Life
Noong bata ako, lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit may mga taong kailangang lisanin ang mundong ito. Bakit sobrang ikli lang ng buhay at sa isang iglap lang ay maaari ka ng maglaho sa mundong ito...
👨‍⚕️ DR. HIDEO ADONIS CANLIAGN
8 years ago...
Intership ko ngayon dito sa sarili naming Hospital. Ang HC Medical City. Ang HC ay base sa pangalan ng Ama kong si 'Henry Canliagn'. Nasa tatlong taon na itong Hospital namin pero isa na ito sa the best Hospital dito sa bansa.
Actually, two days ago nang umuwi ako rito sa bansa. Galing akong London dahil doon ako gum-raduate ng Medical School.
Kinuha ko sa loob ng white coat ko ang cellphone ko. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang picture namin together ng fiancè ko.
Kinausap ko ang litrato namin, "Hi! Mahal, promise bukas I will surprise you okay?"
Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya na nakauwi na ako ng Pilipinas. Gusto kong sorpresahin siya. Few months from now ay magpapakasal na kami. I will marry Sychelle Dayle Fernandez.
"I love you, Mahal!" Napangiti lang ako saka muling ibinulsa ang cellphone.
Napatingin ako sa orasan. Dito ako naka-assigned sa Emergency room. Mabuti naman at panaka-naka lang ang mga pasyente.
"Hey, coffee oh!"
Napatingin ako sa ka-intern ko na si Rat Velaroza. Kinuha ko ang in-offer niyang coffee. "Thanks."
Hindi pa naman ako tinatamaan ng antok sa ngayon.
"Are you okay? You looked so worried?" sabi niya sabay uminom ng coffee.
"I don't know why kung bakit ako kinakabahan? Natawagan ko naman na parents ko. Tulog naman na daw ang little sister kong si Harmony."
Nagkibit balikat lang siya, napaka weird nitong biglang kaba na nadarama ko. Parang nanghihina ako sa lakas ng tibok ng puso ko kaya tinabi ko muna ang coffee dahil baka lalo akong magpalpitate.
Napapikit lang ako and trying to calm myself. Dala lang siguro ito ng maghapon na duty or else... excited lang ako na makita mamaya si Sychelle Dayle.
Sabay kaming napalingon ni Rat dahil sa tunog ng ambulansya. Napalunok ako dahil tatlong ambulansya namin ang dumating. Nag-ready kami ng Emergency team.
Nang ipasok ang unang pasyente ay nanlaki ang mga mata ko.
"SYCHELLE!!!"
Kaagad akong napapunta sa stretcher niya. Halos maghilakbot ako dahil naliligo siya sa sarili niyang dugo. Pilit siyang nire-revive ng oxygen pump.
Nangatal ako, gusto kong isipin na panaginip lang ito at hindi totoo na siya ang nakikita ko. Napakarami ko ng pasyente na nakita sa ganitong sitwasyon pero kasi... babaeng pinakamamahal ko ito!
Nadudurog ang puso ko sa nasisilayan ko ngayon.
Nakita kong may dalawa pang ipinasok. Kilala ko rin ang isa. Si Chandrix Kayle iyon na kakambal niya tapos ang isa ay lalaki. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanilang tatlo pero mas gusto kong iligtas ngayon ang babaeng mahal ko.
Napakabilis ng kilos naming lahat. Pagkahinto ay mabilis kong hinawakan ang kamay ni Sychelle.
"Mahal nandito ako, si Hideo ito. Lumaban ka ha?" Napahagulgol ako.
Tuloy lang sa pag-asikaso sa kanya ng mga kasama kong emergency team Doctors and Nurses.
"Ililigtas kita! Ililigtas kita Mahal ko!"
Nang kabitan siya muli ng oxygen ay napamulat siya at kumapit sa kamay ko. Napapikit na lamang ako nang nakikita ko sa monitor na bumababa ang heartrate niya.
Parang may gusto siyang sabihin kaya tiningnan ko siya sa mata. Nanginginig niyang itinuro ang puso niya. Napatingin lang ako roon, sabay itinuro niya ang kapatid niya na si Chandrix na nasa kabilang stretcher na siyang nire-revive rin. Nakuha ko ang gusto niyang sabihin. Muli kong hinawakanan ang kamay niya.
"Mahal... h'wag ganyan diba magpapakasal pa tayo? H'wag mo 'kong iiwan... Mahal!"
