Masamang Balita
"Senyora Varrella...?" nausal ko habang nakatingin sa matandang babaeng ngayon ay kausap ng Hari.
Talagang magkawangis sila ng yumaong Senyora. Hindi kaya kamag-anak siya ng Senyora? Kapatid? Pinsan?
Lahat ay napatingin sa akin, lalo na ang kawangis ng aking dating Senyora. Nagtatanong itong tumingin sa kaharap na Hari bago ako nito muling binalingan ng pansin.
Naibaba ko ang paningin nang siya ay lumapit. Nagtataglay din ito ng mabigat na presensya at katulad ng namayapang Senyora, may kung anong misteryo ang bumabalot dito.
Maliban sa pagiging Reyna ng yumaong Senyora, ano pa kaya ang nasa likod ng misteryosong pagkatao nito?
"May sinabi ka bang pangalan?" panimula niya nang magkaharap kami. Umiling na lang ako. Baka pagkakataon lamang na magkawangis sila ng yumaong Senyora.
Nag-ang
TanongLuha. Iyon ang aking nakita sa matandang babaeng kaharap ko ngayon. Pagkagulat, pagkalito, lungkot, at tila hindi pa makapaniwala sa nalaman.Umalingawngaw ang tunog mula sa nabasag na tasa na naroon na sa marmol na sahig. Maya-maya'y narinig ko na ang mga yabag."Ano'ng nangyari?" kaagad na unang salita ng Hari nang ito'y makapasok sa loob. Kasama naman nito si Harrion na naroon sa pintuan."Oh, nagkukwentuhan lamang kami. Nahulog ko lang ang aking tasa, hindi ko kasi masyadong nahawakan ng maiigi," kaagad na palusot ng nasa harapan ko.Kunot-noo lamang na tumingin sa amin ang Hari. Hindi nito nakita ang pagluha ng guro nito. Humanga naman ako at nakahinga rin ng maluwag nung kinomposyur kaagad ng guro ang sarili. Animo'y hindi siya nakatanggap ng masamang balita kanina at ganoon na lang sa kanya kadali na magpalit ng emosyon.
Bago ang lahat"May sinabi ka ba kay Valleri?" Iyon ang aking narinig mula sa kanya.Lihim na iniwas ko ang mga mata kahit nakatalikod ako sa Hari. Alam ko kung ano ang magiging kahihinatnan sa pagitan namin kapag sinabi ko ang tungkol sa kung anong dahilan ng pagkalungkot ng kanyang guro."Wala. Nagkwentuhan lamang kami," pagsisinungaling ko.Patawad. Sabi ng aking isip para sa kanyang guro. At para na rin sa kanya, dahilan niyon ay ayaw kong magkaroon pa ng kung anumang pagdedebate sa pagitan namin.Kataka-taka ring hindi siya nagsalita pa o nagkomento man lang sa aking sagot.Alam kong may darating na araw na may kapalit na hindi maganda, pero sa ngayon... pagod a
Kaarawan at Halik"The King and Queen of Koroteya has arrived!"Narinig kong malakas na anunsyo ni Harrion sa lahat na nasa loob ng bulwagan. Musika na nagmumula sa mga biyolin ang namayani sa aking pandinig nang mabuksan ang malaking pintuan patungo sa bulwagan kung saan ngayon idinaraos ang kaarawan ng Hari.Mga bago, hindi pamilyar at mapanuring tingin ang iginawad ng lahat sa akin nang ako'y tuluyang humalo sa bilang nila kasama ang malamig na Hari. Alam kong malaki ang aking gagampanin sa mga oras na ito."Good evening, Your Majesty and Your Highness." Halos sabay nilang bati sa akin.Mabuti na lang ay napag-aralan ko kahit papaano ang kanilang pananalita kahit ito'y panimula pa lang. Kaya't may naiintindihan ako.Ngumiti ako sa kanila habang tipid na tumango lamang ang Hari.
Mag-usapBlangko. Pagkalito. Pagkagulat. Iyon ang agad na bumalot sa akin nang gawin ng malamig na Hari ang hindi inaasahan. Nanlalaki ang mga matang maramdaman ko ang paglikot ng labi nito sa aking labi. Parang nauuhaw.Sa labis na kabiglaan sa aming sitwasyon ay halos hindi na ako nakapag-isip ng tama. Natauhan na lamang ako nang mas pinalalim ng Hari ang pag-angkin sa aking labi kaya't mariin ko siyang tinulak gamit ang buo kong lakas.At ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang itsura niya. Namumula ang buong mukha at leeg. Namumungay ang mga mata at tila may senswal sa kung paano niya ako titigan.Naglakas-loob akong harapin ang malamig na Hari kahit pa may kaunting kiliti ang naiwan sa aking labi mula sa ginawa niya."Ano bang nangyayari sa'yo, Kamahalan? Bakit mo ba ginagawa 'to?"Ngunit tila bingi ang Hari.
