Share

V

Author: Mir
last update Last Updated: 2025-12-31 08:31:02

Claire's POV

"Hoy! Kung hindi dahil sa akin, hindi ka makakapag-aral!" Hindi ako nakaiwas nang bigla niya akong duruin sa noo paglapit niya.

"Ate!" Tumatakbong lumabas ng tindahan si Mama.

"Hey, are you okay?" alalang tanong ni Clark na kaagad pumagitna sa amin. Hawak niya ang pisngi ko at hinimas ang noo ko.

"O-okay lang."

"Sus! Nagpabebe pa talaga siya sa Sugar Dad niya!" napakaingay ng boses nilang dalawa, nakakahiya dahil nagsisikumpulan na ang mga tao.

"I'm not her Sugar Daddy," mariing tugon ni Clark.

Hinawakan ko ang kamay niya at ako ang humarap sa mga Tita ko, "Bakit? Paano niyo nasabing Sugar Dad ko siya?"

"Clara! Tama na 'yan, ate tama na. Dumadami na ang mga tao oh." Nilapitan niya ang mga kapatid at pilit pinakakalma.

"Hindi! Masyado nang nagiging mayabang ang anak mo!" si Tita Mayet.

"Hindi na po talaga, dahil hindi ko alam kung saan niyo nakukuha yang mga pinagsasabi nyo. Halos magkanda kuba-kuba ako sa Pampanga tapos sasabihan niyo 'ko ng ganyan!" Hindi ko na napigilang maiyak. Masakit lang sa akin dahil nung bata ako, sila ang kaclose ko at talagang alagang-alaga ako sa kanila. Pero ngayon kung ituring nila ako daig ko pa ang ibang tao.

"Anong nangyayari?" Isa-isang dumating ang mga kuya ko.

"Clara, 'wag mong bilugin ang ulo namin. Ganon kabilis naipagawa mo ang bahay niyo at nakapagpayari ka ng tindahan? Nabayaran mo pa lahat ng utang niyo? Aba imposible! Liban na lang kung gumiling ka sa Balibago! Hahahaha!"

Parang sinampal ako ng pagkalakas-lakas sa sinabi ni Tita Lizeth. Hindi ako makapaniwalang kaya akong akusahan ng ganon ng taong minsan din akong inalagaan.

Tuluyan na akong naiyak, ni hindi ko maipagtanggol ang sarili ko dahil nauuna sa akin ang sama ng loob. Isang malaking kamay ang humawak sa balikat ko at nakita ko si Clark na lalapitan sana sila Tita pero kaagad siyang inawat ni Kuya Miko.

"'Wag," mariin nitong banta. Hindi nagsasalita si Clark at diretso lang ang tingin kay Tita Lizeth.

"Oh? 'di ba 'di man lang makatanggi? Hahahaha! Totoo kasi! Akala mo mapapaniwala mo lahat ng tao dito?," si Tita Mayet na nakapamewang pa, "Hindi naman kami tatanga-tanga kagaya ng nanay mo."

Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Nagdidilim ang paningin kong naglakad papalapit sakanila. Ang insultuhin ako, pwede pa. Pero ang tawagin niyang tanga ang Nanay ko? May kalalagyan talaga siya.

Malapit na ako sakanila nang biglang sumulpot si Kuya Miko at biglang sinapak si Tita Mayet.

"Hala!"

"Miko!"

"Kuya!"

"Ano ba 'yang mga anak ni Fatima bakit ganyan?"

"Oo nga, 'yang Miko na 'yan mainitin talaga ulo niyan eh," nagsimula na ang mga bulong-bulungan.

"Ano ka ba?!" Itinulak ni Mama si Kuya at inalalayan ang kapatid niya.

"Nakikita mo 'yang pagpapalaki mo sa mga anak mo, Fatima?!"

"Huh! Sabi na nga ba, sa lahat ng magpipinsan mga anak mo ang bulok na bunga!"

Lalo pang umingay ang bulungan ng mga tao, nilapitan ako ni Clark at inakay papasok. Nagsisunuran na rin sila Kuya at Mama. Mabuti na lang at wala si Papa dahil baka atakihin sa puso 'yon.

"Are you okay?" Nilock niya ang kwarto at pinaupo ako sa kama.

"S-sorry," hagulgol ko. "Sorry nakita mo pa 'yon." Niyakap niya ako and he caressed my back.

"Ssshhh, it's fine."

