Share

Five

"Here's the thing, Jonas, I have decided na dito na ako mananatili sa Batangas and I want to take over my grandparents' business," sagot ni Rhian sa katanungan ni Jonas.

"That's good to hear, doc. Buti naman po at naisipan niyo nang kunin ang posisyon na ipinamana sainyo ni Don Marcial, dahil malapit nang mameligro ang position ninyo kapag hindi pa kayo nagpakita," ani Jonas na biglang lumungkot ng sabihin ito.

"What do you mean?"

"Well, Mr. Del Fierro, the second highest stock holder of the company is planning to take over the company and the hospital, kapag hindi pa raw nakakabalik ang never heard and never seen na apo ni Don Marcial,"

"What? That bastard! Ang kapal ng mukha niyang balaking kamkamin ang kompanya at ospital na pinaghirapan ng lolo at lola kong itayo! I will not allow that!"

"I agree doc, you should start taking over the hospital. Pero just so you'd know, doc, hindi alam ni Mr. del Fierro at ng mga board of directors na babae ang apo ng Don. Ang tanging nakaka alam lamang nito ay ikaw, ako at ang tatlong lawyers ng Don. They were the most loyal lawyers of the deceased Don."

Nagulat si Rhian ng marinig itong. Mukhang mahilig talaga sa sikreto ang pamilyang ito. Si mama may sikreto. Si lolo may sikreto. Jusmiyo! 

She was about to say something nang may biglang mag pop na idea sa kanyang isipan. Muli siyang tumingin kay Jonas at nag salita.

"Well, I have an idea Jonas," sabay ngisi ni Rhian

Jonas narrowed his eyes when she saw the smirk on the doctor's lips. Parang ngayon pa lamang ay gusto nang sumakit ng ulo niya. Ganitong ganito ang ngisi ng lolo niyang si Don Marcial tuwing may binabalak itong gawin.

"Doc Rhian, ngayon pa lang ay parang gusto ko nang matakot sa naiisip mo," anang ng kinakabahang si Jonas.

Natawa si Rhian sa reaksiyon ni Jonas at sinabing, "Why, Jonas? Anong problema bakit natatakot ka na agad?"

"Doc, ganyang ganyan ang mukha ng lolo mo tuwing may binabalak itong gawin na kalokohan."

Lalo pang tumawa si Rhian, guess she got that from her grandpa. Mahilig siyang gumawa ng kalokohan even when she was in her elementary years. Pero hanggat maaari ngayong naging adult na siya, ayaw niyang mapahamak siya or ang mga kukuntsabahin niya tuwing gagawin ito.

"Don't worry Jonas, wala akong gagawin na makakasama para sa ospital. May gusto lang akong malaman, gawin at idispatsang mga tao. I need to see the latest reports of the hospital for this quarter,"

"Yes, Doc." Anito at nagsimula nang ipaliwanag ni Rhian ang gusto niyang gawin.

Gusto ni Rhian mag apply bilang surgeon ng ospital. At alamin ang sikot sikot ng ospital, malaman kung sino ang mga nakaupo at kung pano nila itreat ang mga pasyente at empleyado. Gusto niya ding malaman kung bakit paunti ng paunti ang nagiging pasyente ng ospital.

Gusto niya ding kilalanin ang mga nakatataas mula sa pagiging isang ordinary surgeon. 

She would still be a chairman though. But a ghost chairman at kakailanganin niya ng mga taong mapagkakatiwalaan tulad ni Jonas. She even told Jonas na nais niyang manatili si Jonas bilang executive assistant but she needed two more persons to assist him dahil nga sa plano niyang maging ghost chairman.

Noong una ay hindi sigurado si Jonas sa kanyang ideya. Ngunit habang tumatagal at naipapaliwanag niya na paunti unti ang punto niya rito, ay pumayag din ito.

So she called her two best friends to come over and tell them the news. And they both agreed. They immediately drove all the way from Manila to Batangas. Nang dumating ang mga ito ay sinalubong niya ang mga ito sa harap ng bahay.

Cassie was the one behind the driver's seat and Rory was on shotgun. Naunang bumaba si Rory at sinalubong siya.

"Girl, kamusta ka, nabalitaan ko ang nangyari! Sinasabi ko na nga ba at manloloko yang lalaking yan! At napaka tigas naman ng mukha ng kapatid mo. Sa lahat ng makakabuntis sa kanya, yung boyfriend mo pa, may lahing higad talaga yang Jessie na yan!"

"I'm okay Rory, I will be fine and thank you dahil pumunta kayo," sagot ni Rhian.

"Rhian! Girl shuta ka tawag kami ng tawag sayo last week nang mabalitaan namin ang nangyari, hindi ka nasagot sa mga tawag namin," Niyakap siya ni Cassie. At nang makita ang paligid bigla itong bumitaw sa kanya at nanlaki ang mata.

"OH MY GEE.... Grabe girl ang laki ng bahay mo. Eto ba yung sinasabi mo sa amin noon na ipinamana ng lolo mo?"

She nodded to answer Cassie's question and said, "Pumasok muna tayo. Alam kong pagod kayo sa byahe nagpahanda ako ng food para sa inyo. And by the way, this is Jonas, siya ang kanang kamay at assistant ni lolo at ang magiging boss niyong dalawa while executing this plan," at yumukod ang ulo ni Jonas.

"Pleasure to meet you mga ma'am," ani Jonas

"Please don't call us ma'am sir Jonas, dahil ikaw ang magiging boss namin, and ikinagagalak ko ring makilala kayo. Thank you for taking care of our girl Rhian habang nandito siya at hindi namin siya ma reached . " Ani Cassie.

Napagtanto ni Jonas na humble ang mga kaibigan ng apo ng don. Wala siyang dapat ikabahala dito lalo't kitang kita sa mga ito ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kaibigan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status