She smiled at me.
"M-m-mahal...n-n-a..."
Humungot siya ng malalim na paghinga, hirap na hirap siyang magsalita.
"M-m-mahal...k-k-ita..."
Tuluyan na siyang napapikit.
Tila huminto ang mundo ka ng bumagsak ang kamay niya.
Sobrang baba na ng heart rate niya.
"No!!!"
Nag ready ang lahat para dalhin sina Sychelle at Chandrix sa operating room. They are know na si Sychelle na ang heart donor ni Chandrix.
Pakiramdam ko ay para akong namatay. Halos hindi ako gumagalaw nang nasa operating room na kami. General surgeon ang specialization ko.
I used to save so many lives...
Pero bakit siya...na siyang buhay ko ay hindi ko mailigtas!
Napakawalang kwenta ko!
Nang matapos ang paglilipat ng puso niya kay Chandrix ay inilipat na sa recovery room si Chandrix. Muling tumulo ang luha ko sa tunog ng flatline ng monitor. Tuluyan nga na inalis ang oxygen na nakakabit sa kanya.
"Time of death, 5:15 A.M."
Announced ng isang Surgeon.
Sabay-sabay na nagsiyukod ang buong surgeon team kay Sychelle. Napalabas na lamang ako ng oparating room. Naabutan ko roon na naghihinagpis si Tita Sychanda. Lalo lang akong napaiyak kaya tumakbo nalang uli ako. Pagkarating ko sa isang pasilyo ay pinagsusuntok ko ang pader.
"Hindi totoo 'to! Panaginip lang 'to! Please, gisingin niyo na ako! Hindi 'to totoo!!!" tuloy pa rin ako sa pagsuntok.
Wala na akong pake kung magpadurog-durog na ang mga buto ko.
Wala na ang babaeng mahal ko...
Napadausdos ako sa pader. Punong-puno na rin ng dugo ang kamay ko. Napatakip na lamang ako ng mukha ko at tuloy lang sa paghagulgol. Ang puso ko pigang-piga na sa sakit.
"Ahhhhhhhhhhh!"
Napasigaw ako sa sobrang hinagpis na nararamdaman ko.
"Ayoko ng mabuhay pa kung wala ka na Sychelle! Ayoko na!"
Iyak lamang ako ng iyak."Dok...I won't help you for now, but...take this."
Nanginginig ako sa paghagulgol. May narinig akong boses ng isang babae hindi ako tumingin sa kanya pero nakita ko ang inaabot niya sa akin. It's a handkerchief and rosary. Kinuha ko naman iyon habang nakayuko lang.
"Life is one of the most mysterious things in this world. We need to accept that life is just temporary but, love and courage are eternal."
Gustuhin ko mang makita o tingalain kung sino siya ay 'di ko ginawa.
I saw that she already passed by. Doon lang ako napatingin sa kanya. It's a woman with a long black hair and she's wearing a long denim skirt. Lumikosiya sa isang pasilyo.
Tumingin ako sa panyo na ibinigay niya. May nakaukit doon na 'Marikah S.M.' Ito siguro ang pangalan niya. Kasabay non ay napatingin ako sa golden rosary na ibinigay niya.
Oo...sa tingin ko ang Diyos ang tanging magiging sandigan ko ngayon. But how? How can I accept that the woman of my life is already gone?
Na hindi ko na muli madarama ang yakap niya? Hindi ko na maririnig ang boses niya at higit sa lahat ay hindi ko na siya makakasamang tumanda.
Kailan ko matatanggap ang lahat ng ito?
***
Present time"Mr. Monaco's heart rate is now stable." I declared.
After kong ma-stitch ang open heart surgery ni Mr. Monaco. Kitang-kita ko sa mga mata ng surgeon and nurses team ko ang tuwa.
It takes almost a five hour surgery. Pagkalabas ko ng operating room ay kaagad akong nilapitan ng pamilya ni Mr. Monaco.
"It's a successful operation Mrs. Monaco." Balita ko sa kanya.
Napaluha sila sa tuwa saka hinawakan ang kamay ko.
"Maraming salamat Dok, hulog ka ng langit. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ang asawa ko." Naiiyak pa rin si Mrs. Monaco
Hinagod ko ang likod niya.
"I just did my best I could Mrs. Monaco. But the most powerful is your faith and prayers. I'm just being an instrument para maligtas siya."
