Share

Kabanata 6

Author: GreenRian22
last update Huling Na-update: 2025-05-08 15:24:36

Andy's Point Of View.

"Mag-iingat ka rito, Aemie. Palagi akong magcha-chat sa'yo. Iyong mga paalala ko sa'yo, ha? Huwag mong kalimutan palagi," wika ko sa kaniya, nakita ko naman ang pag-ilang niya na para bang napapagod na siya sa mga sinasabi ko.

"Kagabi mo pa 'yan sinasabi, Ate. Ikaw nga dapat ang mag-ingat dahil titira ka sa isang mybahay kasama ang isang lalaki na hindi mo naman ganoon kakilala," sagot niya ngunit ngumiti lang ako.

"Nag-aalala ka pa talaga sa'kin? Para namang hindi mo alam na marunong akong sumuntok?" natatawang sabi ko.

Umaga na ngayon at maaga talaga akong bumangon para mag-impake, hindi ko alam kung ilang buwan kami na nandoon kaya naman medyo marami akong dinala.

"Baka naman pagbalik mo rito may pamangkin na ako ha?"

Kaagad ko siyang sinamaan sa narinig. "Wala sa plano ko ang pagkakaroon ng anak, diba? Wala nga akong planong magpakasal."

"Pero kasal ka na ngayon," ngumisi siya.

"Fake marriage lang, Aemie."

Sasagot pa sana siya pero nakarinig kami ng busina ng sasakyan sa labas, mabilis akong sumilip sa labas at kahit na alam ko namang susunduin ako ni kumag, hindi ko pa rin maiwasang magulat ngayong nandito nga siya sa tapat ng bahay namin. Isang puting Toyota Land Cruiser ang nakapark sa labas, nakita ko ang paglabas ni kumag at narinig ko naman ang pagsinghap ni Aemie na nasa tabi ko lang at nanonood din.

"Ate, ayan ang asawa mo?"

"Asawa sa papel," pagtatama ko.

Lumingon siya sa akin, nakangiti. "Ayos lang palang bumalik kang may bata sa tiyan, Ate. Mukhang maganda ang genes niya, makakagawa gawa kayo ng magandang pamangkin ko."

Hinampas ko siya sa narinig. "Puro ka talaga kalokohan!" singhal ko. "Oo, gwapo. Pero kinuwento ko naman kung anong ugali mayroon ang kumag na 'yon, diba? Demonyo 'yan."

"Ayos lang 'yon, Ate! Tingnan mo naman ang mukha, oh? Jackpot ka!"

Napairap ako sa narinig at dumiretso sa kwarto para kunin ang mga gamit ko. Isang malaking bag at dalawang shoulder bag ang dala ko. Mabilis ko iyong kinuha at lumabas ng bahay, nakita ko rin ang pagsunod sa akin ni Aemie.

"Hoy," pagtawag ko kay kumag dahil abala siya sa pagce-cellphone. Tumingin naman siya kaagad sa akin.

"I texted you. Tagal mong lumabas."

Umirap ako. Napaka-arte.

"Ingatan mo 'yang si Ate ha!"

Napalingon naman ako kay Aemie, pinandilatan ko siya ng mga mata ngunit ngumiti lang siya sa akin. Bakit ko ba 'to naging kapatid?

"Is she your sister?" tanong sa akin ni kumag, tumango naman ako.

Nakita ko ang paglapit niya kay Aemie, naglahad siya ng kamay at nagpakilala. "I'm Andres Cavellana."

Nilingon pa ako ng kapatid ko, may ngisi siya sa labi na parang nang-aasar. Tinaggap niya ang kamay ni kumag at nagsalita. "Aemie po, paki-ingatan 'yang si Ate, ha? At paalala ko lang, kung may gawin ka mang masama riyan, huwag mo ng subukan dahil nambubugbog 'yan."

"Aemie! Tama na 'yan!" wika ko.

"Oh really?" tanong ni kumag.

"Oo, marunong nakaaway 'yang mga basagulero rito kaya huwag na huwag kang gagawa ng masama riyan."

