Share

Kabanata 5

Author: Innomexx
last update Last Updated: 2025-01-09 23:42:16

Matapos kong mag-ayos ng sarili ay nagpasya akong lumabas. Wala pa akong kagamitan sa kwarto kaya hindi pa ako makapagluto ng kakainin ko.

Saktong papalabas na ako nang makaamoy ako ng nilulutong pagkain. Nakaramdam tuloy ako ng gutom.

Plano kong maghanap ng karinderya para doon kumain pero nang nasa tapat ako ng gate, palabas na nang mapagtanto kong karinderya pala ang unang bungad ng gate. Kita ko si Aling Merna na may kausap sa mga kumakain sa loob. Agad akong huminto at sumilip. Saktong pagsilip ko ay nakita ako ni Aling Merna.

Agad niya akong nginitian. “Jessica, hija. Kumain kana ba?” tanong niya.

Nginitian ko rin siya pabalik. “Wala pa po.”

“Dito kana kumain kung ganon. Masarap ang mga pagkain dito.”

Dahil gutom ako ay pumasok na ako. Hindi rin naman gaano karami ang tao sa loob. May bakante pang mga lamesa.

“Sandy, kunin mo ang order ni Jessica,” sigaw ni Aling Merna sa isang tao. Agad na lumapit sa akin ang tinawag niyang Sandy.

“Ano pong sa inyo, ma’am,” nakangiti niyang tanong.

“Kung ano po ang madalas na order-in sa inyo, yon nalang ang order ko.”

Agad tumango ang babae at agad na lumapit sa counter para ipaalam sa loob ang order ko.

Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko ang labas. Kita ko ang asul na dagat at ang puting buhangin sa dalampasigan.

At dahil nakamasid ako sa labas, tumaas ang kilay ko nang bigla kong nakilala ang isang lalaking dumaan. Napansin ko agad kasi maraming nakasunod sa kanya, pilit siyang kinakausap.

“Naku, ayan na pala si Darius. Puntahan ko muna ha!” rinig kong sinabi ni Aling Merna at saka niya iniwan ang kausap.

Nagmadali siyang lumabas at bago pa makalayo ang lalaki ay tinawag na siya ni Aling Merna. Medyo malayo sila sa akin kaya hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Ang mga babae na sumusunod sa lalaki ay tumahimik nang kausap na siya ni Aling Merna.

Kumunot ang noo ko nang mapansin kong tumatagal ang mata ko sa lalaki. Jessica, don’t forget he’s an asshole! Maghihiganti kapa!

Mabuti nalang at biglang dumating ang order ko kaya nabaling ang attention ko roon. Lalo pa nang maamoy ko ang pagkain. Mas lalo akong natakam kaya nakalimutan ko ang tinitignan ko sa labas.

I was so full when I’m done eating. Tama nga si Aling Merna at masarap nga talaga ang pagkain dito. Mukhang hindi ko na kailangan pang magluto kong ganito kasarap ang pagkain dito.

Magbabayad na ako ng order nang dumating si Aling Merna. Ako agad ang pinuntahan niya.

“Tapos kana kumain?” gulat niyang tanong nang makita niyang wala ng laman ang plato ko.

Ngumiti ako at saka hinipo ang tiyan. “Gutom po kasi ako at saka masarap po ang pagkain… kaya mabilis kong naubos.” Tumawa ako ng mahina.

Masasalita pa sana siya nang bigla kaming napatingin sa labas. May tumili na namang mga babae. Tumaas ang kilay ko nang makita kong si Darius na naman ang tinitilian nila.

“Itong si Darius talaga ay palagi nalang pinapatili itong mga babae,” tumatawang sabi ni Aling Merna.

“Bakit po? Sino po ba siya? Mangingisda lang naman yan.”

Agad na tumawa si Aling Merna nang marinig niya ako. “Naku hija. Mangingisda nga lang yan pero ang daming nagkakagustong babae. Pati ang mga propesyonal at may tinapos na taga rito ay papatulan yan. Huwan ka!”

Patago akong umirap para hindi ako makita. Halatang fan si Aling Merna ng lalaki. Kung ako ang propesyonal ay hindi ako papatol sa isang mangingisda. Tapos wala pang mudo! Inconsiderate! Immature!

“Taga dito po ba yan?” tanong ko nalang.

“Oo, hija. Bakit mo tinatanong? May gusto ka rin sa kanya?” nakangising tanong sa akin ni Aling Merna.

Muntik na akong matawa. Buti at napigilan ko. “Naku wala naman. Tinatanong ko lang po.”

Nang may tumawag kay Aling Merna ay nagbayad na ako sa counter. Pagkatapos ay lumabas na ako. Sa labas pa lang, napangiti ako nang sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Tinatangay niya ang nakalugay kong buhok.

