Home / Romance / The Desperate Deal with Sandro Escalera / Chapter 5: Damsel in Distress 

Share

Chapter 5: Damsel in Distress 

Author: LunariaCuesta
last update Last Updated: 2025-01-20 13:32:37

Chapter 5: Damsel in Distress 

“Logan wag! Parang awa mo na!” humihikbing turan ni Claire habang nakaibabaw sa kaniya si Logan. 

Agresibo siya nitong hinahalikan at madiing hinahawakan ang mga kamay. Sa sobrang lakas nito, hindi niya magawang kumawala. Habang mas nagpupumiglas si Claire, mas lalong tumitindi ang pagnanasa sa kaniya ni Logan. 

“Dapat pala matagal ko nang ginawa ‘to,” sumisinghot na sambit ni Logan. Halos maubos na niya ang pabangong nakadikit sa balat ni Claire pero hindi pa rin siya makontento. 

Unti-unting bumaba ang kamay niya sa damit ng dating nobya. Patuloy na nagmakaawa sa kaniya si Claire. “Logan, kilala kita at hindi ikaw ‘to. Pakawalan mo na ako…” umiiyak na pagsusumamo nito.

Parang nabingi si Logan sa lahat ng pakiusap sa kaniya. Pati konsensya yata ay wala na siya. Ngayong makukuha na niya ang gusto mula kay Claire, hindi na papayag si Logan na may pumigil sa kaniya. 

Pinunit nito ng buong pwersa ang damit, kahit natatakpan pa ng panloob, mas lalong nag-init ang pakiramdam ni Logan. “Napakadamot mo noon, siguro binayaran ka ni Sandro kaya handa kang ibigay ang sarili mo sa kaniya. Sayang nga lang, at ako pa rin ang makakaunang tikim!” humahalakhak na sabi nito. 

Walang ibang magawa si Claire kundi ang umiyak habang pinandidirihan ang ginagawa sa kaniya. Ni maitaboy ang mukha ni Logan papalayo, hindi niya magawa. 

“Tama na, please…” parang sirang plakang turan ni Claire. 

Napapikit na lang siya ng maramdaman ang kamay ni Logan na bumababa sa dibdib nito. Ang dapat sanang para sa asawa, ay mukhang mapupunta sa dating nobyong hayok sa babae. Ang mainit na palad ni Logan ay parang nakapapaso sa balat ni Claire. 

“Akin ka na nga–” hindi nagawang tapusin ni Logan ang sasabihin nang bigla siyang hinagis ni Sandro palayo.

Napadilat si Claire sa ingay na pumuno sa paligid. Ang pamilyar na amoy ng asawa ay nagbigay katiyakan sa kaniya. Tapos na ang kawalang-hiyaan ni Logan. Sumaklolo kaagad si Paula sa kaniya, mahigpit siyang niyakap ng kaibigan habang nakaupo sila sa papag ng sahig. 

Nanginginig na tumayo si Logan mula sa pagkatilapon. Kahit nanlalabo ang paningin, alam niya kung sino ang nagtangkang pigilan siya. “Pakialamero ka rin talaga ‘no?! Kung hindi ka dumating sa buhay namin ni Claire, edi sana masaya kami ngayon!” nagngingitngit sa galit na sigaw nito. 

Nanatili lang tahimik si Sandro habang pinagmamasdan ang mapulang mukha ng kaharap. Wala siyang pakialam kung sino, at ano ang estado nito sa buhay. Ginulo niya ang isang Sandro Escalera, at pagbabayaran niya ito. 

Niluwagan niya ang kurbata para makagalaw ng maayos. “You shouldn't have come here,” malamig na tugon ni Sandro. 

Napadura si Logan sa kayabangan nito, nakalimutan yata nilang may baril siya. Muling kinasa niya ito at itinutok kay Sandro. Pati ang kaniyang daliri naka-posisyon na sa gatilyo. Halos malagutan ng hininga si Claire sa kaba–isang maling galaw lang ng asawa ang kailangan para mabiyuda siya nang maaga. 