Hinatak ko na si kumag palayo sa kapatid ko, tinignan ko naman si Aemie. "Ang dami mong sinasabi, iyong mga paalala ko sa'yo baka kinalimutan mo na, ha? Palaging kang magchat sa akin."

Tumango naman siya sa akin, mabilis ko siyang niyakap bago ako tuluyang pumasok sa sasakyan ni kumag. Sa passenger seat ako umupo at habang paalis kami, kinakawayan ko pa si Aemie sa bintana hanggang sa tuluyan na kaming makalayo.

Napuno ng katahimikan ang sasakyan habang nasa byahe kami. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, mabubuhay ako sa isang bahay kasama ang isang lalaking hindi ko naman kilala. Alam ko namang kaya kong protektahan ang sarili ko, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

"Hoy, ano bang trabaho mo?" pagbasag ko ng katahimikan. Nakita ko naman ang paglingon niya sa akin bago muling tumingin sa harapan.

"Why are you asking?"

Nagkibit-balikat ako. "Wala, curious lang. Alam ko namang mayaman ka, pero hindi iyon sapat para mapalitan mo basta-basta ang documents ko."

"Meaning?"

"Meaning... Hindi ka lang basta-bastang tao."

Narinig ko naman ang pagtawa niya. "Matalino ka pala."

Mabilis na nagsalubong ang kilay ko sa narinig. "Iniinsulto mo ba ako?" inis kong sabi.

"No, that's a compliment."

Inirapan ko na lamang siya. "So ano nga? Ano bang trabaho mo?"

"I'm CEO."

"Iyon lang?"

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "What do you mean iyon lang? Hindi mo ba alam kung ano ang CEO?"

"Alam ko!" kaagad kong sabi, ginawa pa niya akong tanga. "Ang akala ko lang ay may iba ka pang trabaho."

"Katulad ng?"

Malakas akong bumuntong hininga. "Ewan ko, baka anak ka ng presidente o malapit ka sa gobyerno kaya naayos mo kaagad documents ko. O sobrang yaman mo lang talaga."

"I didn't know you were this curious about my life, gusto mo ba ako? I'm sorry pero hindi kita gusto."

Parang gusto ko siyang suntukin sa mukha noong narinig ko iyon. Pero hindi ko naman pwedeng gawin dahil siguradong babangga ang sinasakyan namin.

"Alam mo kumag ka talaga 'no?" inis kong sabi. "Kung ayaw mong sagutin, huwag mong sagutin. May pasabi-sabi ka pang gusto kita porket nagtatanong lang ako? Hoy, hindi nga kita type!"

"You're not my type either."

Umirap na lamang ako, wala talagang patutunguhang maganda sa tuwing nag-uusap kami kaya nanahimik na lamang ako. Hindi ko alam kung gaano kahaba ang naging byahe namin pero nakatulog ako, nagising na lamang ako noong maramdam ko ang pag-alog ng kung sinong kumag sa braso ko.

"Oo, gising na ako!" inis kong sabi dahil patuloy pa rin siya sa pag-alog. "Nasaan na ba tayo?"

Hindi niya ako sinagot kaya naman nilibot ko ang tingin sa paligid, nanlaki ang mga mata ko ng makita na dagat na sa kaharapan namin, isang napakagandang dagat.

"Let's go," narinig kong saad ni kumag bago lumabas ng sasakyan, kaagad naman akong sumunod dahil na excite ako sa ganda ng paligid.

Napangiti ako ng paglabas ay puting buhangin ang sumalubong sa lumang sneakers kong suot. Inayos ko ang aking buhok kong nagulo dahil sa lakas ng hangin.

Napatingin ako sa isang kulay puting may kalakihang bahay hindi kalayuan.

"Doon ba tayo titira?" tanong ko.

"Yeah."

Nakita ko namang hawak niya na ang mga gamit ko, kaagad kong kinuha ang mga iyon.

"Do you need help?" tanong niya pa ngunit umilang lang ako.

"Tara na," yaya ko dahil gusto ko ng makita ang bahay, nauna na akong naglakad kaysa sa kaniya.

"Wow," bulaslas ko ng makita ang bahay, ang ganda ng exterior design nito. Mayroon ding second floor at balcony.

