Share

Kabanata 4

Author: Innomexx
last update Last Updated: 2025-01-09 20:02:31

Tumayo siya matapos niyang itanong ang pangalan ko. Agad siyang pumunta sa paanan at may kinalikot sa makina ng bangka.

Ilang minuto siyang may ginawa roon hanggang sa narinig kong nabuhay ang engine. By this time, ilang bahing na ang nagawa ko. Para pa akong lalagnatin.

Mabilis niyang pinaandar ang bangka patungo sa islang pupuntahan namin. Wala na siyang imik. It took us 20 minutes to arrive at the place.

Pagbaba ko ng bangka, bigla akong kinabahan dahil wala akong alam sa lugar. Tapos ay nilalamig pa ako. Nagsisimulang bumaba ang araw kaya mas lalong lumamig ang paligid.

Pinagmasdan ko ang paligid. Payapa ang lugar, hindi matao. Perfect place kung ikaw ay sawa na sa city life. Hawak-hawak ko ang twalya nang biglang umihip ang malakas na hangin. Agad akong nanginig nang tumama yon sa katawan ko.

Bumaling ako sa dagat para sana tingnan kung nasaan na ang kasama kong lalaki kanina pero laking gulat ko nang wala na siya sa bangka. Nakaparada na ang bangka sa dalampasigan pero wala ng tao.

Kinabahan pa ako lalo. I was expecting him to at least help me. Agad akong lumapit sa mga taong nakikita kong nagkukumpulan. Ramdam kong nanginginig na ang kamay ko sa lamig.

“Excuse me po,” agaw ko sa attention nila.

Nang bumaling sila sa gawi ko ay agad akong ngumiti.

“May marerentahan po ba dito? O kahit matutuluyan lang ngayong gabi?” nahihiya kong tanong.

Kita ko kung paano ako tignan ng isa sa kanila from head to foot. Hula ko, nasa early 30s na siya.

“Bago ka dito, hija?” tanong ng isang babae. Bali lima silang nag-uusap usap.

“Opo, kakarating ko lang po kanina.”

Pinigilan ko ang sarili kong huwag munang manginig. Nakakahiya naman sa kanila!

“Doon ka magtanong oh!” tinuro ng isa sa kanila ang malapit na bahay sa gawi namin. “May bakante sa pinapahupaan dyan.”

“Samahan mo kaya, Lily,” suggest ng isa sa kanila.

Agad na umiling yong tinawag nilang Lily. “Ayoko! Ano kayo lang ang makakakita kay Darius!”

I shifted my weight. Biglang nailang dahil sa pag-ayaw nilang samahan ako. “Sige po. Thank you.”

Ramdam ko na ang panghihina at panlalamig ng katawan ko. Dalawang bahing ang sunod sunod na kumawala habang papalapit ako sa itinuro ng mga babae sa akin.

Nang makalapit ako, may nakita akong matandang babae kaya agad akong nagtanong.

“Excuse me po, may marerentahan po ba dito?”

Nginitian ako ng matanda. “Ayy magrerenta kaba, hija?” tanong niya. Mukhang natuwa siya dahil sa narinig.

“Opo kung meron.”

“Tamang tama. Merong bakante,” masaya niyang sinabi. Hindi na niya napansin ang panginginig ng kamay ko dahil masyado siyang masaya na may magrerenta na sa bakanteng paupahan niya.

Ipinakita niya sa akin ang kwarto. May kama na doon at iilang kagamitan. Pero walang mga basic needs like spoon, plate, pillows…

“Ano, kukunin mo ba?” tanong niya ng maipakita niya sa akin.

“Opo, okay na po ito,” nanghihina kong sinabi.

Binigay ko sa kanya ang hiling niyang cash advance at ang paunang upa. Tuwang tuwa siya ng makita niyang kumpleto kong binigay ang pera.

“Uhm… pwede po bang magtanong kung may gamot kayo sa flu. Nilalamig po kasi ako. Nabasa po kasi ako nang papunta ako dito sa isla,” nahihiya kong sabi.

And since she was so happy. Agad niya akong inasikaso. May inutusan siyang bumili ng gamot. Pinahiram niya ako ng mga bedsheet at unan ng malaman niyang ngayon gabi din ako tutuloy sa bahay. Pinahiram din niya ako ng kumot. Pati pagkain pang dinner ay dinalahan na din ako.

“Salamat po, Aling Merna,” pasasalamat ko ng aalis na siya.

“Tawagin mo lang ako hija kung may kailangan ka pa. Nasa pinakagilid ang bahay ko,” turo niya sa kanang bahagi kung saan ang gate nitong bahay.

