Share

Kabanata 5

Author: GreenRian22
last update Last Updated: 2025-05-03 15:33:35

Andy's Point Of View.

"Paano pag nalaman ng Lolo mo na hindi naman talaga ako isang former secret service agent?" tanong ko sa kaniya, nandito ako sa passenger seat at siya ang nagmamaneho ng sasakyan.

Hindi ako makapaniwalang kailangan ko pang makilala ang Lolo niya, ang sabi niya ay kanina niya lang din malaman iyon. Hindi ko alam, pero hindi ko maiwasang kabahan.

"Naisip ko na rin 'yan, matalino si Lolo kaya hindi na ako magtataka kung imbestigahan ka niya," narinig kong sagot niya, sandali ko siyang nilingon bago tumingin sa bintana.

"Oh? Anong gagawin mo pag nalaman niyang delivery rider pala talaga ako?"

"Nagbayad ako para ipeke ang documents mo, kaya lalabas sa system na dati kang secret agent. Nagpagawa rin ako ng pekeng ID mo," wika niya. "Kaya kung sakali mang mag-imbestiga si Lolo, malalaman niyang nakapagtapos ka ng pag-aaral, at nakapagtrabaho sa mga kompanya."

Hindi na ako nagulat noong marinig iyon, tunog malabong mangyari iyong sinasabi niya pero sa yaman niya, impossibleng hindi niya magawang pekein ang mga documents ko.

"Nagsasayang ka lang ng pera," komento ko na hindi naman niya pinansin.

"Just like what I've said, I'm under witness protection. Ang sabi ni Lolo, bukas daw ang alis natin papuntang Batangas, sa private villa tayo titira."

Doon ako napamura. "Bakit kasama ako?!"

"That's part of our deal," seryosong sagot niya. "I won't need a guard because Lolo knows you can watch over me because he thinks that you're a former secret service agent, and if anyone tries to harm me, you'll protect me."

"Hanggang kailan naman tayo sa Batangas?"

"Hanggang matapos ang witness protection, wala pa akong idea kung kailan pero hangga't hindi pa nahuhuli ang suspect, paniguradong magtatagal tayo."

"Hindi pwede," inis kong sabi. "May kapatid ako, hindi ko siya pwedeng iwan mag-isa sa bahay. Nag-aaral pa siya, paniguradong kaya naman niya mag-isa pero hindi pa rin ako kampante."

"Maiintindihan naman niya siguro kung ipapaliwanag mo... Kung nag-aalala ka para sa kaniya, pwede akong mag-hire ng magbabantay sa kaniya."

Natigilan ako. "Gagawin mo 'yon?"

"Yeah, baka hindi ka sumama sa akin sa Batangas kapag hindi ko ginawa."

Napairap naman ako sa narinig, talagang hindi ako sasama sa kaniya dahil hindi talaga ako sanay na hindi kasama si Aemie sa bahay. Pero malaki-laki ang makukuha ko kada buwan at makakatulong iyon sa pag-aaral niya, kaya kahit ayoko man, gagawin ko 'to para sa magandang kinabukasan ng kapatid ko.

Kalahating oras ang lumipas bago kami nakarating sa pupuntahan, kung maganda na ang mansyon ng kumag na 'to. Mas maganda at mas malaki naman itong sa Lolo niya, kulay puti ito at para talagang isang palasyo, may fountain pa sa gitna at maraming puno sa paligid.

"Tandaan mo iyong mga sinabi ko kanina," saad niya pagkababa namin ng sasakyan.

Napairap na lamang ako dahil kailangan kong magpanggap na mabuting asawa niya. Nakita ko naman ang paglahad ng kamay niya bago kami pumasok, ilang segundo ko iyon tinignan bago tinanggap at magkahawak kamay kaming naglakad papasok sa loob.

Tahimik lang ang paligid, maayos, malinis, at halatang mahal ang mga gamit na nandito sa loob. Wala rin akong nakitang mga maids na pakalat-kalat. Pagdating namin sa tingin ko ay dining hall, naamoy ko kaagad ang tobacco na hinihithit ng isang matandang lalaking nakatalikod sa amin.