MuliNaiwan akong mag-isa sa silid. Tumanggi ako sa kagustuhan ng Hari na mag-usap kami. Wala akong pakealam kung magalit man siya sa akin pero sa ngayon ay hindi ko kayang harapin siya. Kahit makita man lang ang mukha niya ay baka manginig muli ako sa takot at baka hindi lamang punyal ang maitutok ko't makasugat sa kanya.Napapikit ako at napatakip ng mukha ko. Bumabadha na naman ang mga luha. Hindi ko pa makontrol ang sariling emosyon. Para kasing awtomatikong nagbalik ako sa nakaraang halos dumikit na sa pagkatao ko.Dapat nga ay pinapangatawanan ko ang aking pangako, ang aking desisyon, ang aking mithiin. Ngunit heto ako ngayon. Mahina pa rin ako. Gusto kong pangaralan ang sarili sa pagiging ganito ko.Hindi ba't nangako kang magiging malakas ka, Yonahara? Ano itong ipinapakita mo?Parang pinatotohanan ko ang sinabi ng
Kiliti, halina at bihagSa tana ng buhay ko'y hindi ko inisip kung ano ang pakiramdam ng isang pisikal na intimasyon. Sa totoo'y wala akong nalalaman tungkol doon. Ang tanging kagustuhan ko lamang ay matigil na ang bawat dahas at kamunduhan na minsan ay hindi lang masarap sa pakiramdam. Ito rin ay nakakapanakit. Nagiging ganid at marami ang nagiging biktima sa mali nitong paraan.Ang ganoong paraan at pagtatangka noon sa akin ay dumikit na yata sa aking isip at pagkatao. Ang takot ay madaling bumabalot sa tuwing may ganoong pagkakataon. Minsan ko na nga ring naisip kung ano ba ang mayroon sa isang intimasyon?Gaano ba ito kaakit-akit sa iba? Paano niyon nagagawang ibahin ang isang tao? Anong pakiramdam? Iyon ba ay takot? O totoo nga kaya ang sabi-sabi'y labis iyong nakakahalina?
DahilanHalos hindi ako pinatulog ng senaryong iyon. Nararamdaman ko pa rin ang bawat haplos, dampi, kiliti at halina na ibinigay ng labi ng malamig na Hari. Nakalimutan ko na nga kung paano ako nakabalik sa aking silid.Ilang ulit na rin akong naglumikot sa aking kama subalit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hanggang sa dumating ang madaling araw, 'dun lang ako tuluyang nakatulog.Nasa hapag kainan ako, mag-isang kumakain. Si Dera ang siyang nagsisilbi ng aking pagkain at ng inumin. May iilang nakabantay din na kawal sa bawat sulok. Nagsasalin ng tsaa si Dera nang mapansing hanggang ngayon ay hindi pa rin pumaparito ang Hari o kahit makisalo man lang sa hapag."Mahal na Reyna, hanggang ngayon pa ba'y hindi pa rin kayo nagkakausap ng mahal na Hari?"Natigil ang ginagawang paghihiwa sa nilutong karne nang magtanong si Dera. Saglit k
ParaanNapapikit ako nang dumaan sandali ang ihip ng hangin, nanginig ako ng kaunti dahil doon. Ang lampara naman sa loob ng silid ang nagbibigay ng konting liwanag sa gabing tahimik at sa buwan na ngayon ay nababalitan ng makapal na ulap.Pagmulat ay pinagmasdan ko naman ang labas ng palasyo mula sa terasang kinatatayuan ko. Sa kabila ng katahimikan, parang nadidinig ko ang bawat bulong, tinig at galaw ng ilan. O baka dahil nasanay lamang ang aking pandinig sa mga ingay sa labas mula pa noon.Mga ingay na hindi ko nanaising marinig muli. Mga ingay na may bahid ng dahas at kamunduan. Na sa pagitan ng pagmamakaawa, pagtangis at tuwa ng mga ganid... iyon din ang ingay na nagiging musika ng sindak sa tuwing kumakagat ang dilim."Siya kaya... kumusta na ang pakiramdam niya? Nahihirapan pa ba siya?" nausal ko sa 'di inaasahang sandali ng aking pag-iisip.