Share

CXXXVI

Author: Mir
last update Petsa ng paglalathala: 2026-03-24 12:28:04

Claire’s POV

“Babe, I cooked champorado. Sinamahan ko na rin ng fried pusit. Gusto mo ‘to ‘di ba?” Umupo siya sa tabi ko.

Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama, “Saan ka galing?” tanong ko. Pagbangon ko kanina wala na naman siya. Ugaling-ugali niya talagang iwan ako. Nag-iwas siya ng tingin, halatang nag-iisip, “Kay Emily ba?” Mabagal siyang tumango. Hihiga at tatalikod na sana ulit ako nang hawakan niya ako sa braso at pigilan ako.

“I resigned.” Napalingon ako sa kanya, “Ayoko
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Devil In Him   CXXXVI

    Claire’s POV “Babe, I cooked champorado. Sinamahan ko na rin ng fried pusit. Gusto mo ‘to ‘di ba?” Umupo siya sa tabi ko. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama, “Saan ka galing?” tanong ko. Pagbangon ko kanina wala na naman siya. Ugaling-ugali niya talagang iwan ako. Nag-iwas siya ng tingin, halatang nag-iisip, “Kay Emily ba?” Mabagal siyang tumango. Hihiga at tatalikod na sana ulit ako nang hawakan niya ako sa braso at pigilan ako. “I resigned.” Napalingon ako sa kanya, “Ayokong makita kang nagkakaganyan. Hindi na ako magtatrabaho sa kanya and I assure you hinding-hindi na magkukrus ang landas namin.” Hindi ako kumibo pero hinayan ko siyang subuan ako ng champorado. Masarap ‘yon lalo at sinamahan pa ng pritong pusit maliliit. Patapos na akong kumain nung may nareceive akong text kay Kuya Von. [From: Kuya Von Clara, pwede mo ba samahan dito si Mama bukas? Wala kasi kaming lahat may mga importanteng lakad. Ayaw namin siya maiwang mag-isa baka lalo siyang malungko

  • The Devil In Him   CXXXV

    “Kaya mas mabuting wala ka na lang sa buhay ko, Clark. Tutal kaya ko naman ng wala ka.” My mind went blank. How could she say that? I have my reasons too, I didn't stay there because I wanted to. I'm saving up for her, for us. I want to give her the life she deserves. I hate seeing her worry especially about money. I'm just trying to be a good partner pero bakit parang naging kasalanan ko pa? “Claire, this is not the solution. I'm sorry. I know marami akong pagkukulang. But please hayaan mong makabawi ako.” “Maraming beses na kitang binigyan ng pagkakataong makabawi,” pagmamatigas niya pero hindi rin ako nagpatinag. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, “I promise, this time I won't mess up.” Hinila niya pabalik ang kamay niya saka ako tinalikuran. Bakit ganito ang mga nangyayari? Bakit nasisira lahat? I thought I'm doing good but I kept messing everything up. Masakit pa rin sa akin ang pagkawala ni Papa. Dalawang Tatay ko ang nawala sa akin. Gustong-gusto kong umuwi

  • The Devil In Him   CXXXIV

    Clark's POV Pumunta ako sa kusina at nag-init ng tubig habang hinihintay ko siya. Kinuha ko rin ang pang hot compress niya para magamit niya mamaya. I ran to her when I heard the door open. “Are you okay?” I asked her again. Nakatapis lang siya ng twalya habang tumutulo pa ang tubig sa buhok niya. She nodded, I went to her and carried her to the bedroom, “Magbihis ka muna and wait for me okay?” Nag-init ako ng tubig para sa hot compress niya and then I made three mugs of hot chocolate for us. Una akong pumunta kay Elly, pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili bago pumasok sa kwarto ng anak namin. “Hello baby? Are you reading again?” Sinara ko ang pinto sa likod ko at saka siya nilapitan sa study table niya. “Yes po Papa. Wow! Hot choco and butter cookies?” Inihapag ko ang hawak kong tray sa harap niya. “Yes baby, mag mirienda ka muna okay?” Hinaplos ko ang buhok niya saka siya hinalikan sa noo, “Aalagaan ko muna si Mama, hindi maganda ang pakiramdam niya. If you ne

