LOGINAndres's Point Of View.
"You're so fvck up, man!" natatawang saad sa akin ni Klayd sa kabilang linya. "Nang blackmail ka ng isang delivery rider? Ganyan ka na ba kadesperado?" "Yeah..." Malakas akong napabuntong hininga, ayos lang. Ang mahalaga ay wala na akong problema. "I have to see this delivery girl, Andres." Napakunot ang noo ko. "Why?" "Alam mo namang kasing wala siyang kasalanan kung maling package ang nabigay sa'yo. Tapos ginawa mo pang i-blackmail. I'm sure may nakita ka sa babaeng 'yan kaya pinili mo." "She's not my type," sagot ko. "She's boyish, ang tapang-tapang pa. Tinawag ba naman akong tanga?" "Malamang, hindi mo kasi maintindihan na wala nga siyang kasalanan sa nangyari." Napailang na lamang ako. "Wala na akong pakialam, ang mahalaga ay makakasal na kami mamaya ni Judge Hindez." "Paano kung hindi ka siputin?" "Hindi 'yon makakatanggi sa 30 thousands na ibibigay ko sa kaniya kada buwan," paliwanag ko. "She looks like she really needs money, nahimatay siya dahil wala siyang kinain." "Good luck na lang talaga sa mga desisyon mo sa buhay, Andres. Pwede mo namang pakasalan ang isa sa mga kaibigan nating babae, bakit naghanap ka pa ng iba?" "Kilala ni Lolo ang mga kaibigan ko, hindi pwede." Ilang sandali pa kami nag-usap at ilang beses niyang pinapaalala sa akin ang mga pwedeng mangyari kapag nalaman ni Lolo na nagsinungaling ako. Sa gitna ng pag-iisip ko ay naramdaman ko ang pagtunog ng aking cellphone, natigilan ako ng makitang si Lolo ang tumatawag. "Hello?" wika ko pagkasagot ng tawag. "Ano ng balita, Andres? Nasaan na ang sinasabi mong girlfriend mo?" "It's already settled, Lolo. Ikakasal na kami mamaya." "What's her name?" "Andy." "Okay, gusto kong makilala 'yan ngayong araw. Dahil bukas ay pupunta na kayo ng Batangas." Pagkababa ko ng tawag ay malakas na lamang akong napamura, bakit gusto niya pang makilala? Nakakainis. Na-eenjoy ko na sana ang pagiging CEO ko ngayon kung hindi lang sana namatay si Conrad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kasi nahuhuli ang suspect at hangga't hindi nahuhuli ang lalaking iyon, patuloy na may panganib sa buhay ko. Andy's Point Of View. "Totoo ba, Ate?" Hindi makapaniwalang nakatingin sa akin si Aemie na para bang gumagawa lang ako ng kwento sa kaniya. "Kailan pa ako naging writer? Malamang totoo! Kahit nga ako hindi pa rin makapaniwalang ikakasal na ako," sagot ko at napasimangot. "Eh fake marriage lang naman, diba? At saka civil marriage naman ang mangyayari, ni-hindi mo kailangang magsuot ng wedding gown." "Oo nga, fake lang. Pero siyempre, hindi ko naman pinangarap na makasal. At mas lalong ayokong makasal sa lalaking 'yon, ang sama ng ugali niya," nanggagalaiting wika ko. "Kung hindi lang dahil talaga sa pera na makukuha ko ay talaga namang hindi ako papayag. Alam ko namang wala akong kinalaman na maling package ang natanggap niya, pero alam ko kasing totoong pwedeng mawalan ako ng trabaho kapag kinausap niya ang manager ko." Naranasan ko na kasi iyon, alam ko kung gaano kasama ang ibang mga mayayaman, alam ko kung paano sila maglaro ng pera at mga tao. Nagtatrabaho ako noon sa isang coffee shop, tapos hindi ko naman sinasadya na natapunan ko ng kape iyong isa naming costumer dahil napatid ako. Nagalit siya sa akin at nagreklamo sa manager ko, tapos kinabukasan, wala na kaagad akong trabaho. "Pero guwapo ba siya?" tanong ni Aemie. "Guwapo naman... Pero ang kapal ng mukha ng lalaking iyon, aanhin mo ang magandang mukha kung wala namang basic human decency?" inis kong sabi, naalala na naman ang mga nangyari kahapon. "Akala ko noong una mabait, kasi hindi ako iniwan sa labas ng mansyon niya noong nahimatay ako. Pero sana pala ganoon na lang ang nangyari para hindi na ako umabot pa sa ganito." "Bakit kasi hindi ka nanaghalian, Ate? Alam mo naman kasing anemic ka rin, tapos pinapabayaan mo naman ang sarili mo." Napangiti na lamang ako dahil kahit tunog naiinis ang boses niya ay bakas naman sa mukha niya ang pag-aalala. "Hindi naman iyon ang