Share

CHAPTER FOUR

Grey POV

"GREY, hindi tama ang ginawa mo and you know that."

Kanina pa 'to, hindi pa natatapos si mama kakasermon sa 'kin dahil sa babaeng 'yon. Umalis na ang babaeng 'yon kanina, mabuti na lang. Pero after n'ya umalis ay heto naiwan kami sa restaurant at mga salita naman ni mama ang natikman ko.

Call me gag* or what pero kumukulo talaga ang dugo ko kay Ara and I don't know why.

"Grey, are you listening to me? Jusko na bata ka! Oo nga pala next week you told me you have already have a girlfriend. Gusto ko na siya makita, gusto ko nang magkaapo. Please bring her, okay?"

Oh d*mn! Mama, why are you doing this to me? Ayaw ko naman sabihin sa kan'ya na ayaw ko pang magka-girlfriend and I'm not into that yet.

Pero I love my mother so much. Kung pwede lang ay gagawin ko lahat ng gusto niya makita ko lang siyang masaya, I'll do it.

"Yes mama, I will. Anyway, I'll go ahead. Pupunta pa ako sa bahay ni Rizza, Ma."

"Sige, hijo, mag-ingat ka."

"Mang Lucio, please take care of mama, okay?"

"Sige, sir, walang problema."

I patted his back at naglakad na papunta sa parking area. I found my car and I was about to open the door ng may anino akong napansin na gumagalaw sa ikatlong sasakyan.

Out of curiosity I come closer.... and closer. Dalawang taong naglalampungan ang nakita ko and I was about to turn my back nang napansin ko ang suot ng babae at ang buhok? That couldn't be...

"Rizza?"

I saw her back froze, tama nga ako.

"G-Grey, i-its not what you think. We're just talking here."

She said with an awkward smile written on her face. Tiningnan ako ng lalaki bago bumaling ang tingin n'ya kay Rizza, nagtataka siguro kung bakit magkakilala kami.

"Don't make me stupid, Rizza. Hindi ako naging isang guro kung bobo ako. Hindi ako updated na kapag nag-uusap ngayon dapat may french kiss pa? Mahaba siguro ang pinag-usapan niyo?"

"Anong sabi mo!? Iniinsulto mo ba ang asawa ko?! Don't you dare, stupid! Baka gusto mong mamatay?!"

"Richard, shut up!"

"Anong shut up? 'Wag mong sabihing niloloko mo ako, ha!? Lalaki mo ba 'yan, ha!?"

"Parang gano'n na nga. Don't worry, Mr. Richard sa'yo na 'yang asawa mo. I'm not into a low class woman, she's just my fling after all." Ako na ang sumagot sa tanong n'ya.

I throw the money in front of her and turn my back.

I saw her face turns to pale, at makikita mo talaga sa mata niya na nasasaktan siya. I heard a loud bang, but i didn't expect the next thing.

Naramdaman ko na lang na namamanhid ang aking balikat. Agad akong tumakbo papunta sa sasakyan ko.

"Sh*t!"

I drove as fast as i could out of the parking area. Naririnig ko pa ang malalakas na putok niya ng baril. D*mn!

Nakalagpas na ako sa Hotel na iyon. I can feel my shoulder bleeding and I feel dizzy. Unti-unti na rin bumabagal ang sasakyan, I think natamaan n'ya ang tires.

I saw a house from afar. I slowly parked my car near the gate.

I open the door of my car and I was about to close the door when suddenly na-out of balance ako at napahiga ako sa sidewalk.

"D*mn it! Not now!"

I stand up and walk towards the gate. My eyes is starting to get blurry.

Pinindot ko ng ilang ulit ang bell.

Ara's POV

"ARA, open the door please. Sino ba 'yong nagdo-doorbell? Nagmamadali talaga?"

"Opo, Ate Nida."

Nandito ako sa nirerentahan kong bahay rito sa San Juan. Bale si Ate Nida ay ang may-ari ng bahay, parang lola ko na siya but she preferred to be called 'ate'.

Pagbukas ko ng gate ay nabigla ako nang may bumagsak na bulto ng lalaki sa harapan ko mismo.

"Aray ko!"

Napaupo ako sa sahig nang biglang natumba 'yong tao—teka? Parang kilala ko 'to, 'yong amoy fresh mint.

"Prof Grey? Anong ginagawa mo rito at saka, oh my god! Dadalhin kita sa hospital, ang daming dugo! Ate Nida, Ate Nida! Tulong!"

Agad kong tinawagan ang hospital para makuha na siya rito! Gago ba 'to? Ba't hindi sa hospital to dumiretso saka bakit alam niya ang bahay ko!?

"I don't want to die yet, I still want to grant my mama's wish."

Napatigil ako sa sinabi n'ya at inalog siya.

"Umayos ka 'di ka pa mamamatay! Ipapasa mo pa ako this school year!"

----------

Narito na ako sa ospital at kasalukuyang kausap ang doktor na tumingin kay Sir Grey.

"Ikaw po ba ang girlfriend ng pasyente?"

"A-Ah, hindi po kaibigan po."

"Nakuha na ang bala sa balikat n'ya. Marami ang nawalang dugo sa kan'ya pero mabuti na lang at naagapan agad. Now, he is stable."

"Salamat, Doc."

Nakahinga naman ako nang maluwag. Tamang-tama pag-alis ng doktor ay dumating ang mama ni Prof Grey. I can see in her eyes that she's very worried, mahahalata mo talagang kakatapos lang n'yang umiyak.

"How's my son?"

"Okay naman daw po siya. Stable na po at nakuha na po ang bala sa balikat n'ya."

I smiled, para naman maibsan ang pangamba n'ya sa anak n'ya. I was about to say another word when she suddenly hug me, a very tight hug.

"Thank you for saving my son. Una ako ngayon siya naman, wala na akong masabi pa. Hindi ko alam kung paano susuklian ang kabutihan mo, hija."

"Wala po 'yon, saka tinawagan ko lang po 'yong doktor baka kasi napag kamalan n'yang hospital 'yong apartment ko. Puro puti kasi, don't worry po next time papalitan ko na po ng rainbow."

"Ikaw talagang bata ka ang pilya mo, but still kung hindi mo tinulungan ang anak ko, hindi ko na alam kung buhay pa ba sya or hindi."

Then she starts sobbing while hugging me.

I hug her back.

"Excuse me, gising na po ang pasyente."

"Thank God my son is awake!"

Agad s'yang umalis sa pagkakayakap ko at tumalikod. Akala ko aalis na siya pero bigla n'yang hinila ang kamay ko.

So ayun hindi na 'ko magtataka next time kung stretchable na ang kamay ko.

"Ma, okay ka lang ba?"

Nakahithit ba 'to? Siya 'yong nakahiga sa hospital bed, oh.

"Are you okay?" tanong naman pabalik ni tita.

"Yes ma." Nangunot ang noo n'ya nang mapunta ang tingin n'ya sa akin.

"what are you doing here? I don't want to see your face!"

"Prof, aalis—"

"Then leave!" putol n'ya sa sinasabi ko.

"Son! watch your mouth!"

Tila wala siyang narinig na salita mula sa mama n'ya at hindi pa rin natinag ang sama ng tingin n'ya sa akin.

"I said leave, Ms. Avery! Bingi ka ba?!"

Tumango na lamang ako at ngumiti nang pilit bago napagdesisyonang umalis na lang ng ospital para matahimik na siya. Ako na nga ang nagmalasakit ako pa ang masama.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status