"Pvtangina, Calvin! Isang pagkakamali lang 'yun! Hanggang kailan mo ipaparamdam sa'kin na wala akong kwenta?!" sigaw ko habang dinuduro siya. Nanginginig ang kamay ko sa galit, sa sakit, sa pagkabigo. Tapos sa kama, nakatapis lang ng kumot ang babaing tinikman niya, parang sanay na sanay na.
"Ito ba ang ganti mo? Ang makipagtalik sa iba?! Dahil lang sa pvtanginang pagkakamaling hindi ko nga maalala kung paano nangyari?!"
Pumapatak ang luha ko pero hindi ko pinahiran. Hayaan mo na, para makita niyang tao rin ako. Na nasasaktan. Pero wala, hindi niya man lang ako tiningnan. Para akong hangin. Para akong wala.
Kung hindi nangyari 'yung gabing 'yon kung hindi ako nagising nang hubo’t hubad katabi si Brent, kaibigan pa naming dalawa hindi kami aabot sa ganito. Hindi mababasag ang relasyon namin. Pero isang pagkakamali lang 'yon. Hindi ko sinadya. Wala akong maalala. Wala akong intensyon. At higit sa lahat mahal ko siya. Pero tila hindi na sapat 'yon.
"Bakit?" bulong niya, pero mariin, puno ng pangungutya, "Nasasaktan ka ba ngayon? Eh 'di ba ikaw ang unang tumikim ng ibang putahe?"
Parang binuhusan ako ng kumukulong tubig sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita.
"Alam mo kung anong itsura mo ngayon?" dagdag niya habang tumatawa ng mapait, "Mukha kang malinis. Pero para ka lang palang basahan. Madumi. Ginamit. Pinaglaruan."
Napakapit ako sa dresser. Nawala ang lakas ng tuhod ko.
"Isa kang kahihiyan, Aira. At ang mas masakit, ako ang pinakasalan mo. Ako ang pinili mong lokohin. Tangina, pinamukha mo sa’kin kung gaano ako katanga."
“Calvin, please…” Nanginginig ang boses ko. Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong sabihin. Paulit-ulit ko nang ipinaliwanag. Paulit-ulit ko nang humingi ng tawad. Pero paulit-ulit din niya akong nilalait. Pinandidirihan.
"‘Wag mo akong i-please please diyan, Aira," sambit niya. "Hindi na ako tanga. Alam mo ba kung anong pakiramdam ng uminom ka ng tubig tapos malalaman mong ihi pala ‘yon ng ibang lalaki? Ganyan kita nakikita ngayon. Ihing walang kwenta."
Napaupo ako sa sahig. Hindi ko na kayang tumayo. Hindi ko kayang panindigan ang sakit ng mga salitang binibitawan niya. Parang bawat kataga niya ay kutsilyong paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko.
“Mahal kita,” bulong ko, halos wala nang lakas ang tinig ko.
"Mahal? Tangina, 'wag mo nga gamitin 'yang salitang 'yan. Nilapastangan mo ang salitang 'mahal' nung pinabayaan mong ibang lalaki ang humipo sa katawan mo."
“Hindi ko nga ginusto ‘yon! Calvin, hindi ko alam kung paano nangyari—”
"Hindi mo alam? Hindi mo alam?! Anong klaseng babae ka na hindi alam kung paano ka natulog sa kama ng ibang lalaki?! Isang pvtang walang konsensya, ‘yun ka."
At doon ako tuluyang nabasag.
Yung buong pagkatao ko—lahat ng effort, lahat ng pagmamahal, lahat ng sakripisyo—nawala sa isang iglap. Parang hindi na niya ako kilala. Parang hindi na ako ‘yung babaeng pinakasalan niya, ‘yung babaeng minsan niyang sinabing mahal niya habang may luha pa sa mata.
“Calvin...”
Tumingin siya sa’kin na para bang diring-diri sa'kin.
"Huwag mo akong tawagin sa pangalan ko, Aira. Hindi mo na ako asawa. Hindi ko asawa ang babaeng nag-pabuntis sa kaibigan ko."
Napakurap ako. "Anong—anong sabi mo?"