"Lolo, good evening."

Napalingon sa amin ang matanda at hindi ko maiwasang kabahan dahil mukhang masungit siya at nakakatakot. Pero kung alukin niya ako ng pera para iwan ang apo niya, gagawin ko ng nakangiti. Nakita kong nilagay niya ang tobacco sa lamesa bago lumapit, mabilis siyang naglahad ng kamay sa akin.

"I'm Armando Cavellana, nice to meet you," saad niya at tumango naman ako bago tanggapin ang kamay niya.

"Nice to meet you, Sir. Ako po si Andy."

Tumango siya. "Just call me Lolo too, Andy. Sakto ang dating niyo dahil kakain na tayo."

Napalingon naman ako sa mahabang lamesa na puno ng pagkain, hindi ko alam kung may fiesta ba dahil iba't ibang putahe ang nakikita ko. Hindi ko alam ang iba at sigurado akong iyon ang pagkain ng mga mayayaman. Magkatabi kami ng kumag habang nasa harapan naman namin Sir Armando, akala ko may iba pang mga dadating pero nag-umpisa na kaming kumain, hindi ako makapaniwalang pang tatlong tao lang ang kaganito kadaming pagkain.

"Mukhang hindi ko na kailangan pang tignan ang ID mo para malaman kung nagsasabi ba ng totoo si Andres," saad ng matanda, bahagya pang natatawa. "Base sa pangangatawan mo ay halatang kaya mong lumaban ng pisikal. I believe you're really a former secret service agent."

"Nakahiligan ko po kasi gym noong kabataan ko," pag-amin ko, totoo iyon dahil madalas ay doon ako tumatambay.

"I guess marunong ka ng taekwondo?"

Tumango ako. "Pati po Krav Maga."

Narinig ko naman ang pagtawa niya bago tumingin sa apo niya. "Take care, Andres. If you don't want to get punched," wika nito. "Alam mo kasi, Andy. May pagkababaero 'yan kaya nga ang sabi ko sa kaniya, kung mag-gigirlfriend man siya, ipakilala niya na lang sa akin kapag kasal na sila dahil ang daming babaeng dumaan sa buhay niyan."

"Lolo, I've changed," sagot noong kumag.

"Dapat lang! May asawa ka na at paniguradong hindi ka niyan sasantuhin kapag nahuli ka niyang may babae... Nga pala, matagal na ba kayong dalawa?"

"Dalawang taon pa lang po," sagot ko.

Tumango ang matanda. "Bago pa lang pala, pasensya na dahil kailangan mong pakasalan ang apo ko. Ayaw niya kasi ng bodyguards. Nasabi niya na bang bukas na ang alis niyo papuntang Batangas?"

"Opo, naiintindihan ko naman po ang sitwasyon ni Andres kaya ayos lang sa akin."

"Baka naman mamaya ay pag-uwi niyo may apo na ako?"

"Lolo!" suway ni kumag, pansin kong nagulat din siya sa sinabi ng matanda. "Hindi pa namin iniisip 'yan."

Nagkibit-balikat si Sir Armando. "Sinasabi ko lang naman, mukhang may lahi kasi itong si Andy, maganda ang magiging anak niyo niyan."

"Paano niyo po nalaman?" gulat kong tanong dahil bihira lang ang nakakapansin noon.

"Yes, you looked like a pilipino pero halata sa features mo na half ka. Lalo na't maputi ka."

Napangiti naman ako sa narinig, nagpatuloy ang pag-uusap namin at tinanong niya lahat ng tungkol sa amin ni kumag, kung saan kami nagkakilala, unang date namin at kung anu-ano pa. Nasagot naman namin lahat dahil nirehearsal na namin ang mga pwede niyang itanong sa amin.

