Share

Kabanata 10

Desisyon

Nakabalik na kami sa Bahay-panuluyan. Wala akong imik na tumungo sa aking silid. Ipinagpasalamat ko ng lihim na hindi nila ako tinanong pa.

Saglit akong napailing.

Ang Hari? Wala naman itong pakialam sa akin o sa kung anuman ang nararamdaman ko. Ito na yata ang nakilala kong malamig pa sa niyebe kanina.

At wala rin naman akong inaasahang simpatya mula sa kanya. Ayos na sa akin na pumayag ito sa pakiusap ko, kahit pilit.

"Binibini, tingnan niyo 'to, umuulan ng niyebe!" masayang sabi ni Dera, habang nakatigin siya sa bintana na gawa sa kristal. "Magsisimula na ang tag-lamig!"

Saglit akong tumingin doon pero mas lalo ko lang tinakpan ng unan ang mukha ako. Naaalala ko ulit ang mga nangyari.

Nakakalungkot at nakakagalit. Wala akong magawa, wala akong maisip na paraan para matulungan sila.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status