Share

Kabanata 40

Temptasyon

Hindi ko mawari kung ilang oras na ba ang nagdaan simula nang ako'y pumasok sa bundok. Gamit ang gintong sinulid at ilang mga naunang gabay na may gintong sinulid din, na nakatali sa mga puno ay tuon ang atensyon kong sinusundan.

Tahimik ang kagubatan. Habang ang mga puno ay mayroong misteryosong presensya kasama ng katahimikan. Nilalabanan ang panghihinang maaring ilaban sa akin habang patuloy akong naglalakad sa landas, gabay ng mga gintong sinulid.

Dahil sa hamog ay hindi ko masyadong tanaw ang paroroonan. Habang pagtuloy ang paglalakad, isang kaluskos sa likuran ang nagpalingon sa akin. Isang pagsinghap ang aking ginawa upang ibalik sa normal ang paghinga.

"Tatagan mo ang iyong sarili, Yonahara. Hindi ka dapat magpadala sa takot," bilin ko sa aking sarili.

Nagpatuloy muli ako. Habang sinusundan ang mga nagdaang gabay, at paglalagay ng gintong sinulid sa dinaanan, kung kanina'y paminsan-minsan lamang ang mga naririnig na kaluskos ngayon naman ay maya't maya na ito nagpap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status