Tumango ako. Nang umalis siya ay agad akong nahiga at nagkumot. Doon ko naramdaman ang sobrang lamig. Hindi pa umeepekto ang inimom kong gamot kaya nanginginig ngayon ang buong katawan ko. Pati ang ngipin ko ang nagtatagis na dahil sa nginig ko!

Hindi ko alam ilang minuto akong nanginginig. Basta naramdaman ko nalang bigla na biglang uminit ang pakiramdam ko. Umepekto na siguro ang gamot na ininom ko.

Maaga pa lang pero nakatulog na ako. Hindi ko na nagawang maligo. Wala rin namn akong dalang kahit isang damit na pamalit. Maliban sa hoody na nabili ko.

Kaya nang magising ako kinabukasan, hindi na mapakali ang katawan ko at gusto ng maligo. Medyo maganda na rin ang pakiramdam ko. Wala na ang panlalamig at hindi na nilalagnat.

Umagang umaga ng lumabas ako ng bahay. Nagdala ako ng pera para maghanap ng pwedeng mabilihan ng mga kakailanganin ko. Kahit pamalit lang na damit at mga sabon panligo. Mabuti at dahil sa dalampasigan naman ang tinutuluyan ko, may malapit na mga shop na nagbebenta ng mga t-shirt pang souvenir.

May nahanap akong t-shirt pero walang mga undies! Nahihiya kong binayaran ang dalawang t-shirt na kinuha ko. Medyo weird pa akong tinignan ng cashier dahil siguro sa suot ko. I've been wearing the gown I wore to my birthday party! Nakakahiya!

“Uhm… ate, may palengke po ba dito na pwedeng bilihan ng mga damit at mga sabon?” nahihiya kong tanong. Wala kasing mga undies sa shop niya. Hindi naman pwede na wala akong suot!

“Meron teh. Pag labas mo, dito sa gilid ng shop ko, may daanan dyan. Straight mo lang yan at makikita mo din ang palengke. Malapit lang dito yon,” paliwanang niya.

Matapos kong magpasalamat ay agad kong pinuntahan ang sinabi niya at tama nga siya. Ilang lakad lang ang ginawa ko nang makita ko ang napakalaki nilang palengke. Mabillis ko lang din nahanap ang mga dapat kong bibilhin kaya isang oras ay ang dami ko ng nabili.

Pagbalik ko sa inuupahan ko ay agad akong naligo. Grabe ang ginahawang naramdaman ko ng makaligo ako. Dalawang araw akong hindi nakaligo at pinagpawisan pa ako kagabi kaya ganon na lang ang lagkit ng katawan ko.

Nakaharap ako sa salamin habang nagsusuklay. Tapos na akong maglagay ng light make up kaya hindi na ako mukhang dugyot!

Sa paninitig ko sa salamin, biglang tumaas ang kilay ko nang maalala ko ang lalaking nagdala sa akin dito.

“That asshole! Humanda siya sa akin kapag nagkita kami. I will make sure I avenge myself.”

Padarang kong ibinaba ang suklay sa table.

“Lintik lang ang walang gante!” iritado kong sinabi sa reflection ko sa salamin. Nanlilisik ang mata ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 9

    I didn't intend to sleep as well. But maybe since I was too tired and Elijah found me, my guard went down and sleepiness took over. Hindi ko natapos ang sandwich na kinakain ko at nakatulog din ako.Nagising ako nang may marinig akong ingay sa tabi ko. I was already lying on the ground. May isang manipis na tela na nakalatag sa lupa. Elijah's jacket was on my body.Nakita ko siyang may pinupukpok, ibinabaon sa lupa ang isang stick. It's already dark. But he has a portable light.Agad akong umupo at luminga-linga sa paligid. My senses immediately worked. Kinilabutan ako sa nakikita kong dilim. I slightly screamed. Mabilis akong tumayo at saka lumapit sa kanya. Doon lang niya napansin na nagising ako.“What?” bungad niya nang lumapit ako sa kanya.“How dare you leave me there! There could have been a lurking creature waiting to kidnap me while you were busy here!”He sighed. “Devina, I'm just two meters away from you. I'd hear it if someone tried to kidnap you.”“What if…”Pero hindi ko

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 8

    I don’t know what I am going to do! I tried to trace the pathway, but I couldn’t find it. Pare-pareho lang ang nakikita ko, puro matatayog na punong kahoy. Nang sa tingin ko ay isang oras na akong naglalakad, tuluyan akong nanghina. Doon ako nagsisi na wala akong dinalang pagkain o tubig man lang. I seriously was even in a foul mood because I didn’t bring any sunscreen!“I am going to die here! Dammit!” galit at umiiyak kong sabi. I am too tired to walk anymore. Gutom na rin ako. I have my phone but it has no signal! Hindi ko inaasahan na wala ring silbi ang cellphone sa lugar na ’to. I have my cards but so what? Wala akong mapapaggamitan dito. I am really going to die here!I looked at my surroundings. There were only trees, stones, and wild grasses. May mga insekto at iba’t ibang tunog na galing sa kung ano man ang naninirahan sa gubat na ’to.“Can somebody hear me?” I screamed. Sinagot ako ng mga ibon sa taas. Tumingala ako sa mga sanga ng puno nang magsisayawan sila dahil sa malak

