Share

Kabanata 6 Difficult to Love

Bumaba ang labi ng binata sa kanyang leeg. Binuksan nito ang tatlong butones ng kanyang uniporme. Marahan nitong kinagat ang kanyang balikat. Natitiyak niyang mag-iiwan ng marka ang mga ito. Ngunit darang na darang na siya. Natutupok na ang kanyang katawan kasama ang kanyang katinuan. May hatid na matinding sensasyon ang mga labi at dila ng binata na humahagod sa kanyang leeg. Muli nitong inangkin ang kanyang mga labi.

“Shit! Napakasarap mo,” bulong nito sa kanyang tenga.

Dinama niya ang dibdib ng binata. She wanted to touch him to return the pleasure. They were kissing passionately. Nakakabaliw ang sensasyon na nararamdaman niya.

Ibinaba siya ng binata mula sa pagkarga nito. “Okay, sabi ko halik lang.” Huminga ito ng malalim upang sugpuin ang pagnanasa sa katawan.

Gusto niyang tumutol ng pakawalan nito ang labi niya. She’s longing for more. Kinabig niya ang binata upang halikang muli. Hindi naman siya nagbigo. Muli siyang hinalikan nito na puno ng pagnanasa.

“Kailangan na nating huminto dahil baka mamaya ay hindi na ako makapagpigil,” hinihingal nitong sabi.

Nagtatanong ang kanyang mga mata ng itaas niya ang mukha at salubungin ang titig ng lalaki.

“Gusto ko ay sigurado ka na sa damdamin mo para sa akin. Sa ngayon, alam kong naguguluhan ka pa.”

Huminga siya ang malalim upang humupa ang init na nararamdaman. May punto ang binata. Hindi siya dapat magpadalos dalos at magpadala sa emosyon. Namula ang kanyang mukha sa pagkapahiya. Lumalabas na siya pa ang hindi makapagpigil. Shame on her!

“Umalis ka na!” aniya upang pagkatakpan ang kahihiyan.

“Okay, ingat ka lagi.” Isang mabilis na halik muli sa labi ang ginawa nito bago tuluyang umalis. Ilang segundo lang ay bumalik sa normal ang dami ng tao sa bahaging iyon ng library. Na-amuse siya sa isipin na kaya nitong gumawa ng sariling mundo at isama siya. Anong klaseng tao ito? Bakit nakakagawa ito ng mga bagay na parang imposible.

Teka, bakit gusto niyang itanong kung kailan ito babalik. Napaupo siya at nahulog sa malalim na pag-iisip. Hindi niya hiniling ang ganito ka-complicated na lovelife.

“Mika!” tawag ng pamilyar na boses. Si Andrei. Ang pinakamasugid niyang manliligaw. Madaming nagtatangkang manligaw sa kanya ngunit hindi nagtatagal ang mga ito dahil tinatapat niya na wala pa sa isip niya ang pumasok sa isang relasyon. Si Andrei ay pormal na dumadalaw sa kanilang bahay at kasundo ng kanyang mga magulang. Napasulyap siya sa gwapong mukha nito. Malinis itong manamit at matangkad. Ngunit sadyang iba ang karisma ni Liam.

“Kumain ka na? May baon akong beef broccoli, luto ni Mommy.”

“Ah, busog pa ako. Maaga din akong uuwi, sa bahay na lang ako mag-la-lunch.” Bakit parang guilty siya at ayaw ng sumabay sa ibang boys. Feeling niya pinagtataksilan niya si Liam.

“Iuwi mo na lang. Para sa’yo talaga ‘yon.”

“Ah sige na nga. Kainin natin mamaya. Nakakahiya naman kung iuuwi ko ang baon mo.” Hindi na niya nagawang tumanggi.

Dumating si Gemma, ang kanyang bestfriend mula noong high school. Napansin nito ang pula sa kanyang leeg. “Hoy, ano yan? Tsikinini ba ‘yan?”

“Alin? Etong sa leeg ko? Makati nga ito kagabi pa. Hindi ko din alam,” aniya na tinangkang takpan ng mahabang buhok ang kanyang leeg.

“Umamin nga kayong dalawa, mag-jowa na ba kayo?”

“Gemma, tumigil ka nga. Nakakahiya kay Andrei, ang bibig mo.”

Nakangiti ang binata. “Hiling ko nga din ‘yan, ang sagutin na ako ng kaibigan mo.”

“Mika, ang tagal mo namang mapa-oo. Ang dami ding may crush dito kay Andrei. Ikaw din baka maunahan pa kita,” sabay tawa nito ng napakalakas kaya sinaway sila ng librarian na napadaan.

