Share

Chapter 4: In-law Wars

Author: LunariaCuesta
last update Last Updated: 2025-01-20 13:31:36

Chapter 4: In-law Wars

“Pero Ma'am, Hindi ko po intensyong magpakayaman dahil sa pera ninyo. Mahirap lang po kami pero hindi ko tatanggapin ‘yan.”

May dignidad na tinanggihan ni Claire ang bulto ng perang iniharap sa kaniya ni Viola. Isinara niya pa ang brief case at itinabi iyon. 

Kinagalit ito ng biyenan niya, “You’re a proud one, huh? Just admit it, sinadya mong pakasalan ang anak ko dahil kailangan mo ng perang pampa-opera.”

Bahagyang naluha si Claire sa masakit na bintang ni Viola. Hindi niya maitatanggi na tama ito. Nagawa niyang magpakasal kay Sandro maisalba lang ang kapatid mula sa bingit ng kamatayan. 

“Babayaran ko rin po agad ang lahat ng ginastos. Hindi ko po sinasadyang galitin kayo. Kailangan ko lang po talaga ngayon ng pera.” Sinubukan pang magpaliwanag ni Claire pero taas noo lang na nagmatigas ang kaniyang biyenan. 

Malamig na tumugon si Viola, “I’ll never accept a rat like you in my family. Don't put up your hopes about your brother's recovery, you don't have the means.” 

Hindi na umalma si Claire. Wala naman siyang laban kahit makipagsagutan siya kay Viola. Kusa na lang siyang lumabas sa limousine nang kumatok si Carlo. Napansin kasi ng binata ang namumuong tensyon sa dalawa. 

“I’ll drive you to the hospital. I'm sorry for the inconvenience,” paghingi ng paumanhin ni Carlo. 

Tahimik lang na tumango si Claire sa kaniya. Basang-basa pa rin ng luha ang mukha niya at hindi na rin maiwasang humikbi. Kahit umalis na ang limousine, sariwang-sariwa pa rin ang lahat ng sinabi ni Viola. 

Buong biyahe walang nagsalita sa kanila. Hindi na rin sumama si Carlo sa loob ng ospital. Mas pinili niya ring dumistansya dahil laganap ang mga paparazzi sa paligid. 

Pagdating ni Claire sa lobby, agad niyang binayaran ang bill. “Nurse, magkano nga ulit ang gagastusin para sa operasyon ni Bryan Batumbakal?”

Naguluhan ang Nurse sa tanong niya. “Si Bryan Batumbakal po ba? Wala na siya.”

Kinakabahang lumunok si Claire. Namuo na rin ang luha sa paligid ng kaniyang mata. Ginawa niya ang lahat sa abot niyang makakaya, pero huli na. Kinailangan niya pang maikasal sa isang estranghero mabuo lang ang perang pampaopera. Nanlulumo na lang napaupo sa bench area ang dalaga habang humihikbi. 

Pinagtinginan siya ng mga taong dumadaan, kaya kumakamot ulo na lumapit ang nurse na nakausap niya kanina. 

“Ma’am, pasensya na po. Namali po yata kayo ng pagkakaintindi. Ibig ko pong sabihin, kinuha po siya rito at inilipat sa isang private hospital.” 

Napakunot-noong tanong si Claire. “Hindi ko siya nililipat ng ospital. Bakit niyo pinayagang kunin siya rito? At saka, sino ang kumuha sa kaniya?”

“Ang sabi po ng mga driver, asawa niyo raw po. Binanggit nila ang pangalan ni Mr. Sandro Escalera,” sagot ng nurse. 

Mariing napapikit si Claire. Napakabilis talaga kung kumilos ang asawa. Tumango na lang siya sa nurse at nagpaalam bago tinungo ang bagong ospital. Muntikan pa siyang magluksa kung hindi nilinaw ng attendant ang pagkakasabi. 

Pagtungtong ng dalaga sa labas ng gusali, tumunog kaagad ang kaniyang di-keypad na cellphone. Tinatawanan pa siya ng ilang dumaraan pero walang pakialam si Claire at sinagot na lang ang tawag. 

