Share

5: Ruin Sebastian

Author: Yvhessirae
last update publish date: 2026-09-18 18:45:38

Umatras si Yana nang makita ang tindig ni Sebastian sa pint*. Tatakbo sana sa akin ang bata pero mabilis siyang hinarang ng lalake at agad na binuhat.

Nagwala ito at mas lalong umiyak. “Bitaw! Mommy! Mommy!”

“Bitawan mo siya, Sebastian!” sigaw ko habang pilit nagpupumiglas sa mga guard.

Malamig lang siyang nakatingin sa akin habang mahigpit na hawak si Yana.

“Binalaan na kitang ayoko ng nagsisinungaling. Ang akin ay akin, Yasmin.”

“Alam mong buntis ako nung nakipaghiwalay ka sa akin!” Bawa't salita ko ay may kasamang luhang umaagos. “Bakit ngayon... bakit ngayon gusto mo pa ring kunin ang anak ko?”

Lumabas ang isang madiin at walang emosyong ngisi sa labi niya. “I need her to get my inheritance."

Umawang ang labi ko. Akala ko kaya niya kukunin ang bata dahil mahalaga sa kanya ang dugo't pawis niya, pero gagamitin lang pala niya si Yana. Katulad ng kung paano niya ako ginamit at itinapon noon.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak nang lumabas si Sebastian kasama ang anak ko. Narinig ko ang pag-andar ng makina ng sasakyan nito at ang pag-alis. Doon lang ako binitawan ng dalawang guard.

Bumagsak ang tuhod ko sa semento. Iyak ako ng iyak at sumisigaw, hanggang sa dumating si Tessa.

“Yasmin!”

Hinihingal ito at nakasuot pa ng uniform namin sa bar. Nilusob ko siya at malakas na sinampal.

“Walanghiya ka! Traydor! Sabi mo kaibigan kita! Pinagkatiwalaan kita, Tessa!”

Bumagsak si Tessa sa harap ko, umiiyak habang nakaluhod. “Sorry, Yasmin! Sorry!”

“Ibalik mo ang anak ko!” Niyugyog ko siya sa balikat.

“Sorry…wala akong choice. Binantaan ako ni Sebastian... alam niya ang sikreto ko! Ibibigay niya ako sa kanya kapag hindi ako nagsalita.”

Nanginginig siya sa takot. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad, habang ako ay nakatitig lang sa kanya at umiiyak.

Niyakap ko siya at pinatawad. Naiintindihan ko siya. Ginipit lang din si Tessa ng h*******k na lalakeng 'yon.

Pinunasan ni Tessa ang kanyang mga luha. Biglang nagbago ang ekspresyon, para bang may naisip siyang ideya.

“Alam ko na. May CCTV ang bahay ko.” Sabay turo niya sa cctv sa itaas ng aparador. Sa posisyon nito, makukuha nito ang bawat anggulo ng bahay.

“May cctv ka?”

“Para malaman kung sino man ang magnakaw sa bahay ko. Pwede natin siyang siraan sa public, Yasmin.” Puno ng determinasyon ang mga mata niya. “Siya at ang mga Salvatore! Gagamitin natin ang simpatya ng publiko para makuha mo ulit si Yana!”

Napayakap ako nang mahigpit sa kaibigan ko. Sa gitna ng dilim, bigla akong nagkaroon ng pag-asa.

Mahirap kalabanin si Sebastian, mula siya sa isa sa pinakamayan na pamilya sa Pilipinas—ang mga Salvatore. Kung lulusob man ako sa bahay niya, hindi naman ako nito pagbubuksan. Hindi ko mababawi ang anak kung ako lang, kaya tama si Tessa. Malaki ang maitutulong sa akin ng mga tao.

Pinanood muna namin ang buong clip bago ito in-upload sa social media. Sa tulong ng mga kapitbahay na nag-share nang paulit-ulit, mabilis na kumalat ang video. Kinabukasan, paggising ko, umabot na ito ng million views.

Napangiti ako habang binabasa ang mga comments. Sirang-sira siya ngayon sa lahat.

(Napakagago naman nitong si Sebastian Salvatore! May pondo’t kapangyarihan lang, mang-aagaw na ng bata? Kitang-kita naman sa video na ayaw sa kanya ng bata.)

(Ibalik mo ang bata sa ina niya Sebastian!)

(Hayop ka, Sebastian! Sana mabawi ni Yasmin ang anak niya. #JusticeForYasmin #BringBackYana)

(Ganyan ba talaga ang mga bilyonaryo? Akala mo kung sinong santo kung umasta sa balita pero masahol pa sa salot sa totoong buhay! Ibalik mo ang bata! )

Napaiyak ako. May laban ako. Mababawi ko pa ang anak ko.

Dahil malaking pangalan ang mga Salvatore, may pumunta ring reporter mula sa sikat na news station para interviewhin ako.

