Compartilhar

2: The VIP Customer

Autor: Yvhessirae
last update Data de publicação: 2026-09-18 13:07:07

“Ilang beses ko bang sasabihin sayo Yasmin na the customer is always right?” sigaw sa akin ni Ma’am Layla dito sa loob ng staff room.

May isang matandang customer na naman kasi ang niyaya akong uminom pero tumanggi ako. Alam kong hihipuan lang ako nun.

“Kahit katawan ko na ang habol? Waitress ako sa bar na ’to, Ma'am, hindi bayarang babae.”

Sa kabila ng galit ko ay pinilit kong huwag tumaas ang boses ko. Boss ko pa rin siya at baka patanggalin niya ako. Ang hirap pa naman maghanap ng trabaho ngayon, kahit dishwasher, kailangan college graduate.

“Hindi ko na kasalanan kung bakit sobrang ganda mo at bet na bet ka ng mga customer! Pabor nga dapat sayo yan dahil mas malaki ang perang maiiuwi mo. Nangangailangan ka ng pera, ’di ba?”

Oo, malaki ang problema ko sa pera, pero gusto ko na ang perang ibubuhay ko sa anak ko ay galing sa marangal na paraan. Mahirap man ako, pero hindi ko ibebenta ang dignidad.

“Naku, umayos ka! Isa pang reklamo mula sa customer, tatanggalin na kita!”

Nanlumo ako sa banta niya. Mabilis ko siyang hinawakan sa kamay para magmakaawa. “Ma'am Layla, pakiusap po... huwag niyo naman po akong tatanggalin. Kailangan ko po ang trabahong ito.”

Itinulak niya ako. Malaki siyang babae kaya sa lakas ng impact ay tumama ang katawan ko sa pader. Padabog siyang lumabas ng staff room at iniwan akong umiiyak. Mabilis namang lumabas sa dressing room si Tessa at niyakap ako.

“Hindi ko kaya ibenta ang katawan ko, Tess.”

“Pero wala kang magagawa, Yasmin. Ganun din naman ako, pero nagtagal ay nasanay din.”

Hinarap ko siya at dismiyado ang mga mata sa kanya. Bago pa ako muling makapagsalita, nag-ring ang cellphone ko. Kinabahan ako nang malaman na teacher ng anak ko ang tumatawag.

Mabilis ko itong sinagot.

(“Ms. Mendez, si Yana po—”)

“Anong nangyari?” histerikal kong tanong.

(“Inatake po siya ng asthma at nandito kami ngayon sa hospital.”)

Wala akong sinayang na oras. Humingi ako ng pabor kay Tessa na ipagpaalam ako kay Ma’am Layla habang mabilis akong nagbibihis. Pagdating ko sa hospital, hindi ko na napigilan ang sarili, mabilis kong sinampal ang teacher ni Yana.

Napahawak ito sa pisnging sinampal ko, gulat na gulat.

“Sinabi ko naman sa inyong may hika siya, ’di ba? Bakit niyo siya hinayaang maglaro?!”

Yumuko ito. “Pasensya na, Ms. Mendez...naawa lang kasi ako sa bata dahil naglalaro ang lahat ng mga kaklase niya. Pinaalalahanan ko naman po siyang huwag tumakbo...”

“Simpleng pabor lang ho ang hinihingi ko sa inyo!”

“Pasensya na talaga, Ms. Mendez.”

Stress kong ginulo ang buhok at nang bumalik ang tingin sa kanya, nakita ko ang pamumula ng pisngi nito. Kumalma ako at nilamon ng konsensya.

“Pasensya na po sa nagawa ko... natatakot lang kasi ako na mawala siya.”

Muntik ko ng mawala noon si Yana, at sa tuwing inaatake siya ng hika ay bumabalik sa akin ang nakaraan. Takot na takot ako, ikakabaliw ko kapag nawala siya. Siya na lang ang lakas ko kung bakit nagpapatuloy ako sa buhay.

“Naiintidihan ko kayo Ms. Mendez.” Niyakap ako nito at iniyak ko sa kanya ang takot ko. Maya-maya ay nagpaalam din itong babalik na sa eskwelahan.

Nanatili ako sa tabi ng anak ko hanggang sa magising si Yana. Napangiti siya na agad kong sinuklaan at agad na pinagmalaki ang 3 stars niya sa braso gamit ang nanghihinang boses.

Pigil ko ang maiyak. “Wow... ang galing naman ng anak ko.” Hinalikan ko siya sa noo.

“Mana sayo, Mommy.” Bigla siyang ngumuso. “Solly po, naglalo ako.”

Umiling ako at hinaplos ang buhok niya. “Okay lang, baby. Naiintindihan ni mommy.”

“Gagastos naman po kayo...”

“Huwag mong alalahanin ’yun. Gagawin lahat ni Mommy para sa 'yo.”

Bumangon siya kaya mabilis ko siyang inalalayan. Akala ko kung ano ang gagawin niya, pero nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.