“Clareng! Si Logan pinagbabasag areng mga gamit dine!” natatarantang saad ni Paula. 

“Ha?! Papano niya nabuksan ang bahay? Tumawag na ba kayo ng kapitan?”

Napakagat-labi si Claire sa kaba. Iilan na lang kasi ang gamit nila sa bahay, at kung sisirain pa ito ni Logan paniguradong wala nang matitira. Nagtawag kaagad siya ng taxi, kailangan niyang mapigilan ang dating nobyo. 

Pagdating nito sa inuupahan, sinalubong siya kaagad ni Paula. Pati ang kaibigan hindi na mapakali dahil ayaw pa ring paawat ni Logan. Ilang tanod na ang sumubok pakalmahin siya, pero si Claire talaga ang hinahanap nito. 

“Kanina pa areng nobyo mo, Clareng. Winasak niya rin areng pinto makapasok lang,” sambit ni Paula. Litaw na litaw talaga ang pagka-probinsyana nito kapag nagkukwento.

Kilala ni Claire si Logan, at hindi ito titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto. Kung talagang siya ang hinahanap ng dating nobyo, kakausapin niya ito sa huling pagkakataon. 

Hindi na rin niya pinayagang sumama si Paula sa kaniya sa loob. “Dito ka na lang, ako na ang bahalang kumausap sa kaniya,” utos ni Claire. Bago siya umalis nag-iwan siya sa kaibigan ng isang calling card. 

Kasama pala itong iniabot ni Sandro kanina. Kahit hindi sigurado si Claire kung tutulungan ba siya ng asawa, sinenyasan niya pa rin ang kaibigan na tawagan ang numerong naro’n. 

“Clareng! Sino ba ito?” humabol pa sana ng tanong si Paula pero dire-diretso nang naglakad si Claire papunta sa loob. 

Sa bungad pa lang ng pinto, nasikalat na kaagad ang mga basag na salamin at sira-sirang gamit. Wala na rin ang pintuang plywood, matatanaw sa gilid kung paano ito winasak ni Logan makapasok lang. 

Dahil sa ginawa niya ngayon, mas lalong tumindi ang galit ni Claire. Mabuti na lang at hindi niya talaga nagawang isuko ang sarili. Buong buhay niyang pagsisisihan kung pinakasalan niya si Logan bago pa malaman ang tunay nitong ugali. 

Nang mahagip siya ng mata nito, lasing na lasing na bumati ang dating nobyo kay Claire. “Ikaw pala yan, kamusta na si Bryan? Bibisita sana ako kanina, kaso naalala kong baka nasa honeymoon ka.”

“Bakit mo ba ‘to ginagawa? Ikaw ang may kasalanan kung bakit tayo humantong sa gano’n,” madiing sagot niya kay Logan. 

Kahit hindi pa nakakapasok ng tuluyan si Claire, unti-unting nag-iba ang tingin sa kaniya ni Logan. Kulang na lang ang tanggalan siya ng saplot nito at pagpantasyahan. 

Umurong siya ng kaunti dahil sa kaba. “Logan, itigil mo na ‘to. Marami ka pang makilala maliban sa akin,” mahinang pakiusap ni Claire. 

Imbes na makinig, mas lalo niya itong kinainis. Naalala niya ang lalaking kasama ni Claire sa lobby. Alam ni Logan kung sino at gaano ka-impluwensya si Sandro. Kung labanan ng patas ang usapan, wala siyang maibubuga, pero kung mala-demonyo siyang mag-iisip, mauungusan niya ito kay Claire. 

“Bakit? Nagalaw ka na ba niya?! Sagutin mo ‘ko! Nagalaw ka na ba ni Sandro Escalera?!” 

“Hindi! Ano bang pinagsasabi mo, Logan?! Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa akin? Wow ha, sino kaya sa atin ang unang nagloko. Kapag tinanong ba kita kung ginalaw mo ang babae kanina, anong isasagot mo?!” galit na galit niyang sumbat. 