Ngumisi siya. “Oo. Pinacheck ko na ‘yung test. Buntis ka. At hindi ako ang ama.”
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.
“Hindi… Hindi totoo ‘yan…”
“Diyos ko, Aira, kung gusto mo ng ibang lalaki, sana sinabi mo. Sana hindi mo na ako ginawang tanga. Pero hindi eh, pinilit mong magmukha kang inosente habang nilalaspag ka na ng iba.”
"Calvin…"
“Alam mo kung ano ka? Isa kang pagkakamali. At ‘di ko na kayang itama pa ‘to.”
Tapos ‘di na siya nagsalita. Umalis siya ng kwarto habang ako'y naiwan sa sahig, duguan ang puso, magulo ang isip, at basag na basag ang damdamin.
**AIRA’S POINT OF VIEW**Kinabukasan ng umaga, maaga akong bumangon. Wala pa ring tulog, pero sanay na ako. Kahit ilang gabi nang puyat, kahit ilang gabi nang tuloy-tuloy ang iyak ko, parang hindi na bago sa katawan ko ang pagod at sakit. Bumaba ako para maghanda ng almusal, kahit wala rin namang kasiguruhan kung kakain siya o itatapon na naman niya ang lahat. Pero siguro parte ‘yon ng pag-asang natitira sa’kin—‘yung kahit isang sulyap man lang ng dati niyang sarili, makita ko ulit.Habang nagluluto ako ng itlog at sinangag, narinig kong bumukas ang pinto sa taas. Mabigat ang hakbang niya pababa, parang galit na naman siya. Hindi ko alam kung bakit, pero araw-araw na lang parang kasalanan ko ang huminga.Paglapit niya sa dining table, hindi siya tumingin sa pagkain. Dumiretso siya sa upuan, nilapag ang dalang folder, at saka ako tinitigan.“Ano ‘yan?” tanong ko, tahimik lang, habang pinipilit na hindi mabasag ang boses ko.“Sit,” utos niya, malamig.Sumunod ako. Umupo ako sa tapat niy
**AIRA’S POINT OF VIEW**“Magbihis ka. We’re leaving at 6.”‘Yun lang ang sinabi niya nang pumasok siya sa kwarto habang nagsusuklay ako. Walang paliwanag, walang tanong, walang kahit anong emosyon sa boses niya. Ganoon na talaga siya nitong mga araw—parang robot na walang nararamdamang awa. Kahit galit niya, hindi na umaapoy. Malamig. Tahimik. Mapanakit.“Anong meron?” tanong ko, pilit pinapakalma ang boses ko.“Dinner party. Company event. May image tayong pinoprotektahan, tandaan mo ‘yan.”Tumango na lang ako. Hindi ko na sinundan pa. Alam ko na ang ibig sabihin ng bawat salitang binitawan niya: kailangan kong sumama, kahit na hindi ko gusto, kahit na masakit, kahit na pinipilit ko pa lang buuing muli ang sarili kong durog.Lumipas ang oras at mag-a-alas sais na, nakaayos na ako. Nakasuot ako ng puting dress na pinili ko para hindi masyadong pansinin. Gusto ko lang maging invisible sa gabing ‘yon. Ayokong maging sentro ng usapan. Ayokong mapansin ng kahit sino. Gusto ko lang matapo
**AIRA’S POINT OF VIEW**Mag-aalas dose na ng gabi. Tahimik ang buong bahay maliban sa mahinang tunog ng aircon sa kwarto. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga, bitbit ang labahin na naiwan ko kaninang hapon. Hindi ko na sana babalikan, pero may mga damit ni Calvin na kailangang plantsahin. Ayoko na namang makarinig ng panibagong puna sa hindi ko pagganap sa “trabaho ko.”Tahimik akong bumaba ng hagdan. Wala akong suot kundi oversized shirt at shorts. Wala namang ibang tao sa bahay, at sanay na rin akong walang pumapansin sa’kin. Pero habang bumababa ako, may narinig akong mahinang boses galing sa study room ni Calvin. Mahinang tawa. Boses ng babae.Napahinto ako. Maingat akong lumapit