Share

XXIII

Author: Mir
last update Last Updated: 2026-01-12 06:00:27

Miko's POV

Napakaraming pinapagawa ng mga lintik. Ayaw naman magtaas ng sahod, puro na kang utos. Napadami kong bitbit at halos magkalaglagan na nang buksan ko ang pinto papasok ng bahay. Tatawagin ko sana si Mama pero pagpasok ko ay nakatipon pala sila sa sala.

Nandito pala si Edwina mukhang pera.

"Paano mo nakilala si Gov?" tanong ni Edwina.

"Tauhan siya ng Papa ko." Napatingin kaming lahat kay Clark.

Alam kong mayaman siya. Pero tauhan ng Papa niya si Gov? Gaano ba kayaman ang taong ito? Ang sabi ni Claire direktor ang Tatay niya at nang hanapin ko mukhang hindi naman ganon kasikat.

"May problema ho ba roon? Kung meron tatawagan ko si Dequilla para maayos natin." Akmang kukunin niya ang cellphone
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Devil In Him   XXIII

    Miko's POV Napakaraming pinapagawa ng mga lintik. Ayaw naman magtaas ng sahod, puro na kang utos. Napadami kong bitbit at halos magkalaglagan na nang buksan ko ang pinto papasok ng bahay. Tatawagin ko sana si Mama pero pagpasok ko ay nakatipon pala sila sa sala. Nandito pala si Edwina mukhang pera. "Paano mo nakilala si Gov?" tanong ni Edwina. "Tauhan siya ng Papa ko." Napatingin kaming lahat kay Clark. Alam kong mayaman siya. Pero tauhan ng Papa niya si Gov? Gaano ba kayaman ang taong ito? Ang sabi ni Claire direktor ang Tatay niya at nang hanapin ko mukhang hindi naman ganon kasikat. "May problema ho ba roon? Kung meron tatawagan ko si Dequilla para maayos natin." Akmang kukunin niya ang cellphone

  • The Devil In Him   XXII

    Claire's POV "Babe ano ba! Makikita tayo!" pabulong kong sita. "Ssshh! 'wag ka kasing maingay para hindi tayo mapansin." "Clark!" panay ang saway ko sa kanya pero ngumisi lang siya. "Isn't this exciting?" Alas onse na ng gabi at nandito kami ngayon sa kubo sa tabing dagat kung saan namamahinga ang mga tauhan niya. "It's scary! Paano kung mahuli tayo?" Iniupo niya ako at nagsimulang himasin ang pagkababae ko. Napapakagat labi na lang ako sa sarap ng ginagawa niya. Iba talaga sa pakiramdam kapag matagal na hindi nahawakan, nakakaliti! "Tulog na

  • The Devil In Him   XXI

    "Bata pa lang ako, pamilya namin ang pinakamahirap sa aming magkakamag-anak. Mangingisda si Papa mula pagkabata niya, hindi siya pinaaral. Ang sabi ayaw niya raw, pero duda ako ron. Hindi siya nakatapos ng Grade 6, bata pa lang siya nagtatrabaho na siya sa laot para makatulong kay lola." Hinila niya ako at pinasandal sa dibdib niya. Nakaupo kami sa kama habang nakayakap siya sa akin habang nakatalikod ako sakanya. "Sa sobrang hirap namin nag-abroad si Mama, wala naman din kaming ibang malapitan dahil mahirap lang din ang mga tao rito. Ang side ni Papa kahit papano may kaya, kaso matapobre ang Lola namin doon. Lagi kaming pinapahiya at sinasabihan ng kung ano-ano si Mama. Nanganganak na lang daw siya noon sa akin nagappakalat pa ng chismis si Lola para raw 'wag sila bigyan ng pera Tita naming nasa abroad," nagpunas ako ng luha at nagpatuloy, "Nung nag-abroad na si Mama, doon na nag-iba si Papa. Nalu

  • The Devil In Him   XX

    Hindi na ako nagsayang pa ng oras, pagkatapos ko sa palengke ay dumiretso ako sa Munisipyo. Panay tunog ang messages ko dahil sa mga chat ni Clark pero hindi ko 'yon sinasagot. Inookupa ng galit ang utak ko, paano'y sinubukan kong kausapin ang mga katabi namin kanina pero ayaw makinig. FLASHBACK"Ate may kanya-kanya namang tapunan 'di po ba? Baka pwede namang 'wag niyo sa amin itambak ang mga pinaglinisan niyo.""Aba! Kayo 'tong nangaagaw ng mga suki, ibig sabihin ginusto niyo 'yan! Ayaw mong doon ko itapon? Oh edi sige, ayan oh!" Halos masuka ako sa pandidiri nang ibuhos niya sa akin ang palanggana na puno ng mga kaliskis lamang-loob, at maruming tubig. "Hahahahah! Buti nga!" "Ayan! Edi sa 'yo na lang itatapon!" Nakangisi pa siya sa akin. Para bang nagdilim ang paningin ko at nawala ako sa kontrol. Kinuha ko ang kutsilyo sa lamesa niya at itinutok sa kanya.

  • The Devil In Him   XVIIII

    "Ano ba?! Ayoko nga kasi! Dun ka!" "Babe naman, please?" Pilit siyang yumayakap at sumisiksik sa akin. "Clark, ayoko!" Wala siyang nagawa kung hindi ang umusog at lumayo sa akin. "Tatlong araw na." "Ano naman? Magkaroon ka ng abstinence!" Sa totoo lang, medyo nakokonsensya ako kapag sinusungitan ko siya. Pero nakakairita naman kasi talaga. Hindi naman palaging ganon dapat ang ginagawa. Gusto kong matulog ng payapa, irespeto niya 'yon! Dinig ko ang pagdutdot niya sa cellphone na lalo ko pang ikinainis. Pinabayaan ko siya at sinusubukan ko nang matulog. Pero panay ang dutdot niya at kahit mahina ay naiirita talaga ako. "May balak ka bang matulog?" tanong ko. Dinig ko ang pagbuntong hininga niya at pagbitaw sa cellphone.

  • The Devil In Him   XVIII

    Claire's POV Tatlong araw na ang lumipas nang magpunta kami sa Pampanga. Nandito kami ngayon sa tabing dagat at nakikipagusap sa mga mangingisda. Ipinaasikaso na pala niya ang binabalak niyang negosyo habang naggagala kami, hindi ko man lang napansin. "Bale anim na bangka po ito, kaya anim na grupo rin. Ang hatian natin ay 70/30, ano?" "Ijo, kanino ang 70?" tanong ni Manong Oska "Sa inyo ho." Nagkatinginan sila. "Sa amin? Sigurado ka ba?" "Opo." "Aba'y hindi ka ba lugi niyan?" Hindi na maalis ang ngiti sa mga labi nila, ang iba ay nagbubulungan pa. "Hindi po, kung bibigyan niyo po kami ng libreng ulam," pagbibiro niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status