Todo yukod sa akin si Mrs. Monaco. Nasa sixties na ang edad nila.
I just sighed. Thankful naman ako na may naligtas ako muli na pasyente. Actually, hindi ko na nga mabilang through the years na pagiging Doktor ko.
Pagkarating ko sa opisina ko ay kaagad kong kinuha ang stress sponges ko. I just griping it. Nakakaramdam na naman kasi ako na tumataas na naman ang anxiety level ko.
Napatingin lang ako sa isang painting na nakasabit sa gilid ko. It's a portrait of me made by her. My late fiancé Sychelle Dayle. Ginawa niya iyan habang nasa Barcelona pa ako noon.
Pero wala na siya. Matagal na. But still, ang sakit at kirot ay nakabaon pa rin sa isipan ko.
Inalis ko ang eyeglasses ko pati na rin ang white suit ko. I decided na dalawin muna si Sychelle sa puntod niya, pagkatapos ay sa simbahan naman ako di-diretso. I just wanna with God again.
At hihingi pa ako ng karagdagang tibay upang magpatuloy pa kahit wala na si Sychelle.
--
⛪Marikah Sychelle
Pagkalabas ko ng aking kwarto ay tumapat ako sa altar namin saka nag-sign of the cross.
"Apo, sigurado ka ba talaga na hindi mo na tatanggapin ang offer ni Mother Superior Glen para makapasok ka ng kumbento?"
Napangiti lang ako kay Lola. Bata palang kasi ako ay pinangarap na niya na maging madre ako.
Bilang pagtupad na rin daw noon sa magulang ko na maagang kinuha ng Diyos. Never silang nawawala sa lahat ng dasal ko.
"Lola, may tamang panahon po para makapasok ako ng kumbento. Hindi lang po talaga ngayon."
"Aba eh, kung 'yan ang gusto mo Apo ko." Tinapos ko lang ang aking pagdarasal.
"La, sa susunod na linggo na ang tungo ko sa Manila para po makapagsimula na ako sa HC Medical City." Nakita ko na napasimangot si Lola. Niyakap ko naman siya.
"Laaa... nandito naman si Lolo eh, at wag kayong mag-alala Lola, lagi ko kayong tatawagan." Sabi ko sabay niyakap si Lola.
Kapapasa ko lang last year sa pagiging registered nurse. Nag-experience lang ako sa hospital dito sa probinsya. At sa awa ng Diyos at taimtim na dalangin ko na makapasa ako sa HC Medical City dahil isa iyon sa kilala Hospital 'di lang dito sa bansa pati na sa ibang bansa.
"Ay apo, wala naman akong problema kung gusto mo maging nars. Ang inaalala ko lang ay makikituloy ka sa condo ni Clarina."
Si Clarina ay matalik kong kaibigan simula elementary. Ngayon ay modelo siya ng isang sikat na modeling agency. Si lola kasi ang nakapansin ng unti-unting pagbabago ni Clarina. Naimpwensyahan siguro ng pamumuhay sa Maynila.
"Lola, hindi naman po ako magpapaimpluwensya kay Clarina. Alam niyo naman po na takot ako sa inyo ni Lolo."
Sobrang strict kasi ni Lolo at Lola. Wala naman akong reklamo roon kasi alam ko na iniingatan lang nila ako dahil ako nalang ang mayroon sila.
Sabay na nasawi ang mga magulang ko dahil sa isang car accident. Pauwi sila noon dito sa probinsiya.
Pareho silang nang angkat ng mga ititindang gulay sa Baguio. Pero sa hindi inaasahan ay may nakabanggaan silang kotse. Parehong nasawi ang mga magulang ko. But, that was 4 years ago. Unti-unti ko na rin naman natanggap na ang buhay ay panandalian lamang.
Iniisip ko nalang na baka hanggang doon nalang talaga ang buhay nila. At heto nga, tanging sumusunod lang ako sa mga habilin ni Lolo at Lola. Naging laman lamang ako ng simbahan, choir ako o kaya naman ay isa sa mga counselor. Umikot lamang ang mundo ko sa simbahan, paaralan at bahay. Tanging si Clarina lang ang kaibigan ko dahil siya lang ang nakatagal sa pagiging strict ng Grandparents ko.
"Sige po Lola, pupunta pa po ako ng simbahan." Napangiti lang siya. Kinuha ko ang isang rosary at hawak lamang 'yon.
