The Fake Wife
SYNOPSIS
Ulila na si Catherine at ang mga nakababatang kapatid ay mga responsibilidad niya. Dahil sa pagnanais na magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya, pumayag siyang magpanggap na asawa ng isang mayamang pintor.
Anong klaseng parusa ang nararapat sa isang manlolokong katulad niya? Hindi pa ba sapat ang paghihirap ng puso niyang natutong umibig sa isang lalaking hindi na malaya?
* * *
CHAPTER ONE
Magulo. Mabaho. Maingay.
Ang mga katagang iyon ang eksaktong maglalarawan sa lugar na inuuwian ni Catherine. Isang squatters’ area na nakakalumpon sa magkabilang panig ng isang malawak sanang estero kundi nabubulunan sa dami ng sari-saring basura.
Nakatambak rin ang nangangalingasaw na basura sa isang panig ng makipot na eskinita patungo sa tinutuluyang bahay.
Ang istilo ni Catherine ay huminga nang malalim upang hindi niya masinghot ang lahat ng
CHAPTER TWODahil si Catherine lang ang okupante sa ilalim ng waiting shed, nagulat siya. "Hindi po ako si Arminda, ma'am," tanggi niya habang umiiling. Kusang umaatras palayo ang mga paa niya habang nakatitig sa estranghera.Kumurap-kurap ang ginang na halatang maykaya sa buhay. Makapal ang meyk-ap nito kaya naitago ang karamihan sa mga wrinkles sa mukha. May kulay na ash blonde ang maikling buhok. Ang bestido at ilang mga alahas na suot sa medyo bilugang katawan ay pulos mamahalin."H-hindi ikaw si Arminda?" Unti-unting nabura ang matinding excitement sa mukha nito. Parang nanlulumo."Misis? Napap'ano po kayo?" Napansin ni Catherine na tila mawawalan ito ng malay-tao dahil sumuray sa pagkakatayo. Agad niyang nahawakan ito sa isang braso bago tuluyang matumba."Ooh! Ang akala ko'y tapos na ang paghahanap ko!" ang pa-daing na sambit ng ginang habang sinasapo ng isang kamay ang noo."Dito po muna kayo maupo," ani Catherine habang marahang igi
CHAPTER THREE ANG unang ginawa ni Auntie Mina ay ang paglilipat nito sa kanilang lahat sa isang condominium unit. Wala silang dinalang gamit, maliban sa mga librong pag-aari ng public school na pinapasukan ng mga kapatid. "Bibili kayo ng lahat ng mga kailangan n'yo," wika ng matandang dalaga. "Ma-mi-missed ko kayo," ani Marita sa kanila, maluha-luha. "Hmm, ikaw ba si Marie?" sabad ni Auntie Mina. "E, o-opo," ang tarantang tugon ni Marita. "Sasama ka sa kanila, Marie," pahayag nito. Nanlaki ang mga mata ni Marita. "E, hindi naman po ako kapatid ni Catherine," paliwanag nito, kandautal. "Pero gan'on ang turing nila sa 'yo, I'm sure," pakli nito. "Kaya sasama ka." Gulat na gulat ang kaibigan ni Catherine. "P-pati po ako?
CHAPTER FOUR BUONG pag-aalinlangan na kinuha ni Catherine ang mga sobre. "Buksan mo," udyok ng matandang dalaga. Nanginginig ang mga daliri niya nang tumalima. Isang libreta de bangko ang nasa loob ng una. At isang malutong na tseke naman ang nasa ikalawa. "Buwan-buwan, papasok sa account mo ang allowance para pantustos sa mga kapatid mo. Ang nasa tseke naman ay ang pabuya ko sa pagpayag mo. Ang condo unit na ito ay naipalipat ko na sa pangalan mo, Catherine," pahayag ni Auntie Mina, pa-kaswal. Para bang barya-barya lang ang ibinibigay sa kanya! Napatitig na lang siya sa hawak na tseke. Limang milyon! Napakurap ang dalaga. "S-sobra-sobra po ang ibinibigay n'yo," pahayag niya, kandautal. "Tinupad ko lang ang mga pangako ko, iha, kaya ikaw naman ang inaasahan kong tutupad
CHAPTER FIVE "T-TALAGA po bang kamukha ko siya?" tanong ng nanginginig na tinig ni Catherine. "Oh, Catherine, este, Arminda! Wala tayong dapat ikatakot. Tiyak na tiyak na mapapaniwala na natin si Ruel." Abot-teynga na ang ngiti nito. Ngunit imbis na maibsan ang mga agam-agam ni Catherine, lalo pa yatang nadagdagan ang mga bagay na dapat niyang ikatakot. Umalingawngaw sa loob ng utak niya ang mga sinabi ni Marita kanina. "Halika na. Para hindi tayo gaanong gabihin." Tila nawala na nga ang anumang pangamba ni Miss Mina Cervantes. Masigla ito hanggang sa makarating sila sa isang mansiyon. Sa pinakamalaki at pinakamagarang mansiyon na nakita ni Catherine sa buong buhay niya. "D-diyan po kayo nakatira?" paniniguro niya. Tumango ang matandang dalaga.
