Share

Kabanata 5 Craving for More

Nakahanda na siyang magpaliwanag at humingi ng tawad sa mga magulang. Tatanggapin niya kung ano mang parusa ang ibibigay ng mga ito sa malaking kasalanang nagawa niya na habangbuhay niyang pagsisihan na nagpadala siya sa tawag ng laman.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ama. Napapikit siya.

“Anak, masama ba ang pakiramdam mo?”

Binuksan niya ang kanyang mga mata. Lumingon siya sa kanyang tabi. Tila kidlat sa bilis na nawala si Liam. Isa nga itong magaling na kriminal. Nakatakas agad. Nakahinga siya ng maluwag.

“Opo, medyo pagod lang po.” Umiwas siya ng tingin sa ama.

“Ganoon ba, sige hindi na kita abalahain. May uwi akong paborito mong kakanin. Gusto mo bang dalahin ko dito?”

“Wow, bukas na lang po daddy. Inaantok na po ako. Salamat po.”

“O sige anak. Matulog ka na. Goodnight.”

Lumabas na ang kanyang ama. Pakiramdam niya ay napakasama niyang anak. Walang idudulot na mabuti ang pakikipagkita niya kay Liam.

Dalawang linggo na ang lumipas ay hindi pa din itong muling nagpapakita. Nagpapasalamat ang utak niya na hindi na ito nanggugulo ngunit naghahanap naman ang puso niya. Magmula ng makilala ang binata ay hindi na bumakik sa normal ang kanyang buhay.

She distracted. Naglalaro sa isip niya ang gwapong mukha at matipunong pangangatawan nito. Ang amoy nito at boses. At lalo ang daliri nitong naglaro sa kanyang kaselanan. Namula siyang bigla at nabitawan ang librong hawak. Kasalukuyan siyang nasa isang sulok ng kanilang library sa unibersidad na pinapasukan. By just thinking about it ay nabubuhay ang libog sa kanyang katawan.

Ibinaba niya ang ulo sa mesa. Hindi siya makapag-focus sa pag-aaral. May lalaking naupo sa kanyang tabi. Hindi niya ito pinansin. Lumayo siya ng bahagya dahil nakadikit na ang siko nito sa kanyang braso. Pervert.

Nahulog ang kanyang ballpen. Yumuko siya upang pulutin ito sa sahig. Yumuko din ang katabing lalaki at hinuli ang kanyang kamay. Agad niyang binawi ang kamay at akmang sasampalin ito. Nanlaki ang kanyang mga mata. Si Liam! Nakangiti ito ng ubod tamis sa kanya. Naka-uniform ito ng kagaya ng suot niya na bagay dito. At may ID pa. Sobrang gwapo talaga. Na-starstruck siya.

Kumabog ang kanyang dibdib. “Bakit ka nandito? Bakit ka naka-uniform?”

“Walang imposible basta may pera. Binili ko sa studyante. May bag pa ngang kasama.” Ipinakita nito ang bag na may lamang pang ilang notebook.

She’s speechless. “Anong kailangan mo? Hindi ba sabi ko ayaw na kitang makita?” aniya upang itago ang excitement.

“Iba naman ang sinasabi mo sa laman ng puso mo. Mukhang na-miss mo ako.”

“Bakit kita mami-miss? Tsaka anong klaseng lalaki ka? Magpapakita ka lang kung kailan mo gusto?”

“Uy nagtatampo.” Muli itong ngumiti. Wala na, nalaglag ng talaga ang lahat ng depensa kasama ang panty niya.

“Busy lang kaya hindi agad ako nakadalaw sa’yo,” dugtong nito.

“Anong pinagkakabalahan mo? Babae? O baka may asawa ka na?” Bigla siyang napaisip sa mga uri ng gawaing pinagkakabalahan nito. Mga krimen ba? Pagnanakaw? Kidnapping? Illegal drugs? Pagpatay? Ayaw niya ng ganoong klaseng buhay.

“Ay grabe ka mag-isip. Single ako at in love sa’yo.”

Umikot ang mga mata niya. “Anong kailangan mo? May klase pa ako.” Tumayo siya upang isauli ang aklat sa bookshelf.

Nakasunod pala ang binata. Pagharap niya ay nakorner na siya nito.

“May hindi ako nagawa ‘nung huli tayong nagkita.”

Nagsalubong ang kilay niya. ”Ano?”

Lumapit ang binata at bumulong. “Kiss.”

“Kiss? Hoy! Manligaw ka muna.”

