Share

6- Courage

Author: ArishaBlissa
last update Last Updated: 2024-11-28 21:06:25

Courage

Ang pagbibigay ng tulong ng taos sa puso ay isa sa mga magandang katangian na dapat ipakita habang tayo ay nabubuhay. Ang lahat ng ginagawa ay mayroong balik sa atin, maging ito man ay mabuti o masama.

👨‍⚕️DR. HIDEO ADONIS CANLIAGN

Katatapos lamang ng duty ko at pauwi na ako habang lulan ng aking sasakyan. Hindi ko maiwasang mapangiti sapagkat successful ang mga naging operation ko kanina. May buhay na naman na muling nadugtungan. Hindi ko na nga mabilang ang mga naoperahan ko pero lahat ng iyon ay naging matagumpay. Pero minsan kung sakali man na mayroong hindi palarin na mailigtas ay kailangan na lamang iyon tanggapin kahit sobrang hirap.

Napakahirap mawalan ng mga mahal sa buhay kaya kailangan lagi na patibayin ang loob dahil sa mundong ito ay mayroon talagang dumarating at siyang lilisan rin. Napatingin ako sa panyo na siyang ibinigay sa akin ng isang babae walong taon na ang nakalilipas. Magkaparehas pa sila ng pangalan ni Nurse Marikah. What a coincidence.

Sayang lang kanina at matagal akong natapos sa operating room kaya hindi ko siya naabutan mag off duty. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasan na madalas siyang sumagi sa isipan ko, nakikita ko siya lagi kapag duty pero hindi ko maiwasang mailang lalo pa at kapangalan niya si Sychelle.

Patuloy kong binabagtas ang kalsada. Hanggang sa may mamataan akong isang babae na nagpupumiglas sa isang lalaki. Madilim ang parte na iyon kaya siguro walang makatulong sa babae. Kaagad kong inihinto ang sasakyan at bumaba.

"Bitawan mo siya!" sigaw ko sa lalaki. Kinuha ko ang cellphone ko at at inilagay sa tainga ko. "Hello, Police Officers? Parating na kayo? Yes, nandito na ako sa location." Kunwari na katawagan ko ang mga pulis kaya hindi na nakahuma ang lalaki at nagtatakbo na lamang ito.

Napalumo ang babae sa aspalto dahil sa panghihina at takot. Mabilis ko siyang naalalayan. Tuluyan siyang umiyak.

Pinakatitigan ko siya.

"Nurse Marikah?"

Hindi ako maaaring magkamali.

"D...Dok?" Nanginginig pa rin na sambit niya.

Bigla ay kumulog at tuluyang bumuhos ang malakas na ulan. Pareho na kaming nababasa. Tuluyan siyang nawalan ng malay kaya mabilis ko siyang binuhat at dinala sa loob ng sasakyan. At pinaharurot iyon.

Napagpasyahan ko na dalhin na lamang siya sa mansyon. Mabilis kaming binigyan ng towel ni Manang Dina. Inihiga ko siya couch at binalutan ng towel. Inutos ko kay Manang Dina na siya ang magpalit ng bagong damit sa kanya.

"Magpapalit muna ako sa kwarto ko Manang, paki-asikaso muna siya. Tawagin mo ako kung ayos na." Pakiusap ko sa kanya.

Tumango naman siya at sinimulang kumilos.

Umakyat na ako patungo sa kwarto ko. Napapaisip ako sa kung ano ang nangyari sa kanya at kung bakit siya nasa ganoong sitwasyon kanina. Mabuti nalang at nakita ko siya kundi baka ano na ang nangyari sa kanya. Nagtungo na ako sa restroom ng kwarto ko at sinimulang mag shower.

Saktong tapos na ako magbihis nang kumatok si Manang sa pinto ng kwarto ko at sinabi na tapos na niyang mapalitan ng bagong damit si Marikah. Binuksan ko ang pinto at tinanguan siya. Tuluyan akong lumabas at bumaba.

Unti-unti siyang nagkamalay at napatingin siya sa akin.

"Dok?!" Bumalikwas siya ng bangon at napatingin sa paligid. "Nasaan po ako? Ano pong ginagawa ko rito?" tanong niya na puno ng pag-aalala.

"Nandito ka sa aming tahanan, nawalan ka ng malay kanina sa kalsada."

Napaisip siya at inaalala ang lahat.

"Pasensya na po, Dok. Naabala ko po yata kayo..." hinging paumanhin niya.

