AIRA'S POINT OF VIEW
Masakit ang ulo ko. Para akong nilulunod sa isang panaginip na hindi ko maintindihan. Mabigat ang talukap ng mga mata ko, parang binugbog ang katawan ko, at may kung anong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag sa loob ko kahit pa hindi pa ako tuluyang gising.
Unti-unti kong iminulat ang mata ko, pilit inaaninag ang paligid. Malamlam ang ilaw, malamig ang hangin, at amoy hotel linen ang kama. Kumurap ako. Ilang segundo bago ko tuluyang naintindihan ang sinasabi ng katawan ko wala akong saplot.
Hubo’t hubad ako.
At sa tabi ko… naroon si Brent.
Si Brent. Kaibigan ni Calvin. Matagal nang kaibigan. Matagal na rin niyang gustong lapitan pero hindi ko kailanman binigyan ng dahilan. At ngayon? Katabi ko siya. Hubad din. Tulog. Mukha pang kontento, para bang panalo siya sa isang larong hindi ko alam na nilalaro namin.
"Putangina..." bulong ko, nanginginig ang boses. “Anong nangyari...?”
Tumayo ako agad. Tinakpan ko ang katawan ko ng kumot. Nanginginig ang mga kamay ko habang sinusubukang maghanap ng anumang ebidensyang magpapaliwanag kung anong nangyari. Pero wala. Walang memorya. Wala akong maalala. Kahapon, nasa bahay ako. Then may dinner... may wine...
May wine.
Brent gave me wine.
And now.. this.
Napapikit ako. Gusto kong magsisigaw. Gusto kong isuka ang lahat. Hindi ko alam kung anong ginawa niya. Pero higit sa lahat, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ‘to kay Calvin. Dahil kahit ako, hindi ko alam ang sagot.
At parang sinadya ng tadhana na sabay sa gulo ng utak ko, bumukas ang pinto.
"Aira?"
Boses iyon na alam na alam ko. Boses ng lalaking minahal ko. Boses ng asawa ko. Si Calvin.
May hawak siyang bouquet ng puting rosas. Suot niya ang paborito kong coat niya gray na may black lapel. Naka-smile pa siya nung una... until nakita niya kami.
Ako. Nakatayo, nakabalot ng kumot, mukhang multo. At si Brent, nakahiga pa sa kama. Wala pa ring saplot. Sa kama namin ngayon.
Para akong binuhusan ng kumukulong tubig. At si Calvin para siyang sinaksak ng libong beses ng kutsilyo sa mata. Nalaglag sa sahig ang mga bulaklak. Dahan-dahan. Pero ang titig niya, nanlilisik. Namumuo ang galit sa bawat hibla ng katawan niya.
“What the fvck is this?” tanong niya. Hindi sigaw. Pero mas nakakatakot dahil sa sobrang lamig. “Tell me this is a joke, Aira.”
“Calvin... please...” nanginginig kong sabi. “Hindi ko alam... hindi ko—”
“Don’t fvcking lie to me!” sigaw niya bigla. Umalingawngaw sa buong silid. Tumigil ang mundo ko. “Nakikita ko na, Aira! Nakikita ko kayong dalawa! Nasa kama kayo! Hubad! Tangina, huwag mo akong gawing tanga!”
Lumapit siya sa kama, sinipa ang mesita sa tabi nito. Tumilapon ang mga baso, ang bote ng wine na iniwan ni Brent. Si Brent? Umupo lang. Naka-kunot ang noo pero may ngiting tagumpay. Wala siyang sinabing kahit ano.
“You fvcked him,” sabi ni Calvin, dumuduro. “You fvcking cheated on me, Aira!”
“Calvin, hindi ko ginusto ‘to—”
“Shut the fvck up! Hindi mo ginusto? N*******d ka sa kama kasama ang kaibigan ko at sasabihin mong hindi mo ginusto?! You think I’m that fvcking stupid?!”
Tumulo na lang ang luha ko. Wala akong masabi. Wala akong paliwanag na pwedeng tanggapin niya. Kahit pa sabihin kong wala akong maalala. Kahit pa sabihin kong parang nilason ako.
“Minahal kita, Aira. Pvtangina, minahal kita! Lahat ginawa ko para sa’yo. Iniwan ko ang mundo ko para buuin ang sa atin! Tapos gaganituhin mo ako? Sa ganitong paraan pa talaga?!”
Lumapit siya, halos isang dangkal na lang ang pagitan naming dalawa. Nanginginig ang panga niya sa galit. Namumula ang mata. Halos hindi na siya makahinga.
“You’re fvcking disgusting,” bulong niya. “Wala ka palang pinagkaiba sa mga babaeng ginagamit lang ang lalaki para sa pera. Para sa pangalan. Sa status. Akala ko ikaw ‘yung iba. Akala ko totoo ka. Pero ikaw pa pala ‘yung pinakamasahol.”
“Please... pakinggan mo muna ako...”
