Share

002: Ran off

Lara's POV (10 years ago)

Tumama ang mga neon lights sa mga mata ko kaya naman napasingkit ako ng tingin. Party songs played along the wild crowd on the dance floor and the whole place reeked of alcohol.

"Lara." Isang buong boses ng babae ang nagtawag sa pangalan ko kaya naman napabalik ang tingin ko mula sa mga taong sumasayaw sa baba papunta kay Tavia na nakahalukipkip sa gilid ko.

"What?" Ngumiti ako at s******p sa hawak na mojito cocktail.

My other arm was resting on the couch's arm and my legs stayed crossed. The split thigh cowl neck satin cami dress hugged my body well as I partnered it with a high loose ponytail.

"Nasaan na 'yong speech mo?" tanong ni Tav at inirapan ako bago siya kumuha ulit ng isang shot glass ng hard liquor mula sa table.

"Huh?" I winced at her. Baka naman eulogy ang hinihingi nito.

Raven chuckled beside me. "D*mbass, 'yung speech mo daw."

Tinignan ko siya nang masama. "I heard it! Tinanong ko lang kung anong speech 'yung tinutukoy—"

"Nasa Despidida party ka tapos wala ka man lang speech para sa akin?" Ngumiwi si Tav bago nilagok ang alak sa hawak na shot glass.

Natawa ako bago binaba ang hawak na highball glass. I cleared my throat as I tried reminisce about our past and how I met her.

"Noong nakilala kita," I trialed off. "I knew you were the one."

Bago pa ako makatawa, itinapon na agad sa 'kin ni Tav ang hand bag niya at naramdaman ko ring tinanggal ni Ravi ang nakaakbay niyang braso sa akin.

Sabay silang uminom ng shot bago umiling-iling.

"T**nang 'to talaga," wika ni Tav habang tinitignan akong natatawa. "Aalis na ako't lahat-lahat, ang korni mo pa rin."

"You really need to work on that, Lara," ani naman ni Ravi nang nakangisi.

Lumingon muna ako sa kay Lia na tahimik lang sa gilid ni Ravi bago ibinalik kay Tav ang tingin.

"I really don't wanna cry right now, but I wanna say thank you for approaching me from the first day. Thank you for being the best friend that you are."

Ngumiti siya nang maliit ngunit nakita ko ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa kaniyang mga mata kaya sinubukan niyang hagilapin ng dance floor sa baba.

"I can't thank you enough, but I love you so much." I made a small grin and she did the same.

"Bottom's up!" Ravi raised his shot glass.

We made cheers to Tavia's college journey in Manila. Tahimik naman si Lia sa tabi pero alam naming nagpipigil lang ito.

She's with Tav the most and I'm sure, she'll miss her more than anyone else.

Maya-maya pa ay nag-iyakan na nga sina Lia at Tav sa kabilang couch. I leaned on Ravi's broad shoulders and he leaned on my head too. I smelled the strong scent of the hard liquor that he was drinking so I winced a bit.

"I'll miss this d*mb lady," bulong niya habang nakatingin kami kina Tav na nag-iiyakan pa rin.

Ngumiti ako at sumang-ayon. "Yeah, we'll surely do."

Sinulit namin ang buong gabi hanggang sa malasing na talaga sina Lia at Tav. Si Ravi namang nasa tabi ko, parang hindi tinamaan ng alak at nagbabalak pang mag-order ng drinks kanina.

We went out of the bar and we made Lia and Tav sit on gutter as I was texting Kuya Arnel to pick me and Tav up. Lia will be going home with Ravi since they're just a block away.

Bago ko pa matawagan ang driver ko ay bigla na lang nagsususuka si Lia sa gilid. "Sh*t."

Agad siyang dinaluhan ni Ravi at inipit ang lahat ng buhok ni Lia sa kamay niya. Lumapit naman ako para himasin ang likod niya.

"Swissss swissss—"

"Shut up, Ravi," iritadong banta ko sabay abot kay Lia ng isang bote ng tubig.

"What?" nakakunot-noong baling niya. "I am f*cking helping her here!"

"Hindi 'yon tunog ng pagsusuka!" I threw him dagger looks as he looked at me with a what-are-you-talking-about-look.

"Ano kung gano'n?!"

"Pinapaihi mo siya!" singhal ko at naduwal ulit si Lia. I rubbed her back more.

Sinamaan ako ng tingin ni Ravi nang bigla na lamang akong kinalabit ni Lia. "Lara, I wanna pee. To the comfort room, please?"

"See?" nakakunot-noo kong baling kay Ravi.

Umiling-iling ako sa kaniya at napabuntong-hininga naman siya. Inabot ko ang braso ni Lia at inalalayan siyang tumayo. "Ravi, samahan mo siya."

"Ano? No way, Lara!" aniya at tumayo nang tuwid. "No. 'Di ako papasok sa women's-"

Lia suddenly threw up and unfortunately, itinapat niya ito sa damit ni Ravi.

Nginiwian ko ang lagay ni Lia at sinipat si Ravi bago siya nginisian. "Now, you're going."