"No worries, kaysa pabayaan kita kanina sa kalsada. Ano ba'ng nangyari at naroon ka?" tanong ko naman. Saktong dumating si Manang Dina dala ang hot tea para sa aming dalawa ni Marikah. Naupo ako sa katapat niyang single couch. Sinimulan kong higupin ang tea cup ko.

Napayuko siya. At bumugtong hininga.

"Pinalayas po kasi ako ng kaibigan ko Condo niya, nakikitira lang po kasi ako sa kanya habang nandirito po ako sa Maynila." Simulang kwento niya habang nakatingin siya sa tea cup niya habang hawak iyon.

Nakaramdam ako ng habag. "Bakit ka naman niya pinalayas?" tanong ko muli.

"Ganito po kasi ang nangyari Dok..."

Sinimulan na niyang magkwento simula sa pinag-ugatan. Nakikinig lamang ako ng maigi sa kanya. Hanggang sa matapos ang kwento niya na naglalakad-lakad na siya sa kalsada na hindi alam ang patutunguhan.

"Hindi pa rin tama na palayasin ka niya. Grabe ang kaibigan mo." Wika ko at humuling higop sa tea. "Bakit hindi mo tinawagan ang mga co-Nurses mo? O kahit si Harmony?"

"Eh...Dok, nakakahiya naman po. Bagong ka-trabaho pa lang po nila ako..." sagot niya habang nakayuko pa rin.

"Don't be hesitate if you need help from us. Part ka na ng HC, pamilya ang turing namin sa inyong mga Health care professionals namin."

Napatingin siya sa akin at tipid na napangiti.

"I offer you to stay here."

"Dok? Nakaka—"

"Hep! Bawal akong tanggihan, magtatampo ako." Pabirong sabi ko sa kanya.

Nanatili siyang nakayuko.

"Don't be shy, remember bawal tanggihan ang utos ng Doktor." Pabiro kong sabi uli.

Pinag-iisipan pa rin niya. Baka naiilang siya.

"Don't worry, nandito si Harmony."

Saktong narinig ko mula sa garahe ang pagka-park ng sasakyan ni Manong na siyang Driver niya. Takot siya siya humawak ng manibela dahil traumatized pa rin siya noon aksidente nila ng late parents namin.

"And speaking of her...She's home." Nakangiti kong sabi kay Marikah.

Wait, bago ito ah. Masaya na akong ngumingiti? At masaya ako dahil sa kanya? Kay Marikah?

Nakita na kami ni Harmony matapos niya mag-body disinfect sa disinfectant machine na malapit sa main door. Matagal na iyong naka install doon para sa aming nandito sa loob ng bahay o mga bumibisita lalo na kung galing sa labas.

"What's goin' on here?" napatingin siya kay Marikah. "Nurse Marikah?" Natuwa siya nang makita ito at kaagad na tumakbo palapit sa kanya.

Napangiti si Marikah sa kanya. Niyakap siya ni Harmony.

"What's happened?" kaagad na tanong niya.

Tumikhim ako at ako na ang nagkwento kay Harmony nang mga nangyari. Umusok ang ilong at taenga niya mga sa narinig.

"Sino 'yang kaibigan mo na yan?! Sarap niyang i-biopsy! Hmp!" nag-crossed arms siya sa inis.

Natawa naman ako ng bahagya dahil sa reaksyon niya.

"But by the way, masaya ako na mag-stay ka rito Marikah! Nakaka-excite! I wanna tour her na ba Kuya sa room niya?" masayang sabi ni Harmony.

"Sure, tour her now." Nakangiting sabi ko.

Kaagad siyang hinila ni Harmony patayo. Napatingin ako sa kanya at napangiti ng bahagya.

--

📿 MARIKAH SYCHELLE

Hindi pa rin ako makapaniwala. Buong akala ko kaninang pinaalis ako sa ni Clarina ay wala na akong mapupuntahan. Akala ko ay sa kalsada na ako pupulutin.

Kaya wala akong ginawa kanina kundi ang lakarin lamang ang kahabaan ng kalsada hanggang sa tuluyang gumabi ay wala pa rin akong mahanap na matutuluyan dahil una sa lahat ay hindi ko kabisado ang Maynila. Buong akala ko ay walang tutulong sa akin kaninang may lumapit sa aking lalaki at pilit akong hinihila. Nagdasal na lamang ako non sa isipan ko habang patuloy na nagpupumiglas sa kanya.

Buti nalang at dumating si Dok Hideo.

At nandirito na ako ngayon.

Binuksan ni Nurse Harmony ang isang kwarto.