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 7

    Having interacted with Elijah for a while now, I noticed something in him. He acted like the jealous type pero kapag naman wala siyang rason para magselos, hindi ko alam kung nagseselos nga ba siya.He made me doubt everything, and it's making me even more obsessed thinking about him. Wala na akong maisip kundi kung nagseselos ba siya. If he's jealous, why is he damn acting cold afterwards? Para bang natatauhan siya matapos magselos kaya nagiging cold siya pagkatapos.“Let's go. Ang tagal niyo,” reklamo ni Maverick, kuya ni Monique.“Sorry, kuya. Hinintay pa namin si Devina.”Maverick let out a laugh. “I didn't expect you to come, Devina. This is not your thing.”Bahagya akong tumawa. “I don't know, Maverick. Maybe it will be my thing now?” I said, slowly turning to Elijah. I saw him clench his jaw in a hot damn way.“I usually go mount hiking. You can contact me if you want to do this again,” si Maverick na nakangisi sa akin.“Sure,” sagot ko.“Let's go, Maverick,” supladong sabat ni

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 6

    “Devina, are you coming or what?” tanong sa akin ni Kelsi.Kanina pa nila ako tinatanong kung sasama ba ako sa plano nilang mag-hiking sa gubat. Hindi ko alam kung paano nila naisip na gawin ito. Like, why not hike in a mall or take a trip outside the country? Why in a forest?Lahat sila sasama at excited. I couldn't find any excitement in it because seriously, mae-excite ka ba kung alam mong ilalabas mo ang kaluluwa mo kapag nagsimula na kayong maglakad sa matatarik na daan? I don't think so.Pero dahil lahat sila ay sasama, nagdadalawang-isip ako. Wala akong gagawin kung maiiwan ako.Meeting with Elijah is not an option. Na-unblock ko nga siya, pero ganoon din naman. Kapag nagbabalak ako na puntahan siya sa opisina niya, madalas ay wala siya.At ganoon din ulit. He's rude on call. Nawalan ako ng gana na makipag-usap sa kanya kung sa tawag lang din. Talking to him personally, I know he's rude already, but on the phone, he's rude and lazy. Kapag sa phone, nararamdaman mo na parang nap

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 5

    Gulat ako dahil sa pagtayo ni Elijah at gulat din ako sa pagtama ng labi ni Rio sa tenga ko. Medyo naguluhan ako kung alin ang una kong pupunahin. Pero dahil mas interesado ako kay Elijah, sa kanya natuon ang attention ko.But then I felt it again. Rio chuckled on my ear kaya itinulak ko na siya palayo sa akin. I glared at him afterwards.“Don’t do that!” galit kong baling sa kanya.“Damn, Devina. Why can’t you try dating me? Just give me a chance and I will make sure you will fall for me hard.”I stared at Rio. He is very handsome. He comes from an influential family. It’s just that you can’t like everyone on earth. Hindi dahil gwapo at mayaman ay magugustuhan mo. May mga bagay rin na basehan kung bakit ka nagkakagusto sa isang tao.“My God, Rio! There are millions of girls who want you. Pick one of them and stop bothering me.”He chuckled as he shook his head.“Let’s go and dance. There are some perverts on the dance floor. I will be your bodyguard.”I glared at him again.“I can ta

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 4

    People who wanted Elijah’s number should be jealous of me kasi ang dali ko lang nakuha iyon. I didn’t even sweat. Noong umuuwi ako galing sa kumpanya niya, ang saya-saya ko kasi nakuha ko ang contact niya. Akala ko dahil nakuha ko iyon ay mapapadalas na ang pag-uusap namin o ang pagkikita namin.How wrong of me.I don’t want to seem eager to see him kaya every other day ako tumatawag sa kanya para sana sabihin na pupunta ako sa opisina niya para magtanong. Kaya lang ay palagi siyang wala sa opisina niya. Naka-tatlong tawag ako na sinabi niya na wala siya sa kumpanya niya…kaya huwag na akong pumunta. May isang beses na nandoon siya. Kaya lang ay limang minuto lang akong nakaupo sa couch niya nang lumabas siya dahil may meeting siya. Kaya pala nasa opisina kasi may meeting.I tried again kasi baka matempuhan ko rin na nasa opisina siya at walang meeting. I would stay long in his office and observe what he would do whenever he was there. Pero hindi iyon nangyari.“I am not in my office.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status