“Pakinggan kita? Para saan? Para makalikha ka pa ng mas convincing na kwento? Para sabihin mong hindi ka lang makatanggi sa tukso?! Don’t fvcking insult my intelligence, Aira.”
Suminghot ako. Hindi ko na kinaya. Umupo ako sa gilid ng kama, yakap-yakap ang sarili kong katawan. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit ang mga salita niya o ang paraan ng pagtitig niya sa’kin na para bang isa akong bagay na dapat lang itapon.
“You make me sick,” dagdag pa niya. “Alam mo bang muntik na kitang ipaglaban sa buong mundo? Pinlano ko pa ngang i-surprise ka today. I was ready to forgive you sa mga tampuhan natin these past weeks. Pero ‘to pala ‘yon? Ito pala ang dahilan kung bakit lumalamig ka?”
Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko wala na akong karapatang huminga.
“Pvtangina mo, Aira,” bulong niya. “You broke me.”
“Calvin...”
“I loved you. I fvcking trusted you. Pero nilamon mo lahat ng ‘yon para lang sa isang gabi kasama ang hayop na ‘to.”
“Hindi ko siya pinili. Hindi ko—”
“Liar!” singhal niya. “Mas gusto mo ng hayop kaysa sa’kin?! Mas pinili mo ‘tong ahas na ‘to?!”
Sa wakas, nagsalita si Brent.
“Calvin... maybe you should calm down. Baka hindi mo alam lahat ng—”
“Shut the fvck up, Brent! Wala kang karapatang magsalita! Ikaw pa talaga? Kaibigan kita! Putangina, sa lahat ng tao, ikaw pa! Alam mong mahal ko ‘tong babae na ‘to! Alam mong siya lang ang mundo ko! Tapos babuyin niyo lang?!”
Natahimik si Brent. Pero hindi niya nawala ‘yung ngiti niya. Parang alam niyang panalo na siya. At ako? Ako ‘yung talunan sa lahat ng ito.
Calvin huminga ng malalim. Tumalikod. Tapos humarap ulit.
“You’re dead to me, Aira,” aniya. “As far as I’m concerned, wala na akong asawa. Walang Aira. Walang tayo. Nakakadiri ka,"
Nanginig ang buong katawan ko. Parang binasag ang puso ko sa harap ko. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Hanggang sa wala na akong naramdaman kundi sakit. Hindi ako nakasigaw. Hindi ako nakapagsalita. Umiyak lang ako.
Wala na akong laban.
Binasura niya ako at hindi ko siya masisisi.
Calvin umalis. Malakas ang pagbagsak ng pinto. At naiwan ako roon hubo’t hubad sa tabi ng lalaking hindi ko minahal, sa kama ng pagkakamaling hindi ko ginusto. Habang ang tanging iniwan sa akin ng lal
aking minahal ko... ay ang mga salitang hindi ko na kailanman makakalimutan.
You’re dead to me.
**AIRA POV**Walang araw na lumilipas na hindi ko tinatanong ang sarili ko kung saan ako nagkamali. Paulit-ulit kong iniisip kung saan ko siya hindi naintindihan, kung saan ko siya nasaktan, kung anong pagkukulang ko bilang asawa. Sa dami ng tanong, wala akong makuhang sagot—puro lang sakit, puro lang luha, puro lang takot.Pero ngayong araw, iba.Dahil ngayon, napuno na ako.Tumigil na ang katahimikan ko. Natabunan na ng mga sugat na hindi ko na maitago. Sapat na ang bawat gabi ng pag-iyak sa unan, sapat na ang mga umagang pinipilit kong ngumiti kahit wala nang dahilan. Ngayon, hindi na ako magpapakain sa galit niyang hindi ko naman kasalanan.Tumayo ako mula sa sahig kung saan ako nakaluhod kanina habang pinupulot ang basag na laptop. Nilinis ko ang mukha kong basang-basa ng luha, pinunasan ang punit-punit kong dignidad, at dahan-dahang lumakad palabas ng kwarto.Ramdam ko pa ang panginginig ng binti ko habang bumababa ng hagdan pero pinilit ko. Dahan-dahan akong lumapit sa study ni
**AIRA POV**Hindi ko inasahan na aabutin niya ako. Akala ko ligtas ang araw na ’yon. Maingat akong kumilos. Maingat kong itinago ang mga papel. Hindi ako nag-iwan ng kahit anong bakas. Lahat ng email, dinelete ko agad. Lahat ng call history, tinanggal ko. Pero mali ako. Sa bahay na ito, kahit huminga ka ng ibang paraan, alam niya.Maaga akong gumising para magpadala ng email sa abogado ko. Isang USB ang hawak ko, nandoon ang mga picture ng mga dokumentong pinapirmahan niya sa’kin nung may sakit ako. Isa lang ang goal ko: malaman kung legal pa ba ang pagkakatira ko sa bahay na ‘to, at kung may karapatan pa ba ako sa mga gamit, lupa, o kahit man lang sa sarili kong pangalan.Walang kaabog-abog, habang nagsusulat ako ng email, bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napalingon ako, agad kong tinakpan ang laptop.Calvin.Nakatayo siya sa pintuan, suot ang itim niyang long sleeves na laging amoy mamahaling pabango. Pero wala akong naramdamang kilig. Lahat ng meron lang, takot.“Anong ginagawa mo?