unang beses na hindi ako kumain ng tanghalian, pero iyon ang unang beses na nahimatay ako. Pero huwag kang mag-alala, hindi ko na iyon uulitin dahil baka hindi na ako magising." Nang sumapit ang hapon ay umalis na ako papunta sa bahay noong mayabang na iyon, nakakainis na kailangan ko pang mag half day sa trabaho para lang sa lintik na kasal namin. Pero mabuti na lang dahil may pera akong makukuha sa kaniya. Pagdating ko sa mansyon niya ay pinarada ko ang aking motor sa labas at nagdoorbell na, ilang sandali lang ay pinagbuksan na niya ako ng pintuan. "Are you the groom?" tanong niya habang nakatingin sa suot ko, napakunot naman kaagad ang noo ko. "Anong masama sa white t-shirt at jeans?" sarkastikong tanong ko at umilang naman siya. Nakasuot siya ng polo at black pants, mukhang bagong ligo lang siya dahil basa pa ang buhok niya. Pero kahit ang guwapo niyang tignan ngayon, hindi pa rin maitatago na masama ang ugali niya. Pumasok na kami sa loob at pinakilala niya sa akin si Judge Hindez, mabilis lang ang nangyari dahil fake marriage lang naman 'to. Halatang pulpol at binayaran niya ang Judge na nagkasal sa amin dahil pagpasok ko pa lang ay nakita ko na ang marriage of certificate na nakalagay sa center table. "Wala bang you may kiss the bride?" tanong ng kumag kaya mabilis akong tumingin sa kaniya. Nakita ko ang nakakaasar na ngisi sa kaniya. "Ang kapal ng mukha mo!" inis kong sabi, walang pakialam kahit nasa harapan namin ang Judge. Tinaas ko ang aking kamao at nilapit iyon sa kaniya. "Gusto mo ng halik? Ito, pagbibigyan kita." Nakita ko ang pag-irap niya. "It's not like I want to kiss you." Umiwas na lamang ako ng tingin at tumingin sa Judge. "Tapos na ba? Gusto ko ng umuwi," bagot kong sabi at noong makita kong tumango siya ay mabilis akong nagmarsta paalis ngunit hinarangan ako ng kumag. "Ano na naman? Gusto mo talaga ng halik?" inis kong tanong at muling tinaas ang kamao ko. "Hindi ka pa pwedeng umuwi, pupunta pa tayo sa mansyon ni Lolo dahil gusto ka raw niyang makausap."Andy's Point Of View.Hindi ko alam kung bakit pero nawala ang kabang nararamdaman ko nang makita ang mukha ng kumag na 'to, na para bang hindi ko siya gustong patayin sa inis kanina. Mabuti naman dahil buhay siya, wala nang magbibigay sa'kin ng sahod kapag namatay ka."Akala ko nabaril ka na sa loob eh," sarkastikong sabi ko, nandoon pa rin ang inis sa boses ko. Tiningnan niya ako bago lumingon sa katabi ko."Who is this guy?"Ngumiti si Bryan. "Hello, bro. I'm Bryan, kaibigan ni Andy."Tumaas ang kilay ko, wala pa ngang isang araw na nakikilala ko siya, bigla niya nang sasabihin na magkaibigan kami."I don't care about your name," sagot ni kumag bago ako lingunin. "Let's go."Nilingon ako ni Bryan, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. Hindi man lang ba siya na offend sa sinabi ng hayop na 'to?"Totoo nga ang sinasabi mo, Andy. Mabuti na lang mahaba ang pasensya ko."Mukhang nalaman niya kaagad na ang lalaking kanina ko pa kinukwento sa kaniya ay kaharap na namin ngayon. Ma
Andy's Point Of View.Malalaki ang hakbang ko papalayo sa kumag na 'yon, wala naman akong high blood pero pakiramdam ko ay tumataas ang altra presyon ko dahil sa inis. At mas kinaiinis ko na hindi man lang niya ako hinabol."Walang kwenta talaga," galit kong sabi habang naglalakad paalis sa kumpol na mga tao. Kung dala ko lang ang motor ko rito, iiwan ko talaga siya.Napakahayop! Siya itong nagpumilit sa akin na sumama sa lugar na 'to, pero siya pa 'tong ginagalit ako.Para kumalma ang init ng ulo ko, umakyat ako sa rooftop nitong bar kung saan wala gaanong tao. Malakas akong bumuntong hininga habang nakahawak sa railings.Hindi na talaga kami magkakasundo ng lalaking 'yon kahit kailan... Dahil sa nangyari ay hindi na talaga ako makapaghintay na matapos ang kung anong kalokohang pinasok ko na 'to. Kung hindi lang ako gipit na gipit, matagal ko na siyang nilayasan dahil sa bulok niyang ugali. Walang makakatagal sa lalaking 'yon."Hey. . . ."Napatingin ako sa nagsalita sa aking tabi,