  • The Devil In Him   CXXXIII

    Claire’s POV “Naku magwawala na naman si Clara kapag nakita niya ‘yan eh.” “Bakit ba kasi nandito ‘yan? Yung Nanay niya hindi man lang talaga dumalaw dito.” “Eh paano dadalaw ‘di ba inagawan niya ng mga customers si Clara?” “Totoo ba?” “Oo kaya nga nagsara yung ibang business ni Clara eh.” Ngayon ang libing ni Papa. Busy kami sa pagrerepack ng kanin, menudo, adobo, at pritong manok sa mga styro habang nakikinig sa mga chismosang nakiki tulong dito. Hindi naman sila nagkakamali. Talagang gusto ko nang ibaon sa lupa ang babaeng ‘yan. “Babe, pupuntahan ko lang si Emily ha? Babalik din ako kaagad.” Tumango na lang ako kaya tumayo na siya at nilapag ang basong ginagamit niya pantakal sa mainit na kanin. “Bakit ba pabalik balik dito yang babaeng ‘yan Clara? Invited ba ‘yan?” bulong ni Tita Mayet. “Hindi po.” “Gusto mo palayasin ko na teh? Jombagin ko paalis ‘yan.” Biro ni Berto na hindi ko pinansin. Panay ang okray ng mga Tita at Pinsan ko kay Emily habang ako naman

  • The Devil In Him   CXXXII

    Claire’s POV Maghapon ko siyang iniiwasan. Kasama niya si Mama sa harap ng kabaong, panay ang iyak niya kanina habang hinihimas ni Mama ang likod niya. Gusto kong maawa pero hindi ko magawa. Gusto kong lapitan siya pero para bang wala na akong pakialam. “Kinausap mo na ba siya?” tanong ni Kuya habang naghahapag kami ng mga butong pakwan. “Ayoko.” “Bakit?” “Ayoko siyang kausap. At ayaw din kitang kausap kaya pwede ba lubayan mo ‘ko?” Inirapan ko siya saka tinalikuran. “Clara!” “Naku ayan na naman siya.” “Hayaan mo muna ang kapatid mo ijo, dalawang araw nang may sapi ‘yan hindi na talaga nirespeto ang lamay ng Papa niya.” “Ganyan talaga ‘yan eh bastos ralaga yan si Clara.” “Hoy mga chismosa!” Boses ni Tita Mayet ‘yon. Patuloy ako sa pagseserve ng buto ng pakwan at hindi sila nililingon, “Namatay na nga ang bayaw namin tapos pagchichismisan niyo pa ang anak niya. Wala na talaga kayong pinalampas?!” Sunod na sumingit si Tita Lizeth, “Akala niyo ba hindi namin napapans

  • The Devil In Him   CXXXI

    Claire's POV “Nasaan na si Clark?” “Bakit naman dalawang araw na yung lamay wala pa rin yung asawa mo.” “Okay ka lang ba? Nasaan na ba kasi ang asawa mo para naman sana may karamay ka at katulong sa pag-aalaga ng anak niyo.” Paulit ulit kong naririnig ang mga salitang ‘yon, nakakainis. Nakakarindi! Kung sabihin ko kaya na naghanap na siya ng iba para matahimik na sila? “Clara hali ka rito yung anak mo nakikiluto na naman dito oh!” Boses ‘yon ni Tito. Binitawan ko muna ang carrots na binabalatan ko at saka nagpunta ron sa kusina. Walang eksplanasyon o ano mang pasabi. Kaagad kong binuhat si Elly at pinalo sa pwet. “Sinabi ko na sa ‘yo na ‘wag kang pupunta sa kusina ‘di ba? Bakit hindi ka makaintindi?! Ang tigas ng ulo mong bata ka!” “Aww!! Huhuhu! Mama! Masakit po! Masakit!” Para bang hindi ko makontrol ang sarili ko. Lahat ng galit na nararamdaman ko ay binubuhos ko sa anak ko. “Ay sus maryosep yung bata!” Mabilis na tumayo ang mga Tita at Tito ko para agawin sa aki

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status