Tahimik akong umiyak. Ang init ng yakap niya. Sa maliliit niyang kamay, pakiramdam ko ay protektado ako.

“Malaming thank you, my. Supel happy ko kayo naging mommy ko.”

Pumantay ako sa kanya at pinanggigilan ang kanyang matabang pisngi. “Me too, baby. Wala akong pinagsisisihan. You have to be strong to stay with me forever, okay?”

We made a pinky swear. “Plomise, Mommy.”

Nakausap ko ang doctor nito at sabi nito maayos naman na ang lagay ni Yana. Tinawagan ko si Lola Nena para bantayan ito. Kapitbahay namin ito at madalas na pinag-iiwanan ko kay Yana. Kailangan ko kasing bumalik sa trabaho at para makapag-advance kay Maam Layla ng pambayad ng hospital kahit hindi ko alam kung paano. Masama pa naman ang timpla ng mood niya sa akin.

“Advance? Ang kapal ng mukha mong humingi ng advance!” Nakahalukipkip siya at halos sumakit ang tenga ko sa matinis niyang sigaw. “Aarte-arte ka pero kailangan mo naman pala ng pera. Mag-overtime ka ngayon at siguraduhin mo lang na walang customer ang magrereklamo sayo!” nanggigil niyang utos.

“O-opo...”

“Magbihis ka na!”

Galit siyang lumabas ng staff room. Nagbihis naman ako agad at pilit ibinaba ang masyadong maikling pencil skirt na suot ko.

Pagod na pagod na ako. Alas-otso na ng gabi at mamayang alas-onses pa ang out ko. Tinawagan ko si Lola Nena kanina, natutulog na daw si Yana pagkatapos maghapunan.

Pikit-mata na lang ako sa pasimpleng paghaplos sa akin ng ilang mga customer. Kapag inaaya nila akong uminom, nagkukunwari na lang akong bingi at gumagawa ng rason para makalayo. Maliligo na lang ako mamaya pag-uwi. Naninindig ang balahibo ko sa kanila—ang tatanda na at pamilyado pero nagnanasa pa sa iba. Kung tumulong na lang sana sila sa gawaing-bahay para nabawasan ang trabaho ng mga asawa nila.

“Yasmin, isang case daw ng beer sa VIP, Table 3,” tawag sa akin ni Tessa.

Tinanguan ko siya. Kumuha ako ng beer sa counter at tinungo ang ikatlong palapag ng bar. Diretso ang lakad ko patungo sa VIP Table 3, hindi pinapansin ang ibang lalaking tumatawag sa akin.

Ngunit bago pa ako makalapit sa mesa, namukhaan ko ang isa sa kanila. Sa couch na mismong kaharap ko, isang lalake ang nakaupo roon at may babaeng nakakandong sa kanya. May binubulong siya na ikinakatawa ng babae, habang ang kamay ay nasa hita nito at humahaplos.

Hindi niya naman ako nakita, pwede pa akong tumalikod at tumakas pero sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang case ng beer. Gumawa nang malakas na pagkabasag ang pagkatapon nito sa sahig. Tumilamsik din sa akin ang malamig na alak.

Dahil doon, nakuha ko ang atensyon ng lahat sa VIP area...kabilang siya.

Nang tumingin siya sa akin , bumadha ang matinding gulat sa kanya at tinulak ang babae. Tumiim bagang siya at tumayo.

Kusang umatras ako nang maglakad siya papalapit.

“Wife...”

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • The Ex-Wife's Wicked Retribution   5: Ruin Sebastian

    Umatras si Yana nang makita ang tindig ni Sebastian sa pint*. Tatakbo sana sa akin ang bata pero mabilis siyang hinarang ng lalake at agad na binuhat.Nagwala ito at mas lalong umiyak. “Bitaw! Mommy! Mommy!”“Bitawan mo siya, Sebastian!” sigaw ko habang pilit nagpupumiglas sa mga guard.Malamig lang siyang nakatingin sa akin habang mahigpit na hawak si Yana.“Binalaan na kitang ayoko ng nagsisinungaling. Ang akin ay akin, Yasmin.” “Alam mong buntis ako nung nakipaghiwalay ka sa akin!” Bawa't salita ko ay may kasamang luhang umaagos. “Bakit ngayon... bakit ngayon gusto mo pa ring kunin ang anak ko?”Lumabas ang isang madiin at walang emosyong ngisi sa labi niya. “I need her to get my inheritance."Umawang ang labi ko. Akala ko kaya niya kukunin ang bata dahil mahalaga sa kanya ang dugo't pawis niya, pero gagamitin lang pala niya si Yana. Katulad ng kung paano niya ako ginamit at itinapon noon.Wala akong nagawa kundi ang umiyak nang lumabas si Sebastian kasama ang anak ko. Narinig ko

