Hope
Ang pagtatapos ng isang araw ay kaakibat ng bagong kinabukasan. Alam kong darating ang panahon na tuluyang maghihilom ang masasakit na ala-ala. Lalo na ang pagkawala na siyang nagsisilbing buhay mo.
👨⚕️HIDEO ADONIS CANLIAGN
Napatingin ako sa altar at nag sign of the cross. Napatayo ako mula sa pagkakaluhod. Huminga ako ng malalim. After a month ay muli ko siyang dadalawin sa kanyang puntod. Napatingin ako sa gawing kanang and I saw a woman. Nakabelo siya at taimtim na nagdarasal, inalis ko ang pagkakatingin sa kanya saka tumalikod at naglakad palabas ng Cathedral.
Napahinto ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko ito inasahan sapagkat wala naman sinabi sa news na bubuhos ang ulan ngayong araw.
Kailangan ko mabalik ng HC after kong dalawin saglit si Sychelle.
Tumingin akong sa wrist watch ko. Mayroon nalang akong two hours upang makabalik. Grabe pa naman traffic sa Manila. Hahakbang na sana ako ngunit biglang humihip ang hangin.
"Oh my..."
Nadaplisan ng basa ng ulan ang polo na suot ko. Kulay aquamarine blue pa naman. Kinuha ko sa bulsa ko ang isang panyo. Napangiti lang ako nang makita ko iyon. Ito pa rin ang panyo na binigay sa 'kin nung babae noon. Dinampi ko iyon sa mukhang kong nabasa.
"Excuse me..."
Napalingon ako at nabigla. Nakatakip pa rin kasi ng belo ang babae. Tapos kami lang ang nandito sa Cathedral. Inilahad niya ang isang payong.
"Gamitin niyo po, mukhang kakailanganin niyo po yata..." She politely uttered.
"Ah, no thank you. I'll wait the rain to stop."
"H'wag na po kayong mahiya. Kayo rin po, baka mahuli kayo sa pupuntahan ninyo."
Napatingin lang ako sa payong.
"How about you? You have another umbrella there?"
"H'wag niyo po akong alalahanin, hanggang mamayang gabi pa naman po ako rito sa Cathedral."
Wala akong choice kundi tanggapin ang payong. Wala pa ring humpay ang ulan.
"Thank you..." Nakangiti kong saad.
"Papasok na po uli ako," sagot niya saka tumalikod at pumasok muli sa loob.
Binuksan ko ang payong at naglakad patungo sa kotse ko. Pagkapasok ko sa loob ng kotse ay muli akong napatingin sa Cathedral. Thanks to her.
Bale sa susunod ko nalang dalawin and puntod ni Sychelle dahil malakas pa rin ang pag-ulan.
Hopefully ay nakarating ako ng on time sa HC Medical City. Kaagad kong isinuot ang white coat ko na siyang naka-hanger sa likuran ng kotse ko.
Habang nalalakad ako sa pasilyo ay maraming mga Nurses and Doctors ang yumukod sa'kin. Sumakay ako sa elevator. Napahinto sa pag-uusap ang mga nakasakay na nurses doon nang makita ako. Kaagad nila akong binati at namula ang mga mukha nila nang batiin ko sila pabalik.
Nasa 5th floor ang opisina ko. Naglalakad ako ako sa pasilyo patungo nang may natanaw akong babae. Sobrang ikli ng suot. Akala mo nasa fashion show. Tapos hospital ito. She's a little bit familliar to me. Naiilang akong tingnan siya dahil sa suot niyang kinulang yata sa tela. Tila gusto kong ipantakip ang mahabang white coat ko sa kanya dahil sa suot niya.
"Hi Dok Canliagn!" nangunot ang noo ko. Inayos ko ang antipara ko. Inaalala ko kung sino siya o kung saan ko siya nakita. Ang kapal pa man din ng kolorete niya sa mukha.