“Huwag kang mag-alala, hindi ako tumitingin sa iba. Ikaw lang ang mahal ko, Mika.”

Nang biglang may nahulog na makapal na libro mula sa bookshelf sa kanilang likuran. Muntik ng tumama ito sa ulo ni Andrei. Kung sumakto sa ulo nito, tiyak ang bukol.

“Buti pa ‘tong libro, falling for me. Ikaw Mika, kailan ka ma-fa-fall?” birong sabi nito sa kanya.

Kilig na kilig si Gemma. Natatawa siya sa reaksyon ng kaibigan na parang hihimatayin. May nalaglag ulit na libro.

Lumapit siya sa bookshelf at baka may mahulog pa. Baka mali ang pagkakaayos ng mga libro.

Tila siya naengkanto ng makita si Liam na nakatayo sa harap ng bookshelf. Lumapit ito at bumulong. “Lunch date? Sabay kayong kakain?”

“Bakit andito ka pa? Sinadya mo bang ihulog ang mga libro?”

“Huwag kang mambintang, wala kang ebidensya.”

Tinignan niya ito ng matalim. “Ano ‘yun kusang nahulog ang mga libro dahil sa gravity?”

“Sagutin mo ang tanong ko, bakit ka makikipag-date sa kumag na ‘yon?”

Hinila niya sa malayo si Liam. Mahinang mahina ang kanyang boses. “Madalas kaming sabay kumain kaya hindi ‘yon date. Magkaibigan kami.”

“Ah kaya pala tuwang tuwa ka sa mga banat niya. Lulumpuhin ko ‘yan kapag sumama kang kumain ng lunch. Hindi mo ‘yan makikita ng isang buwan.”

“Heh! Huwag mong sasaktan ang mga inosenteng tao.”

“Sabay kayong kakain o dudurugin ko ang buto sa paa niya?”

Pinanlakihan niya ito ng mata. “Oo na, uuwi ako ng maaga. Umuwi ka na din.”

“Huwag mo akong sasaktan. Huwag mo ng dagdagan ang mga taong nakasakit sa akin. Hindi mo gugustuhing makita akong magalit.”

Emotionally wounded din ang binata bukod sa mga peklat sa likod at tagiliran nito. It will not be easy to love him. She didn’t want a man who needed to be fixed. Tiyak na sasakit ang ulo at damdamin niya. Kailangang tapusin na niya ang relasyong ayaw naman talaga niyang simulan.

“Liam, hindi pwedeng maging tayo.”

May nabasa siyang kakaibang emosyon sa mga mata ng lalaki. Para itong batang nangangailangan ng pagmamahal at pang-unawa.

“Huwag mong sabihin ‘yan. Dahil ba sa Andrei na ’yon? Kaya kong burahin sa mundo ang kung sino mang makakasagabal sa relasyon natin.” Hinawakan nito ang kanyang braso.

“Bayolente na naman ang nasa isip mo. Sa tingin ko ay hindi tayo magkakasundo sa madaming bagay. Magkaiba tayo.”

“Dahil may pinag-aralan ka at ako ay wala? Dahil ex-convict ako at ikaw ay isang doctor? Nakakahiya ako, tama ba? Hindi mo ako pwedeng ipagmalaki sa pamilya at mga kaibigan mo. Tama ba?” Humigpit ang kamay nito na nakahawak sa kanya.

“Bitawan mo ako, nasasaktan ako.”

“Akin ka, Mika. Walang pwedeng ibang lalaking mag-may-ari sa’yo. Huwag mo akong bigyan ng mga alibi mo. Kaya kitang bigyan ng maginhawang buhay.”

“Saan galing? Sa nakaw? Sa masama? Liam, mag-isip ka munang mabuti. Oh, sige gusto kita pero hindi sapat na gusto lang natin ang isa’t-isa. Paano ang mga tao sa piligid natin?”

“Hindi pa ako nagiging masaya sa buhay ko. Ikaw lang ang nakakapagpasaya sa akin at hindi ako papayag na mawala ka.”

“Paano kung hindi na saya ang ibibigay ko sa’yo? Liam, mag-isip ka. Huwag mong guluhin ang buhay ko. I want peace and security na sa tingin ko ay hindi mo kayang ibigay.”

Nagdilim ang anyo ng binata. Ngunit mas pipiliin niyang maging tapat dito.

“Mika, kanina ka pa namin hinahanap,” nadinig niya ang tawag ni Gemma.

Sabay silang napatingin sa kaibigan na nanlaki ang mga mata ng makitang nakahawak sa braso niya si Liam.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status