Payak lamang ang pamumuhay namin nila Lolo at Lola. Sapat na sa kanila na nakikita akong sumusunod sa kanila.
Pagkalabas ko ng gate namin ay kaagad akong pumara ng tricycle. Sinabi ko sa manong driver na sa Cathedral ako ihatid.
Pagkarating sa Cathedral ay dinama ko lang ang payapang presenya nito.
Pumwesto ako sa pinakaunahan. Napatingin naman ako sa lalaking nasa dulo ng kinauupuan ko. Taimtim siyang nakadaop palad habang nagdarasal.
Tumingin na lamang ako sa hawak kong rosary at nagsimulang magnovena.
Hindi ko pa rin maiwasan na mapatingin sa lalaking nasa dulo ng kunauupuan.
Saktong napatingin siya sa akin...
Kaagad akong nag-iwas ng tingin. At nagpatuloy lang sa pag-usal ng novena.
I hope hindi niya ako nahuli na nakatingin mismo sa kanya.
Napatayo na siya, ipinamulsa ang mga kamay sa pantalon. Nagsimula siyang kumakad.
Isa siyang magandang biyaya mula sa Diyos.
Nagpatuloy ako sa pagno-novena. At isasama ko na rin sa novena ko na nawa ay patawarin ako ng Diyos. Hindi ko naman intensyon na mapatingin...
Sino kaya siya?
--
Final ChapterParis, FranceTahimik kaming nakatayo ni Marikah sa loob ng Musée d'Orsay, sa gitna ng sining at katahimikan ng Paris, habang pinagmamasdan ang isang obra na minsang isinilang mula sa pangarap at pagdurusa.Heal the World—ang pamagat ng painting ni Sychelle. Ang kanyang huling obra. Ilang taon ko itong iningatan, hanggang sa ibalik ko ito sa kanyang mga magulang, upang maibahagi sa mundo, dahil ito ang isa sa kanyang pangarap na mapabilang sa kasaysayan ng sining.Sa mata ng marami, isa itong obra maestra. Sa akin, isa itong paalala ng isang pag-ibig na minsang naging lahat, at isang pagkawala na muntik nang sirain ang kabuuan ko.Pinagmasdan ko ang bawat hagod ng brush na banayad, masuyo, at buhay. Naririnig ko pa rin ang tawa niya noon habang ginagawa ito, habang binubuo niya ang mundong nais niyang paghilumin.“She would’ve loved this,” mahina kong bulong, halos kinakausap ko ang alaala.Tumingin sa akin si Marikah, pinisil ang kamay ko, at ngumiti."And now, the wor
New LifeSa dulo ng panalangin, ikaw ang sagot,Pag-ibig na sa sugat ay naging gamot.Mula sa abo ng kahapon, tayo'y bumangon,Bagong buhay, sa puso'y muling ibinangon.Sa hakbang ng pag-ibig, tayo'y magkasabay,Sa mata ng Maylikha, ito'y isang tunay.Marikah at Hideo, kwento ng paghilom—Pag-asang sumibol sa pusong pagod at buo.🌻 MARIKAH SYCHELLE Present...Napapikit ako nang bahagya habang sinasagap ang malamig na simoy ng hangin. May kakaibang katahimikan sa paligid na hindi malamig sa loob, kundi payapa. Ramdam ko ang banayad na haplos ni Hideo sa aking umbok na tiyan, na para bang pinaparamdam niya sa anak naming nasa sinapupunan ang init ng kanyang pagmamahal.Buong puso ang pasasalamat ko sa sandaling ito at buo kami. Magkasama kaming dumalaw sa mga mahal namin sa buhay na pumanaw na. At kahit may kirot pa ring naiiwan, dama ko ang kanilang kapayapaan. Nakamit na ni Lola Perla ang hustisya para kina Mama at Papa, at kung nasaan man silang lahat ngayon, alam kong hindi sila k