Raven's eyes were tightly closed. He looked like praying as if Lia, vomiting on him wasn't true at all. "Argh, d*mn it! Nagiging katulong ako palagi tuwing naglalasing 'tong babaeng 'to!"

Pabalag na inagaw sa akin ni Ravi ang braso ni Lia na hawak ko at kunot-noo niyang iginayak ito papasok sa bar.

"Ayusin mo 'yang lakad mo, Lia kung ayaw mong paliparin kita nang wala sa oras," rinig ko pang banta ni Ravi sa kasama nito.

I watched them enter the establishment and glanced at Tav right after they entered it. Napameywang ako sa tayo nang makita si Tav na nakaupo pa rin sa gutter habang kumakanta na para bang hindi alintana ang boses nitong basag-basag.

"Oh damn Octavia, you are dying." Inirapan ko ang kalagayan ni Tav at kinuha na lang ang phone ko sa pouch para tignan kung may message si Kuya Arnel.

From: Kuya Arnel

Miss Lara, hindi ko mapick-up 'yang location niyo. Marami bang puno o gusali jan?

Napalingon ako at nakitang hindi naman gano'n karami ang mga puno ngunit malalaki ang mga sanga nito.

We're in an exclusive bar that's really far away from the bright streets of the city. Marami rin namang bahay dito at hindi rin madilim. Sadyang dim lang ang lights.

Sinulyapan ko si Tav na hanggang ngayon ay wala yatang balak tumigil sa pagkanta kahit sinisinok na siya.

Nakangisi ko siyang tinalikuran at naglakad nang kaunti at baka sakaling ma-track na ni Kuya Arnel ang location ko.

Sure, pwede ko lang naman tanungin si Tav kung saang lupalop ng daigdaig kami naroroon, pero 'di ko alam kung nasa tamang estado pa 'to ng pag-iisip ngayon.

Ravi just randomly drove us here for tonight. He left his phone and car keys beside Tav in the gutter kaya hindi ko rin siya matanong. He only took his clothes with him.

"Where the heck are we?" I whispered to myself. All I know is we are in a bar named Le Andrado and nothing more.

Itinaas ko ang phone ko at nagbaka sakaling ma-track ni Kuya Arnel bigla. I walked and walked, waiting for his sudden miracle message stating that he has already located me.

Naglalakad ako nang mapayapa nang bigla na lang akong mapatalon sa gulat nang tahulan ako ng isang malaking aso at sa anong oras ay pwede akong nitong sugurin. "Roof! Roof!"

Iritado ko itong binalingan ng tingin. This very loud creature literally outweighed Octavia's mouth, I swear.

"Shoo! Hush!" taboy ko rito.

"Roof! Roof!" Napalingon ako sa gilid ko nang biglang may papalapit ulit na pang aso pero mas malakas ang tahol nito.

"OMG, OMG," tanging naiwika ko at mahigpit na napahawak sa phone ko. Napako ako sa tayo at ni isang galaw ay hindi ko magawa sa takot.

Their barks spread like wildfire. The next thing I knew, three large dogs were already pacing towards me.

"Heh! Alis!" Malakas kong itinadyak ang isang paa ko para sana takutin sila pero agad din itong pinagsisihan.

Muntik akong kinagat ng isang aso! Dahil sa takot at gulat, naging sinyales ko ito para tumakbo nang mabilis.

"Sh*t! What have I done?!" mahinang ani ko sa sarili.

"Roof! Roof!" Patuloy sa pagtahol ang mga aso habang hinahabol ako nang napakabilis. My legs unexpectedly worked as if I wasn't tired already from partying a while ago.

Mabilis kong tinahak ang kaliwang daanan at hingal kong sinubukang maghanap ng bahay na aakyatan ngunit masyadong matataas ang mga bakod nito.

"AAAAAH!" Napatili ako nang malingon ang ngayong apat na malalaking aso na humahabol sa akin.

Mangiyak-ngiyak kong ibinalik ang tingin sa harapan ko at mas binilisan pa ang takbo.

From the trees, I saw a house with its gates, open. Without thinking twice, I took that chance as my last resort and trespassed on the area. Nervously, I immediately closed the gate which made a loud bang.

Mabilis kong itinulak ang tarangkahan upang masiguradong hindi makakapasok ang mga aso. My breathing was heavy and I started to feel beads of sweat on my body.

"Roof! Roof" Patuloy pa rin ang tahol ng mga aso na tila ba galit pa sa ginawa kong ito.

"You stup** dogs! I swear, I'll make Papa turn you into buns! Tavia will be so mad at you, she'll wreck you into pieces!"

Mabilis ang paghinga ko ngunit mas malaki ang inis ko sa mga aso na ito. My hands trembled as I still continued pushing the gate's metal bars.

My silence grew when all of a sudden, the dogs that were loudly barking at me has silenced and sat. They even let their long tongues hang in their open mouths as their tails kept wiggling.

"What? You're scared that—"

"Sino ka?" Isang mababang boses ng lalaki mula sa aking likuran ang nangputol sa sinasabi ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status