“Handa ka na bang mamatay, Sandro?” 

Napangisi si Sandro sa narinig. Bago pa nito pakawalan ang bala, maliksi niyang hinawi ang baril, at binali ang braso ni Logan. Pinaulanan niya ito ng makabilaang suntok sa mukha hanggang sa maging duguan–kinabahala ito ng asawang nanonood. 

“Sandro! Tama na!” tumatakbong yumakap si Claire para pakalmahin siya.

Sa tindi ng galos na natamo ni Logan, mukhang buwan ang kakailanganin niya para gumaling. Wasak ang mukha at putok ang mga labi ng binata. Paniguradong mahihirapan na siyang mambabae.

Ang init ng mga luha ni Claire ang sunod na binalingan ni Sandro. Gamit ang duguang kamay, pinahid niya ito ng magkabilaan. Simula ng makasal sila, ngayon lang natitigan ng maayos ni Sandro ang mga mata ng asawa. Kulay asul pala ito–isang napakabihirang kulay para sa mga mahihirap kagaya ni Claire. 

Wala siyang nararamdaman para sa asawa, at totoong pinakasalan lang siya ni Sandro dahil may kailangan siya. 

“Salamat pala, Sandro. Napakarami ko na yatang utang sayo,” nahihiyang sabi ni Claire. 

Malamig lang siyang tiningnan nito. “Just to make things clear, I came here because I need you for future purposes. Don't take it personally,” walang emosyong tugon ni Sandro. 

Parang isang libong karayom kung tumusok ito sa dibdib ni Claire. Masaklap man, pero ‘yon ang totoo. Mabilisang kasal lamang ang mayro’n sila, kaya hindi siya pupwedeng humingi ng pag-alala mula kay Sandro. 

Nabasa ni Sandro ang pait sa mukha ni Claire. Hinubad na lang nito ang suot na tuxedo para matakpan ang hantad niyang dibdib. Ni tingnan ito, o pagnasaan hindi ginawa ni Sandro. Kahit asawa niya si Claire, wala pa rin siyang interes na galawin ito o pagnasaan. 

“Come with me, you'll live in my house from now on,” dagdag pa ng asawa. 

Pilit na tumanggi si Claire. “Hindi na kailangan, nariyan naman si Paula. Doon na muna ako titira.”

Kumunot ang noo ni Sandro sa kaniya. Sa dumi at sikip ng mga bahay doon, mukhang malabong mangyari ang iniisip ni Claire. Tipikal kasing squatters area ang kinalalagyan nila. Ito rin ang unang pagkakataon na tumungtong si Sandro sa ganitong lugar. Kung hindi lang niya kailangan sunduin ang asawa, wala siyang balak pumunta rito. 

“Don’t be stubborn. Everything you need will be under control.” 

Walang ibang nagawa si Claire kundi tumango at sumunod. Paglabas nila ng paupahan, parang mga langaw na nagpiyesta ang mga kapitbahay. Manghang-mangha sila sa kotseng itim na nakaparada. Ang ilan ay kumuha pa ng litrato katabi ang Lamborghini, makapagpalit lang ng profile picture sa F*.

 Para lang mapaalis sila, pinindot ni Sandro ang susi para umilaw ito. Nagsitakbuhan ang mga binatilyong hambog. 

“Are you really this poor?” biglang tanong ni Sandro bago pumasok. 

Hindi na lang dinamdam ni Claire ang tanong ng asawa. Tahimik siyang tumango at kusang nag-antay na pagbuksan siya ni Sandro ng pinto. Lingid sa kaalaman ng bilyonaryo, may nakabuntot pala sa kaniyang paparazzi. Sinamantala nito ang pagkakataon para kumuha ng litrato. Sinakto niya ring nakatingin si Claire nang sa gano’n makita ng media kung anong itsura ng bagong asawa ni Sandro. 