sa pintuan, nakabukas ito nang bahagya. Hindi ko naman intensyong makinig, pero nung marinig ko ang mahinang, “I miss you, love,” galing sa screen ng laptop niya, parang hindi na ako makagalaw.Sumilip ako. Naroon si Calvin, naka-upo sa harap ng laptop, nakangiti.Hindi ko na maalala kung kail
**AIRA'S POINT OF VIEW**Hindi ko alam kung paano kami nauwi sa ganito. Dati, sabay kaming nag-aayos ng bahay tuwing may bisita. Tawa kami ng tawa habang naglilinis, habang nagluluto. Pero ngayon, ako lang. Ako lang lahat. Ako lang ang gumigising ng maaga para maglinis. Ako lang ang nagluluto. Ako lang ang umaasa.Simula nang nahuli niya ako kay Brent, parang naging ibang tao si Calvin. Hindi na siya ‘yung lalaking minahal ko. Hindi na siya ‘yung lalaking niyakap ako habang sinasabi niyang ako lang sapat na. Ngayon, parang isa na lang akong alila sa sarili kong tahanan.“Maglinis ka sa sala,” malamig niyang utos habang papasok siya ng bahay, bagong galing sa office. “Ayoko ng may alikabok. May bisita akong darating mamaya.”Napatingin ako sa kanya. Wala man lang ‘hi’, wala man lang tanong kung kumain na ako o kung okay lang ba ako. Pero ayoko na ring umasa.Tumango lang ako. “Sige.”“Ano ‘yung sagot?” tanong niya, taas kilay. Parang hinihintay akong magmakaawa o magpakababa.“Okay,” s
**AIRA'S POINT OF VIEW**Sabi nila, kapag mahal mo, ipaglaban mo. Kahit masakit. Kahit nakakatanga. Kaya kahit paulit-ulit akong nasasaktan, kahit paulit-ulit niya akong tinutulak palayo, pilit pa rin akong kumakapit. Kasi iniisip ko, baka kailangan lang niya ng oras. Baka galit lang siya. Baka bukas, makausap ko na siya. Baka bukas, maalala niya na asawa niya pa rin ako.Kaya eto ako, hawak ang lunchbox na niluto ko magdamag. Yung paborito niyang beef salpicao, may garlic rice, tsaka mango float na minartilyo ko pa talaga ng yelo para malamig pa rin pagdating ko. Alas-onse pa lang ng umaga, nasa labas na ako ng Villamonte Industries. Nahihiya ako, oo, pero mas matimbang ‘yung pag-asang baka this time, pakinggan na niya ako.Pagdating ko sa lobby, pinigilan ako agad ng receptionist.“Ma’am, do you have an appointment with Mr. Villamonte?” tanong niya na may halong kaba. Mukhang kilala na niya ako.“Wala,” sabi ko, pilit na ngumiti. “Asawa niya ako.”Nagtinginan yung ibang staff. May i
**AIRA'S POINT OF VIEW**Simula nung gabing ‘yon, parang may namatay sa loob ng bahay namin. Si Calvin? Hindi ko na siya maramdaman. Wala na ‘yung lalaking kahit kailan hindi ako pinabayaan. Wala na ‘yung ngiti niya sa tuwing umuuwi siya galing trabaho, wala na rin ‘yung mga yakap niya bago kami matulog. Ang naiwan sa akin ay katahimikan masakit, mabigat, nakakabingi na katahimikan.Gusto kong maniwalang galit lang siya, gusto ko sanang isipin na lilipas din ‘to. Pero habang tumatagal, lalo lang niyang pinapatunayan na hindi niya ako kayang tingnan. Hindi niya ako kinakausap. Hindi niya ako tinitingnan. Para akong multo sa sariling bahay.Alas syete pa lang ng umaga gising na ako. Nagluluto ako ng paborito niyang almusal—corned beef na may sibuyas at itlog na sunny-side up. Inayos ko pa nga ‘yung mesa, nilagyan ko ng bulaklak sa gitna para kahit paano, may effort. Pero hindi siya bumaba. Wala akong narinig kahit yabag niya. Kaya ako na ‘yung umakyat.Kumatok ako sa study niya. "Calvin