"Ito ang magiging room mo. Yey!" Niluwagan niya ang pagkakabukas.

Ang ganda ng disenyo ng kwarto na para siguro sa mga bumibisita sa kanila. Nagtungo siya sa kama at tumalon talon doon. Nakakatuwa talaga siya kahit kailan.

"Oh diba? Ang lambot! Halika i-try mo!" masayang sabi niya sa akin.

Nagtungo ako sa kanya at naupo sa kama. Tama siya,napakalambot nga niyon.

"Oo, malambot siya." Nakangiti kong sabi.

"Basta minsan doon tayo sa room ko ha? Ang saya ko kasi mayroon na akong kasama at ka-kwentuhan ng madalas dito."

"Talaga?" wika ko at sinimulan kong ilabas ang mga damit ko sa maleta. Mabuti na lang at walang nabasa sa mga ito.

"Yes! Si Kuya kasi minsan sa Hospital na natutulog o kaya naman hindi magkatulad ang shift namin." Naka-pout na sabi niya.

Ngumiti lang ako. Hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng hiya dahil sa kanila na nga ako nagtatrabaho bilang Nurse. Pagkatapos ngayon ay dito pa ako mag-stay pansamantala sa kanila.

Kapag talaga ako ay nakaipon at nakahanap ng uupahan o malilipatan ay sasabihin ko sa kanila kaagad. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos at kay Dok na may matutuluyan ako sa ngayon.

Tunay nga na hindi pa rin tayo pinababayaan ng Diyos. Anuman ang pagsubok na ating pagdaanan.

Manalig lamang sa kanya.

--

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   105- FINAL CHAPTER

    Final ChapterParis, FranceTahimik kaming nakatayo ni Marikah sa loob ng Musée d'Orsay, sa gitna ng sining at katahimikan ng Paris, habang pinagmamasdan ang isang obra na minsang isinilang mula sa pangarap at pagdurusa.Heal the World—ang pamagat ng painting ni Sychelle. Ang kanyang huling obra. Ilang taon ko itong iningatan, hanggang sa ibalik ko ito sa kanyang mga magulang, upang maibahagi sa mundo, dahil ito ang isa sa kanyang pangarap na mapabilang sa kasaysayan ng sining.Sa mata ng marami, isa itong obra maestra. Sa akin, isa itong paalala ng isang pag-ibig na minsang naging lahat, at isang pagkawala na muntik nang sirain ang kabuuan ko.Pinagmasdan ko ang bawat hagod ng brush na banayad, masuyo, at buhay. Naririnig ko pa rin ang tawa niya noon habang ginagawa ito, habang binubuo niya ang mundong nais niyang paghilumin.“She would’ve loved this,” mahina kong bulong, halos kinakausap ko ang alaala.Tumingin sa akin si Marikah, pinisil ang kamay ko, at ngumiti."And now, the wor

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   104- New Life

    New LifeSa dulo ng panalangin, ikaw ang sagot,Pag-ibig na sa sugat ay naging gamot.Mula sa abo ng kahapon, tayo'y bumangon,Bagong buhay, sa puso'y muling ibinangon.Sa hakbang ng pag-ibig, tayo'y magkasabay,Sa mata ng Maylikha, ito'y isang tunay.Marikah at Hideo, kwento ng paghilom—Pag-asang sumibol sa pusong pagod at buo.🌻 MARIKAH SYCHELLE Present...Napapikit ako nang bahagya habang sinasagap ang malamig na simoy ng hangin. May kakaibang katahimikan sa paligid na hindi malamig sa loob, kundi payapa. Ramdam ko ang banayad na haplos ni Hideo sa aking umbok na tiyan, na para bang pinaparamdam niya sa anak naming nasa sinapupunan ang init ng kanyang pagmamahal.Buong puso ang pasasalamat ko sa sandaling ito at buo kami. Magkasama kaming dumalaw sa mga mahal namin sa buhay na pumanaw na. At kahit may kirot pa ring naiiwan, dama ko ang kanilang kapayapaan. Nakamit na ni Lola Perla ang hustisya para kina Mama at Papa, at kung nasaan man silang lahat ngayon, alam kong hindi sila k

