Share

Two

"Ibang klase ka naman talaga ano Jessie, una, ang daddy ko ang inagaw mo, pangalawa ang mga gamit ko tapos ngayon eto, ang boyfriend ko inagaw mo? Ano pa bang gusto mo? Habang maaga pa ay sabihin mo na para ibigay ko na sa iyo ng kusa!" Galit na galit si Rhian ng sabihin niya ito kay Jessie.

Nang tingnan niya ito ay inilagay nito ang mukha sa loob ng dalawang palad at umiyak at sinabing , "Hindi ko sinasadya ate Rhian, hindi ko sinasadya na mahulog ang loob ko sa boyfriend mo. Sinubukan kong pigilan pero hindi ko magawa. Mahal ko si Franco ate,"

Napakagaling talagang umarte ng babaeng ito sabi ni Rhian sa kanyang isip. Gusto pa sana niyang magsalita pero pinigil na siya ni Franco.

"Please, Rhian, sa akin mo na lang ibuhos ang lahat ng galit mo, wag na kay Jessie dahil buntis siya sa anak ko, at pananagutan ko iyon , mahal ko si Jessie, Rhian,"

Parang gumuho ang mundo ni Rhian nang marinig ang mga sinabi ni Franco. Hindi siya makapaniwala na naririnig niya iyon mula kay Franco. Sobrang sakit ng nararamdaman ni Rhian ngayon pero pinilit niya pa rin itong tanungin, "Paano ako Franco? Hindi mo na ba ako mahal? Paano na ang pangako mo sa akin na pakakasalan mo ako? Paano na ang mga pangarap natin? Shit Franco!"

"I'm sorry, Rhian," sagot nito.

Natigilan si Rhian sa sagot nito.

"Sorry? Sorry lang? Paano magagamot ng sorry mo ang nararamdaman kong sakit Franco? Sabihin mo paano?" Rhian said na hanggang ngayon ay pinipigil ang sarili na umiyak. 

Hindi siya iiyak. Hinding hindi siya iiyak sa harap ni Franco at ng kapatid niyang impakta na si Jessie. Hindi ko sila bibigyan ng chance na makita akong umiiyak.

Tiningnan niya ang mga ito, una si Franco, bakas sa mukha nito ang pagsisi. Doon na napag tanto ni Rhian na wala na siyang pag asa pang makuha muli ito. Tumingin siyang sunod sa kanyang kapatid na si Jessie, at kitang kita sa mukha nito ang saya. Naka ngisi pa nga ito nang tignan niya ito. Pero nang lingunin muli ito ni Franco ay napaka bilis nitong magpalit ng emosyon sa mukha.

Makasarili at masama talaga ang ugali ng kapatid niyang ito. Akmang tatalikod na si Rhian ng maalala ang singsing na ibinigay sa kanya noon ni Franco, kaya humarap siya at lumapit dito.

Nagulat ang dalawa at bakas sa mga mukha ng mga ito ang takot na baka saktan niya ang mga ito. Ngunit mali ang kanilang iniisip. Lumapit si Rhian kay Franco at sapilitang hinubad ang singsing at kinuha ang kamay ni Franco. Binuksan niya ang palad nito at inilagay ang singsing doon.

"What's this Rhian?" Tanong nito sa kanya na halatang nagulat.

"This is the engagement ring you gave me. Eto sana ang surprise ko para sa iyo ngayong araw ng anniversary natin. This is my surprise gift for you. Accepting you as my fiancé. Pero wala na pala akong magiging fiance bago ko pa pala tanggapin, pinalitan mo na ako," Franco was stunned when she said it. Gulat na gulat siya ng makita ang singsing. And then she left.

Hindi pa man siya nakaka layo ay naririnig niya na si Jessie na umiiyak at sinasabing kasalanan niya ang lahat ng ito. At dahil best actress ang half sister niya from hell, naaawa si Franco dito at inaalo ito at sinasabing walang siyang kasalanan.

Ngumisi siya at naisip na kung sakaling mag aartista ito, malamang sikat na sikat na ang babaeng ito.

Ibang klase talaga ang babaeng ito. 

Bumaba si Rhian sa elevator ng makarating na ito sa ground floor. Nakita niyang muli ang kaibigan ng kapatid kaya dali dali siyang lumabas. Pag sakay niya sa kotse ay doon niya pinakawalan ang kanina niya pang pinipigil na luha. 

Hindi siya makapaniwala na kaya siyang lokohin ng unang lalakeng minahal niya. Ngayon niya naisip ang sinasabi ng mga kaibigan. Na baka kaya nagiging busy si Franco ay dahil sa may iba na itong babaeng pinagkaka busyhan. Ang tanga tanga ko.

Pagkatapos ng lahat lahat, lolokohin niya lang pala ako. Wala kang ipinagkaiba kay papa.

She tried to calm herself down. Nang makakalma na siya ay pinaandar niya na ang kotse at umalis na sa lugar na iyon. Nag drive siya palabas ng Manila. Her goal is to go to batangas. Sa bahay na ipinamana ng lolo niya sa kanya. 

Dapat ay sa mama niya ipapamana ng lolo niya ang lahat ng ari arian nito including his hospital. But then maagang namatay si mama. She was hit by a truck in Manila when she was about to meet her friend.

Her father didn't knew na may ipinamana sa kanya ang lolo nito. Kabilin bilinan ng lolo niya na wala siyang pagsasabihan sa kanyang pamilya ng bagay na ito. Hangga't hindi pa siya ready i-manage ang kanilang business, ay ipapamanage niya muna ito sa anak ng kanyang kumpadre at sa kanang kamay nitong si Jonas. She didn't ask for reasons pero pumayag na lamang siya.

She was finally back to Batangas. Naisip niya munang dumaan sa isang bar bago umuwi. The pain in her chest was still there. Hindi pa rin siya makapaniwala na nawala na ang lalaking pinakamamahal niya. At ang anak ng kaniyang ama na naman ang may kagagawan noon.

She saw a bar at the end of the road. Nakita niyang maraming motor at kotse ang nakapark doon pero pinili niya paring pumasok doon. When she got inside, doon niya napagtantong fully packed talaga ang bar. She didn't know where to sit dahil puno ang bar na ito.

Lumingon lingon si Rhian para maghanap ng bakanteng lamesa para sa kanya ngunit wala siyang nakita. However, she saw a table for four na may nakaupong lalaki. She looked at him intently.

Nakatulala ito na para bang may iniisip at bakas sa mata nito ang lungkot. He was wearing a pant suit and a white unbuttoned long sleeves polo. Mukhang galing ito sa isang kasiyahan or event.

May naisip siyang ideya so she went to the bar, ordered herself a drink and made a beeline to the man's table.

Nang makarating siya doon ay umupo siya sa harap nito and said, "May I sit here?" Nagulat ito at napatingin sa kanya. He just nodded and went back to staring outside.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status