Ang masasabi ko lang... napakasarap palang maging isang ama.Sa bawat araw na lumilipas habang unti-unti akong nagpapagaling mula sa operasyon, kasabay rin nito ang patuloy na pag-usad ng kaso laban kay Hera. Habang ang hustisya ay dahan-dahang lumalapit, isang bagong yugto naman ang buong-buo nang humalili sa puso ko ay itong pagiging ama.Isang buwang gulang na ang anak namin ngayon.At sa umagang ito, heto kami sa hardin ng mansyon. Nakahilig siya sa aking dibdib habang maingat kong iniaalay ang kanyang balat sa malambot na sinag ng araw. Tahimik ang paligid, tanging huni ng ibon at pagaspas ng hangin sa dahon ang maririnig.Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko si Lolo Pedro. Itinutulak ni Lola Perla ang kanyang wheelchair habang paikut-ikot sila sa paligid, tila ba tinatanaw ang bagong pag-asa na isinilang sa gitna ng unos.Kanina'y nilapitan nila kami. Hindi mapigilan ni Lolo Pedro ang mapangiti habang pinagmamasdan ang kanilang apo sa tuhod. Halatang labis silang natutuwa.Siguro'y m
JusticeAng tunay na katarungan ay hindi lamang paghihiganti, kundi ang pagbibigay ng nararapat sa bawat isa—pantay, makatao, at makatarungan.👨‍⚕️HIDEO ADONIS5 Years Ago...At ako'y tuluyang nagising.Matapos ang matagumpay na open-heart surgery na isinagawa ni Dok Ivo sa akin, hindi lamang siya asawa ng aking kapatid— kundi siyang pinaka pinagkakatiwalaan kong doktor sa puso ko s aking cardiac health. Sa bawat tahi at bawat tibok na muling naibalik, alam kong isa itong panibagong simula ng buhay ko. Inilipat ako mula ICU patungong Recovery Room matapos maging stable ang mga vital signs ko. Tatlong araw pa akong nanatili roon para sa masusing monitoring. Ngunit ang tunay na hamon ng paggaling ko ay hindi pisikal. Ang pinaka mahirap ay ang hindi sila mayakap.Labis ko nang hinahanap ang mag-ina ko. Araw-araw ay tinitiis kong makita lamang sila sa video calls. Walang kasingsakit ang makitang nilalambing ako ni Marikah habang inaalagaan ang aming bagong silang na anak, mabuti na lang
Restore Sa gitna ng pagkalugmok, may liwanag na muling magpapanumbalik ng pag-asa👨‍⚕️HIDEO ADONISFive years ago...Humugot ako ng malalim na hininga at sinusubukang pigilan ang muling pag-ahon ng galit sa aking dibdib. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga patunay at saksi, pinakawalan pa rin siya. Hindi ko maunawaan kung sinong may kapangyarihan ang nag-utos na siya'y ilipat sa International Criminal Court.Kaagad kong dinial ang numero ni Dok Ivo. Sa kabutihang palad, papunta na rin daw sila ni Athena sa Annex nang oras na iyon. Ngunit hindi ako tumigil doon sapagkat tinawagan ko rin si Dok Flynn. Alam kong may mas malalim itong nalalaman lalo na’t isa si Hera sa mga iniuugnay sa pagkamatay ni Dok Iesu. Hindi ito basta-basta at hindi rin ito aksidente lamang.Binuksan ko ang cellphone ko at agad kong tinungo ang isang secure tracking app. Saglit akong napangisi. Doon ay muling nagpakita ang aktibong signal ng nano-tracker na itinanim namin kay Hera.Ang tracker na iyon… matagal
LegacyKung ako man ay maglaho bukas, ang nais kong iwan ay hindi pangalan, kundi alaala ng kabutihan sa bawat buhay na aking nadampian🌻MARIKAH SYCHELLE Makalipas ang limang taon...Pagkatapos kong magsulat sa whiteboard, muli akong humarap sa aking mga estudyante sa kolehiyo. Ako ang kanilang guro sa asignaturang Philosophy sa semester na ito, tinalakay na namin ang etika at moralidad sa pinakamasalimuot nitong anyo.“Is it ethically right to take the life of someone you love if it means saving a hundred others?” tanong ko sa kanila habang tinitigan ko isa-isa ang mga mata nilang sabik sa diskurso.Agad na natahimik sa loob ng silid, kasabay ng sabayang pagtaas ng mga kamay nila. Isa ito sa mga kinagigiliwan ko sa kanila, ang pagiging aktibo nila tuwing oral recitation. Siguro dahil alam nilang mataas akong magbigay ng puntos sa mga makabuluhang sagot.Napatingin ako sa unang nagtaas ng kamay.“Yes, you may Miss Alano.”Sabay-sabay silang nagsibaba ng kamay nang tumayo ito. Kita k