"Excuse me? What can I do for you Miss?" I asked politely.
She just giggled. Iniipit niya ang buhok niya sa tainga niya.
"You don't remember me? I'm the sister of Doktor Rat Velaroza and Nurse Mice. Niniana Nuneigh Karlene Avarona Velaroza." Masayang sambit niya.
Wait, parang nahilo ako sa haba ng pangalan niya? It's that really a name?
"Oh... okay?"
Hindi ko talaga siya tanda.
"Hey! Ako 'yung kasama ni Mice last birthday mo?"
Nag fake smile ako. Nagiging uncomfortable na ako. Sa pagkakatanda ko ay may naka-trouble ang kapatid kong si Harmony last birthday ko. Napakadaya kasi ng isa pang bestfriend kong Yang Xi. Buong akala ko ay iinom din. Pero naalala ko na hindi pala umiinom ang taong 'yon. Mataas kasi ang risk niya sa cancer kaya healthy life style siya.
"Ah, okay. I remember." I lied, gusto ko na talagang makapasok sa loob ng opisina ko. "What can I do for you?" tanong ko muli kasi baka gusto niya magpa check-up.
She exclaimed at biglang kumapit sa braso ko.
Wait? What's happening here?
"Yes! So, are you free today Dok?"
Gusto ko na kilabutan sa ikinikilos ng babaeng 'to.
"Miss Velaroza It's my working hours right now. Please take off your hands on me?" I apologetically said.
Bigla siyang napabitaw.
"Oh, sorry. How about later?" tanong niya muli.
"OT ako, and I don't have any time for that kind of stuff right now. I need to go inside my clinic office."
Kumapit siyang muli sa braso ko. Iniiwasan kong mainis dahil mabilis tumaas ang blood pressure ko.
Saktong kaliliko ni Harmony sa pasilyo kung nasaan kami ng babae. Nagtinginan kami. Nanliit ang mga mata niya. Nag-hand sign ako at alam na niya ang ibig sabihin nito. May mga code gesture kaming magkapatid na kami lang dalawa ni Harmony ang nakaka-gets.
Kinuha niya ang isang chart sa dumaan na nurse. Mabilis siyang lumapit sa 'min.
"Hey! You!" inihampas niya ang hawak na chart sa babae. "Get off your filthy hand of yours to my brothah!"
Aba, uma-accent ang kapatid ko.
"Ouch! How dare you!" asik ng babae.
Pero patuloy lang siyang hinahampas ni Harmony. Support ako sa pagka spoiled ng kapatid ko. Lalo na sa kamalditahan niya. Kapag kasi 'di nasunod ang gusto niyan ay nagwawala siya. Tataas lang ang dugo ko kaya hinahayaan ko na lang. At napakaselosa pa man din. Ayaw na may umaaligid sa 'kin lalo na kung ayaw ko rin ang babaeng 'yon. Hindi man siya lumaki na kasama ako palagi ay natutuwa ako sa closeness na mayroon kaming magkapatid.
Tulad nitong kapatid ni Dok Velaroza. Bahala na si Harmony sa kanya.
"Go inside your office Dok. Ako na ang bahala sa babaeng 'to!"
Pagkasabi niya no'n ay kaagad akong pumasok sa loob ng opisina ko."Phew..."
Pakiramdam ko ay na-harassed ako ng 'di oras.
"Finally, you're here."
Halos atakihin ako sa puso na napalingon sa may sofa.
"What the—syringe!" napahawak ako sa dibdib ko. It's none other than my bestfriend. Yverdon Angelus 'Satan' Xi. Her nickname is 'Yang'
Abala siya sa pag-inom ng tea. Nakataas pa ang paa ng hudas!
"Kanina ka pa ba nandirito?" tanong ko. Kung ganoon naman pala ay bakit 'di niya ako tinulungan nung hina-harassed ako nung kapatid ni Dok Velaroza?