"Andy."

Napalingon ako sa kaniya ng tawagan niya ako, hindi ko napansing nasa tabi ko na pala siya.

"Oh?" tanong ko.

"You're right. May isa pa akong trabaho."

Napataas ang kilay ko. "Bakit sinasabi mo ngayon sa'kin 'to?"

"Because you're curious. Hindi mo rin ba tatanungin kung ano 'yon?"

Napailang na lamang ako bago muling tumingin sa bahay na titirahan namin. "Hindi na, hindi naman ako ganoon ka-curious sa buhay mo at sa kung sinong tao ka."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 23

    Andy's Point Of View."I know, 'Lo. Andy's different. . . " Narinig kong sagot ni kumag kaya sandaling nawala sa isipin ko kung kilala ba ng kaniyang Lolo si Rhea.Lumingon ako sa kaniya at noong napansing nakatingin ako ay tumingin din siya sa akin. Ilang segundo kaming nagtitigan bago ako muling bumaling sa kaniyang Lolo.Pilit akong tumawa. "U-Unique talaga ako, walang katulad," sabi ko na lang, pinipilit iwaksi kung bakit ako kinakabahan. Narinig ko naman ang pagtawa ng Lolo niya ngunit sumang-ayon din.Natapos naman nang mapayapa ang almusal namin, inabot din ng tanghalian na nanatili ang Lolo niya. Ang haba kasi ng napag-usapan nila, at para sa privacy, siyempre, umakyat ako sa kwarto ni kumag dahil nga ang sabi niya ay i-lock ko ang kwarto ko kaya no choice kundi sa kwarto niya pumunta.Dito siya nagtanghalian bago umalis, mabuti na lang talaga dahil si kumag pa rin ang nagluto dahil wala akong alam na lutuing pang mayaman. Baka magulat ang Lolo niya kapag naglapag ako ng prito

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 22

    Andy's Point Of View.Narinig ko ang pagmumura niya. "What is he doing here? Wala siyang sinabing pupunta siya. Fvck!""Aba anong malay ko, tangina? Anong gagawin natin?" nanlalaking mata kong tanong, para kaming mga kriminal na kinakabahan dahil nahuli kami ng mga pulis.Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. "Okay, calm down. Lock your room, hindi niya puwedeng malaman na magkaiba tayo ng kwartong tinutulugan.""Gago ka ba? Ang alam niya lang ay shota mo ako at hindi asawa!" pagtutol ko. "Kaya ano namang problema kung magkaiba tayo ng kwartong tinutulugan?""It's not like that fvck!" inis niyang ani. "Just like your room, sasalubungin ko siya sa baba at ayusin mo ang kwarto ko. Pagkatapos ay bumaba ka, at huwag mong kalimutang umarte.""Ano ako? Katulong?!""Just do what I've said! Goddamn it!"Hindi na ako nakapagsalita pa dahil kaagad siyang kumuha ng t-shirt, basta na lang iyong sinuot bago lumabas ng kaniyang kwarto. Inis akong napakamot sa ulo bago tingnan ang kabuoa

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 21

    Andy's Point Of View.Sinubukan kong umayos ng pwesto sa paghiga ngunit hindi ko 'yon magawa dahil ramdam ko ang mga kamay niyang nakayakap sa bewang ko. Napadilat ako at nakita ang itsura naming dalawa, nakasiksik ang mukha niya sa aking leeg, ramdam ko ang mainit niyang paghinga... Mukhang tulog na tulog. Nakasuot na ako ng damit niya, malaki nga ito sa kaniya. Habang siya ay walang saplot sa itaas ngunit may suot ng short.Mahina ko siyang tinapik. "Hoy, kumag. Pakawalan mo 'ko," sabi ko sa kaniya ngunit wala akong narinig na kahit ano mula sa kaniya kaya napairap ako.Ano ba naman 'tong lalaking 'to. Siya pa talag ang napagod nang sobra sa ginawa namin kagabi? Pero sabagay... Siya lang ang kumilos sa amin kagabi, taga-tanggap lang ako. Pero ako dapat ang mas napagod! Hindi siya!Muli ko siyang tinapik. "Nagugutom na ako, bumagon ka riyan.""Hmmm?"Sasagot na sana ako ngunit natigilan ako nang mas lalo niyang ilapit ang katawan ko sa kaniya, humigpit din ang pagyakap nniya sa akin.