Lumapit ako sa dalampasigan. Ang asul na dagat ay nagpapa-relax ng isip. Perfect para sa pagmumuni muni ko. I just hope na kapag bumalik na ako sa Manila ay nakalimutan na nila ang nangyari sa party!

At dahil naisip ko ang party, bigla kong naalala kung gaano ako katanga sa party na yon. Sa center pa ako nakatayo! Tapos…

Agad akong umiling. Sinikap kong huwag ng isipin ang nangyari.

“Jessica, it already happened. It’s in the past – It doesn’t exist anymore. It's just now a memory!” pag-alu ko sa sarili.

Sa hindi kalayuan sa kinatatayuan ko ay may rock formation doon. Hindi naman kataasan at parang magandang puntahan. Dahil wala naman akong gagawin ay nagpasya akong puntahan yon. Habang maglalakad ako ay may nakikita akong mga bangkang paparating. May mga sakay na tao. I realize then that some are foreigners. That explains why there are souvenir shops scattered around the place.

Mabilis ko lang naakyat ang rock formation. Kumpara sa dalampasigan, mas tanaw mo sa taas ang kabuuan ng isla. Sa kabilang dulo ng rock formation ay may mga taong naglalangoy pero masyado silang malayo.

Lumapit ako sa dulo kung nasaan ang dagat para sumilip sana. Kaya lang ay saktong pagtingin ko sa baba ay nakita ko si Darius. Nilalapag niya ang tuyong damit niya at pantalon sa isang bato bago siya nag-dive. Agad akong tumingin tingin sa paligid. Nang makita kong walang nakakakita ay agad akong bumaba kung saan niya pinatong ang tuyong damit niya. Mabilis ko yong hinagis sa dagat bago nagmadaling umakyat ulit para makaalis na.

Kabado pa ako nang pababa ako ng rock formation kasi baka madulas ako sa pagmamadali pero nang nakababa ako ng payappa ay agad akong tumawa. Kulang pa yon sa ginawa niya sa akin pero okay na din yon. At least may nagawa ako!

Bumalik ako sa karinderya para sana magtanong kung may mabibilhan dito ng mga sabon at skincare nang marinig kong tumili ang dalawang babaeng nakatayo malapit sa karinderya.

Agad kong tinignan ang tinitilian nila at nakita kong si Darius yon. Naglalakad siyang basa patungo sa kanila. Bigla akong kinabahan pero alam ko naman na hindi niya ako nakita. Kaya baka sa dalawang babae talaga.

Tumalikod ako at hinanap si Aling Merna nang biglang may humatak sa akin. Agad akong napalingon dahil sa rahas ng pagkakahila sa akin.

Nang makita ko ang mata niya ay masyadong madilim at halatang galit!

Agad kumalabog ang puso ko. “Uhm, anong kailangan mo?” kinakaban kong tanong.

I swear he didn’t see me. Walang nakakita sa ginawa ko kaya bakit siya nandito?

“You're gonna pay for what you did!” bulong niyang nagbabanta!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 9

    I didn't intend to sleep as well. But maybe since I was too tired and Elijah found me, my guard went down and sleepiness took over. Hindi ko natapos ang sandwich na kinakain ko at nakatulog din ako.Nagising ako nang may marinig akong ingay sa tabi ko. I was already lying on the ground. May isang manipis na tela na nakalatag sa lupa. Elijah's jacket was on my body.Nakita ko siyang may pinupukpok, ibinabaon sa lupa ang isang stick. It's already dark. But he has a portable light.Agad akong umupo at luminga-linga sa paligid. My senses immediately worked. Kinilabutan ako sa nakikita kong dilim. I slightly screamed. Mabilis akong tumayo at saka lumapit sa kanya. Doon lang niya napansin na nagising ako.“What?” bungad niya nang lumapit ako sa kanya.“How dare you leave me there! There could have been a lurking creature waiting to kidnap me while you were busy here!”He sighed. “Devina, I'm just two meters away from you. I'd hear it if someone tried to kidnap you.”“What if…”Pero hindi ko

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 8

    I don’t know what I am going to do! I tried to trace the pathway, but I couldn’t find it. Pare-pareho lang ang nakikita ko, puro matatayog na punong kahoy. Nang sa tingin ko ay isang oras na akong naglalakad, tuluyan akong nanghina. Doon ako nagsisi na wala akong dinalang pagkain o tubig man lang. I seriously was even in a foul mood because I didn’t bring any sunscreen!“I am going to die here! Dammit!” galit at umiiyak kong sabi. I am too tired to walk anymore. Gutom na rin ako. I have my phone but it has no signal! Hindi ko inaasahan na wala ring silbi ang cellphone sa lugar na ’to. I have my cards but so what? Wala akong mapapaggamitan dito. I am really going to die here!I looked at my surroundings. There were only trees, stones, and wild grasses. May mga insekto at iba’t ibang tunog na galing sa kung ano man ang naninirahan sa gubat na ’to.“Can somebody hear me?” I screamed. Sinagot ako ng mga ibon sa taas. Tumingala ako sa mga sanga ng puno nang magsisayawan sila dahil sa malak