"Actually, nandito sa loob ng opisina ang babaeng nangungulit sa 'yo kanina. Pinalayas ko."
Umupo ako sa swivel chair ko. Ang creepy naman.
"By the way, bagay ba sa'kin?" muli akong napatingin sa kanya. Suot niya ang isang white coat ko.
"Hey! That's mine! Take it off!"
Nangisi siya. Hinubad naman niya iyon. Napakalakas talagang mang-asar kahit kailan.
"Oh, saluhin mo." Ibinalibag siya sa 'kin 'yon at sumakto sa mukha ko.
"Hindi bagay sa 'yo mukha kang satanas na Doktor." Pang-aasar ko na kinatawa niya.
"Nandito ako upang ayain ka mag-spa mamaya. May bagong bukas sa F Hotel. Binigyan ako ng delux card ng may-ari na feeling gwapo kagaya mo."
Napahawak ako sa batok ko. Mukhang need ko na nga mag-relax.
"Sige, i-cancel ko ang OT ko for the sake of you."
"So sweet." Ibinato naman niya sa 'kin ang isang delux card. Nasalo ko naman 'yon.
"Pag-uusapan din natin ang patungkol sa kasunduan para sa mga kapatid natin. You know what I mean."
I just sighed. Alam ko ang kahihinatnanan non.
Una, magwawala ang kapatid ko.
Pangalawa, maglalayas ang kapatid ko. Pangatlo, baka ipapapatay niya ako at Yang Xi.Goodluck nalang talaga.
--
📿Marikah Sychelle MoralesPasay City, Manila
"Welcome home Marikah!" Salubong sa 'kin ni Clarrina pagkakatok ko sa kanyang condo unit. Hindi ko pa nga sure kung ito talaga 'yon kanina.
Dala ang ilang mga gamit ko ay bumiyahe ako patungo rito. Kahit na alam kong labag sa kalooban nila Lolo at Lola ay tumuloy pa rin ako.
Pumasok ako sa loob. Kasya lang sa dalawang tao ang loob ng condo ni Clarina. Basta, kapag sumahod ako sa papasukan kong Hospital ay hahatian ko siya sa gastusin dito. Nahihiya rin kasi ako kahit na siya ang nag-offer sa 'kin na rito manuluyan.
Nagsabi naman ako kila lolo at lola na lagi ko siyang ite-text sa mga nangyayari sa 'kin dito.
"Ilagay mo na rito ang mga gamit mo." Iginiya niya ako sa magiging kwarto ko. Pwede naman na 'yon. Nakakapanibago lang dahil nasanay talaga ako sa probinsya.
"Maraming salamat talaga Clarina ha?"
Ngumiti siya sabay niyakap ako.
"Ano ka ba, maliit na bagay. Parang wala naman tayong pinagsamahan e,"
Niyakap ko siya pabalik.
"Salamat pa rin. Basta, pagbubutihan ko bukas sa interview."
"Nako! Excited na akong makasama ka. Ang hirap din kayang mag-isa rito."
Ngumiti lang ako. Napatingin ako sa suot niya. Sobrang ikli ng shorts niya at halos litaw na ang dibdib niya sa suot niyang tube. Ang lakas pa naman ng aircon niya sa buong condo.
"Hindi ka ba lalamigin d'yan sa suot mo?" Napatingin siya sa suot niya. Kumpara kasi sa suot ko na napakahabang palda at naka long sleeves ako.
"Dito ako kompartable e, ayun, tara? Let's eat? Pinagluto kita." Hinila niya ako palabas ng kwarto.
Lahat ng bagay na natatamasa niya ngayon ay wala pa siyang isang taon dito sa Manila. Gano'n ba talaga kataas ang sinasahod ng isang model?
Alam ko rin naman ang mga pinagdaanan niya lalo na nung naglayas siya kasi nalaman niya na ampon lang siya.