CHAPTER SIX ANG gabing iyon ang naging simula ng magiging buhay niya bilang 'fake wife' ni Ruel Cervantes. Mahirap na madali. Wala siyang ginagawa kundi ang palaging maging available sa lalaki kapag gising ito. Sumisilay ang masuyong ngiti sa bibig at mga mata nito kapag nakikita siya. Iyon ang paraan ng pagbati ng lalaki. Na nagbibigay naman ng ibayong kaba sa dibdib ng dalaga. "Nagpapahinga ka rin ba kapag natutulog ako?" tanong nito nang isang linggo na siyang dinaratnan palagi sa tuwing gigising ito. Tumango si Catherine. "Oo. Kararating ko nga lang ngayong dumilat ka." "I believe you," sambit nito. "You look fresh and young, darling." Namula ang mga pisngi niya. Umiwas siya ng tingin upang makabawi ng wisyo.
CHAPTER SEVEN Natutulog ang lalaki. Kaya nagbalik na lang uli si Catherine sa itaas. Kinabukasan na siya nagtungo sa silid ni Ruel. "Good morning, Arminda," bati ng lalaki pagkakita sa kanya. Mukhang wala itong sumpong dahil masayang nakangiti. "G-good morning, Ruel," ganting-bati niya nang makalapit na siya sa kama. "Tapos ka na bang mag-almusal?" Umiling ang lalaki. "Hindi pa. Hinihintay nga kita, e." Tumango si Catherine habang lumalapit sa intercom. "Ano ba'ng gusto mong kainin?" "Fruits." Gayon nga ang hiningi niya sa kusina. Habang naghihintay sila sa pagdating ng isa sa mga katulong ng mansiyon, naupo siya sa paborito niyang footstool. "Kumusta ang araw mo k
CHAPTER EIGHT Walang imik ang lalaki nang makita siya. "R-Ruel? Pasensiya ka na. Nakatulog kasi ako at--" "Huwag ka nang magpakahirap na humabi ng mga kasinungalingan, Arminda," pakli nito. Malamig ang tono. "Hindi ako nagsisinungaling, Ruel," bawi niya. "Umuwi ako kanina. Hindi ka pa raw puwedeng tumanggap ng bisita, nung nasa ICU Room ka." Nagngalit ang mga bagang ng lalaki. "Hah! Asawa kita, Arminda. Puwede kang sumama sa akin kahit na saan ako dalhin!" singhal ni Ruel. Napatigagal si Catherine. "A-ang ibig mong sabihin, puwede kitang lapitan kanina--k-kung sinabi ko lang na ako ang asawa mo?" Kumunot ang noo ni Ruel. "Bakit? Hindi mo ba sinabing asawa kita?" pananalakab nito. Umiling si Catherine. Nanlulumo siya. Nanghihinayang.&nbs
CHAPTER NINE HINDI nag-i-ilusyon si Catherine na imposibleng madiskubre ni Ruel ang tungkol sa tutoong pagkatao niya. Palagi itong nakabantay sa bawa't salita at kilos na gagawin niya. Isang pagkakamali lang ang hinihintay nito. Tiyak na matatapos na siya. Aywan niya kung bakit. Ngunit nararamdaman niyang mayroon itong itinatagong suspetsa. Malimit niya itong mahuling nakatitig sa kanya. Para bang ngayon lang siya nakita... Papalapit siya sa pool nang marinig ang malutong na pagtawa ng lalaking laman ng isipan. Nangaligkig si Catherine. Napaka-sensuwal ng tunog. Parang mga labing humahagod sa kanyang pisngi at punong-teynga. Doon ang paboritong lugar na palaging hi