“Do you want me to come?” tanong ni Darius sa akin.Nasa vanity table ako, naglalagay ng make-up. Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa pagkikita namin ni Seraphina. Umiling ako. “Hindi na. Ako lang muna,” kabado kong sagot kay Darius. Weekend ngayon kaya wala siyang trabaho. Kita ko sa mirror na lumapit siya sa likod ko. I heard him sigh. Titig na titig ako sa kanya kaya kita kong tumungo siya at saka ako hinalikan sa ulo. “Don’t stress yourself too much. I’ll go with you,” sabi niya. Umawang ang labi ko. “Huwag na. Hindi ka pa kilala ni Seraphina.”“I’ll stay near the place. Kakain ako sa katabing restaurant o hotel. I’m not going with you when you meet your cousin.”Ngumuso ako. “Baka matagalan kami. Maiinip ka sa kakahintay.” He smirked. “Don’t worry about me. I just want to make sure you are okay after this meeting.” “Darius, kinakabahan ako,” pag-amin ko. He chuckled. Pinalandas niya ang kamay niya sa leeg ko at saka ako niyakap. Pinatong niya ang baba niya sa ulo ko. He
Kahit hindi ko pa gustong bumalik sa Pilipinas ay wala na akong magagawa. Dumating na ang oras na kailangan naming bumalik. Medyo nalulungkot pa ako habang nag-iimpake. I will surely miss this place. Hindi naman basta basta na ako makakapunta dito. Baka panga hindi na ako makabalik eh. Noong bagong dating ako rito ay kakaunti lang ang dala kong gamit. Ngayon na nag-iimpake ako ay hindi magkasya kasya. Ang dami-dami kasing ibinibigay ni Tita sa akin kapag nakakapag-shopping siya. And I don't want to leave any. Remembrance ko ito kay Tita. I smiled at Tita and Devina as I watched them on the porch. Aalis na kami ni Darius. Nakabukas na ang kotse para sa akin. Hindi pa ako pumapasok dahil nakatingin pa ako sa kanila. I waved at them for the last time bago nagpasyang pumasok na. Mabilis na sumunod sa akin si Darius. Nang paalis na ang kotse ay tahimik ako…medyo emosyonal dahil kailangan kong umalis. Napansin iyon ni Darius. Napabaling ako sa kanya nang maramdaman kong bumaba ang kamay
Nakaupo ako ngayon sa vanity table, naghahanda para sa trabaho. It’s been months since we've been staying here in France. Hindi na ako nangahas na makibalita sa Pilipinas. Sometimes it suddenly hits me how selfish I am for that. Kahit man lang sulat na magpapasabi sa mama ko o kamag-anak na buhay ako o okay lang ako ay wala. Ni hindi ko man lang pinoproblema kung ano ang epekto nito ki mama. I am just happy living with Darius now. They never make me feel like I am a stranger to them. Nagtatrabaho ako sa kompanya nina Darius dahil ayaw kong ako lang ang naiiwan sa bahay. Tita Vivienne wanted me to just stay in the mansion at samahan siya pero nag-insist talaga ako na magtrabaho. Parang hindi ko kaya na walang ginagawa at naghihintay lang kay Darius na umuwi. Hindi pa kami kasal pero maka-asta na ako ay parang kasal kami. Though never namang iyong ipinaramdamn ng pamilya niya. They accept me completely. Matapos kong mag-apply ng lipstick ay siya ring pagpasok ni Darius sa kwarto. “R
Namahinga lang kami saglit sa suite namin. Tapos ay nag-dinner kami kinagabihan. He made sure we had a view of the Eiffel tower. It was a private balcony-type date. Pagkaupo namin ng seat namin, agad kaming binigyan ng champagne at isang spoon-size na pagkain na hindi ko alam kung anong tawag. Darius was smirking at me as he watched me take lots of selfies. Hindi naman nakakahiya dahil walang nakakakita. Mahihiya ako kung maraming tao pero dahil private itong dinner date namin, wala ng dapat ikahiya. Kuha lang ako ng kuha ng pictures. After few minutes of waiting, dumating ang waiter para sa entree serving. Hindi pa raw iyan ang main course! According kay Darius. Tapos ay may First course pa bago ang main course! We had roasted blue lobster with vegetable ravioli and fragrant bisque as our first course. By the time na dumating ang main course, sawa na akong mag picture. Halos mapuno na ang cellphone ko. As our main course, we had pink veal filet with chanterelle mushrooms and cele
After spending time with his parents for two days, nagulat si Tita nang malaman niyang aalis kami ni Darius. Kahit ako ay walang alam sa plano ni Darius. He just announced it one night when we were eating dinner. “Aalis kami ni Jessica bukas,” he said as he was sipping on his drink. Umiinom din ako pero agad akong napalingon sa kanya, nanlalaki ang mata. “Saan?” tanong ko matapos kong maibaba ang baso ko. “Darius, kakauwi lang namin. Aalis kayo?” si Tita na kagaya ko ay gulat din. Darius chuckled. “I’ll date Jessica, mama. We will be back after two days.” Napatikhim ako. Medyo na conscious kung bakit kailangan niya pa iyong sabihin sa harap ng parents niya! Nakita kong napangiti si Tita. Kung kanina ay tutul siya, ngayon ay tumatango na. “Mabuti naman. Akala ko ay babalik na kayo ng Pilipinas.” “Saan tayo?” tanong ko nang bumalik na kami sa kwarto. Hindi ko siya inusisa sa dining room kasi nahihiya ako sa parents niya. Hindi naman na nila kailangang malaman na magda-date kami
Kinabahan ako nang agad na tinanong ng mama ni Darius kung ako ba ang girlfriend. Though she didn’t look mad, she looked curious.“Yes, mama. She is Jessica,” ani Darius. Nangunguna siya kaya bumaling siya sa akin para maigaya sa parents niya. Hinawakan niya ang likod ko nang nakababa kami sa hagdanan. Sabay kaming lumapit sa magulang niya. I cleared my throat when I faced his parents. “Hello po,” bati ko sa kanila. I tried to smile despite being nervous. Mabilis nga rin akong napatungo sa kaba. Bahagyang tumawa ang mama nila.“Hello, hija. I’m Vivienne but you can call me Tita,” mabait niyang sinabi. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at saka ngumit. “This is my husband, Phillip. You can also call him Tito.” Nahihiya akong tumango. Hindi pa alam ang gagawin.Tumungo ako nang marinig kong tumawa si Darius sa tabi ko. Hindi man lang nagsasalita! “It’s nice to meet you, hija,” rinig kong sinabi ng papa nila. Tapos ay nakita ko ang kamay niyang nilahad sa akin para sa isang handshak