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 7

    Having interacted with Elijah for a while now, I noticed something in him. He acted like the jealous type pero kapag naman wala siyang rason para magselos, hindi ko alam kung nagseselos nga ba siya.He made me doubt everything, and it's making me even more obsessed thinking about him. Wala na akong maisip kundi kung nagseselos ba siya. If he's jealous, why is he damn acting cold afterwards? Para bang natatauhan siya matapos magselos kaya nagiging cold siya pagkatapos.“Let's go. Ang tagal niyo,” reklamo ni Maverick, kuya ni Monique.“Sorry, kuya. Hinintay pa namin si Devina.”Maverick let out a laugh. “I didn't expect you to come, Devina. This is not your thing.”Bahagya akong tumawa. “I don't know, Maverick. Maybe it will be my thing now?” I said, slowly turning to Elijah. I saw him clench his jaw in a hot damn way.“I usually go mount hiking. You can contact me if you want to do this again,” si Maverick na nakangisi sa akin.“Sure,” sagot ko.“Let's go, Maverick,” supladong sabat ni

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 6

    “Devina, are you coming or what?” tanong sa akin ni Kelsi.Kanina pa nila ako tinatanong kung sasama ba ako sa plano nilang mag-hiking sa gubat. Hindi ko alam kung paano nila naisip na gawin ito. Like, why not hike in a mall or take a trip outside the country? Why in a forest?Lahat sila sasama at excited. I couldn't find any excitement in it because seriously, mae-excite ka ba kung alam mong ilalabas mo ang kaluluwa mo kapag nagsimula na kayong maglakad sa matatarik na daan? I don't think so.Pero dahil lahat sila ay sasama, nagdadalawang-isip ako. Wala akong gagawin kung maiiwan ako.Meeting with Elijah is not an option. Na-unblock ko nga siya, pero ganoon din naman. Kapag nagbabalak ako na puntahan siya sa opisina niya, madalas ay wala siya.At ganoon din ulit. He's rude on call. Nawalan ako ng gana na makipag-usap sa kanya kung sa tawag lang din. Talking to him personally, I know he's rude already, but on the phone, he's rude and lazy. Kapag sa phone, nararamdaman mo na parang nap

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 5

    Gulat ako dahil sa pagtayo ni Elijah at gulat din ako sa pagtama ng labi ni Rio sa tenga ko. Medyo naguluhan ako kung alin ang una kong pupunahin. Pero dahil mas interesado ako kay Elijah, sa kanya natuon ang attention ko.But then I felt it again. Rio chuckled on my ear kaya itinulak ko na siya palayo sa akin. I glared at him afterwards.“Don’t do that!” galit kong baling sa kanya.“Damn, Devina. Why can’t you try dating me? Just give me a chance and I will make sure you will fall for me hard.”I stared at Rio. He is very handsome. He comes from an influential family. It’s just that you can’t like everyone on earth. Hindi dahil gwapo at mayaman ay magugustuhan mo. May mga bagay rin na basehan kung bakit ka nagkakagusto sa isang tao.“My God, Rio! There are millions of girls who want you. Pick one of them and stop bothering me.”He chuckled as he shook his head.“Let’s go and dance. There are some perverts on the dance floor. I will be your bodyguard.”I glared at him again.“I can ta

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 4

    People who wanted Elijah’s number should be jealous of me kasi ang dali ko lang nakuha iyon. I didn’t even sweat. Noong umuuwi ako galing sa kumpanya niya, ang saya-saya ko kasi nakuha ko ang contact niya. Akala ko dahil nakuha ko iyon ay mapapadalas na ang pag-uusap namin o ang pagkikita namin.How wrong of me.I don’t want to seem eager to see him kaya every other day ako tumatawag sa kanya para sana sabihin na pupunta ako sa opisina niya para magtanong. Kaya lang ay palagi siyang wala sa opisina niya. Naka-tatlong tawag ako na sinabi niya na wala siya sa kumpanya niya…kaya huwag na akong pumunta. May isang beses na nandoon siya. Kaya lang ay limang minuto lang akong nakaupo sa couch niya nang lumabas siya dahil may meeting siya. Kaya pala nasa opisina kasi may meeting.I tried again kasi baka matempuhan ko rin na nasa opisina siya at walang meeting. I would stay long in his office and observe what he would do whenever he was there. Pero hindi iyon nangyari.“I am not in my office.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status