“Kahit alam niyang buntis ako noon, nakipaghiwalay pa rin siya at inutusan akong ipalaglag ang bata. Humihikbi ako habang nasa harap ng camera. Ang sabi sa akin ni Tessa dapat ipakita ko sa publiko kung gaano ako kaawaawa para pagsimpatyahan. “Tapos ngayon, kukunin niya sa akin nang sapilitan ang anak ko... ang gusto ko lang ay mabawi si Yana. Bata pa siya, kailangan pa niya ako...”

Pagkatapos ng interview, hinawakan ng reporter ang kamay ko at nangakong tutulungan akong makukuha ko ulit ang anak ko.

……….

Nakatulala ako sa gilid ng kama, mahigpit na yakap ang damit ng anak ko. Isang araw pa lang siya nahiwalay sa akin pero halos mabaliw na ako. Natatakot ako na baka hindi siya tumitigil sa pag-iyak at inatake na ng hika.

“Yasmin, labas ka muna,” tawag sa akin ni Tessa.

Pinunasan ko ang luha at lumabas ng kwarto. Nanonood siya ng TV at mukha ko ang nakapaskil sa screen at ako ang laman ng balita. Pinapakita ng reporter na mismong ininterview ako kanina ang mga litrato ko habang nagtratrabaho ako sa bar.

At sa ibaba, may malaking headline: "EX-WIFE NG BILYONARYO, NANGALIWA AT INILIHIM ANG ANAK?"

Pinalabas sa balita ang pahayag ni Sebastian. Direktang itinanggi ng kampo niya na inutusan niya akong magpalaglag noon. Ayon sa kanya, ako ang nagtaksil sa relasyon namin kaya kami naghiwalay, at inilihim ko raw ang pagbubuntis. Pinakita rin ang video interview sa kanya.

“All I want for my daughter is a good life... she has asthma. Kapag nasa akin siya, mapapagamot ko siya nang maayos. Hindi ako papayag na ang ibubuhay ng dati kong asawa sa anak ko ay mula sa maruming pera.”

Nanginig ang buo kong katawan ko. Nanlamig ang mga kamay ko sa tindi ng galit.

Lies…he’s lying! Ang kapal ng mukha niya!

Ipinakita rin sa akin ni Tessa ang mga comments sa video na in-upload namin. Baligtad na ang ikot ng mundo ngayon. Ako na ngayon ang isinusumpa ng lahat.

(Aba'y grabe, nagtaksil na nga, inilihim pa ang anak tapos ngayon magmamalinis sa camera? Deserve mo 'yan!)

(Tama lang na kunin ni Sebastian ang anak niya. May hika pala 'yung bata, tapos hahayaan mong lumaki sabar? Napakawalang kwentang ina!)

(Ang lakas naman magpa-victim ng Yasmin na yan.)

(Go Mr. Salvatore, ipaglaban mo ang anak mo!)

Nabitawan ko ang cellphone nang manlumo. Ang pag-asang mayroon ako ay gumuho sa isang kisap-mata. Bakit ganito? Ako ang biktima!

May kung sino ang kumatok sa p***o na agad pinagbuksan ni Tessa. Inabot niya sa akin ang puting sobre na binigay sa kanya ng estranghero.

Nagtataka kong binuksan iyon at ganun na lang ang pagsinghap sa gulat. Kinasuhan ako ni Sebastian ng libel at suspension of parental authority.

“Ang kapal! Ang kapal talaga ng mukha niya, Tessa!” Nagwawala kong pinunit ito at nanggagalaiting sumigaw.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ex-Wife's Wicked Retribution   5: Ruin Sebastian

    Umatras si Yana nang makita ang tindig ni Sebastian sa pint*. Tatakbo sana sa akin ang bata pero mabilis siyang hinarang ng lalake at agad na binuhat.Nagwala ito at mas lalong umiyak. “Bitaw! Mommy! Mommy!”“Bitawan mo siya, Sebastian!” sigaw ko habang pilit nagpupumiglas sa mga guard.Malamig lang siyang nakatingin sa akin habang mahigpit na hawak si Yana.“Binalaan na kitang ayoko ng nagsisinungaling. Ang akin ay akin, Yasmin.” “Alam mong buntis ako nung nakipaghiwalay ka sa akin!” Bawa't salita ko ay may kasamang luhang umaagos. “Bakit ngayon... bakit ngayon gusto mo pa ring kunin ang anak ko?”Lumabas ang isang madiin at walang emosyong ngisi sa labi niya. “I need her to get my inheritance."Umawang ang labi ko. Akala ko kaya niya kukunin ang bata dahil mahalaga sa kanya ang dugo't pawis niya, pero gagamitin lang pala niya si Yana. Katulad ng kung paano niya ako ginamit at itinapon noon.Wala akong nagawa kundi ang umiyak nang lumabas si Sebastian kasama ang anak ko. Narinig ko