“Paniguradong maibebenta ko ‘to ng mahal. Humanda ka Sandro Escalera, ikaw na naman ang magiging laman ng balita,” mahinang tugon ni Andrew mula sa malayo. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 25: Ice Cream Monster

    Chapter 25: Ice Cream Monster“Ice cream order no.5!” sigaw ng waiter mula sa counter ng shop. Tumayo kaagad si Carlo upang kunin ito. Tahimik namang nagmasid sa kaniya si Claire, unti-unting namamangha kung paanong kalmado at napakapresko ng ugali nito.“I was once Carlo the Barbarian,” turan nito habang naglalakad. “But now, I'm the ice cream monster!” Napatawa sila ng sabay–ang mukha ni Claire halos mamula na sa paghagikhik simula pa kanina. “Bakit ice cream monster pala?” nagtatakang tanong nito sa binata. “You’ll know why later,” misteryosong sagot ni Carlo sa kaniya. Napakibit-balikat na lang si Claire at hindi na nagtanong pa. Pagkalapag pa lang ng ice cream, agad nila itong nilantakan. Habang nagkukwentuhan sila, biglang naungkat ni Carlo ang pagiging manunulat ni Claire. “Can I have an autograph?” wala sa usapang bungad nito. Kumunot ang noo ni Claire sa kaniya, hindi naman kasi siya artista, pero ang isang mayamang katulad ni Carlo ay humihingi sa kaniya ng autograph.

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 24: Lap

    Chapter 24: Lap“We’re going to have an interview with a famous celebrity,” ani ni Sandro habang papasok sila ng kotse. Naayos na nila kanina ang problema sa panloob kaya pupwede nang umalis ang dalawa papunta sa isang rest house ng mga Escalera. Doon kasi gaganapin ang live interview kasama si Marites Cordoves. Pagkaupo nila, nakaramdam kaagad ng antok si Sandro kahit hindi pa nagsisimula ang biyahe. Pati si Claire naawa sa kaniya. Sayang nga lang at wala silang dalang unan sa loob ng sasakyan. Pero habang nagsisimula nang magmaneho ang driver, biglang nagsalita si Sandro. “Sit properly,” utos nito. Napalunok sa kaniya si Claire, pero agaran ding sumunod sa utos.“Bakit?” tanong nito. Huminga ng malalim si Sandro bago sumagot. Di niya akalaing gagawin niya ito sa asawa. “I’ll sleep on your lap,” saad nito, habang papahiga na. Halos hindi makahinga si Claire ng maramdaman niya ang ulo ng ni Sandro sa kaniyang mga binti. Ang init ito ay kakaiba at nakakapagkalma ng kaunti. Kahit

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 23: Dosage of Serotonin

    Chapter 23: Dosage of SerotoninBago umalis si Sandro, bigla niyang naalala ang isang interview kasama ang sikat na TV host. Habang hinahatid siya ni Claire sa garahe, sinabi niya ito sa asawa.“Pack your things, we'll be leaving tonight,” payak na sabi nito. Naguluhan sa kaniya ang asawa dahil sa pagiging biglaan. “Bakit? Saan tayo pupunta? Di ka man lang nagsabing aalis pala tayo,” pag-alma ni Claire sa kaniya. Huminga ng malalim si Sandro, ang pagiging madaldal ng asawa ay unti-unting nakakaubos ng kaniyang social battery. Kailangan niya pa naman ito sa trabaho.“No more buts, pack your best clothes. I'll be back tonight.” Napangiwi sa kaniya si Claire. Hindi naman nito sinagot ang kaniyang tanong. Pero imbes na kumontra, hinayaan niya lang na umalis ang asawa. Kahit anong dada kasi ni Claire, parating si Sandro pa rin ang masusunod. Pagkaakyat niya ng kwarto, tumambad ulit ang isang piraso ng bulaklak. Sa tangkay nito, may nakadikit na kapirasong papel. ‘C’Hindi maiwasang m

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 22: Hubby! 