"Susunduin kita bukas sa bahay niyo," wika sa akin ni kumag, nandito na kami ulit sa mansyon niya at nakasakay na ako sa aking motor ngunit hindi ko pa ito pinapaandar.

"Paano mo naman nalaman kung saan ako nakatira, kumag?" tanong ko.

"Kumag? I have a name."

"Ano naman?"

"Tsk. You're really weird."

Nginisihan ko lang siya. "Weird pero niyaya mong magpakasal," sagot ko at pinaandar na ang motor paalis sa kaniyang mansyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 29

    Andy's Point Of View.Hindi ko alam kung bakit pero nawala ang kabang nararamdaman ko nang makita ang mukha ng kumag na 'to, na para bang hindi ko siya gustong patayin sa inis kanina. Mabuti naman dahil buhay siya, wala nang magbibigay sa'kin ng sahod kapag namatay ka."Akala ko nabaril ka na sa loob eh," sarkastikong sabi ko, nandoon pa rin ang inis sa boses ko. Tiningnan niya ako bago lumingon sa katabi ko."Who is this guy?"Ngumiti si Bryan. "Hello, bro. I'm Bryan, kaibigan ni Andy."Tumaas ang kilay ko, wala pa ngang isang araw na nakikilala ko siya, bigla niya nang sasabihin na magkaibigan kami."I don't care about your name," sagot ni kumag bago ako lingunin. "Let's go."Nilingon ako ni Bryan, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. Hindi man lang ba siya na offend sa sinabi ng hayop na 'to?"Totoo nga ang sinasabi mo, Andy. Mabuti na lang mahaba ang pasensya ko."Mukhang nalaman niya kaagad na ang lalaking kanina ko pa kinukwento sa kaniya ay kaharap na namin ngayon. Ma

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 28

    Andy's Point Of View.Malalaki ang hakbang ko papalayo sa kumag na 'yon, wala naman akong high blood pero pakiramdam ko ay tumataas ang altra presyon ko dahil sa inis. At mas kinaiinis ko na hindi man lang niya ako hinabol."Walang kwenta talaga," galit kong sabi habang naglalakad paalis sa kumpol na mga tao. Kung dala ko lang ang motor ko rito, iiwan ko talaga siya.Napakahayop! Siya itong nagpumilit sa akin na sumama sa lugar na 'to, pero siya pa 'tong ginagalit ako.Para kumalma ang init ng ulo ko, umakyat ako sa rooftop nitong bar kung saan wala gaanong tao. Malakas akong bumuntong hininga habang nakahawak sa railings.Hindi na talaga kami magkakasundo ng lalaking 'yon kahit kailan... Dahil sa nangyari ay hindi na talaga ako makapaghintay na matapos ang kung anong kalokohang pinasok ko na 'to. Kung hindi lang ako gipit na gipit, matagal ko na siyang nilayasan dahil sa bulok niyang ugali. Walang makakatagal sa lalaking 'yon."Hey. . . ."Napatingin ako sa nagsalita sa aking tabi,

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 27

    Andy's Point Of View."She's my maid, I can't believe she's your type."Napahigpit ang kapit ko sa boteng hawak ko dahil sa narinig. Nakatingin lang ako sa kaniya, umaasang babawiin niya ang sinabi niya ngunit wala. . .Putangina niya talaga."She's a maid?" gulat na sabi ng lalaking hindi ko man lang alam ang pangalan pero pinaupo ko sa couch, lumingon siya sa akin na para bang hindi makapaniwala. "You don't look like a maid to me. Nagbibiro lang si Andres, hindi ba, Miss?"Umismid ako, wala ng pakialam pa. "Tama siya, katulong niya nga ako."Napansin ko ang pag-ngiwi niya dahil sa sinabi ko, maya-maya ay nagpaalam siyang umalis. Nang maiwan kaming dalawa ng kumag na 'to ay parang gusto kong ihampas sa ulo niya ang hawak kong bote."Tangina mo talaga 'no?!" malakas kong sigaw sa kaniya, tuluyan nang naubos ang maiksi kong pasensya. Wala akong pakialam kung may makarinig sa akin ngayon, nagagalit talaga ako. "Ikaw ang nagyaya sa aking pumunta rito, tapos anong gagawin mo?! Ipapahiya m