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 20 SPG

    Warning: R18 Andy's Point Of View Sinubukan kong alisin ang ulo niya sa aking leeg ngunit mas lalo niya lang niyakap ang bewang ko at diniin ang ulo sa akin. "Para ka namang bata, kumag!" natatawang sabi ko dahil hindi ako makapasok-pasok sa villa dahil sa pagharang niya sa. Natigilan ako sa pagtawa noong maramdam ko ang marahan niyang paghalik sa aking leeg. "Answer me. . . Bakit ngayon ka lang?" narinig kong tanong niya bago ako muling halikan sa leeg, ramdam ko ang mainit niyang hininga sa akin. "M-May pinuntahan ako, saka sinabi ko naman sa'yong gabi na ako makakauwi, hindi ba?" sabi ko sa kaniya, pilit hindi pinapansin ang init na nararamdaman ng aking katawan dahil sa ginagawa niya. "Tigilan mo nga ang paghalik sa akin! Galing ako sa labas, marumi ako. Maliligo muna ako!" "I'm so horny right now, Andy. Paghihintayin mo ako?" "B-Baka mabaho ako," nahihiya kong pag-amin ko at mabilis na nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman kong muli niya akong halikan sa leeg. "

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 19

    Andy's Point Of View."Ate!"Mabilis akong yumakap kay Aemie, gabi na noong nakauwi ako rito sa amin. Nasabihan ko na siyang uuwi ako kaya naghintay talaga siya."Grabe, ilang linggo lang kitang hindi nakita. Namiss talaga kita," sabi niya sa akin bago bumitaw sa pagyakap, ngumiti naman ako. "Mabuti naman pinayagan ka ng asawa mong umuwi?"Napangiwi ako sa sinabi niya, mahina kong hinampas ang kaniyang braso. "Asawa amputa," natatawang sabi ko at naupo sa sofa naming gawa sa kawayan. "Papayag talaga ang kumag na 'yon dahil kung hindi siya papayag baka masuntok ko lang siya sa mukha.""Ang bayolente talaga!"Tinawanan ko lang siya. "Kamusta ka naman dito? Umaaligid pa ba si Aling Fe? Subukan niya lang, nabayaran ko na ang utang ko sa kaniya!""Oo, hindi na nagpaparamdam. Nabayaran ko na rin ang utang natin kay Ate Yena, tuwang-tuwa nga na nabayaran natin ng buo. Kasi diba? Palaging half-half lang ang nababayaran natin dahil binabadjet natin ang pera."Napangiti naman ako dahil sa narin

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 18

    Andy's Point Of View.Puno ng saya ang relasyon ko kay Liam... Siya ang una ko sa lahat. Ang unang boyfriend ko. Unang first kiss. Sa kaniya ko naranasan lahat. Akala ko pa noon, hinding-hindi ako magkakaroon ng kasintahan. Kasi ang sabi sa akin ng mga nasa paligid ko, walang magmamahal sa isang babaeng kapag kumilos ay mas lalaki pa sa lalaki.Napaniwala naman ako... Alam kong palamura ako, kaya kong manapak at manipa. Alam kong wala akong hilig sa mga magagandang damit, sapat na sa akin ang oversized t-shirt at pants na galing sa ukay-ukay. Wala rin akong hilig sa make-up, aalis ako ng trabaho ng sarili ko lang ang dala. Magkaibang-magkaiba kami ni Aemie, lahat ng ayoko ay gusto niya. Masaya naman ako para sa kaniya dahil iyon ang ang mga bagay na nakakapagbigay din ng saya sa kaniya.Wala rin naman akong pakialam sa mga relasyon, kaya ng ayos lang na walang lalaking magmahal sa akin. Kaya nga noong dumating sa buhay ko si Liam, noong inamin niyang may nararamdaman siya sa akin. Pa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status