Share

The Cursed King
The Cursed King
Author: Van

Prologue

"Just promise me one thing...that you will never be sad again, okay?" Biglaang saad niya sa akin ngunit nag bingi-bingihan lamang ako at pilit iniba ang usapan.

Ayokong naririnig ang mg ganoong salita mula sa bibig niya. Ayoko.

"Kung pa pipiliin ka, ang kaharian o, ang mga minamahal mo sa buhay?" pag-iiba ko sa usapan. Habang pareho kaming nakahiga sa damuhan at nakatanaw sa madilim na kalangitan.

"What kind of question is that? Ofcourse I will only choose one," huminto muna siya at naramdaman ko ang pag-baling niya sa akin ng tingin. Sakto na man na lumingon din ako sa gawi niya kaya nag tagpo ang mga ma ala-abuhing mata ko at ang kulay kahel na mga mata niya.

"Ano nga ang pipiliin mo, pa excite pa, eh." Munting halakhak lamang ang na-i-sagot niya sa akin bago siya magsalita uit.

"Ofcourse, I will always choose the Kingdom." saad niya at agad na ibinalik ang atensyon nito sa mga napakaraming bituin na naka paskil sa kalangitan. Kasabay na man nito ang pagkawala ng ngiti sa aking mga labi at ibinalik narin ang atensyon ko sa langit.

"G-Gano'n ba?" Pinilit kong hindi ma piyok sa aking pagsasalita. Ramdam ko ang sakit na bumaon sa kaibuturan ng aking puso, kasabay ang malamig na simoy ng hangin at ang tunog ng mga nag ba bang-ga-ang sanga ng puno.

Kumunot na lang ang noo ko ng makita ko ang napaka aliwalas na sinag ng buwan kanina ay parang nahahaluan na ito ng kulay pulang tinta. Napabalikwas agad ako mula sa aking pagkakahiga sa damuhan. Dahil parang alam ko na kung anong nangyayari.

"L-Lary?" Mas dumoble pa ang kaba sa dib-dib ko ng makita ko ang kina hihigaan niya kanina na wala ng kahit ni anino niya doon. Hinahanap ko siya sa buong kakahuyan, ngunit wala talaga.

Tumulo na ang mga luha ko sa magkabilaan kong mga mata. 

"H'wag na man ganito, oh! Lary! Ano ba!" halos ma pugto na ang ugat ko sa aking leeg dahil sa kakasigaw ko sa pangalan niya. Habang naghahanap sa madilim na kakahuyang iyon ay dumapo agad ang mata ko sa isang bagay na kumikinang sa lupa 'di kalayuan sa aking kinatatayuan.

Agad akong tumungo roon at mas napa hagulhol pa ako ng makita ko ang kabiyak na kuwintas na aking suot-suot. Nanginginig ang aking kamay na pinulot iyon kasabay nito ang pag-ihip ng hangin na napaka lamig at ang pagdaan ng isang napaka pamilyar na boses sa aking teynga.

"Makakalimutan mo rin ako, Elona...please be well." Mahinang bulong nito sa aking teynga kaya napa lingon kaagad ako. 

"L-Lary? Ikaw ba 'yan? H'wag mo 'kong iwan p-please..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status