  • The Ex-Wife's Wicked Retribution   4: Betrayal

    “Mommy! Jollibee!”Pagpupumilit ni Yana habang mabilis kong isinisiksik ang mga damit niya sa maleta. Matapos kong makita si Sebastian, hindi na kami tumuloy pang kumain dahil nagmamadali na akong umuwi. Sumusunod siya sa bawat galaw ko. Hindi ko siya binibigyan ng pansin at nakatuon lang sa pag-immpake. Biglang yumakap ang bata sa binti ko bago humagulgol nang husto, tsaka humiga sa semento at nagwala.Umayos ako ng tayo at sumabog sa inis. “Sinabing bukas na!”Natigilan siya. “Hindi ka ba marunong umintindi? Nagmamadali nga tayo!”Huminto ang pagpedal ng maliliit niyang paa. Humihikbi siyang bumangon at patakbong lumabas ng kwarto. Inayos ko ang zipper ng maleta. Halos lahat ng gamit ni Yana ang inimpake ko. Ilang pares lang ng damit at importanteng dokumento ang dinala ko para sa sarili ko.Isang maleta at dalawang bag ang bitbit ko nang lumabas kami ng bahay. Tahimik ang anak ko sa loob ng traysikel, nakatitig lang sa daan para magtampo. Bumuntong hininga ako at inutusan ang d

  • The Ex-Wife's Wicked Retribution   3: Warning

    “Wife...” Mabilis na nanlabo ang mga mata ko. Bumalik ang lahat ng masasayang alaala ko sa kanya, nag-echo ang pagtawag niya sa akin ng ‘wife’ kahit hindi pa man kami noon kasal, at ang matinding sakit na iniwan niya. All those years, pinangako kong hindi ako iiyak sa harap niya kapag nagkita kami ulit, pero hindi ko mapigilan ang sarili. Sobrang sakit. Atras ako nang atras habang patuloy siyang naglalakad papalapit. Sa huling atras ko, naramdaman kong wala na akong tatapakan. Nasa dulo na pala ako ng hagdanan. Nanlaki ang mga mata ko at inaasahang magpapagulong-gulong ako pero mabilis niya akong inabot sabay hila papalapit sa kanya. Niyakap niya ako. “Got you. It’s been a long time, wife,” bulong niya. Wife? Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong asawa kahit siya naman itong nakipaghiwalay! Tinulak ko siya at malakas na sinampal. Suminghap ang lahat. Tumakbo naman ako nang hindi lumilingon. Pumasok ako sa banyo ng staff room at agad na naghilamos. Gusto kong sumigaw at

  • The Ex-Wife's Wicked Retribution   2: The VIP Customer

    “Ilang beses ko bang sasabihin sayo Yasmin na the customer is always right?” sigaw sa akin ni Ma’am Layla dito sa loob ng staff room. May isang matandang customer na naman kasi ang niyaya akong uminom pero tumanggi ako. Alam kong hihipuan lang ako nun. “Kahit katawan ko na ang habol? Waitress ako sa bar na ’to, Ma'am, hindi bayarang babae.” Sa kabila ng galit ko ay pinilit kong huwag tumaas ang boses ko. Boss ko pa rin siya at baka patanggalin niya ako. Ang hirap pa naman maghanap ng trabaho ngayon, kahit dishwasher, kailangan college graduate. “Hindi ko na kasalanan kung bakit sobrang ganda mo at bet na bet ka ng mga customer! Pabor nga dapat sayo yan dahil mas malaki ang perang maiiuwi mo. Nangangailangan ka ng pera, ’di ba?” Oo, malaki ang problema ko sa pera, pero gusto ko na ang perang ibubuhay ko sa anak ko ay galing sa marangal na paraan. Mahirap man ako, pero hindi ko ibebenta ang dignidad. “Naku, umayos ka! Isa pang reklamo mula sa customer, tatanggalin na kita!” Nan

  • The Ex-Wife's Wicked Retribution   1: Ang Simula

    “One more round, wife. Please.” Ang boses niyang paos ay nagsusumamo. Hinila niya ako sa balakang papalit sa kanya nang sinubukan kong lumayo at patuloy siyang umuulos sa likuran ko. “Last round na,” hingal ko. Hindi ko na talaga kaya pero ang hirap niyang tanggihan. “Malalaman natin.”“Sebastian,” ungol at sita ko. Tumawa lang siya sa tenga ko at hinalikan ang aking likod. Nakatuwad ako, ang mukha ay nakabaon sa unan at pinaghahampas ang kutson sa panggigigil. Ang bawat baon niya ay malakas, mabilis, at napakalalim. Ramdam ko ang pag-untog ng kanyang titi sa pinakamalalim na bahagi ng aking cervix. Ibang-iba siya ngayon. Marahas siya, ang bawat ulos ay demanding at needy. Akala mo naman huli na ‘to. “Fuck, wife. Ang sikip mo aahh!” Sarap na sarap siyang kumakadyot. Ilang saglit lang, muli akong nilabasan. Ika-anim ko na ‘tong orgasamo ngayong tanghali. Ang katawan ko ay nangangatog, ang mga kalamnan ay hindi ko makontrol sa sobrang pagod at sarap. Pinatihaya niya ako, at mab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status