Share

CHAPTER THREE

"OH, Ara? Ba't parang pinagsukluban ka ng langit at lupa riyan? Anong nangyari sa'yo?" bungad ng kakarating lang na si Lhor.

Ito talagang si Lhorraine pag nage-emote ako laging panira, eh, no?

"Anong ginawa sayo ng prof mo na 'yon? Pinagsalitaan ka ba niya ng masama? May ginawa ba siya sa'yo? Sabihin mo lang at susugurin ko 'yon." Sabay kindat sa 'kin na nagpapahiwatig na 'wag sabihin na alam niya na, naparolyo naman ako ng aking mata.

Isa pa to'ng si Clyde, akala mo naman totoo takot lang 'yan bumagsak.

"Ang OA mo na, Clyde. Ang layo ng iniisip mo sa nangyari." But the truth is ang sakit lang kasi dahil sa kabastusan ng bibig ko babagsak ako.

"Ganito, uhm, kumalma ka muna kasi first day pa lang naman. Malay mo mag-change mind 'yang si sir mo, gamitan mo kaya ng ipinagbabawal na technique?"

"Kung gan'yan lang naman ang suggestion mo, Lhorraine, never! Over my dead body! Ako?Papahulugin ang loob niya? Never!"

Nakaka! Basta, ang panget kaya tingnan like, duh! He's a teacher for Pete's sake! Pero magkaedad lang naman kami? No! No! No!

Ara don't! Forget about it.

"Sige mauna na muna kami sa'yo, Ara. May lakad pa kami ni Clyde."

"Kayo, Lhoraine, my namumuong pagmamahalan na ba? Sana all, basta ako support lang dito."

"Ikaw talaga, Ara, napakamalisyosa mo. Oh siya isipin mo riyan kung paano ka hindi babagsak d'yan sa subject ng prof mo."

"Opo, tay," sabay tawang sabi ko.

------------

Naglalakad-lakad na ako sa side walk papuntang school nang may nakita akong matandang babae na gustong dumaan sa pedestrian lane. I look at the road left and right at my nakita akong humaharurot na sasakyan mula sa hindi kalayuan na anytime masasagasaan nito ang matanda.

I immediately run towards the old lady and grabbed her waist at hinila papunta sa sidewalk. Napahiga kaming dalawa at tamang-tama naman na nakadaan na ang humaharurot na sasakyan.

"Oh, God! Thank you, child! That's a near death scenario! Thank you, I owe you my life," she said while wiping her teary eyes.

"Okay lang po, lola. Buti na lang hindi pa po kayo gaano kalayo sa sidewalk."

"Pasensya ka na, hindi kasi ako nakatingin sa daan. I guess I'll look left and right next time."

I just smiled at tumayo, tinulungan ko na rin s'ya na mapatayo dahil marami-rami na rin ang mga taong nakatingin sa 'min.

Pinagpagan ko ang damit ko at ang damit n'ya. Mukhang my lakad siya at sa pananamit niya mukhang mayaman siya.

"As an owe to my life on you, I would like to ask you for a dinner with my son. Maaari ka ba'ng sumama?"

Nag-aalangan naman akong sumagot kasi baka may pag-uusapan sila na importante ng anak niya at isa pa maliit na bagay lang naman ang ginawa ko. Hindi ako tumatanggap ng kapalit ng kahit ano. I was about to decline when she cut me off.

"Pero—"

"No more, buts please, let's go?"

Inilahad n'ya ang kamay n'ya as a sign na hawakan ko 'yon. So, I have no other choice kaya pumayag na lang ako.

We crossed at the pedestrian lane when a car stop in front of us. Its a Limousin.

Alam mo 'yong feeling na parang sasakay ako na hindi. Ang ganda teh!

"Come on, hija."

She said while smiling. Kaagad naman akong umakyat at umupo sa back seat, when I heard a phone ringing.

"Hello? Yes we're on the way. Yes, yes, I have a company. She saved my life, muntik na akong mahagip ng sasakyan. Yes, yes. I love you, son."

She look at me in the mirror and smile.

------------

Nang makarating kami sa hotel, namangha ako dahil mukhang mayayaman ang tao lang ang kumakain dito.

"Come on, let's go, hija. Baka mainip na iyon sa kakahintay."

Agad naman akong bumaba at may sumalubong sa amin na naka-uniform na lalaki. Staff siguro ito ng hotel. Nahiya ako bigla dahil mas mukha pa siyang guest kaysa sa akin.

"This way, madam."

I saw a guy na nakatalikod sa 'di kalayuan. Teka, bakit ang familiar ang buhok nito? Parang nakita ko na dati.

Teka...

Palapit nang palapit na kami sa mesa kung saan naroon ang lalaki. Ako naman ay mas pinapaliit ko pa lalo ang mata ko para makita kung sino ito, parang kinakabahan yata ako.

Nasa harap na kami ng lamesa then this happened.

"Ikaw!?" both of us looked surprise.

"What are you doing here, Ms. Avery?"

What the f*ck?! Opo, si Prof Grey lang naman po ang nasa harapan ko na naman ngayon.

"Magkakilala na pala kayo ng anak ko, hija?"

"Y-Yeah, tita h-he's my—"

"Manliligaw niya ako mama."

Halos lumuwa ang mata ko sa pagkabigla. Sampalin n'yo nga ako! Kanina lang sinabi n'ya na bagsak ako sa subject niya tapos sasabihin niya ngayon na manliligaw ko siya?

"Excuse me, Mr. Simpson? I didn't expect that you're gonna lie in front of your mom like that." I faced his mother and smile.

"Tita, student niya po ako and he failed me on his subject. I was just trying to explain lang naman po pero pinatawag niya ako sa office niya and he told me na bagsak daw ako."

Gumana ka please. Oo, alam kong mali ang ginagawa ko but I'm desperate! I really want to passed this school year ga-graduate na ako tapos dahil lang sa kan'ya ay hindi ako makakapagtapos?

Nakita ko sa gilid ng mata ko na nagtangis ang kan'yang mga ngipin at nagdilim ng aura niya.

"Bakit naman, anak? Ikaw talaga na bata ka 'wag kang gan'yan. You don't have any rights to do that unless there is a valid reason."

"Mom, excuse us for a moment. I'll just talk to her."

Agad siyang tumayo, kinuha ang kamay ko, at hinila palabas sa fire exit ng hotel.

Then he suddenly pinned me on the wall at sobrang lapit na ng mukha namin. I can almost feel his breath, I can see anger in his eyes.

"Nagpapa-victim ka sa harap ng ina ko and you think na akala mo ipapasa pa rin kita? Well, think again because it will never gonna happen!"

"O-Of course I'm not!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status