  • The Ex-Wife's Wicked Retribution   4: Betrayal

    “Mommy! Jollibee!”Pagpupumilit ni Yana habang mabilis kong isinisiksik ang mga damit niya sa maleta. Matapos kong makita si Sebastian, hindi na kami tumuloy pang kumain dahil nagmamadali na akong umuwi. Sumusunod siya sa bawat galaw ko. Hindi ko siya binibigyan ng pansin at nakatuon lang sa pag-immpake. Biglang yumakap ang bata sa binti ko bago humagulgol nang husto, tsaka humiga sa semento at nagwala.Umayos ako ng tayo at sumabog sa inis. “Sinabing bukas na!”Natigilan siya. “Hindi ka ba marunong umintindi? Nagmamadali nga tayo!”Huminto ang pagpedal ng maliliit niyang paa. Humihikbi siyang bumangon at patakbong lumabas ng kwarto. Inayos ko ang zipper ng maleta. Halos lahat ng gamit ni Yana ang inimpake ko. Ilang pares lang ng damit at importanteng dokumento ang dinala ko para sa sarili ko.Isang maleta at dalawang bag ang bitbit ko nang lumabas kami ng bahay. Tahimik ang anak ko sa loob ng traysikel, nakatitig lang sa daan para magtampo. Bumuntong hininga ako at inutusan ang d

  • The Ex-Wife's Wicked Retribution   3: Warning

    “Wife...” Mabilis na nanlabo ang mga mata ko. Bumalik ang lahat ng masasayang alaala ko sa kanya, nag-echo ang pagtawag niya sa akin ng ‘wife’ kahit hindi pa man kami noon kasal, at ang matinding sakit na iniwan niya. All those years, pinangako kong hindi ako iiyak sa harap niya kapag nagkita kami ulit, pero hindi ko mapigilan ang sarili. Sobrang sakit. Atras ako nang atras habang patuloy siyang naglalakad papalapit. Sa huling atras ko, naramdaman kong wala na akong tatapakan. Nasa dulo na pala ako ng hagdanan. Nanlaki ang mga mata ko at inaasahang magpapagulong-gulong ako pero mabilis niya akong inabot sabay hila papalapit sa kanya. Niyakap niya ako. “Got you. It’s been a long time, wife,” bulong niya. Wife? Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong asawa kahit siya naman itong nakipaghiwalay! Tinulak ko siya at malakas na sinampal. Suminghap ang lahat. Tumakbo naman ako nang hindi lumilingon. Pumasok ako sa banyo ng staff room at agad na naghilamos. Gusto kong sumigaw at

  • The Ex-Wife's Wicked Retribution   2: The VIP Customer

    “Ilang beses ko bang sasabihin sayo Yasmin na the customer is always right?” sigaw sa akin ni Ma’am Layla dito sa loob ng staff room. May isang matandang customer na naman kasi ang niyaya akong uminom pero tumanggi ako. Alam kong hihipuan lang ako nun. “Kahit katawan ko na ang habol? Waitress ako sa bar na ’to, Ma'am, hindi bayarang babae.” Sa kabila ng galit ko ay pinilit kong huwag tumaas ang boses ko. Boss ko pa rin siya at baka patanggalin niya ako. Ang hirap pa naman maghanap ng trabaho ngayon, kahit dishwasher, kailangan college graduate. “Hindi ko na kasalanan kung bakit sobrang ganda mo at bet na bet ka ng mga customer! Pabor nga dapat sayo yan dahil mas malaki ang perang maiiuwi mo. Nangangailangan ka ng pera, ’di ba?” Oo, malaki ang problema ko sa pera, pero gusto ko na ang perang ibubuhay ko sa anak ko ay galing sa marangal na paraan. Mahirap man ako, pero hindi ko ibebenta ang dignidad. “Naku, umayos ka! Isa pang reklamo mula sa customer, tatanggalin na kita!” Nan

  • The Ex-Wife's Wicked Retribution   1: Ang Simula

    “One more round, wife. Please.” Ang boses niyang paos ay nagsusumamo. Hinila niya ako sa balakang papalit sa kanya nang sinubukan kong lumayo at patuloy siyang umuulos sa likuran ko. “Last round na,” hingal ko. Hindi ko na talaga kaya pero ang hirap niyang tanggihan. “Malalaman natin.”“Sebastian,” ungol at sita ko. Tumawa lang siya sa tenga ko at hinalikan ang aking likod. Nakatuwad ako, ang mukha ay nakabaon sa unan at pinaghahampas ang kutson sa panggigigil. Ang bawat baon niya ay malakas, mabilis, at napakalalim. Ramdam ko ang pag-untog ng kanyang titi sa pinakamalalim na bahagi ng aking cervix. Ibang-iba siya ngayon. Marahas siya, ang bawat ulos ay demanding at needy. Akala mo naman huli na ‘to. “Fuck, wife. Ang sikip mo aahh!” Sarap na sarap siyang kumakadyot. Ilang saglit lang, muli akong nilabasan. Ika-anim ko na ‘tong orgasamo ngayong tanghali. Ang katawan ko ay nangangatog, ang mga kalamnan ay hindi ko makontrol sa sobrang pagod at sarap. Pinatihaya niya ako, at mab

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status