    Chapter 22: Hubby! “I said, call me hubby!” galit niyang sambit. Mabilis naman itong sinagot ni Claire, “Hubby!” natataranta niyang sambit. Dahil sa nalibang sila pareho, nakalimutan ni Sandro na malapit nang bumukas ang elevator. Pagtunog nito, naabutan sila sa parehong posisyon ng mga empleyado. Kumuha ng litrato ang ilan, at nakapagtatakang hindi ito pinakialaman ni Sandro.Lumabas lang sila ng elevator na parang walang nangyari. Alam niyang kakalat sa internet ang mga litrato, at ‘yon mismo ang plano niya. Pagdating nila sa kotse, bumalik ulit ang malamig na pag-uugali ni Sandro. Ni kibuin ang asawa, hindi nito ginawa. Kailangan pang mauna si Claire na magsalita. “Ano pala ang gusto mong kainin na hapunan? Ipagluluto kita ulit,” alok nito. Binuksan ni Sandro ang makina nang hindi man lang tinitingnan si Claire. Sumagot ito ng walang amok, “I’m already full.”Muling nasaktan si Claire sa pagtanggi nito. Unti-unti siyang nakararamdam na may pakialam lang sa kaniya ang asawa sa

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 21: Carlo the Barbarian

    Chapter 21: Carlo the BarbarianIsang malakas na kalampag ang gumising kay Claire. Sa wakas, matapos ang ilang oras na paghihintay sa loob ng banyo, may makapansin na ring mawawala siya. Inakala niyang si Sandro ito kaya dali-dali siyang yumakap pagkabukas pa lang ng pinto. “Thank you, akala ko ro’n na ako mabubulok,” mangiyakngiyak niyang sabi. Nanigas si Carlo sa biglaan nitong pagyapos sa kaniya. Ang mabango niyang buhok ay nakapang-agaw pansin din sa binata. May pinaalala itong babae. Isang mahinang tawa na lang ang sinagot ni Carlo sa kaniya, “Uhmm… I'm not your husband,” pambabasag nito ng katahimikan. Agad na bumitaw si Claire sa kaniya. Namula ito sa hiya at napayuko. “Pasensya na po Sir, akala ko kasi si Sandro,” paghingi nito ng paumanhin. Tumawa nang payak sa kaniya si Carlo, sinusubukang maging kampante sa kaniya si Claire. “Don’t mention it, I'm totally cool with it.” Napangiti sa kaniya ito bago yumakap ulit. Sa sobrang tuwa ay wala na siyang mapagsidlan ng sarili.

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 20: Closed Doors

    Chapter 20: Closed Doors Habang pinupunasan ni Claire ang basang katawan ng asawa, hindi niya maiwasang kabahan. Bagama't walang pakialam sa reaksyon niya si Sandro, labis-labis pa rin ang pag-iingat ni Claire. Ang maliit niyang kamay ay nanginginig at malapit nang mawalan ng lakas. Sa oras na magkatitigan sila ng asawa niya, napalunok ito ng lalalim. Hinawakan ni Sandro ang kamay ni Claire at siya mismo ang gumabay dito para matuyo ang basang parte ng kaniyang katawan. “Be careful next time,” paalala nito. Bago pa makasagot ang asawa, bumalik kaagad si Sandro sa pagtitipa sa laptop. Halatang busy ito at seryoso sa ginagawa. Marahil isang malaking proyekto ang kaniyang inaasikaso. “May kailangan ka pa ba?” masugid na tanong ni Claire. Huminto ng saglit ang kaniyang asawa at nag-isip. Ang katotohanan wala na siyang gustong ipagawa sa asawa pero nalilibang siyang may kasama. Kahit papano, hindi umiinit ang ulo niya sa mga dapat gawin kapag may maasar o mapapagalitan siya. “I

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status