Sa lahat ng sinabi ni Claire, walang tumatak sa utak ni Logan. Isa lang ang nasa isip niya, at ‘yon ang unahan si Sandro na galawin ang dating nobya. Ngumisi siya habang binubunot ang baril sa bulsa. 

Tinutok niya ito kay Claire, at nagbanta-bantang tumuran. “Pumili ka, papatayin kita at si Bryan o isusuko mo ang sarili mo sa akin? Kung hindi kita makukuha sa santong dasalan, akin ka sa santong paspasan!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 25: Ice Cream Monster

    Chapter 25: Ice Cream Monster“Ice cream order no.5!” sigaw ng waiter mula sa counter ng shop. Tumayo kaagad si Carlo upang kunin ito. Tahimik namang nagmasid sa kaniya si Claire, unti-unting namamangha kung paanong kalmado at napakapresko ng ugali nito.“I was once Carlo the Barbarian,” turan nito habang naglalakad. “But now, I'm the ice cream monster!” Napatawa sila ng sabay–ang mukha ni Claire halos mamula na sa paghagikhik simula pa kanina. “Bakit ice cream monster pala?” nagtatakang tanong nito sa binata. “You’ll know why later,” misteryosong sagot ni Carlo sa kaniya. Napakibit-balikat na lang si Claire at hindi na nagtanong pa. Pagkalapag pa lang ng ice cream, agad nila itong nilantakan. Habang nagkukwentuhan sila, biglang naungkat ni Carlo ang pagiging manunulat ni Claire. “Can I have an autograph?” wala sa usapang bungad nito. Kumunot ang noo ni Claire sa kaniya, hindi naman kasi siya artista, pero ang isang mayamang katulad ni Carlo ay humihingi sa kaniya ng autograph.

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 24: Lap

    Chapter 24: Lap“We’re going to have an interview with a famous celebrity,” ani ni Sandro habang papasok sila ng kotse. Naayos na nila kanina ang problema sa panloob kaya pupwede nang umalis ang dalawa papunta sa isang rest house ng mga Escalera. Doon kasi gaganapin ang live interview kasama si Marites Cordoves. Pagkaupo nila, nakaramdam kaagad ng antok si Sandro kahit hindi pa nagsisimula ang biyahe. Pati si Claire naawa sa kaniya. Sayang nga lang at wala silang dalang unan sa loob ng sasakyan. Pero habang nagsisimula nang magmaneho ang driver, biglang nagsalita si Sandro. “Sit properly,” utos nito. Napalunok sa kaniya si Claire, pero agaran ding sumunod sa utos.“Bakit?” tanong nito. Huminga ng malalim si Sandro bago sumagot. Di niya akalaing gagawin niya ito sa asawa. “I’ll sleep on your lap,” saad nito, habang papahiga na. Halos hindi makahinga si Claire ng maramdaman niya ang ulo ng ni Sandro sa kaniyang mga binti. Ang init ito ay kakaiba at nakakapagkalma ng kaunti. Kahit

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 23: Dosage of Serotonin

    Chapter 23: Dosage of SerotoninBago umalis si Sandro, bigla niyang naalala ang isang interview kasama ang sikat na TV host. Habang hinahatid siya ni Claire sa garahe, sinabi niya ito sa asawa.“Pack your things, we'll be leaving tonight,” payak na sabi nito. Naguluhan sa kaniya ang asawa dahil sa pagiging biglaan. “Bakit? Saan tayo pupunta? Di ka man lang nagsabing aalis pala tayo,” pag-alma ni Claire sa kaniya. Huminga ng malalim si Sandro, ang pagiging madaldal ng asawa ay unti-unting nakakaubos ng kaniyang social battery. Kailangan niya pa naman ito sa trabaho.“No more buts, pack your best clothes. I'll be back tonight.” Napangiwi sa kaniya si Claire. Hindi naman nito sinagot ang kaniyang tanong. Pero imbes na kumontra, hinayaan niya lang na umalis ang asawa. Kahit anong dada kasi ni Claire, parating si Sandro pa rin ang masusunod. Pagkaakyat niya ng kwarto, tumambad ulit ang isang piraso ng bulaklak. Sa tangkay nito, may nakadikit na kapirasong papel. ‘C’Hindi maiwasang m

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 22: Hubby! 