Sabay kaming umupo. Nagluto siya ng menudo at tinola. Iyon kasi ang paborito naming dalawa.
Hindi ako alam. Kahit na nandito ako sa isang lugar na pinapangarap na tirhan ng karamihan ay tila hindi ako masaya. Parang peke ang lahat ng kinang na nakikita ko.
Palibhasa, kung nasaan ang pera ay nandoon din ang kasalanan.
--
Final ChapterParis, FranceTahimik kaming nakatayo ni Marikah sa loob ng Musée d'Orsay, sa gitna ng sining at katahimikan ng Paris, habang pinagmamasdan ang isang obra na minsang isinilang mula sa pangarap at pagdurusa.Heal the World—ang pamagat ng painting ni Sychelle. Ang kanyang huling obra. Ilang taon ko itong iningatan, hanggang sa ibalik ko ito sa kanyang mga magulang, upang maibahagi sa mundo, dahil ito ang isa sa kanyang pangarap na mapabilang sa kasaysayan ng sining.Sa mata ng marami, isa itong obra maestra. Sa akin, isa itong paalala ng isang pag-ibig na minsang naging lahat, at isang pagkawala na muntik nang sirain ang kabuuan ko.Pinagmasdan ko ang bawat hagod ng brush na banayad, masuyo, at buhay. Naririnig ko pa rin ang tawa niya noon habang ginagawa ito, habang binubuo niya ang mundong nais niyang paghilumin.“She would’ve loved this,” mahina kong bulong, halos kinakausap ko ang alaala.Tumingin sa akin si Marikah, pinisil ang kamay ko, at ngumiti."And now, the wor
New LifeSa dulo ng panalangin, ikaw ang sagot,Pag-ibig na sa sugat ay naging gamot.Mula sa abo ng kahapon, tayo'y bumangon,Bagong buhay, sa puso'y muling ibinangon.Sa hakbang ng pag-ibig, tayo'y magkasabay,Sa mata ng Maylikha, ito'y isang tunay.Marikah at Hideo, kwento ng paghilom—Pag-asang sumibol sa pusong pagod at buo.🌻 MARIKAH SYCHELLE Present...Napapikit ako nang bahagya habang sinasagap ang malamig na simoy ng hangin. May kakaibang katahimikan sa paligid na hindi malamig sa loob, kundi payapa. Ramdam ko ang banayad na haplos ni Hideo sa aking umbok na tiyan, na para bang pinaparamdam niya sa anak naming nasa sinapupunan ang init ng kanyang pagmamahal.Buong puso ang pasasalamat ko sa sandaling ito at buo kami. Magkasama kaming dumalaw sa mga mahal namin sa buhay na pumanaw na. At kahit may kirot pa ring naiiwan, dama ko ang kanilang kapayapaan. Nakamit na ni Lola Perla ang hustisya para kina Mama at Papa, at kung nasaan man silang lahat ngayon, alam kong hindi sila k
Ang masasabi ko lang... napakasarap palang maging isang ama.Sa bawat araw na lumilipas habang unti-unti akong nagpapagaling mula sa operasyon, kasabay rin nito ang patuloy na pag-usad ng kaso laban kay Hera. Habang ang hustisya ay dahan-dahang lumalapit, isang bagong yugto naman ang buong-buo nang humalili sa puso ko ay itong pagiging ama.Isang buwang gulang na ang anak namin ngayon.At sa umagang ito, heto kami sa hardin ng mansyon. Nakahilig siya sa aking dibdib habang maingat kong iniaalay ang kanyang balat sa malambot na sinag ng araw. Tahimik ang paligid, tanging huni ng ibon at pagaspas ng hangin sa dahon ang maririnig.Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko si Lolo Pedro. Itinutulak ni Lola Perla ang kanyang wheelchair habang paikut-ikot sila sa paligid, tila ba tinatanaw ang bagong pag-asa na isinilang sa gitna ng unos.Kanina'y nilapitan nila kami. Hindi mapigilan ni Lolo Pedro ang mapangiti habang pinagmamasdan ang kanilang apo sa tuhod. Halatang labis silang natutuwa.Siguro'y m