**AIRA POV**Tahimik ang buong bahay habang nakaupo ako sa gilid ng kama. Hawak ko ang maliit na papel kung saan nakasulat ang pangalan ng isang abogadang ni-refer ng isang dating kakilala. Mula sa cellphone kong luma na’t may lamat ang screen, paulit-ulit kong binabasa ang pangalan ng contact. Ilang ulit ko na siyang tinawagan sa isip ko pero hindi ko pa rin maipindot ang call button.Takot.Oo, takot akong malaman ang totoo. Takot akong marinig kung gaano na ako kawala sa sarili kong buhay. Pero mas takot akong tuluyang mamatay sa piling ng lalaking dati kong minahal nang buo pero ngayo’y tinitingnan lang ako na parang wala akong kwenta.Lumalim ang buntong-hininga ko. Wala na akong pwedeng balikan. Hindi ko na rin kayang umasa kay Calvin. Sa lahat ng ginawa niya—pagbaba ng tingin sa akin, pagdadala ng mga babae sa mismong bahay namin, pagpilit sa akin na pirmahan ang mga papeles kahit may sakit ako, at ang walang puso niyang pananatiling tahimik habang unti-unti akong nauubos—alam
**CALVIN POV**Hindi ko inaasahan na babalik pa si Lianne. Isa siya sa mga babae kong ginamit. Literal. Isa sa mga babaeng pumasok lang sa bahay para magpanggap na kasiyahan ko, para saktan si Aira, para may masabi ang mga tao sa paligid na hindi ko na siya pinapahalagahan.Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung ilang babae na ang dinala ko rito. Lahat sila, walang pangalan sa akin. Wala silang kahulugan. Lahat sila, kasangkapan lang sa plano kong sirain si Aira—yung sakit na dinulot niya, gusto kong ibalik ng doble.Pero iba si Lianne. Hindi dahil espesyal siya, kundi dahil siya ang una at kaisa-isang babaeng binalikan ko kahit isang beses lang. Hindi ko alam kung dahil ba sa tahimik siya o dahil hindi siya tulad ng iba na puro landi at papansin. Pero nung gabing ‘yon na dumaan siya sa bahay, akala ko isa lang ulit siyang distraction. Wala. Walang kwenta. Pansamantalang aliw lang sa panahong puno ako ng galit.Pero hindi ko inaasahan ang mga salitang binitiwan niya.Nasa study ako n
**CALVIN POV**Hindi ako makatulog ng maayos. Sa bawat gabi na ipipikit ko ang mata ko, ang mukha niya ang una kong naaalala. Hindi yung Aira na galit. Hindi rin yung Aira na umiiyak. Kundi yung Aira na tahimik. Yung Aira na wala nang pakialam. Yung Aira na hindi na ako kilala, hindi na ako pinapansin, at hindi na ako mahal.At doon nagsimula ang lahat ng panaginip.Sa panaginip ko, nandoon ako sa loob ng bahay. Pareho pa rin ang itsura ng paligid. Ang hallway, ang sala, ang mga kurtina, pati ang amoy ng lumang kahoy sa hagdan ay ganoon pa rin. Pero may kulang. Tahimik ang buong bahay. Wala ang mga kasambahay. Wala ang mga tunog ng yapak sa tiles. Wala ang ingay ng kutsara’t tinidor sa kusina. Wala si Aira.Hinahanap ko siya. Tinatawag. “Aira!” paulit ulit, habang kinakabahan akong binubuksan ang bawat pinto. Pero wala siya. Ang kama namin, magulo. May mga gamit na wala sa mga drawer. Ang closet niya, bakante. Lahat ng damit niya, nawala na. Kahit ang paborito niyang beige na trench c
**AIRA POV**Isang gabi habang naglalakad ako mula sa banyo papunta sa kwarto, bigla akong nakaramdam ng matinding sakit sa bandang ibaba ng tiyan ko. Parang may humila sa loob, parang may pilit na gustong kumalas. Napahawak ako sa tiyan ko, napasandal sa dingding, at hindi ko na mapigilan ang panginginig ng tuhod ko.Nanlalamig ang mga palad ko habang humihinga ng malalim. Pinipilit kong pigilan ang pagpanik pero ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ito normal. Hindi ito yung mga sakit na madalas kong maramdaman noon. Iba ito. Parang may hindi tama.Dahan-dahan akong lumakad papunta sa kama, nanginginig pa rin. Nang makaupo ako, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Pilit kong niyayakap ang sarili ko, pilit kong sinasabi sa anak ko na kakayanin ko ito. Na hindi siya mawawala. Na hindi ko siya pababayaan.Pero sa likod ng lahat ng panalangin ko, isang takot ang sumisigaw sa utak ko.Paano kung mawala siya?Paano kung hindi ko siya mailigtas?At ang mas masakit, pa