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 26

    Andy's Point Of View.Sa mga sumunod na araw naging mapayapa naman ang buhay ko—at least. Dahil abala si kumag sa kung anong ginagawa niya sa laptop niya, isang linggo kaming halos walang kibuan dahil nakatutuk lang siya sa trabaho niya.Para palang ako lang ang nagbabakasyon dito. . . Pero sobrang boring na rin talaga habang tumatagal dahil wala akong ibang makausap man lang bukod sa kumag.Kung pwede ko lang kausapin ang mga isda at iba pang lamang dapat para hindi ako maburyo, gagawin ko na. Pero baka bigla akong ipadala ng kumag na 'to sa mental hospital kapag ginawa ko iyon.At isa pa, dahil nga busy siya. Wala pang nangyayari sa amin. Hindi naman sa gusto ko, sadyang hindi ko lang talaga maintindihan sa sarili ko kung bakit nahihirapan akong tumanggi kapag hinalikan niya na ako."Hello, ate? Kamusta ka na riyan?" tanong sa akin ni Aemie mula sa kabilang linya. "Mabuti naman, mukhang mas mamamatay pa ako sa buryo kaysa sa inis sa kasama ko rito."Tumawa siya. "Bakit ba naiinis k

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 25

    Andy's Point Of View.Nakita ko ang pagkunot ng noo niya bago humawak sa kaniyang kwelyo."Huh? May dugo?" tanong niya at tumango ako. "Nakuha ko lang 'yan sa nadaan kong kinakatay na baboy. Nagtanong kasi ako kung saan ang CR."Napailang na lamang ako. "Bakit ba bigla ka na lang kasing nawawala? Hindi ka ba marunong magpaalam? Wala akong ideya kung namatay ka na bang kumag ka."Nakita ko ang pag-irap niya. "I'm fine. Abala ka sa pamimili, susungitan mo lang ako kung magtanong ako sa'yo."Malakas na lamang akong napabuntong hininga, sandali ko pang tiningnan ang dugo sa kaniyang kwelyo ngunit napansin kong hinawaka niya iyon at bahagyang tinago.Andres's Point Of View.Nagpatuloy sa pamimili si Andy pagkatapos ng nangyari, nanatili lang akong nakasunod sa kaniya ngunit pinagurado kong pinagmamasdan ko ang paligid.I really don't get this girl. . . Bakit ba gusto niya pang sa ganitong klaseng lugar mamalengke? Hindi niya ba alam na delikado rito? Napakaraming tao. . . Mahirap na.Flash

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 24

    Andy's Point of View.Hindi ko talaga mapaliwanag ang relasyon namin ni kumag, hindi ko naman masasabing kaibigan ko siya dahil nakakairita siya masyado—may mga pagkakataon na nabwibwisit ako sa kaniya dahil magkaiba kami ng opinyon, gets ko naman na dahil mayaman siyang tao kaya hinding-hindi niya ako maiitindihan."Why do you want to come?" inis niyang tanong habang irita ang mga matang nakatingin sa akin, hindi naman ako nagpatalo sa kaniya at nagpamewang bago samaan siya ng tingin.Akala niya ba madadala niya ako sa kakaganyan niya? Pwes! Nahanap niya na ang katapat niya."Ano? Ikaw lang ang pwedeng makalabas?" sabi ko, nakakunot ang noo. "Sawang-sawa na ako sa mukha mo, kumag! Hayaan mo naman akong makakita ng ibang tao!"Muli siyang umilang. "But I told you, it's dangerous! Mamimili lang naman ako ng stock natin dahil hindi ko gusto ang mga pagkain na pinapadala ni Lolo, hindi mo kailangang sumama.""Kung ayaw mo akong pasakayin sa mamahalin mong sasakyan, wala akong pakialam. M

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status