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   103

    Ang masasabi ko lang... napakasarap palang maging isang ama.Sa bawat araw na lumilipas habang unti-unti akong nagpapagaling mula sa operasyon, kasabay rin nito ang patuloy na pag-usad ng kaso laban kay Hera. Habang ang hustisya ay dahan-dahang lumalapit, isang bagong yugto naman ang buong-buo nang humalili sa puso ko ay itong pagiging ama.Isang buwang gulang na ang anak namin ngayon.At sa umagang ito, heto kami sa hardin ng mansyon. Nakahilig siya sa aking dibdib habang maingat kong iniaalay ang kanyang balat sa malambot na sinag ng araw. Tahimik ang paligid, tanging huni ng ibon at pagaspas ng hangin sa dahon ang maririnig.Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko si Lolo Pedro. Itinutulak ni Lola Perla ang kanyang wheelchair habang paikut-ikot sila sa paligid, tila ba tinatanaw ang bagong pag-asa na isinilang sa gitna ng unos.Kanina'y nilapitan nila kami. Hindi mapigilan ni Lolo Pedro ang mapangiti habang pinagmamasdan ang kanilang apo sa tuhod. Halatang labis silang natutuwa.Siguro'y m

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   102- Justice

    JusticeAng tunay na katarungan ay hindi lamang paghihiganti, kundi ang pagbibigay ng nararapat sa bawat isa—pantay, makatao, at makatarungan.👨‍⚕️HIDEO ADONIS5 Years Ago...At ako'y tuluyang nagising.Matapos ang matagumpay na open-heart surgery na isinagawa ni Dok Ivo sa akin, hindi lamang siya asawa ng aking kapatid— kundi siyang pinaka pinagkakatiwalaan kong doktor sa puso ko s aking cardiac health. Sa bawat tahi at bawat tibok na muling naibalik, alam kong isa itong panibagong simula ng buhay ko. Inilipat ako mula ICU patungong Recovery Room matapos maging stable ang mga vital signs ko. Tatlong araw pa akong nanatili roon para sa masusing monitoring. Ngunit ang tunay na hamon ng paggaling ko ay hindi pisikal. Ang pinaka mahirap ay ang hindi sila mayakap.Labis ko nang hinahanap ang mag-ina ko. Araw-araw ay tinitiis kong makita lamang sila sa video calls. Walang kasingsakit ang makitang nilalambing ako ni Marikah habang inaalagaan ang aming bagong silang na anak, mabuti na lang

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   101- Restore

    Restore Sa gitna ng pagkalugmok, may liwanag na muling magpapanumbalik ng pag-asa👨‍⚕️HIDEO ADONISFive years ago...Humugot ako ng malalim na hininga at sinusubukang pigilan ang muling pag-ahon ng galit sa aking dibdib. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga patunay at saksi, pinakawalan pa rin siya. Hindi ko maunawaan kung sinong may kapangyarihan ang nag-utos na siya'y ilipat sa International Criminal Court.Kaagad kong dinial ang numero ni Dok Ivo. Sa kabutihang palad, papunta na rin daw sila ni Athena sa Annex nang oras na iyon. Ngunit hindi ako tumigil doon sapagkat tinawagan ko rin si Dok Flynn. Alam kong may mas malalim itong nalalaman lalo na’t isa si Hera sa mga iniuugnay sa pagkamatay ni Dok Iesu. Hindi ito basta-basta at hindi rin ito aksidente lamang.Binuksan ko ang cellphone ko at agad kong tinungo ang isang secure tracking app. Saglit akong napangisi. Doon ay muling nagpakita ang aktibong signal ng nano-tracker na itinanim namin kay Hera.Ang tracker na iyon… matagal

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   100- Legacy

    LegacyKung ako man ay maglaho bukas, ang nais kong iwan ay hindi pangalan, kundi alaala ng kabutihan sa bawat buhay na aking nadampian🌻MARIKAH SYCHELLE Makalipas ang limang taon...Pagkatapos kong magsulat sa whiteboard, muli akong humarap sa aking mga estudyante sa kolehiyo. Ako ang kanilang guro sa asignaturang Philosophy sa semester na ito, tinalakay na namin ang etika at moralidad sa pinakamasalimuot nitong anyo.“Is it ethically right to take the life of someone you love if it means saving a hundred others?” tanong ko sa kanila habang tinitigan ko isa-isa ang mga mata nilang sabik sa diskurso.Agad na natahimik sa loob ng silid, kasabay ng sabayang pagtaas ng mga kamay nila. Isa ito sa mga kinagigiliwan ko sa kanila, ang pagiging aktibo nila tuwing oral recitation. Siguro dahil alam nilang mataas akong magbigay ng puntos sa mga makabuluhang sagot.Napatingin ako sa unang nagtaas ng kamay.“Yes, you may Miss Alano.”Sabay-sabay silang nagsibaba ng kamay nang tumayo ito. Kita k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status