Share

CHAPTER TWO

"ANO?! Seryoso ka‽ Jusko, Ara! Ano 'yang pinasok mo?!" Makapag-react 'tong dalawang 'to, mga OA.

I'm so frustrated! I combed my hair using my fingers.

Tiningnan ko ang aking relo and its already 11:00 wala naman masyadong klase ngayon kasi nga first day. May pa-intoduce yourself pa na walang katapusan.

"Lunch muna tayo. Nagugutom na ako, kanina pa ako problemado."

"Alam mo, Ara, parang wala kang problema! Huy, gagi! Grade mo ang nakasalalay rito!" ito namang si Clyde sobra pa kay mama makapagsalita pero may point naman siya.

"Ara, gwapo ba siya? Ara! Ara! pupunta kami mamaya sa classroom n'yo, ha. Sisilipin ko lang," at kumindat pa ang luka. Ang babaeng 'to malandi talaga. Pero mahal ko 'to.

"Sige! So, saan tayo kakain? Clyde, sa Restaurant n'yo na lang para libre, save money ako," pabirong wika ko pero may pag katotoo nang kaunti.

"Oo na! Ano pa ba'ng magagawa ko? Malakas kayo sa 'kin, eh."

"Ms. Avery?" That cold voice, jusko halos tumindig lahat ng balahibo sa katawan ko.

"Y-Yes, prof?" di 'ko pinahalata na nabigla ako at natakot. Pero teka, ba't naman ako matatakot eh wala naman siguro akong ginawa na masama?

Siguro?

"Later in my office," may diin na wika niya.

Ano ba yan?!

"0po prof, hindi ko po nakalimutan. Hindi mo na po kailangang mag-remind. Hindi ako makakalimutin, Mr. Simpson." I smiled widely para maasar naman siya nang kaonti. Am I bad already, huh?

He just stared at me and left.

Tiningnan ko naman ang dalawa at hayun, 'yong tingin na parang di makapaniwala while matching nakahawak ang kamay sa bunganga.

"Ara, naman, jusko! Bakit gano'n ka sumagot?! For Pete's sake, he's your teacher! Anytime he can fail you if he wants to! Do you think you are that strong enough para mapigilan siya!?"

"Lhoraine naman, eh! Alam ko naman na teacher 'yon! Nakakaasar kaya siya at—oh my God! What have I done again?!" nanlalaki ang mga mata kong niyugyog si Clyde habang namamawis na.

"Oy! ano na ang gagawin ko?! Last semester na 'to, ayaw ko bumagsak. Help me!"

"'Yan kasi, Ara, minsan 'yong bunganga mo pigil-pigilan mo rin. Diyan ka mapapahamak."

"Clyde naman! Oo na alam ko kasalanan ko 'to ngayon."

"Mag-sorry ka sa kan'ya, Ara. And by the way, gagi ang gwapo niya!" Sabay hampas sa braso ko.

"Alam mo, Lhor, minsan iniisip ko kung nasa katinuan ka pa ba? Kanina ang sama ng loob sa ginawa ko ngayon kilig na kilig ka."

"Masama naman talaga ang loob ko sa'yo kasi hindi ka nag-iisip at nag-iingat sa binibitawan mo'ng salita, pero kinikilig ako sa teacher mo. Ang gwapo, eh!"

_________

"Sige na, mauuna na ako sa inyo, pupunta pa ako sa teacher ko na akala napakagwapo n'ya kung umasta."

"Umayos ka nga, Ara. Para kang baliw, gwapo naman talaga siya, eh!" ani Lhor na tila nagpapantasya na naman.

"Oo na! Oo na! Clyde, ingatan mo 'yan, ha?" I went on the other way papunta sa office ni Mr. Simpson.

Hinawakan ko ang doorknob at nang mabuksan ko ito...

"The hell," bulong ko sa sarili ko.

I just froze from what I saw my teacher in English, seducing Mr. Simpson at nakaupo siya sa lap nito. Nakakapit ang kamay niya sa leeg ni sir, she starts kissing his lips then cheeks papunta sa leeg. Nakita ko naman na parang walang pake si Mr. Simpson.

Isasara ko na sana ang pinto nang biglang tumunog ito and their both eyes stared at me. Nakita ko naman ang pamumula sa mukha ni Ms. Rizza.

Agad siyang tumayo at inayos ang damit.

"You're late for almost 5 minutes," wika niya na tila walang nangyari.

"Actually, I'm not late. Tamang-tama nga ang dating ko at pasensya na kung naabala ko po kayo ni Ma'am Rizza sa ginagawa n'yo," matapang na wika ko.

"Bagsak ka sa subject ko." While he was saying those words, he was staring in my eyes.

Aba! Akala n'ya papatalo ako, ha. Tsk.

"Edi ibagsak mo! Kase nakita ko si Ms. Rizza na naka upo sa ibabaw mo? Na hinahalikan ka niya? 'Yon 'yong reason mo? Lakas ng tama mo, sir."

"No, because you have no manners."

"Really?"

Ako pa talaga ang no manners. Kumukulo ang dugo ko sa'yo! Parang gusto kong sabihin sa kan'ya ito but I remain silent.

I simply smiled and leave his office, d*mn it! Anong gagawin ko? My tears started to fall.

Naglakad ako palabas ng campus. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta basta ang tanging alam ko lang gusto kong mapag-isa, dinala ako ng paa ko sa park kung saan mayroong malaking puno.

And what a coincidence, gusto ko sanang ma-emote kaso si Clyde nasa puno nakaupo at tinawag pa talaga ako.

I just rolled my eyes at pumunta sa kan'ya ano pa magagawa ko? Need ko rin ng kausap at mapagkukwentuhan.

"Bagsak ako," panimula ko at umiyak nang pagkalakas-lakas

"'Yan! Sinasabi ko na nga ba, Ara!" Napatayo at nap sabunot sa buhok na sabi nito.

"Nag-sorry ka ba?" tanong niya.

"H-Hindi," sagot ko.

Ikukwento ko ba sa kan'ya na nakita ko sina Ma'am Rizza or 'wag na? Baka kasi ipagkalat, I mean yeah, I trust her because she's my friend but the thing is ang complicated. Baka despatsahin din ako ni Ma'am Rizza, dalawang subject na ako babagsak no'n!

"Bakit?!" sabay tanong n'ya na may asar sa boses.

"Kase ano. Ahh... ano natakot ako?" patanong na sagot ko.

"Natakot? Naku, Ara, kami 'wag mo akong pinaglololoko, ha," sagot niya.

"Kung di ako nag kakamali sinagot mo nanaman yun no?"

"Ano, oo, pero nasa tama na ako,"" proud na sagot ko pero deep inside nangangatog 'yong tuhod ko, opo.

"Aha!"

Napatingin naman ako sa gulat kay Clyde.

"What if tanungin mo si sir kung pwede ba magbigay na lang siya ng special project tapos doon ka bumawi, sayang kasi talaga, Ara," saad nito na may puno ng panghihinayang ang boses.

"Pwede naman 'yon kaso, ayaw ko! Hayaan mo siya kung ibagsak n'ya ako, isusumbong ko siya sa principal na nakita ko sila ni Ma'am Rizza," sagot ko pero binulong ko na lang ang mga huli kong sinabi kaya tumingin siya sa akin na nagtataka.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status