JusticeAng tunay na katarungan ay hindi lamang paghihiganti, kundi ang pagbibigay ng nararapat sa bawat isa—pantay, makatao, at makatarungan.👨⚕️HIDEO ADONIS5 Years Ago...At ako'y tuluyang nagising.Matapos ang matagumpay na open-heart surgery na isinagawa ni Dok Ivo sa akin, hindi lamang siya asawa ng aking kapatid— kundi siyang pinaka pinagkakatiwalaan kong doktor sa puso ko s aking cardiac health. Sa bawat tahi at bawat tibok na muling naibalik, alam kong isa itong panibagong simula ng buhay ko. Inilipat ako mula ICU patungong Recovery Room matapos maging stable ang mga vital signs ko. Tatlong araw pa akong nanatili roon para sa masusing monitoring. Ngunit ang tunay na hamon ng paggaling ko ay hindi pisikal. Ang pinaka mahirap ay ang hindi sila mayakap.Labis ko nang hinahanap ang mag-ina ko. Araw-araw ay tinitiis kong makita lamang sila sa video calls. Walang kasingsakit ang makitang nilalambing ako ni Marikah habang inaalagaan ang aming bagong silang na anak, mabuti na lang
Restore Sa gitna ng pagkalugmok, may liwanag na muling magpapanumbalik ng pag-asa👨⚕️HIDEO ADONISFive years ago...Humugot ako ng malalim na hininga at sinusubukang pigilan ang muling pag-ahon ng galit sa aking dibdib. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga patunay at saksi, pinakawalan pa rin siya. Hindi ko maunawaan kung sinong may kapangyarihan ang nag-utos na siya'y ilipat sa International Criminal Court.Kaagad kong dinial ang numero ni Dok Ivo. Sa kabutihang palad, papunta na rin daw sila ni Athena sa Annex nang oras na iyon. Ngunit hindi ako tumigil doon sapagkat tinawagan ko rin si Dok Flynn. Alam kong may mas malalim itong nalalaman lalo na’t isa si Hera sa mga iniuugnay sa pagkamatay ni Dok Iesu. Hindi ito basta-basta at hindi rin ito aksidente lamang.Binuksan ko ang cellphone ko at agad kong tinungo ang isang secure tracking app. Saglit akong napangisi. Doon ay muling nagpakita ang aktibong signal ng nano-tracker na itinanim namin kay Hera.Ang tracker na iyon… matagal
LegacyKung ako man ay maglaho bukas, ang nais kong iwan ay hindi pangalan, kundi alaala ng kabutihan sa bawat buhay na aking nadampian🌻MARIKAH SYCHELLE Makalipas ang limang taon...Pagkatapos kong magsulat sa whiteboard, muli akong humarap sa aking mga estudyante sa kolehiyo. Ako ang kanilang guro sa asignaturang Philosophy sa semester na ito, tinalakay na namin ang etika at moralidad sa pinakamasalimuot nitong anyo.“Is it ethically right to take the life of someone you love if it means saving a hundred others?” tanong ko sa kanila habang tinitigan ko isa-isa ang mga mata nilang sabik sa diskurso.Agad na natahimik sa loob ng silid, kasabay ng sabayang pagtaas ng mga kamay nila. Isa ito sa mga kinagigiliwan ko sa kanila, ang pagiging aktibo nila tuwing oral recitation. Siguro dahil alam nilang mataas akong magbigay ng puntos sa mga makabuluhang sagot.Napatingin ako sa unang nagtaas ng kamay.“Yes, you may Miss Alano.”Sabay-sabay silang nagsibaba ng kamay nang tumayo ito. Kita k