    Chapter 22: Hubby! “I said, call me hubby!” galit niyang sambit. Mabilis naman itong sinagot ni Claire, “Hubby!” natataranta niyang sambit. Dahil sa nalibang sila pareho, nakalimutan ni Sandro na malapit nang bumukas ang elevator. Pagtunog nito, naabutan sila sa parehong posisyon ng mga empleyado. Kumuha ng litrato ang ilan, at nakapagtatakang hindi ito pinakialaman ni Sandro.Lumabas lang sila ng elevator na parang walang nangyari. Alam niyang kakalat sa internet ang mga litrato, at ‘yon mismo ang plano niya. Pagdating nila sa kotse, bumalik ulit ang malamig na pag-uugali ni Sandro. Ni kibuin ang asawa, hindi nito ginawa. Kailangan pang mauna si Claire na magsalita. “Ano pala ang gusto mong kainin na hapunan? Ipagluluto kita ulit,” alok nito. Binuksan ni Sandro ang makina nang hindi man lang tinitingnan si Claire. Sumagot ito ng walang amok, “I’m already full.”Muling nasaktan si Claire sa pagtanggi nito. Unti-unti siyang nakararamdam na may pakialam lang sa kaniya ang asawa sa

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 21: Carlo the Barbarian

    Chapter 21: Carlo the BarbarianIsang malakas na kalampag ang gumising kay Claire. Sa wakas, matapos ang ilang oras na paghihintay sa loob ng banyo, may makapansin na ring mawawala siya. Inakala niyang si Sandro ito kaya dali-dali siyang yumakap pagkabukas pa lang ng pinto. “Thank you, akala ko ro’n na ako mabubulok,” mangiyakngiyak niyang sabi. Nanigas si Carlo sa biglaan nitong pagyapos sa kaniya. Ang mabango niyang buhok ay nakapang-agaw pansin din sa binata. May pinaalala itong babae. Isang mahinang tawa na lang ang sinagot ni Carlo sa kaniya, “Uhmm… I'm not your husband,” pambabasag nito ng katahimikan. Agad na bumitaw si Claire sa kaniya. Namula ito sa hiya at napayuko. “Pasensya na po Sir, akala ko kasi si Sandro,” paghingi nito ng paumanhin. Tumawa nang payak sa kaniya si Carlo, sinusubukang maging kampante sa kaniya si Claire. “Don’t mention it, I'm totally cool with it.” Napangiti sa kaniya ito bago yumakap ulit. Sa sobrang tuwa ay wala na siyang mapagsidlan ng sarili.

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 20: Closed Doors

    Chapter 20: Closed Doors Habang pinupunasan ni Claire ang basang katawan ng asawa, hindi niya maiwasang kabahan. Bagama't walang pakialam sa reaksyon niya si Sandro, labis-labis pa rin ang pag-iingat ni Claire. Ang maliit niyang kamay ay nanginginig at malapit nang mawalan ng lakas. Sa oras na magkatitigan sila ng asawa niya, napalunok ito ng lalalim. Hinawakan ni Sandro ang kamay ni Claire at siya mismo ang gumabay dito para matuyo ang basang parte ng kaniyang katawan. “Be careful next time,” paalala nito. Bago pa makasagot ang asawa, bumalik kaagad si Sandro sa pagtitipa sa laptop. Halatang busy ito at seryoso sa ginagawa. Marahil isang malaking proyekto ang kaniyang inaasikaso. “May kailangan ka pa ba?” masugid na tanong ni Claire. Huminto ng saglit ang kaniyang asawa at nag-isip. Ang katotohanan wala na siyang gustong ipagawa sa asawa pero nalilibang siyang may kasama. Kahit papano, hindi umiinit ang ulo niya sa mga dapat gawin kapag may maasar o mapapagalitan siya. “I

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status