Share

The Doctor's Baby
The Doctor's Baby
Author: PumpkinPie

One

                          Chapter 1

Umuwi si Rhian sa  kaniyang bahay galing sa trabaho upang magpalit ng damit at kunin ang regalo niya para sa kanyang nobyo na si Franco. She was about to surprise him tonight. Dahil ngayon ang ika limang taong anibersaryo nila bilang mag kasintahan.

Nag book siya ng table sa isang mamahaling restaurant sa tagaytay. Sobrang busy ng kanyang boyfriend kung kaya't alam niyang malilimutan na naman nito ang kanilang anniversary.

Ang boyfriend niyang si Franco ang CEO ng business na minana nito sa kanyang ama na si Santiago Asedillo. Ang Founder ng Asedillo Drugs and Pharmaceutical. Simula nang ipamana ng kanyang ama ang kumpanya kay Franco ay naging busy na ito at halos di na sila nakakalabas.

At dahil naiintindihan niya ang sitwasyon nito, siya na lamang ang pinupuntahan nito. Minsan nga ay nasabihan na siya ng kaibigang sina Cassie at Rory na parang ini spoil niya ang kanyang boyfriend na si Franco at baka mamaya ay hindi naman pala business ang inaatupag nito kundi pambababae.

Hindi niya sineryoso ang mga sinasabi ng mga ito dahil alam niyang noon pa lamang ay ayaw na ng mga kaibigan niya si Franco. Dahil masyado daw itong malapit sa mga babae. At siya naman ay masyadong bulag sa pag ibig dito. Hindi na lang niya pinapansin ang mga ito. Pero noong una ay nagkaroon pa sila ng tampuhan ng mga kaibigan dahil sa mga sinasabi ng mga ito tungkol sa kanyang nobyo. Ngayon, hinahayaan niya na lamang ang mga ito.

Matapos makapg bihis ay isinara na ni Rhian ang kanyang bahay at isinakay sa kanyang kotse ang regalo niya rito at ang kanyang overnight bag. Actually, hindi talaga overnight bag ito. She planned on staying the weekend sa bahay ng nobyo. Kaya dala na niya ang mga damit.

She finally drove her way papuntang office ni Franco. She was really excited to see his reaction once makita nito ang regalo niya rito. Hindi naman siya gumastos ng malaki para sa regalo niya rito. Ang regalo niya talaga rito ay ang picture ng napili niyang Wedding gown, Venue at Honeymoon location. Matagal na kasi siyang niyayaya nito na magpakasal ngunit hindi agad siya nag agree dahil sa napakadaming problema ng kanilang pamilya. And today, isinuot na niya ang engagement ring na binili nito para sakanya.

She finally arrived sa building ng ADP or Asedillo Drugs and Pharmaceutical. Sumakay siya ng elevator ngunit bago siya makasakay ay parang may nahagip ng mata niya, ito ay ang kaibigan ng kanyang kapatid na si Jessie, sa lobby area. Ano nga ba ang pangalan ng malditang kaibigan na iyon ni Jessie? Gusto niya pa sana itong tawagin ngunit sumara na ang pinto ng elevator.

She punched the twenty third button. Ito ang top floor ng building at naroon ang opisina ni ng kasintahang si Franco.

On her way up to Franco's office, She was wondering why her sister's bestfriend is here. Ano kayang ginagawa nito sa building ng ADP ng ganitong oras? Bago pa man siya makapag conclude, ay tumunog na ang elevator at bumukas na ang pinto. Hudyat na nasa twenty third floor na siya.

Pag bukas ng pinto ay nakita niyang malinis ang lobby papunta sa office ng boyfriend slash soon to be fiancé. Wala na rin ang assistant nito sa kanyang table. Napatingin siya sa oras at nakitang quarter to six na pala. Kaya pala wala na masyadong tao sa office.

Nang nasa pinto na siya ng opisina ni Franco ay dapat kakatok siya bago buksan ang pinto ngunit nakita niyang hindi pala nakalapat ang pinto. Bago pa man niya maitulak ito ay narinig niya ang pag uusap sa loob.

"Franco, I'm pregnant..." The woman from inside said. At kay Franco niya ito sinasabi. She was very shocked ng marinig ito. Nabura ang ngiti sa mga labi niya ng marinig ang boses ng nobyo at sumigaw ito ng yes!

Para siyang idinikit sa kinatatayuan niya sa mga narinig. At hindi pa nagtatapos doon ang lahat. She heard a sound na para bang may inaayos o kinukuha ang nasa loob ng kwarto kaya minabuti niya nang itulak ang pinto at pag bukas nito, ay mas lalo siyang nagulat sa nakita.

Franco is kneeling down in front of a woman. He is holding a ring on his left hand at ang box ng singsing ay nasa kaliwang kamay nito. When she looked up she saw the woman. Ang babaeng niluluhuran ni Franco ay kilalang kilala niya. It was her half sister, Jessie.

She couldn't believe what her eyes is showing her. Napalingon ang dalawa ng makita na siya ang iniluwa ng bumukas na pinto ng opisina.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Rhian sa dalawa habang pinipigil ang sariling luha na wag pumatak.

Laking gulat ni Franco at Jessie ng bumakas ang pinto at makita ang taong nag bukas nito. It was his girlfriend, Rhian. At huling huli siya nitong nagpo propose sa ngayo'y nagda dalang tao nitong kapatid na si Jessie. 

Hindi niya alam ang sasabihin niya. Balak pa lamang niyang makipag hiwalay kay Rhian, pero hindi sa ganitong paraan. Pero dahil mahal na niya ang kapatid nitong si Jessie. At dahil nga nagda dalang tao na ito ay nais niya na itong pakasalan, kailangan niya na ngayong aminin kay Rhian ang lahat.

"Rhian, I am really sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadyang mahulog ako sa kapatid mo. Mtagal ko nang gustong sabihin ito sayo pero hindi ko alam kung paano ,"

"Sorry? Pasensya? Kaya pala sobrang busy mo at hindi mo ako napag lalaanan ng panahon, dahil busy ka na pala sa iba. Kailan ha? Kailan mo pa  ako niloloko?"

"Sis , wag mong sisihin si Franco, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito," sabad ni Jessie.

"Huwag mo akong matawag tawag na kapatid. Isa lang ang anak ng mommy ko. Wala akong kapatid ," sagot ni Rhian kay Jessie.

"Rhian, tama na yan. Sa akin mo isisi ang lahat wag kay Jessie, nagda dalang tao siya at hindi siya pwedeng ma stress. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Nagsimula ang lahat ng pumunta ka sa Batangas para puntahan ang lolo mo na may sakit. Ang akala ko noon ay babalik ka agad. Pero lingid sa kaalaman ko na aabutin ka pala ng dalawang buwan doon. Sobra ang lungkot ko ng mga panahong wala ka sa tabi ko. Pero nandoon si Jessie para tulungan akong mawala ang lungkot ko. At hindi ko namamalayang nahulog na pala ako sa kanya ,"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status