"Hindi eh, nakakahiya. That's the main reason kung bakit tumatanggi akong umuwi dito noon. Kung alam mo lang, hiyang-hiya ako."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniharap ako sa kanya, "Yun na nga eh, it's good na nakauwi ako dito. Dahil kung hindi, 'di ko man lang malalaman na ginaganyan nila ang girlfriend ko." Pinunasan niya ang mga luha ko. "Tandaan mo, kaya kong tanggapin kung ano man ang sabihin ng pamilya mo tungkol sa akin. Pero yung insultuhin ka sa harap ko? No. Not my woman."

Yumakap ako sa kanya. Noon, tuwing nangyayari 'to, mag-isa akong nagiiiyak sa kwarto. Ngayong nandito na siya, kahit nahihiya ako sa mga nangyari, hindi ko maiwasang mapanatag. I feel calm and secured with him. Parang kahit awayin ako ng lahat, okay lang.

"Clark," boses ni Kuya Von ang tumatawag sa kanya, "Tawag ka ni Mama."

Nilingon ko siya at tumayo, "Ako na muna ang lalabas."

Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinisil ito, "No. Just rest here, okay? I want to talk to your Mom too."

I was so curious kung bakit siya ipinatawag ni Mama. Natatakot ako na baka pagalitan siya kaya paglabas niya, lumapit ako sa pinto at bahagya itong binuksan para marinig ang pinaguusapan nila.

Wala pa akong gaanong marinig dahil napakaingay ng mga kuya ko.

"Kasalanan naman ni Tita Mayet 'yon Ma! Mabuti nga at ipinagtanggol ni Clark si Clara, iniinsulto na yung anak mo, yung mga kapatid mo pa ding demonyita ang pinagtatanggol mo." si Kuya Miko. Sa aming magkakapatid, siya talaga ang palasagot at ipinaglalaban ang tingin niyang tama.

"Manahimik ka na, Miko!" singhal ni Kuya Von. Dinig kong umiiyak na si Mama. Pati tuloy ako naiiyak na naman.

"Naiintindihan ko kayo, pero mali pa rin na sumagot ka ng ganon, Clark."

"I know Tita, I'm sorry. Pero kapag nagsorry ako, iisipin po nila na okay lang ang ginawa nila kay Clara," sagot ni Clark.

"Hindi naman siguro ganon, alam mo kahit anong mangyari kapatid ko sila. At wala namang mangyayari kung papatulan sila eh, kung kaya naman silang tiisin, bakit hindi?"

"Kaya okay lang sa 'yo na ginaganito nila kami? Panay ang puna nila sa amin pero pagdating sa mga anak nilang patapon nabubulag sila, " si Kuya Carlo.

"Ma, hanggang kailan mo ba kami gusto magtiis? Siguro titigilan mo 'yang pag-please sa mga kapatid mo kapag isa-isa na kaming nagsilayas na mga anak mo." Padabog na umalis sa sala si Kuya Miko.

"Miko!" sita ni Kuya Von.

"I'm sorry Tita, pero hindi ko po gagawin ang hinihiling niyo. Isipin niyo na pong bastos ako pero hindi ako hihingi ng tawad sa mga taong nananakit kay Claire. Mahal ko po ang anak niyo, at hindi ako papayag na saktan siya ng kahit na sino."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Devil In Him   XVII

    "Babe," tawag ko. "Hmm?" "Alam mo ba kung saan pupuntahan Nanay nila?" Nasa isang fastfood kami ngayon at pinapakain muna sila. Panay ang, 'wow' ng dalawa dahil sa TV lang daw nila 'to nakikita. "Don't worry, I already contacted someone to look for her." Bigla siyang kumindat pagkasabi non. Sa normal na araw baka kinilig pa 'ko, pero ngayon naiirita ako sa pagmumukha niya. Inirapan ko siya at tuloy sinubuan si Neneng, "Bakit may laruan dito?" tanong ni Nonoy. "Free 'yan, ganda 'no?" "Hindi dapat sinasamahan ng laruan ang pagkain," nagkatinginan kami ni Clark, "Sino naglagay neto? Sabihin natin bawal lagyan ng laruan ang pagkain. Dapat ginagalang natin ang pagkain." Tatayo sana siya nang pigilan siya ni Clark, "Wala rito yung naglagay niyan haha, hay

  • The Devil In Him   XVI

    "What?! Eeeew! 'Wag kang nagsasasama kay Adda, nasisira na rin tuktok mo eh!" Lukot na lukot sa pandidiri ang mukha niya. "Hahaha akala ko eh." "Bakit?" "Ang concerned mo kasi sa kanya. Ang dami mong sinasacrifice for her." "Ayokong magaya siya sa mama ko. Naikwento ko naman sa 'yo 'di ba? Nung sila pa ng Papa ni Elijah palagi siyang nabubugbog. At isa pa, kaibigan mo siya." "Ano naman kung kaibigan ko siya?" Bigla niya akong inirapan, "Aba? Attitude ka ah? Hahaha!" "Manhid ka eh." Inayos niya ang mga gamit kong nasa mesa. "At paano naman ako naging manhid?" "Wala." "Torpe." "Ano?" "Wala!" "Hindi ako torpe." "'Di rin ako manhid." Natahimik kaming dalawa habang nagkakati