“Tayo na, hindi ba? Engage na nga tayo.”

“Edi, walang kiss.” Nguso niya sa kaharap.

“Mika, hindi ako marunong manligaw. Babae ang lumalapit sa akin. Pangako ko naman sa’yo na mamahalin kita habangbuhay.”

“Ayoko. Alam mo, ang gulo na ng utak ko ng dumating ka.”

“Pero masaya naman ang puso mo, hindi ba? Tsaka ito.” Nagtayuan ang buhok niya sa buong katawan ng hawakan nito ang tambok ng pagkababae niya.

“Bastos!” Bulong niya sa natatawang lalaki. Pilyo talaga ito.

“Ilang araw na akong hindi pinapatulog ng halik na ‘yan. Iniisip ko lagi bago matulog. Nagsisisi ako na hindi ko pa hinalikan ang lips mo noong gabing umuulan.”

“Maliwanag na lust ang nararamdaman mo at hindi love.”

“Sa totoo lang ngayon lang ako naghabol sa babae. Ilang beses kong sinubukang magparaos sa iba kaso ikaw ang hinahanap ko.”

“Pustahan tayo kapag nakuha mo ng ang gusto mo sa akin, iiwan mo na ako.”

“Sige, pustahan tayo. Ibibigay mo ba sa akin? Kailan?”

“Heh! Ewan ko sa’yo, ang hirap mo kausap.”

“Hindi lang ang katawan mo ang gusto ko. Ikaw. Ang buong ikaw.” Inilapit nito ang bibig sa kanyang tenga.

Tinignan niya ang paligid. Baka may makakita sa kanila ay matsismis siya sa buong campus at masira ang reputasyon niya at pangalan ng pamilya niya.

“Isang halik sa labi lang. Pagkatapos, aalis na ako.” Anito na halos nakadikit na ang labi sa kanyang mga labi.”

Marahan niya itong tinulak. “Baliw ka ba? Nasa library tayo. May tamang lugar para sa ganyan. Baka may makakita sa atin.”

“Nakikita mo ang apat na coner ng dalawang estante sa pagitan natin?”

Tumango siya. “Napapansin mo ang apat na empleyado na nakatayo sa apat na sulok?” Nakita nga niya at pawang nakatalikod ang mga ito. “Lookout ang mga ‘yan. Sisiguraduhin nilang walang mang-aabala sa atin ngayon.”

“May CCTV sa bawat sulok ng library.”

“Madaling burahin ‘yon. Akong bahala. Hindi ako papayag na mapahamak ka.”

Napaawang ang kanyang bibig. Isinandal siya nito sa bookshelf. Wala kahit hangin ang makakadaan sa kanilang pagitan.

“Hindi ako marunong humalik.”

“Tuturuan kita. Gagayahin mo lang ang gagawin ko.”

Dumikit ang labi nito sa kanyang mag labi. Dampi at maliliit na halik sa umpisa. Maya-maya pa ay lumalalim ang halik nito. Ginaya niya ang galaw ng labi ng lalaki. Napahawak siya sa unipormeng suot nito. Nanlalambot ang kanyang tuhod at tila siya bubuwal at kailangan niya ng makakapitan.

Inilagay ng lalaki ang kamay niya sa leeg nito. Mas lumalim ang halik. Nagiging mapaghanap ito.

“Teka, hindi ako makahinga.”

“Pwede kang huminga kapag naghihiwalay ng bahagya ang mga labi natin o kahit pa magkadikit. N*********n ako lalo kapag naamoy ang mabangong hininga mo.”

Tila lalo siyang ginanahan ng madinig ang sinabi nito. She pulled him closer at kiss him passionately.

May mamumuong pagnanasa sa kanyang puson na lalong tumindi ng maramdaman ang mainit na dila nito sa loob ng kanyang bibig. Hindi niya napapanood ito sa mga drama. Lips to lips lang. Bakit may dila?

Napasabunot siya sa buhok nito ng marahan nitong kagatin ang ibaba at itaas niyang labi. Muli nitong ipinasok ang dila sa loob ng kanyang bibig. Ginaya niya ito. Nag-eespadahan na ang kanilang mga dila. She can’t take it anymore. Para siyang maiihi sa sarap. Kinarga siya ng binata ng nakaharap. Ikinapit niya ang dalawang hita sa beywang nito. Ramdam na ramdan niya ang matigas na bahagi ng katawan nitong nakatututok sa kanyang pagkababae. She’s craving for more. She was ready to give herself to a man she barely knew.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status