig niyong sabihin?" naguguluhang tanong ko kay manang habang hindi ko na rin maiwasan ang kabahan sa mga pinagsasabi niya.

Napansin ko ang panginginig ng kanyang kamay kaya napatingin kaagad ako doon. Parang pamilyar sa akin ang pilat niya sa kamay. Saan ko nga ba 'yon nakita? Napahawak na lang ako sa sarili kong baba ng matandaan ko kung saan ko 'yon nakita.

'Si manang, 'yung sa palengke!'

Akmang magsasalita na sana ako ng bigla na lang siyang tumakbo papalabas. Sinundan ko na man agad ito ngunit hindi ko na siya naabutan. Huminto na muna ako't nagtanong sa isa pang taga assist rito sa Cafeteria.

"Ate, alam niyo po ba kung taga saan 'yung si manang dito kanina?" tanong ko sa nagbabantay na ngayon sa counter.

"Ha? Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Ako 'yung nagbigay nang pagkain sa'yo." Tinuro na man agad ni atre ang pagkain na kasalukuyang hawak-hawak ko na ngayon. 

'Ha? Imposible...pero si manang talaga 'yung kausap ko kanina!'

Wala na akong nagawa at umalis na lang doon at pumunta na sa pinakadulong table dito. Habang kuwestiyonable pa rin talaga ang utak ko sa mga nangyayari.

Pagkatapos ng milyong-milyong taon, natapos nadin akong kumain, "Grabe napakasarap talaga ng pagkain nila dito. Teka? Pwede kaya mamasukan ako bilang part timer dito?" tanong ko sa aking sarili habang hawak-hawak ang aking tiyan dahil sa kabusugan. Napatawa na lang ako sa aking mga pinag-iisip.

'Nako EL, kung ano-ano na lang pinag-iisip mo.' Piping saad ko sa aking isipan.

Alas kuwatro na ng hapon ako nakauwi sa aking dormitoryo. Meron ring maliit na terrace rito kung saan makikita mo ang kagandahan ng buong unibersidad. 

"Ang ganda..." may ngiting saad ko.

Sabay pikit ko ng aking maala-abuhing mga mata at dinama ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat.

"Nakakapagod din palang kain tulog lang 'yung ginagawa ko buong araw...hindi ako sanay," saad ko sa aking sarili habang nakakapit pa rin. Habang mahigpit na naka kapit ang magkabilaan kung kamay sa railings at nagpalabas ng malakas na buntong hininga.

[Then starting from now on, you'll get use to it.] Rinig kong seryosong saad ng isang matipunong boses na para bang sumasama ito sa hangin.

 Napamulat na lang akong bigla mula sa aking pagkakapikit dahil sa gulat sabay kabadong nilingon ko ang aking likuran.

"S-Sino 'yan? K-Kung balak mo man akong nakawan, sasabihan na k-kita! Wala akong pera kahit h-halungkatin mo pa 'yung buong kwarto ko!" matapang na turan ko habang hindi ko mapigilang ma-utal dahil sa kaba.

[Your funny...] narinig ko naman ang munting halakhak nito dahilan upang ma pa hawak ako sa aking dib-dib. 'Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?'

[I'm not a thief...my queen.] muling saad nito at humangin na na man ng napakalakas kasabay din nito ang paglipad ng aking mga mahahabang buhok at ang pagkawala ng prisensya niya. 

'S-Sino ba 'yon? Bakit ganito na lang ka bilis ang tahib ng puso ko?' Napa hawak na lang ako ulit sa aking dib-dib at hinilot-hilot iyon.

"May sakit na ba, ako sa puso?" tanong ko sa aking sarili habang hindi pa rin maiwasan na isipin kung ano ang aking narinig kanina.

"Ang amoy niya, masyadong pamilyar..." mahinang bulong ko sa aking sarili habang nanginginig ang mga tuhod na humakbang papasok pabalik sa aking kuwarto.

Dapat na talaga sigurong matulog na ako ng maaga parati. Bahala nang managip ulit ako, kaysa naman sa ganito 'yung mga nakikita at naririnig ko! Malala na tala siguro sira ko sa utak!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status