  • The Devil In Him   XIIII

    "Babe!" Lakad-takbo kami ni Mama para mahabol siya. Ang lalaki ng halbang at napakabilis ng lakad niya, ito ang nakakatakot kay Clark. May history ng abuse ang Mama niya kaya kapag nalalaman niyang may nabubugbog, para bang nawawala siya sa sarili. "Tao po!" dinig sa boses niya ang panginginig. "Babe, kumalma ka please." Hinawakan ko ang kamao niyang nanginginig, "Ayaw mo namang makita kang ganyan ng mga bata 'di ba?" Neneng's POV "Wow Kuya, makikita na natin si Nanay. Bukas na kaya tayo aalis?" "Sshh!" nitakip ni Kuya yung bibig ko, "'Wag ka maingay, baka marinig tayo" "Bakit? Papaalam naman tayo ate Clara." "Oo, pero hintayin muna nating mapagpaalam tayo kasi baka hindi tayo payagan." " Osige," nagsmile ako kay Kuya kasi exci

  • The Devil In Him   XV

    Claire's POV "Amin po ito lahat? Ang dami! Hihihi!" Panay ang hagikhik ni Neneng habang nagkakalkal ng mga laruan. "Sa inyo lahat 'yan, hali kayo maligo muna." Hinila sila ni Mama papunta sa banyo. Madungis kasi sila at parang kahapon pa hindi naligo. Umupo ako sa tabi ni Clark at hinawakan ang kamay niya, "Okay ka lang? Akala ko magwawala ka kanina." Tipid siyang ngumiti, "I'm fine. Sabi mo nga 'di ba? Hindi dapat nila ako makitang ganon. And I'm relieved na nandito na sila." Hinila niya ako at isinandal sa ulo niya. "Sana mahanap natin ang Mama nila," malungkot kong sabi, "Ano kaya mararamdaman ni Aling Ligaya kapag nalaman niya 'to? Hay..." "Eh paano kung nag-asawa na talaga ng iba 'yon?" Napabalikwas ako sa tanong niya. "Naku! Malabo! Mahal na mahal non yung Papa nila saka napa

  • The Devil In Him   XIII

    Claire's POV KINABUKASAN. Maaga kaming gumising para mamili ng damit ng dalawang bata. "Pinakikialaman niyo yung dalawang batang 'yon, kapag natyempuhan kayo ng Lolo nila lagot kayo," pagpapaalala ni Kuya Miko habang nagaayos siya ng mga gamit niya papuntang eskwelahan. "Hindi naman talaga masama ang ugali non, ewan ko ba kung bakit ganon siya sa mga apo niya eh 'di naman ganon 'yon noon. Mabait siya sa iba, kaya 'wag kayo magalala," si Papa. "Should we use the car?" tanong ni Clark. "Motor ko na gamitin niyo, masikip ang daan papuntang palengke, mahihirapan lang kayo," offer ni Kuya Carlo. Ganon na nga ang nangyari, dalawa kaming nagpunta sa palengke. Naguguluhan pa siya nung una

  • The Devil In Him   XII

    "Tahan na, 'wag ka na umiyak." Panay ang punas niya sa luha ng kapatid niya, "Hintayin natin si Nanay, uuwi na siya." Tahimik kaming nakasunod sa kanila hanggang sa umupo sila sa isang malaking bato katapat ng sakayan ng jeep. "A-ang s-sakit palo ni Lola, hindi naman ako nauna makipag away eh," pinaupo siya ng kuya niya sa bato, "S-sabi Yeye hindi na daw uuwi si Nanay. H-hindi na daw niya tayo mahal, nagasawa na raw siya ng iba." Lalo na namang lumakas ang iyak ni Neneng kaya niyakap siya ng mahigpit ni Nonoy at isinubsob ang mukha nito sa dibdib niya. "Hindi totoo 'yon, tignan mo uuwi na si Nanay hintayin natin siya dito." "Hindi naman totoo yan!" Hinampas siya ng kapatid sa balikat, "Sinabi mo yan kahapon, pati kahapon kahapon, pati kahapon kahapon kahapon! Pero hindi naman dumadating Nanay!"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status