Andy's Point Of View."She's my maid, I can't believe she's your type."Napahigpit ang kapit ko sa boteng hawak ko dahil sa narinig. Nakatingin lang ako sa kaniya, umaasang babawiin niya ang sinabi niya ngunit wala. . .Putangina niya talaga."She's a maid?" gulat na sabi ng lalaking hindi ko man lang alam ang pangalan pero pinaupo ko sa couch, lumingon siya sa akin na para bang hindi makapaniwala. "You don't look like a maid to me. Nagbibiro lang si Andres, hindi ba, Miss?"Umismid ako, wala ng pakialam pa. "Tama siya, katulong niya nga ako."Napansin ko ang pag-ngiwi niya dahil sa sinabi ko, maya-maya ay nagpaalam siyang umalis. Nang maiwan kaming dalawa ng kumag na 'to ay parang gusto kong ihampas sa ulo niya ang hawak kong bote."Tangina mo talaga 'no?!" malakas kong sigaw sa kaniya, tuluyan nang naubos ang maiksi kong pasensya. Wala akong pakialam kung may makarinig sa akin ngayon, nagagalit talaga ako. "Ikaw ang nagyaya sa aking pumunta rito, tapos anong gagawin mo?! Ipapahiya m
Andy's Point Of View.Sa mga sumunod na araw naging mapayapa naman ang buhay ko—at least. Dahil abala si kumag sa kung anong ginagawa niya sa laptop niya, isang linggo kaming halos walang kibuan dahil nakatutuk lang siya sa trabaho niya.Para palang ako lang ang nagbabakasyon dito. . . Pero sobrang boring na rin talaga habang tumatagal dahil wala akong ibang makausap man lang bukod sa kumag.Kung pwede ko lang kausapin ang mga isda at iba pang lamang dapat para hindi ako maburyo, gagawin ko na. Pero baka bigla akong ipadala ng kumag na 'to sa mental hospital kapag ginawa ko iyon.At isa pa, dahil nga busy siya. Wala pang nangyayari sa amin. Hindi naman sa gusto ko, sadyang hindi ko lang talaga maintindihan sa sarili ko kung bakit nahihirapan akong tumanggi kapag hinalikan niya na ako."Hello, ate? Kamusta ka na riyan?" tanong sa akin ni Aemie mula sa kabilang linya. "Mabuti naman, mukhang mas mamamatay pa ako sa buryo kaysa sa inis sa kasama ko rito."Tumawa siya. "Bakit ba naiinis k
Andy's Point Of View.Nakita ko ang pagkunot ng noo niya bago humawak sa kaniyang kwelyo."Huh? May dugo?" tanong niya at tumango ako. "Nakuha ko lang 'yan sa nadaan kong kinakatay na baboy. Nagtanong kasi ako kung saan ang CR."Napailang na lamang ako. "Bakit ba bigla ka na lang kasing nawawala? Hindi ka ba marunong magpaalam? Wala akong ideya kung namatay ka na bang kumag ka."Nakita ko ang pag-irap niya. "I'm fine. Abala ka sa pamimili, susungitan mo lang ako kung magtanong ako sa'yo."Malakas na lamang akong napabuntong hininga, sandali ko pang tiningnan ang dugo sa kaniyang kwelyo ngunit napansin kong hinawaka niya iyon at bahagyang tinago.Andres's Point Of View.Nagpatuloy sa pamimili si Andy pagkatapos ng nangyari, nanatili lang akong nakasunod sa kaniya ngunit pinagurado kong pinagmamasdan ko ang paligid.I really don't get this girl. . . Bakit ba gusto niya pang sa ganitong klaseng lugar mamalengke? Hindi niya ba alam na delikado rito? Napakaraming tao. . . Mahirap na.Flash
Andy's Point of View.Hindi ko talaga mapaliwanag ang relasyon namin ni kumag, hindi ko naman masasabing kaibigan ko siya dahil nakakairita siya masyado—may mga pagkakataon na nabwibwisit ako sa kaniya dahil magkaiba kami ng opinyon, gets ko naman na dahil mayaman siyang tao kaya hinding-hindi niya ako maiitindihan."Why do you want to come?" inis niyang tanong habang irita ang mga matang nakatingin sa akin, hindi naman ako nagpatalo sa kaniya at nagpamewang bago samaan siya ng tingin.Akala niya ba madadala niya ako sa kakaganyan niya? Pwes! Nahanap niya na ang katapat niya."Ano? Ikaw lang ang pwedeng makalabas?" sabi ko, nakakunot ang noo. "Sawang-sawa na ako sa mukha mo, kumag! Hayaan mo naman akong makakita ng ibang tao!"Muli siyang umilang. "But I told you, it's dangerous! Mamimili lang naman ako ng stock natin dahil hindi ko gusto ang mga pagkain na pinapadala ni Lolo, hindi mo kailangang sumama.""Kung ayaw mo akong pasakayin sa mamahalin mong sasakyan, wala akong pakialam. M







